Chapter 44: Back to South



Amaranthe's POV



SA WAKAS, nakabalik na ako sa South, the place where my heart lies char. Mahigit dalawang buwan lang akong nawala pero namimiss ko na ang lugar na'to lalo na ang mga memories na nabuo ko rito. Mas ramdam ko ang mga katagang 'it's good to be back' rito sa South kompara sa North. Nakasakay na ako sa inihandang sasakyan ni Mr. Sua sa akin, isang Yellow Lamborghini Huracan na nabili ko dalawang taon nang nakalipas. And now papunta na ako sa subdivision ni lola. Easy google map lang.






Nang nasa labas na ako ng subdivision, halos luluwal ang mga mata ng security guard nang makita akong naka-engrandeng entrance. Kumaway nalang ako sa kaniya.






"Miss Amaranthe, ang ganda po ng sasakyan niyo ah," nagagalak niyang bati sa akin. Nginitian ko siya pagpasok ko sa subdivision at pati si Warren ay nalaglag ang panga nang madaanan ko siya. Huminto ako sa labas ng bahay ni lola. Actually, hindi ako nagsabi na darating ako ngayon, balak kong susurpresahin siya.







Pero sa halip na ako ang susurpresa kay lola ay nasa akin ngayon ang laking gulat. Pagkapasok ko sa loob ay nakita kong nakahandusay si lola sa sahig. SHUTA! WHAT HAPPENED?






"LOLA!!" sigaw ko at agad na inalalayan siya. Namumutla siya at walang malay. Hindi na ako nagdadalawang isip na dalhin siya sa hospital. Mas lalo akong nag-aalala nang naisip kong ilang minuto na kaya siyang ganoon sa loob?






Kinalaunan ay nakausap ko ang doktor. Sabi niya Brain Tumor daw, specifically GBM (Glioblastoma Multiforme), sobrang risky talaga at batay sa pagkakaalam ko ay wala pang gamot talaga sa sakit na'to. Hindi ko mapigilang mapaluha nang malaman ko ang kalagayan ni lola. Lola has been taking medications since bago pa ako nakapunta rito sa South. Her consult usually scheduled early in the morning as what lola requested to her doctor kaya pala minsan wala siya sa bahay umagang-umaga at palaging kasama si tito David. Lola, why didn't you tell me?







"Her body is getting weaker kaya kailangan niya ng kasama palagi na magbabantay sa kaniya, she must not be left alone in case of emergency," payo ng doktor.





Naka-alalang ekspresyon ang mukha ko habang papalapit sa higaan ni lola. Hindi ko inaasahan na ganito ang maaabutan ko pagkabalik ko rito. Why do you always act so tough lola even though you're already weak inside?




Parang familiar yata ang scene na'to, like how I cared for Rowss noong nasagasaan siya, and I waited until he woke up. "Lola, nandito ako, hindi mo ba ako namimiss? Imulat mo na ang mga mata mo, please."





Kinalaunan ay dumating na sina Tito David at Stephanie sa kwarto ni lola. Nagulat naman si Steph nang makita ako at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.





"WOW! Ikaw ba iyan Ame? Ang ganda ganda mo na," react ni Stephanie.






Niyakap niya ako at pinaramdam na namimiss niya talaga ako, ang higpit ng pagkakahawak niya ta's humahagulhol pa sa saya.






"Wala ka bang pasok ngayon Steph?" tanong ko.






"Wala, kasi may special exam ang mga freshmen ngayon sa school," tugon niya.






Ngumiti ako, "so, kamusta ka na?"






Pero niyakap niya ulit ako nang napakahigpit, "I miss you, miss you, miss you, miss you so much!"





"Okaaay! Hindi na ako makakahinga," react ko kaya tinanggal niya ang yakap niya at sabay kaming napatawa.






"Hello po tito," bati ko kay Tito. Masaya naman siyang makita kaming nagkukulitan ulit ni Stephanie.






"Grabe, ang ganda mo talaga Ame, ang bango mo pa ta's mukha kang model sa isang mamahaling fashion show sa Asia." Stephanie.






"Bakit naging bulera ka na ngayon Steph? What's new?" biro ko at napatawa.





"No, I mean it! Oh wait, sa iyo ba iyong magandang sasakyan na pinagpipiyestahan ng mga tao sa labas?" dagdag niya sabay turo sa direksyon ng labasan ng hospital.





"Ah talaga? Oo nga pala, nakalimutan kong iparada nang maayos." Ako. Lumabas ako ng kwarto, sumama naman si Stephanie at halos hindi makapagsalita nang maayos habang nakatingin sa akin pagbukas ng pintuan ng sasakyan. "How about we go buy a meal?"





"Y-Y-Yeah!" nauutal niyang responde, sabay na kaming pumasok sa sasakyan.





"So, anong gusto n'yong kainin ngayon, my treat," offer ko.





"Haneeep, ngayon at ngayon pa ako makakasakay ng ganito kagandang sasakyan, in my whole life.. this is such a miracle." Stephanie.





"Okay, punta nalang tayo sa chicken restaurant na palaging binibilhan ni lola," suhestiyon ko. Hindi na kasi ako pinakinggan ni Stephanie dahil busy siya sa pagseselfie sa tabi ko. Hinayaan ko nalang muna siyang.






"Tiyak akong magugulat si Rowss kapag malaman niya ito..," biglang sagi ni Stephanie. Hindi ba niya alam na hiwalay na kami ni Rowss? Nakakailang naman kung pag-uusapan namin siya tapos ako ginawa ko na ang lahat para maka move on.







Pumarada na ako sa labas ng restaurant at tinanggal na ang seatbelt pati na rin si Stephanie. Lalabas na sana ako pero may pahabol na sumbong si Steph sa akin. "Siguro miss ka na ni Rowss, eh kasi naabutan ko siya two days ago sa labas ng subdiv tapos hinahanap ka at tinanong kung okay ka lang ba."





Biglang nabuhayan ang puso ko nang marinig iyon, na may pag-alala pa si Rowss sa akin kahit na bilang kaibigan na lang. Tuluyan na akong bumaba ng sasakyan, ipinakita na parang walang epekto sa akin ang sinabi ni pinsan. Ano naman ngayon kung hinanap niya ako, wala na rin namang magbabago. Rowss is going to start a family with another female soon.






"Ame, nakikinig ka ba?" ulit ni Steph. Hanggang sa pagpasok namin sa restaurant at pabalik sa sasakyan, palaging tinatanong ni Stephanie ang tungkol sa amin ni Rowss.






"Okay Stephanie, huwag mo ng banggitin si Rowss please, I admit na nasaktan ako nang sobra sa ginawa niya, he cheated on me and what's done is done, it's time to move on, he's going to start a family with that girl soon," there I finally admit it.






"So, answer me this one last question Amaranthe. Are you still in love with Rowss?" Stephanie.






"Y-yes, okay? Yes, I don't want to admit that I've been longing for him in the last two months, I miss him and I wish that we will be together again," tugon ko.






She snapped her fingers. "Bingo!"





Bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Ame, get Rowss back. Get him back into your arms again. I swear. I know Rowss still loves you. And I know exactly something that even Rowss himself doesn't."






"Ano?" Ako.






"Ame, Rowss didn't know that the pregnancy is fake from the beginning, you know his fiancee right? Anastacia Taylor? I tried to tell him last time but he just ran away." Stephanie.






Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "What?"





"Ame, alam kong hiniwalayan ka ni Rowss dahil akala niya na nabuntis niya si Anastacia, but it was all a set up. Walang nakakaalam dahil ginawa lahat ng Crystal Corp na hindi lalabas ang katotohanan sa publiko and Rowss didn't know dahil two months din siyang nanatili sa Canada since the day you broke up," paliwanag ni Stephanie.






"So nilinlang lang siya ng Crystal?" Ako.





"Yes Ame, ang tagal mo lang kasing bumalik sa South pero timing naman dahil pareho na kayong nandito, Ame I know you can do something about this."






"Ho--How about the kidnapping? Do you have any clue who it was?" Ako.







"No, hindi ko alam. Pero may kutob akong may kinalaman din si Anastacia doon."





END OF CHAPTER 44.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top