Chapter 46: The President's Girl Is Back
Amaranthe's POV
PINAGBUKSAN nila ako ng pintuan sa entrance kaya rumampa ako sa harap ng mga bisita. Pinagpipiyestahan ngayon ang engrandeng entrance ko ng mga media at halos lahat ng mga camera ay nakatuon sa akin.
"Ladies and Gentlemen, let's welcome Ms. Amaranthe Del Fiorre, the daughter of DF Company," announce ng emcee sa entablado.
Pinalakpakan ako ng mga bisita at ang iba naman ay nakilala agad ako. Dahan-dahan kong nilingon ang direksyon nina Rowss at Anastacia na parehong gulat na gulat nang makita ako.
"Miss Del Fiorre, may I escort you to your table?" bungad ng naka-pormal na matandang lalaki sa akin at inihatid ako sa upuan na inihanda nila para sa akin. Tumabi na rin si Warren at pinagsilbihan kami ng mga cuisine ng mga waiter. So much special treatment.
Nasa harap kami ng entablado na kung saan naka-display ang anim na bagong disenyo ng Twistolar. At nasa gitna ay nakapangalang Amaranthe. I laughed inside 'cause the original made Amaranthe necklace is in my neck right now, the one Rowss gave me as his courting gift. I wore it earlier bago kami nagpunta ni Warren sa bakanteng lote kanina.
"Ate Ame, hindi mo sinabi sa akin na anak ka pala ng DF, but I'm not surprised though, may malaking suspetsa na rin naman ako noon pa," bulong ni Warren. Nginitian ko lang siya.
"Miss Del Fiorre, may I introduce the Young President of Twistolar Company, Mr. Rowss Blaze Sanchez," aniya ng iba na namang matandang lalaki sa harap ko. Tiningnan ko lang si Rowss na papalapit sa pwesto namin. He just looked at me speechless and nervous.
Nakita ko ring papalapit rito ang mom at dad ni Rowss. Everything is just so perfect. Uminom lang ako ng wine at nagpapanggap na hindi ko sila kilala sa ngayon. Besides, hindi rin naman nila ako nakikilala.
"Miss Del Fiorre, it such an honor to have you as our guest in this marvelous evening," bungad ng mom niya. As always, napakabait ng mom niya. Tumayo ako't nag-beso kaming dalawa.
Sinundan naman ng dad ni Rowss na nakipag-kamay sa akin. "Miss Del Fiorre, we would like to have a word with you regarding our newest products."
"I---already know everything Mr. Sanchez, don't worry. But I would like to hear Mr. Young Sanchez's additional explanation about this," sagot ko habang paunti-unting lumingon kay Rowss kasama si Anastacia na nakaupo sa harapan ko. Nag-share kami ng rectangular table at dalawang metros ang layo namin ni Rowss sa isa't-isa.
Si Rowss naman ay nauutal na sumasagot sa akin. "W---what do you want to know M--Miss Amaranthe?"
I grinned. "That's cute, we've only been talking for a couple of minutes yet you're already confident in addressing me with my first name?"
Napansin kong nakakuyom siya sa kaniyang kamay. Nagpipigil siya sa nararamdaman niya. "What do you want to know Miss Del Fiorre?" ulit niya.
"I am actually curious about the highlighted product called Amaranthe, can you elaborate the story behind it?" tugon ko.
He cleared his throat. "Amaranthe was actually made behind the story of a couple wherein the boy was deeply in love with his girl that he'd do anything just to make her happy," sagot ni Rowss. Ang galing din niyang magpanggap sa harap ng mga magulang niya.
Tumawa ako saglit kaya ang mga magulang niya at si Warren ay napalingon sa akin. Ngumiti ako. "He'd do huh? Is that what you put in your proposal? Does anyone know that the boy hurt this girl so much that it made her --realize --everything? Just because of a stupid mistake?"
"Ate Ame," pigil ni Warren sa akin.
"That's already out of the topic!" singit ni Anastacia.
Huminto muna ako sa pagsasalita at umayos ng upo, tiningnan ko si Anastacia na galit na galit dahil sa ginawa niya. She's acting as an angel in disguise where in fact she's a fucking a-hole. --Pero nginitian ko lang siya.
"Pasensya na Miss Del Fiorre, siya nga pala si Miss Anastacia Taylor, ang bunsong anak ng Crystal Group, siya ang fiancee ni Rowss," wika ng mom ni Rowss.
I smirked. "Really? Fiancee? HAHA. Okay then, I would like to ask Mr. Young Sanchez this next question."
Nakakatawa ang mga reaksyon nila. Namumula na ngayon ang mga mata ni Rowss, napakunot naman ang noo ni Anastacia sa akin, curious ang mga mukha ng parents ni Rowss, at nagpatuloy sa pagkain si Warren.
"Do you love Anastacia Taylor, I mean do you love your own fiancee Mr. Rowss Blaze Sanchez?" seryoso kong tanong ni Rowss sa harapan nila. Mas lalong kumuyom ang kamay ni Rowss dahil doon.
"Yes or No?" dugtong ko.
"Come on, you can tell me directly in my eyes, say it to me Mr. Young Sanchez, say it to my face," dagdag ko ulit.
Hindi na siya nakapagpigil at bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya tapos lumapit sa tabi ko at kinuha ang kamay ko ta's hinatak ako bigla papalabas ng convention hall, natangay ko rin ang envelope na kanina kong dinala-dala.
Sa labas ng convention hall.
"You don't have to go this far Rowss, pwede mo namang sabihin nang direkta sa lahat ang katotohanan hindi ba, that you dumped me because of Anastacia?" wika ko.
"I---I did not mean it Amaranthe, pinagsisisihan kong bitawan ang mga salitang iyon two months ago," tugon niya.
"Huwag ka ngang magpatawa, you cheated on me in the first place, I cannot handle something that stupid," ako.
"I did not Ame, for Pete's sake I really did not cheated on you, okay? I'm sorry if umabot tayo sa ganito," tugon niya.
"Sorry? Hindi nababawi ng sorry ang sakit na ginawa mo----," hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan.
His kiss is passionate that it reached the bottom of my heart. Nararamdaman kong may tumatakas na luha sa mga mata namin nang gawin niya iyon, both of us shed tears, I can still feel the genuineness of his affection. He is still the same Rowss I knew.
"I'm sorry, --if I hurt my little girl," bulong niya.
"Rowss?" dinig naming tawag ng mom niya sa likuran ko. Pagtingin ko ay nakita ng parents niya at ni Anastacia ang nangyari.
"You bitch!" sigaw ni Anastacia at akmang sabunutan ako sa inis pero hinarangan ito ni Rowss.
"What is going on?" Dad ni Rowss.
"I'm sure inaakit ng babaeng iyan ang fiancee ko!" sigaw ni Anastacia.
"Dad, Mom, let me explain," Rowss.
"Actually, let me Rowss," singit ko. Ipinakita ko sa kanila ang envelope na hawak ko. "Mr. and Mrs. Sanchez, nilinlang lang kayo ng babaeng ito para lang makuha ang anak niyo at ang kompanya ninyo, Anastacia is not pregnant and she will never be pregnant, hindi ba kayo nagtataka kung bakit maliit pa rin ang tiyan niya kahit na dalawang buwan na ang lumipas? Psh!"
Ibinigay ko sa kanila ang envelope at binasa ito. "What? Anastacia! Nagsinungaling ka sa amin?!"
Lumapit ako kay Rowss. "I will help you in gaining back the loss of your company. We'll talk soon."
Tamang-tama naman nang lumabas si Warren sa convention hall. Tinawag ko siya. "Warren! Let's go."
"Mr. and Mrs. Sanchez, I promise that the DF will get in touch of your business, keep up the good work. Paalam na muna sa ngayon," ani ko.
"S-sige iha, mag-iingat ka," wika ng mom niya. She didn't address me as Ms. Del Fiorre but it was satisfying. Umalis na kami ni Warren.
END OF CHAPTER 46.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top