Chapter 37: The Last Day
Amaranthe's POV
[PANAGINIP]
SINUNDO ako ni Rowss sa subdivision namin ng kaniyang boxter car gaya ng unang sundo niya sa akin noon. He gave me a wide smile and opened the door for me. Tapos dinala niya ako sa isang napakagandang lugar sa South na kung saan maraming puno ang nakapaligid sa isang makitid na kalsada habang hawak ng kanang kamay niya ang kaliwang kamay ko.
"Sa panaginip nalang ba kita mahahawakan, Rowss?" tanong ko. Pero ngumiti lang siya't nagpatuloy sa pagmamaneho. Ang ganda ng araw ngayon.
Kinalaunan, nag shift ang location, nasa isang mataas na ako na tower na hindi ko pa napuntahan sa buhay ko, gumaan ang pakiramdam ko habang nakatanaw sa naggagandahang city lights sa baba and I'm holding a glass of wine.
"Apo, are you confused of your own destiny?" bungad ni lola na tumabi sa akin. Nakapangsosyal siya ng kasuotan na matagal ko ng hindi nakita sa kaniya at ang ganda rin ng jewelries sa leeg niya.
"Lola naman, bakit mo naman naitanong iyan? Hindi ko nga alam kung anong nakatadhana sa akin," tugon ko habang kalmadong tumatawa.
"Your future depends on your will, alam kong makakaya mo ang lahat ng bagay apo, ikaw ang gagawa ng sarili mong kinabukasan mismo," tugon ni lola.
Hinawakan ko ang kanyang braso at sumandal ako sa balikat niya. Ang sarap ng ihip ng hangin sa kinaroroonan namin.
"Apo, gumising ka, gawin mo ang kinabukasan na gusto mo, huwag kang mawalan ng pag-asa hangga't humihinga ka pa, may marami pang posibilidad," dagdag niya.
Nawala ang ngiti ko nang naalala kong wala na sa piling ko si Rowss. Sinisisi ko ang sarili ko't tinatanong kung saan ako nagkulang at kung baka hindi siya naging masaya sa akin. Hindi ko rin siya naalagaan nung may pagkakataon pa sana ako. Huli na ang lahat.
FLASHBACK THAT HAPPENED IN REAL LIFE
"Happy 13th birthday Amaranthe," bati ni mommy sa akin. Kakaihip ko lang ng birthday candle ko at pinalakpakan ako ng mga bisita namin, malalaking ngiti ang ibinigay sa akin nina Alkerson at Anarson na sabay silang naglapag ng regalo nila sa mesa ko.
"Teenager ka na Ame, kailangan magpapakabait ka ah, huwag kang tumulad kay Anarson na nagiging basagulero," biro pa ni Kuya Al tapos ginulo niya ang buhok ko.
"Kuya Al naman, sinira mo ang hairstyle ko," reklamo ko. Inayos niya ng tiara na nakaipit sa buhok ko and he tapped my head three times.
"Just live your own life Ame, we all have our freedom to do that, pero dapat unahin mo rin ang pag-aaral mo, huwag ka munang magboyfriend ah kundi malalagot ang nanligaw sa'yo sa amin ni Alkerson, kailangan matalo niya kami sa one on one suntukan," ani ni Anarson.
Pero nawala ang ngiti ko nang napasilip ako sa upuan ni Dad, wala na naman siya, busy na naman sa trabaho.
"Mommy, wala ba si Daddy?" tanong ko.
"Pumikit ka anak, may surpresa kami sa'yo," tugon ni mom.
Pumikit ako at pagmulat ko, nakita kong pumasok si Dad sa pintuan ng room, may Birthday Hat siya sa ulo niya at may dala rin siyang malaking regalo. Ito ang kauna-unahan at ang natatanging birthday ko na nakaabot siya.
"Happy Birthday anak," bati ni dad.
END OF FLASHBACK.
Sobrang laki ng mga ngiti ko nung araw na iyon. Kompleto kami ng pamilya ko.
[TAPOS NG PANAGINIP]
Namulat ako sa pangalawang araw na nakatali pa rin ang mga kamay ko't paa. Ito na yata ang huling araw ko sa Earth kung kaya't mapait ang sinag ng araw ngayon, nakakalason ang mga alikabok at nakakasunog ang mga luha sa mga mata ko.
Pumasok na naman ang mga kidnapper sa loob. "Magpakasaya ka muna ngayon babae. Mamayang gabi, kapag darating na ang pera, mamamaalam ka na."
Sinamaan ko sila ng tingin. "Sana madisgrasya ang nagmamaneho ng pera niyo," taray na sumbat ko.
"Aba, aba, may lakas-loob ka pang magmatapang ah?" wika ng isa. Tapos hinampas sa akin ang dala dala niyang baril kaya nahilo na naman ako't nawalan ng malay.
Pagkagising ko, gabi na pero nahihilo pa rin ako. Parang umiikot ang buong paningin ko. Grabe ang lakas ng pagkakahampas niya, parang naalog ang brain ko.
Agad na may pumasok na dalawang lalaki sa loob at mukhang nagmamadali. Tinanggal din nila ang tali ko sa upuan kaya nakatayo na ako pero nanginginig ang mga tuhod ko. Unang beses akong nadapa at nasubsob ang mukha sa sementong sahig.
"Ano ba yan? Mukhang wala na yatang lakas ang babaeng 'to," wika ng isa.
Pinatayo nila ako pareho, pero biglang may nagtapon ng smoke bomb mula sa bintana kaya nagkaroon ng fog sa loob ng warehouse.
Napansin ko ring may nagtabas sa bubong ng warehouse at may apat na bumabang nakasuot ng itim na uniporme at nakamask. Sobrang bilis ng pangyayari kaya hindi ko isa-isang naprocess sa utak ko.
Narinig kong may mga helicopter sa itaas namin at maliwanag ang labas, ang sunod na namalayan ko ay wala nang buhay ang dalawang lalaking humawak sa akin kanina. Dahan-dahan akong lumabas ng warehouse at nakita kong nagbarilan na sila. Napatabon ako ng aking mga mata dahil sa liwanag ng paligid.
"Are they here to rescue me?" bulong ko sa sarili ko.
"Protect my daughter!!" rinig kong sigaw ng isang babae mula sa itaas na nakasakay ng helicopter. Hindi ko malinaw na nasaksihan lahat dahil nanghihina na ako't ang sakit ng ulo ko. Nabibingi na rin ako sa mga paputok.
May lumapit sa akin na isang lalaki na pamilyar sa akin, tapos nilagyan niya ako ng coat at binuhat. A memory flashed back.
"I--Is that you R-Rowss?" bulong ko.
"Pasensya na miss Amaranthe kung nahuli kami ng dating," wika niya. Nang tinitigan ko ang mukha niya, mukha ni Mr. Sua ang nakita ko. Sobrang saya ko kaya napayakap ako sa kaniya.
Nang makarating na kami sa nakaparke na helicopter ay nilagyan nila ako ng kumot at pinahiga sa malambot na upuan. Kitang-kita ko ang mukha ni mommy na ngayo'y masaya habang hinahaplos ang buhok ko.
"You're okay now my baby girl," sabi niya.
"Mom," naluha ako nang banggitin ko iyon, akala ko talaga mamamatay na ako.
Dinig kong sumabog ang warehouse pero hindi ko na tiningnan iyon. Sapat na sa akin na maramdaman ang init at ang liwanag ng apoy para ma kompirma ito at isa pa wala na akong lakas para gumalaw pa.
"I---I lost m-my phone, how d-did you track me?" nauutal kong tanong.
"Ngayon lang din naming nabalitaan na nakidnap ka na nung tumawag ang lola mo, isang araw ka na kasi rawng hindi umuwi at akala nila na nasa bahay ka lang ng kaibigan mo," tugon ni Mom.
"May tracker ka sa kwentas mo miss Amaranthe," tugon din ni Mr. Sua.
"A-Ang kwentas ko?" ako. Napahawak ako sa kwentas na bigay ni Stephanie.
"Huwag mong hubarin iyan ah?" Stephanie.
Iyong babaeng 'yon talaga, how did she come up with this idea? Si Stephanie pala ang nagligtas sa akin. I wish I could hug her right now.
"Magpahinga ka muna anak, pauwi na tayo," Mom.
END OF CHAPTER 37.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top