Chapter 35: What's happening?
Amaranthe's POV
NASA HARAP ako ng school gate habang nakatitig sa phone ko. I've sent 50 messages to Rowss last night pero hindi niya binasa sa chatbox namin. Ngayon, alam ko na sa pakiramdam kung anong na-feel ni Stephanie dati kay Lenz ang ganito. Rowss is totally ignoring me and he did not even dared to explain himself to me. Are we still together? I have to confirm it.
Tinawagan ko si Mr. Sua. "Mr. Sua, please locate Rowss Blaze Sanchez right now, I want to see him."
"Yes miss, i-foforward ko nalang po ang location." Mr. Sua.
Hindi ako pumasok sa klase namin ngayon, tapos na ang finals and this is the last week of class. I want to clear up everything before ako aalis sa South.
Nang na receive ko na ang location, agad kong pinuntahan ito. Nakita ko silang magkasama sa isang restaurant, sina Rowss at Anastacia. Tuwang-tuwa pa ang ekspresyon ni Anastacia samantalang seryoso naman ang ekspresyon ni Rowss.
Aba naman, wala ba silang balak na imbitahin ako? Pero parang kinurot ang puso ko sa nakita ko, para na akong naging outcast nito. Paano nagawa ni Rowss sa akin 'to? Was all of his care, a lie?
Nilapitan ko sila at sabay silang napatingin sa akin. Nasa iisang mesa lang sila at magkaharap, they even shared only one dessert.
"What are you doing here froggy?" taray ni Anastacia sa akin. Hindi ko na siya pinansin at tinitigan lang si Rowss na hanggang ngayon ay nanlaki pa rin ang mga mata nang makita ako. I stood in front of him for a minute, iniisip kung paano ko sila magugulping dalawa.
Kumukulo na ang dugo ko ngayon, how dare he cheat on me? Last thing I remember, hindi kami naghiwalay pero paano niya nagawang lokohin ako nang ganito? I trusted him so much. And now that trust is torn into pieces.
"Hoy kinakausap kita!" tumayo si Anastacia at papalapit sa akin. Pero ang atensyon ko ay nakatuon pa rin kay Rowss. Naghahangad ako na may magandang eksplenasyon siya nito, nagbabasakali akong mag-sosorry siya't napag-utusan lang siyang gawin ito. But he just looked at me hesitating to tell.
"Get out frog," dagdag ni Anastacia, and this time sinamaan ko na siya ng tingin.
I smirked. "You still dare to steal my man behind my back?"
Tumawa siya. "I did not steal him, he was mine in the first place," tugon niya.
"You're in no place to say that!" tugon ko rin. Itinulak ko siya pero mahina lang ang pagkakatulak, napaatras siya saglit. Ang sakit nga lang nang masaksihan kong umeksena si Rowss sa pagitan namin at inakbayan si Anastacia, he looked at her as if he's worried. And then he looked at me looking so disappointed.
"Are you okay?" tanong niya kay Anastacia.
Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko ngayon, naghalu-halo ang sakit, selos, awa, galit, at iyak.
"Bakit mo ginawa iyon Amaranthe?" sumbat ni Rowss sa akin. Napaatras ako sa gulat sa reaksiyon niya. Napakuyom ako ng aking kamay dahil nagmumukha na akong tanga sa harap nila at sa harap ng maraming tao na nasa restaurant. Ngayon ko lang ulit narinig na sinabi ni Rowss ang totoong pangalan ko.
'Amaranthe'
"Ito pala ang trabahong sinasabi mong pinagkakaabalahan mo Rowss, sana sinabi mo," mahinang sagot ko, yumuko lang siya habang kino-comfort si Anastacia. Parang namamanhid ang tuhod ko ngayon at unti-unting naglalaho ang boses ko dahil sa sakit at kaba.
"Amaranthe, let's break up." Rowss.
And he finally said it. Patulo na ang luha ko pero bago pa man mangyari iyon ay umalis ako sa harapan nilang dalawa. We're done. I want to go back there and slap her face but I will look like a total ex loser. In the end, pinili niya ang babaeng humahadlang sa aming dalawa. Pinili niya ang babaeng pinagseselosan ko. Pinili niya ang babaeng, akala ko hindi niya papatulan. Ang sakit.
KINAGABIHAN nasa isang Vintage Bar ako na kung saan kilala bilang tambayan ng mga lasinggero't lasinggera. Sobrang sakit lang talaga ng puso ko kaya ang sarap mag-inom ngayon.
"Kuya! Isang case na beer!" sigaw ko.
Inom lang ako nang inom mag-isa habang nakatingin sa mga old messages namin ni Rowss dati. Ibinuhos ko lahat ng emosyon ko. Even once, I never got to say that I love him.
Hindi ko lang matanggap na wala na kami, when he said break up, akala ko magiging masaya na ako dahil wala ng mangungulit sa akin pero bakit ngayon sobrang sakit na halos mabaliw na ako sa kakaisip.
Kinalaunan, naubos ko na ang isang case at humingi pa ng pangalawang case. I want to drink tonight 'til I die! Putanginang Rowss Blaze Sanchez na 'yan!
Biglang tumawag si Stephanie sa phone ko.
"Ame, nasaan ka ngayon bakit hindi ka pa umuwi? May sasabihin lang sana ako sa'yo, nandito ako sa kwarto mo umuwi ka na alas 10 na ng gabi oh," Stephanie.
"Hi my beloved Pinsan, hehe.. Alam mo bang nagagalak akong makilala ka in my 22 years of existence?" tugon ko.
"Ha? Lasing ka ba?" tanong niya.
"Hindi naman, hintayin mo lang ako diyan, uuwi na ako latuuur, I love you pinsan, mwa mwa, mas mahal na kita ngayon kaysa ni Rowss hehe," tugon ko.
Tiningnan ko ang case ng beer may dalawang bote pa na kailangan maubos. "Bakit kaya ang sarap ng beer sa gabing ito? Umiikot na ang paningin ko. Nasaan nga ulit ako? Ah oo, haha, hiwalay na kami ng jowa ko."
Inubos ko na hanggang sa panghuling bote ng beer tapos nag-scroll na naman ako sa phone ko.
"Putang-inang mga messages 'to, mga fake promises na galing sa fake na tao, alam mo Rowss? Putang-ina mo!"
Lumabas ako ng restaurant at kumuha ng bato sa tabi-tabi at inihampas sa phone ko hanggang sa masira ito, basag na basag na ang screen ng phone ko tapos itinapon ko sa kung saan. Ayaw ko ng mabasa ang mga fake sweetness na 'yon. Tsss.
Pabalik na sana ako sa loob nang may may humarang sa daraanan kong mga lalaking naka-itim.
Marami sila, sino sila? Hindi ko mamukhaan dahil naka-mask silang lahat. Pinapalibutan nila ako. Hindi ko sila malinaw na nakikita dahil sobrang nahihilo na ako sa ininom ko, lahat ng nakikita sa paningin ko ay umiikot na, wala na rin ako sa katinuan.
"Sige na," sabi ng lalaking may malaking boses.
Bigla nilang pinukpok ang ulo ko ng isang matigas na bakal at nararamdaman kong binuhat nila ako papasok sa isang puting van.
And everything went black.
END OF CHAPTER 35
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top