Chapter 41: Talk


Amaranthe's POV

KINAGABIHAN, pagkatapos ng fashion line ni Yasumine, hindi na ako nagtagal pa at nagpaalam na ako sa kanila pero hindi muna ako umuwi, sa halip ay pumunta muna ako sa isang night club para maglasing, gusto ko lang ibuhos ang sakit ngayon.





Nakita ko namang nag-iisang naka-upo si Anarson sa counter table at umiinom. Tumabi ako sa kaniya at nagsimula na ring uminom.





Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tuluyan na akong umiyak. "Ah grabe, ang sarap ng alak ngayon ah, napaiyak ako sa sarap." Napahagulhol na rin ako.





Tiningnan ako ni Anarson na parang naweweirdohan sa akin.





"Kuya! Isang beer pa nga!" request ko.





"Yes ma'am!"





Uminom lang ako nang uminom. Hindi ko na pinansin si Anarson sa tabi ko, kung dadamayan niya ako bilang Kuya ko edi mas maganda, kung wala siyang pake sa akin edi wow.





"Ano bang nangyari sa'yo?" tanong niya. Natigilan ako nang namalayan ko ang estilo ng pananalita niya ay kakaiba, doon ko na realize na hindi si Anarson ang nasa tabi ko kundi si Alkerson. Magulo kasi ang buhok niya ngayon kaya hindi ko nakilala agad. Perks of having identical twin brothers.





"Eh ikaw, ano bang nangyari sa'yo ba't mag-isa ka ngayon rito?" ibinaling ko ang tanong sa kaniya.




"Napag-isip isip lang, ang dami kong pinagsisisihan sa sarili ko," tugon niya.





Seryoso akong napatingin sa kaniya. "May pinagsisisihan ka rin pala?"




Bigla niyang binuhusan ang baso ko ng alak. First time na ginawa niya ito sa akin. "Oh uminom ka pa para makalimutan mo lahat ng sasabihin ko sa'yo."




Ito ang kauna-unahang pagkakataong nangyari sa aming dalawa ito, na siya ang nag-alok sa akin na uminom.




"Iinom lang ako ngayon dahil brokenhearted ako, hindi dahil gusto kong marinig ang sasabihin mo," tugon ko at uminom na naman.




Lumipas ang ilang oras, nakaubos na ako ng isang case ng beer, pero lasing na ako. Ayaw ko na ng pangalawa dahil noong huling wasted ko, nakidnap ako sa mga hinayupak na taga South. Mga putangina, huhulihin ko talaga ang may gawa no'n!





"You should share your shares to me instead of Anarson," mahinang wika ni Alkerson.





Lasing na akong napatingin sa kaniya tapos inakbayan siya. "Alam mo bro, wala namang masama talaga kung mapunta sa'yo ang kompanya, --peeerooo ang ayaw ko lang ay ang mga nakakatangang paraan mo, hehe.. matalino ka, oo, kaso bobo ka rin sa practicality, choowr practicality haha!"




"Kung iyan ang sagot mo edi wala tayong magagawa, maglalaban pa rin kami ni Anarson sa posisyon," tugon niya.





I scoffs. "Edi magsuntukan kayo! Mga lalaki naman kayo dibaaa, one on one fight! Ang K.O. out!"



 

"Ame, lasing ka na," Alkerson.





"Tss! Baket? Ngayon mo lang ako nakitang ganito ha? Brokenhearted ako! Babalik talaga ako sa South ta's sunugin ko bahay ng kabit ng hayop na 'yon!" ani ko.





Uminom na naman ako. "Kung ako sa'yo bro, hiwalayan mo na fiancee mo 'cause I will never ever give my blessing to a slither-faced like her, magkamukha sila ng kapatid niya, HAHAHA mga mukhang linta. Gusto mo 'yon? May linta sa family natin? Ako kasi hindiii."






Patawa-tawa ako tapos iiyak nang wala sa katinuan hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog ako sa club.





Paggising ko ay nasa loob na ako ng sasakyan at ang dilim ng paligid kaya napasipa ako ng aking binti. Binuksan naman ang ilaw ng nagmamaneho ng sasakyan.





"Sorry pinatay ko lang ang ilaw para mas makatulog ka," wika ni Anarson.





Kinabahan ako, baka kasi nakidnap na naman ako. Nakakatrauma lang yung nangyari dati.





"Anong oras na ba?" tanong ko habang pinisil-pisil ang ulo ko.





"Alas dos na ng madaling araw, iniwan ka kasi ni Alkerson sa club kaya sinundo nalang kita," tugon niya.





"Ah bushet, ang sakit ng ulo ko."





"Bakit ka ba naglalasing? Kakalabas mo lang sa hawla ta's ganito na naman pinaggagawa mo? Papainitin mo na naman ang ulo ni dad," Anarson.






"Sorry naman, brokenhearted lang," ako.





Napatawa siya saglit. Aish. Sumandal nalang ako sa bintana habang patuloy na pinisil-pisil ko ang aking ulo. Nang makarating na kami sa parking area ng bahay namin ay dumiretso na ako sa higaan ko at sinubsob ang mukha ko sa unan. Nakatulog ulit ako.






"Iha, iha, gumising ka na!"





Dahan-dahan akong namulat, umaga na pero inaantok pa ako.





"Iha, kailangan mo ng bumangon, nasa dining room na ang dad mo."






Naalarma ako, "ah sheeet! Ang sakit ng ulo ko!"





Pero bumangon pa rin ako, pagkatingin ko sa salamin ay nagmumukha akong zombie. Kahit na hang-over ako, kailangan ko pa ring makaabot sa almusal. Tsugi ako nito.






Nakapajama pa rin ako at buhaghag ang buhok ko. Nang makapasok na ako sa dining, nakita kong nakaupo na silang apat kaya dahan-dahan akong umentrance.





Wala akong ganang kumain ngayon pero kinakailangan.





Yataps to infinity and beyond kapag malaman ni dad na naglalasing ako kagabi.






"Bakit pareho kayong tatlo na matamlay? May sakit ba kayo?" tanong ni mom.





"Wala po."





"Wala mom."





"Wala ma."





Sabay pa kaming sumagot. Argh! Ang sakit talaga ng ulo ko, gusto ko pang matulog. Pero titiisin ko nalang ito, saglit lang 'to.






Napansin naman naming biglang umiling si Alkerson kaya kaming lahat ay napatingin sa kaniya. Mukhang hindi lang ako ang masakit ang ulo ngayon ah. May isa pang nagpapanggap na inosente.





"Okay ka lang ba Alkerson? Masakit ang ulo mo? Uminom ka ng gamot," biglang pag-aalala ni dad.





"O--Okay lang ako dad." tugon niya.






"Sana all concern," bulong naman ng katabi kong si Anarson.






"Tss, obvious naman na masakit ang ulo niyan, hang over kaya iyan," bulong ko din.





"Eh ikaw Ame? Okay ka lang ba? Parang puyat ka yata," tanong ni mom.






"Okay lang mom, don't worry," ako.






Kawawang Anarson, wala bang magtatanong kay Anarson?






"Eh ikaw Kuya An? Okay ka lang?" tinanong ko siya bilang pang-aasar, tapos mahinang sinipa naman niya ang binti ko.






Pagkatapos naming kumain ay nagsilabasan na kami sa dining room. Nagkasalubong kami ni Alkerson pero nag poker face lang siya sa akin at nagpatuloy sa paglalakad, I'm totally ignored. Kung maka-iwas parang hindi rin sabog kagabi, tapos iniwan pa ako sa club. Tsk tsk.






Bumalik nalang ako sa aking kwarto at sumandal sa sofa. Pero nakuha ang atensyon ko sa gray sling bag sa shelf, pakiramdam ko may inilagay ako sa loob doon.





Pagbukas ko sa bag ay nakapaloob ang isang invitation card mula sa Twistolar Company. I remember Rowss needs our help. Should I make this as an excuse to see him? Grr, buhay pa rin niya ang iniisip ko kahit na masakit ang ginawa niya sa akin ah.






Pero gusto ko pa rin siyang makita ulit. Ah marupok. Lol. Anyway, mangyayari ang kanilang Ambassador's Party next week at pupunta rin ako sa South next week. Damn tadhana for giving me false hope.






Muntik ko ng makalimutan na may kasunduan kami dati. Kahit na hiwalay na kami ay papuntahin pa rin niya ako sa party nila. Now that I think of it, parang na predict ko yata ang future ko dati ah? Char.






Ah shet, sigurado akong tatawanan ako ni Stephanie kapag nalaman niya ito, grabe napaka-marupok ko pala.






Magiging marupok naman talaga ang tao kapag sa taong mahal niya. Naiintindihan ko na.





Huwag ka ngang ganiyan Ame, may bago na si Rowss kaya mag move on ka na.




But should I really go? Okay go, pero I'll go as a Del Fiorre.




END OF CHAPTER 41.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top