Chapter 40: Friendship


Amaranthe's POV



They said that the only constant in this world is change. Everything changes in time, especially a person. You might know someone yesterday but that doesn't mean they are the same today.






PAGKALIPAS NG DALAWANG ARAW. Nabalitaan kong nakabalik na si Yasumine dito sa North galing Japan, Nathshel told me. So I decided to meet her and nabalitaan ko ring may activity siyang gagawin bilang temporary director sa isang bagong tayo na mall sa Syudad.





"OMG IS THAT YOU AME?" bungad ng napakahyper na si Yasumine. She looks like a designer today because of her attire. We're both wearing white dresses. Niyakap niya ako agad nang makalapit na siya.





"How are you Yas?" I said it in a light tone.





"Okay lang ako Ame, how about you? I heard from Nath na tumira ka raw sa South for almost two years, sana sinabi mo kasi nandoon ako sa South nung summer eh, edi sana nag-hang out tayo," tugon ni Yasumine.






"Ah talaga? Outdated kasi ako dahil hindi ako gumagamit ng phone doon," Ako.





Napatingin ako sa disenyo ng entablado sa harapan namin. Nasa gitna kami ng mall at todo handa ang mga organizers ni Yasumine. It looks so elegant and classy.





"Not bad," react ko.





"Do you still remember that this was our childhood plan? Ang magkaroon ng fashion line?" paalala ni Yas. Napangiti naman ako.





Oo nga, naalala ko dati na pinagplanuhan namin ito ni Yas. Pero hindi ko naman iyon sineryoso dahil akala ko hindi talaga mangyayari ang ganito. And besides, I never thought Yas would do something like this because of her being the next CEO of their company.






"We used to create designs of jewelries and dresses hindi ba? Mahilig ka sa dresses tapos ako naman mahilig sa jewelries, I made out an inspiration from it," Yas.





Nginitian ko siya. "I'm still glad you made it, it looks beautiful."





"Gusto mo ba makita ang designs na gawa ko?"





Dinala niya ako sa loob ng changing room kung saan nakadisplay ang mga damit na ginawa niya. It's quite elegant and in a contemporary style. Parang tinalbugan pa nga si Ms. Thealine Gueverre nito.





"Ang galing mo na Yasumine ah, dati ang baduy-baduy mo pang magdesign ng damit HAHAHA!" pang aasar ko sa kaniya.





"Gaga! Hindi ko na kasalanan kung ikaw ang mas expert doon 'no pero ang sabi naman nila na matututunan mo ring gawin ang isang bagay kapag gugustuhin mo, and here I am," tugon niya.





"Multitasking ka na nito?" Ako.





Umiling siya. "Not really, this is just a little hobby for me, kilala mo naman ako hindi ba, gusto ko talaga na palagi akong busy," tugon niya.





Lumabas na kami ng changing room, at naisipan naming kumain muna. Tiyempo naman namin nakasalubong ang isang lalaking pamilyar sa akin.





"Oh nandito na pala si Ro," ani ni Yasumine.





Rowss?





"Ronde!" tawag niya sa lalaki.




Napakagat lang ako ng aking labi dahil sa pag-aakala kong si Rowss ang tinutukoy ni Yasumine ngunit si Kade pala. Pero ba't nandito si Kade?






"Hi Colay, pasensya na natagalan, eh sobra kasing traffic ta's ang tagal kong nakasakay ng taxi mula airport, tara let's lunch muna," bungad niya.






"Ah by the way Ronde, this is Amaranthe, my childhood friend," pagpakilala ni Yasumine.





"Woah? Amaranthe? As in Rowss'---ex?" tugon niya.





Tumingkag ang tenga ko nang marinig ko ang pangalan ni Rowss. Kalma lang self, huwag kang pahalata na hindi ka pa nakaka-move on.





Nakatingin ngayon si Yasumine sa akin. "Who's Rowss?"





"Um, he-- he was my boyfriend in South, we broke up two months ago," tugon ko.





"Ahh," Yasumine.





"Ibang-iba ka sa Amaranthe na nakilala ko sa South ah, in here you look so gorgeous, back in South kasi sobrang simple mo lang manamit, kung makikita ka lang ni Rowss ngayon tiyak na mababaliw na naman 'yon sa'yo," Kade.





"Sa palagay ko gutom ka lang Kade, tara na nga," sagot ko.





Nasa restaurant kami ni Nathshel kumain at nagpapalipas ng oras tutal malapit lang naman ang mall sa restaurant niya. At ayun, kaming apat ang nagsalu-salo sa pagkain.





"So both of you(Rowss), decided to stop studying. Bakit naman? To tell you honestly, kayo palagi ang talk of the school talaga, alam mo namang all ears ako sa mga estudyante lalo na sa Commerce Department 'di ba? A lot of rumors have been spread out. --But what really happened to the both of you? Kasi ako, nacurious na rin ako eh, it seems like you had a very interesting love story," chismosong tanong ni Kade. Oh well, he has the right to be curious kasi close friend naman niya si Rowss.





"Hindi interesting ang nangyari Kade, it's just a typical relationship issue, to make long story short, we broke up because of a third party," sagot ko.




"Awts! You only knew him for a short time Ame samantalang ako kilala mo na since bata pa tayo, but you've never even considered my feelings for you, ano bang meron sa lalaking iyon at napaamo ka niya?" react naman ni Nathshel.





"FYI Nath, love doesn't depend with how long you've known each other or been together, but with the chemistry you created. If that someone can make you grow as a person then hahanap-hanapin talaga iyan sa puso mo, it doesn't matter if you've only been together for a short while," singit naman ni Yasumine habang nakanguya ng pagkain.





"Pero iniwan naman ako," bulong ko.




"I also heard na buntis daw ang kinakasama niya ngayon," dagdag ni Kade.





Biglang nahulog ang kutsara na hawak ko. Parang gumuho ang mundo ko nang marinig iyon. Buntis? H-how.. how could he do this to me? --Rowss.. why?





"Ame, you okay?" Yasumine.





I shifted my mood to happy. Ngumiti ako sa kanila kahit na nadudurog na ang damdamin ko ngayon. "Sorry, I think naging oily ang kamay ko haha."






KINALAUNAN, bumalik na kami sa mall, pinanood ko ang fashion line ni Yasumine but I couldn't pay attention to it since occupied na naman ang isip ko ni Rowss. A lot of things that I want to say to him.





I want to say...





Rowss paano mo nagawa sa akin 'to? Why did I loved you so much, and because I loved you so much, it hurts so much. Gabi-gabi nalang akong nagbebreakdown, umiiyak, naghihinayang kakaisip kung saan ako nagkulang sa'yo at kung bakit mo nagawa 'yon.





Palagi kong sinisisi ang sarili ko na hindi kita naaalagaan nang maayos.





Gabi-gabi kong tinatanong sa sarili ko ang worth ko.





Yes, you made me question my worth!!




Those priceless memories are irreplaceable. Ang hirap, pinasaya mo kasi ako eh at walang iba ang nakakagawa sa akin nun. I let myself attached to you and risked everything.





You changed me.




Ang just like that, you left me-- you left me with a scar.





"Ame, are you really okay?" tinanong na naman ako ng katabi kong si Yasumine sabay bigay sa akin ng tissue. Naluluha pala ako. Grabe, hindi ko man lang naramdaman na tumutulo na pala ang mga luha ko. Haha.





END OF CHAPTER 40.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top