Chapter 4: Another Annoying Day

Amaranthe's POV


PEACEFUL NIGHT AT EMERALDA'S SUBDIV.




"Lola, bakit n'yo naman hinahayaang makapasok ang gagong 'yon sa subdivision natin?" inis na reklamo ko kay lola. "And you didn't even tell me last week."





I'm still bothered kasi sa sinabi ni Rowss na hindi siya titigil, wala rin akong panlaban sa kaniya dahil full-time surveillance si lola sa mga kinikilos ko, kung papauwiin ako sa Northern Sector nang maaga, mawalan ng saysay ang pagtitiis ko at masisira ang plano ko.




"Huwag mong ipasa sa akin ang usapan Ame, bakit ka nagboboyfriend nang hindi nagpapaalam sa akin? And for Pete's sake isang linggo pa lang ng klase tapos may boyfriend ka na?" lola.





Napafacepalm na lang ako. Hindi ko na kasalanan kung matigas ang ulo ng lalaking 'yon. "Again, he is not my boyfriend."






"Hindi naman kita pagbawalan eh, sabihin mo sa akin kung anong pinag-gagawa mo roon sa labas, ayokong naglilihim ka Amaranthe, I am just trying to protect your reputation and privacy, hawak mo pa rin ang pangalan ng DF Co. kaya be mindful of your actions," sermon na naman ni lola.





"Argh! Ghad! Bakit ba pareho kayo ni Dad? Hindi kayo nakikinig sa side ko eh, mga pagkakamali ko lang ang nakikita n'yo, hindi n'yo rin ba iniisip kung anong nararamdaman ko?" sagot ko.





"You're being a brat now missy, how many times do I have to tell you--," lola.





"--lola this is who I am! Sawa na ako sa sistema ng pamilya natin, lumaki na akong ganito, I don't care about my reputation nor privacy, I just want freedom," ako.





"Nakalimutan mo na kung kaninong laban ito Ame, this is also about your family, stop being a child and start facing the reality now," lola.






Para na akong puputok sa inis, kaya kinalmahan ko na ang sarili ko. "Lola, ginawa ko naman ang lahat ng gusto mo, pero sana naman intindihin mo rin ang side ko."






Napabuntong hininga lang si lola. "I know Ame, naiintindihan din naman kita talaga, hindi naman sinadya na maging parte ka ng pamilyang ito and there is always a reason, being a Del Fiorre means to have a big responsibility, ginawa ko lang naman ang paghihigpit ko sa'yo para sa kapakanan ng kompanya natin from your lolo Aristopher, your relatives outside doesn't know that you're the daughter of the richest family in the country, I did that for your sake, hindi mo maiintindihan sa ngayon but you'll understand everything soon, for now nakapokus ka lang kasi sa sarili mo kaya ang hirap ipaliwanag," malumanay sa sambit ni lola. Nabigla ako nang niyakap niya ako't hinalikan ang noo ko. Sa isang taon ko rito ngayon lang 'to nangyari.






"Lola, matutulog na ako," agad kong iwas para hindi halata na naaapektuhan ako sa damdamin, ayaw kong ipakita na may weakness ako.





Umakyat na'ko tungong kwarto at sinubsob ang mukha sa higaan. That lola's forehead kiss just reminded me of how my parents used to love me when I was a little kid. Muntik ko nang makalimutan ang pakiramdam ng pagmamahal.





MANY DAYS HAVE PASSED.




Umagang-umaga pero ang tamlay kong pumasok sa paaralan, mas lalo akong tumamlay nang nahawaan ako sa katahimikan ng klase.





"When you're planning on making your own business someday, then there's only one thing that you must apply in order to achieve it, it's Action. Ano namang magagawa ng mga pangarap at plano mo kung hindi mo rin gawan ng paraan? Let's talk about Action with a Mind," lecture ng major professor namin.





Isinandal ko muna ang ulo ko sa desk ng likuran ko. Biglang tumahimik sa pagsasalita ang guro.






"Good morning sir, sorry I'm late," bati ng boses Rowss.





Kaya pala maluwag sa kinauupuan ko dahil wala pa siya.





"Hi Babe," bungad niya pag-upo niya.





"Huwag mo muna akong kausapin ngayon," tugon ko.





Nararamdaman kong nakatingin lang siya sa akin habang nakaharap ang mukha ko sa ceiling dahil sa pagkakasandal.





Tiningnan ko siya kaya itinaas ko ang ulo ko nang konti. "May problema ka na naman ba sa'kin ha?"




"Wala naman, ang cute mo lang tingnan, balik ka nga sa pagsandal," sabi niya at tinulak ang noo ko pabalik sa pagkakasandal.




"What the--?" hinarap ko siya.





"Ang hilig mo talaga ng boyish style na pananamit, parang halos sinuot mo na ang kulay ng rainbow ah, ngayon naka yellow ka na naman, kahapon green," tukso niya.





Nakathree-fourth top lang siya ngayon at black pants, nabaling naman ang atensyon ko nang mapansin ko ang kwentas niya. It's the Parallel Crust Necklace, 'yong limited edition last year na pinag-awayan namin ni Merci dati sa isang Jewelry Store.





"Saan mo nakuha 'yan?" tanong ko sa kaniya.




He looked at his necklace, "Ah ito ba? I got it last year nung nirelease ito sa limited edition day, bakit? gusto mo ba ako?"





I furrowed my head, "What?"




"Gusto mo ba ito? Kasi ibibigay ko sa'yo," ulit niya.





"No," ikli kong sagot at sumandal ulit.




I tried closing my eyes para iwasan kong makatingin sa pagmumukha niya. At isa pa wala ako sa mood para makinig sa prof namin ngayon, pabalik balik nalang kasi ang topic niya.





After a second, I felt a sudden mock kiss in my forehead kaya napamulat ako, nakita kong nakangisi na ang gago.





"You jerk!" sigaw ko and then I quickly clenched his shirt.





Tumawa lang siya. "Okay lang kung bugbugin mo'ko, ang importante nakakiss na ako sa'yo."






Biglang tumubo ang sungay ko sa inis.





"What's going on there?" sigaw ni prof.





"Nothing sir!" tugon ni Rowss.





Bigla niya akong tinulak pabalik sa upuan ko at ginapos ang dalawang kamay ko sa kamay niya para hindi ako makagalaw.





"Grabe naman 'tong alaga ko napakalikot," nakangising sabi niya kaya napasinghag ako.





Pasalamat ka nasa klase tayong hayop ka.





Ngumiti lang siya sa akin at pinipilit na magpacute. Kaninong anak ba 'to ha? Kapal talaga ng pagmumukha.






Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya kaya bumalik na din siya sa maayos na pagkakaupo. Pero ginawa ko iyong pagkakataon para masampal ko siya nang napakalakas kaya napatingin ulit sa amin ang mga kaklase namin at pati si prof.





"What's really going on there?!" galit na na sigaw ni prof.





Ako na ang sumagot kay prof sabay ngisi, "WALA SIR HEHE." Tiningnan ko rin si Rowss na nakagulat na ekspresyon sa akin habang nakahawak sa pisngi niya.





"Ouch!" react niya.






Kinahapunan, nadatnan ko si Stephanie sa labas ng gate ng school.






"Steph, anong ginagawa mo rito? Wala ka na bang klase ngayon?"





"Wala Ame, absent kasi ang prof namin, may pupuntahan nga pala ako, sama ka?" tanong niya.





"Huh? Saan naman?" ako.




"May party kasi sa bahay nina Lenz ngayon, pupunta ang ibang friends niya at classmates ko, gusto ko rin pumunta kaso nahihiya ako kung ako lang, samahan mo'ko please para na rin makagimik ka, hehe," hinawakan niya ang braso ko na parang wala na akong ibang choice kundi ang sumama.





Napakunot din nang konti ang noo ko sa sinabi niya 'cause it sounds dangerous for me na pupunta siya sa bahay ng lalaki nang mag-isa, pero I shouldn't worry too much dahil pagkakataon na rin niya para maging close sila ng crush niya, pipigilan ko pa ba?






Biglang may humito na sasakyan sa harap namin.




"Hi Babe!" Rowss.





"Babe?" react ni Stephanie sabay tingin sa akin.




"Don't mind him, baliw lang 'yan, let's go, saan ba ang bahay ng Lenz na 'yan?" tugon ko at dahan-dahan ko siyang hinatak palayo kay Rowss.




Pinaandar na naman ni Rowss ang sasakyan niya at huminto na naman sa harap namin. "Saan nga pala kayo papunta ladies?" tanong niya.





"Oh wait, you're Rowss Sanchez hindi ba?" kompirma ni Stephanie.





"Hi, and you must be my girlfriend's--?" he smiled with a formal tone.




"I am Stephanie, pinsan ako ni Ame,--but I didn't know na may boyfriend na si Ame?" tapos tumingin siya sa akin.





"He's not my boyfriend, he's just my annoying classmate," I smiled.





"Anyway, kilala mo ba si Lenz Madrijal? May party kasi siya ngayon sa bahay niya and we are planning to go there," sinabi ni Steph kay Rowss kaya nagcross arm na lang ako at umiwas ng tingin sa dalawa.





"Actually papunta rin ako roon, sabay nalang tayo," Rowss.





And now he's involving my cousin to his pranks. First, si lola tapos ngayon si Stephanie, sino kaya susunod?





"Sure, it's also an honor to me na maging acquaintance mo Rowss," tugon naman ni Stephanie.





He smiled at her and winked at me, "For my girlfriend," Rowss.





Bigla akong hinatak ni Stephanie papasok sa sasakyan. Shet, hindi ko inaasahan na maging ganito ang pangyayari, hindi naman sana ako sasama eh.




END OF CHAPTER 4.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top