Chapter 39: Keeping Busy
Amaranthe's POV
ILANG GABI na naman na palagi kong napapaginipan si Rowss. Dalawang buwan na ang lumipas pero masakit pa rin sa akin yung nangyari at ayaw ko ring i-deny na may affection pa ako sa kaniya. Subalit, patuloy pa rin naman ang buhay kaya araw araw kong pinipilit ang sarili kong maging busy para hindi ko maalala ang mga panahong iyon.
TODAY, I decided to go to DF Company. Mr. Sua brought me to my dad's office but he's not there. Nag-stroll nalang ako sa hallway at napasilip sa mga rooms ng employees namin then nadatnan ko si Alkerson.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, and then he smiled then walked out. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng ngiting iyon pero uminit na naman ang ulo ko nang maalala ko si Rosalia. Ang hirap basahin ng utak ng kapatid ko. Tsk tsk.
Sumakay ako ng elevator at nagstroll sa ibang floor. Busy ang mga tao sa kani-kanilang trabaho, at mabuti naman nakilala ako ng ibang security kaya nagbigay-galang sila sa akin sa tuwing magkasalubong kami.
It's been a while since bumisita ako sa kompanya, tulad pa rin siya dati noong kapanahunan pa ni lolo. Pero napahinto ako sa malaking logo ng entrance counter namin. DESTINY FOND imbis na Del Fiorre.
"Miss Ame, gusto ka rawng maka-usap ni Madame Emeralda Del Fiorre," sundo ni Mr. Sua sa akin sa ground floor at may iniabot sa akin na telepono.
Tumango ako't sinagot iyon. "Yes po lola?"
"Amaranthe, how are you?" tanong niya. Let me guess, namimiss na niya ako hahaha.
"I'm doing fine lola, how about you and everyone?"
"Good. I am glad to hear your voice again."
Napangiti ako sa sinabi niya. "Ba't napatawag ka po?"
"I just want to inform you that your dad set an appointment for someone to sell your rest house dito sa South. Pati ako ay nagulat sa balita. Amaranthe, it's your responsibility to stop your father from selling it," Lola.
Nanlaki ang mga mata ko, "WHAT? Bakit naman papakialanan ni dad ang property ko? That is the only thing lolo left for me, hindi ako papayag!"
"Oo nga Ame, the buyer will arrive in South next week, can you come over before that?" Lola.
"O---Okay lola, but first.. I'll talk to dad."
Dali-dali na akong umakyat pabalik sa opisina ni dad. Napansin ko ring pinagtitinginan ako ng mga tao pero hindi ko na inabala ang mga iyon. Pagkarating ko sa top floor, nakasalubong ko si Anarson.
"Oh Ame? Anong ginagawa mo rito?" bungad niya.
"Bored lang ako sa bahay at wala akong ibang mapuntahan kaya napabisita ako rito, tsanga pala, nasaan si dad? I need to talk to him," tugon ko.
Nagsimula na kaming maglakad sabay tungo sa hallway ng opisina ni dad.
"About what?" Anarson.
"It's about our rest house in South, ibinigay kasi iyon ni lolo sa akin tapos ngayon naisipan ni dad na ibenta iyon," tugon ko.
"What? Ibinigay ni lolo ang rest house sa'yo?" gulat na tanong niya.
"Oo, bakit?" ako.
Nalutang siya saglit. "A--ah w--wala lang."
Tamang-tama naman ang pagliko namin ay nagkabanggaan kami ng isang mahinhin na babaeng empleyado at nahulog ang mga dala niyang papeles sa sahig.
"S-sorry po!" paumanhin ng babae at yumuko.
"Wala bang available binders sa opisina ninyo? Dapat inilagay mo ang mga iyan sa binder baka magkawatak-watak 'yan," ani ni Anarson.
"It's okay," agad na tugon ko at tinulungan ko siyang pulutin ang kaniyang mga papeles. Pagkatingin ko sa mga dokumento ay halos mga raw data pa lang ang na-compile niya, familiar ako nito.
"May kulang pa ito ah, marami ring incorrect formats ng documents, ipapa-check mo muna ito sa team leader niyo bago mo ilagay sa binder ah, baka kasi ipapaulit lang ito sa'yo," advice ko sa babae. Tiningnan naman niya ako na parang isa akong anghel na dumating sa buhay niya.
"M--maraming salamat po, baguhan lang po kasi ako kaya hindi ko pa po talaga alam kung anong gagawin ko, maraming salamat po talaga," nag bow siya.
Ngumiti lang ako at nagsimulang maglakad nang makita kong kanina pa pala nakatingin si dad sa direksyon namin. Seryoso na naman ang ekspresyon niya pero 'di bale na, kakausapin ko pa rin siya tungkol sa rest house.
SA LOOB NG OFFICE NI DAD.
"Amaranthe, what are you doing here?" tanong ni dad habang umiinom ng kape.
"I just want to talk about our rest house in South dad, bakit niyo naman po naisipang ibenta iyon?" tanong ko.
"Why not? Wala naman gagamit roon," dad.
"Dad, lolo gave it to me and it will be legally mine when I reach 23, you have no right to sell it without my permission," pagmamatapang ko. Sa kauna-unahang pagkakataon, kinalaban ko si dad.
"He gave it to you? Why would he gave it to you?" Dad.
"Dad, I am not a little girl anymore, and I will do whatever it takes to protect what is mine, if you think isa lang 'yong rest house and nothing else, pwes napaka-importanteng bagay na iyon sa akin, whether you like it or not, I won't let someone take the property of Del Fiorre," huling tugon ko.
Lumabas ako ng opisina niya at nagpunta sa opisina ni Mr. Sua. Bumungad naman sa akin ang napakaraming monitor sa loob ng malaking room. Mr. Sua is not just our Executive Secretary, he is also our tight security.
"Miss Amaranthe, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" bungad ni Mr. Sua. Napansin ko ring sabay-sabay na nag bow sa akin ang mga empleyado ng security.
"Mr. Sua, I want you to book a flight for me, I want it this coming Saturday papuntang South, at kung maaari ay paghandaan niyo ako ng sasakyan pagdating ko doon, I just need to take care of something," ani ko.
Tumango si Mr. Sua sa akin. Kinalaunan ay bumalik na ako sa mansion. Napaisip ako na ano nga ba talaga ang pakay ko sa South? Kanina kasi habang inutusan ko si Mr. Sua ay parang kumukurot ang puso ko nang banggitin ko ang South.
Ngayon, ang nararamdaman ko ay may halong kaba at pagkakasabik. Inaamin kong gusto kong makita si ulit Rowss pero ang sinisigaw ng utak ko ay galit na galit ako sa kaniya.
Ewan.
END OF CHAPTER 39.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top