Chapter 34: No More Rowss
Amaranthe's POV
LUMIPAS ANG MAHIGIT ISANG BUWAN at napansin kong kakaiba na ang kinikilos ni Rowss. In fact, nagsimula na siyang maging cold sa akin. He won't call me anymore, hindi na rin niya ako sinusundo, like he's really changing from sweet Rowss into a stranger again.
"So lahat ng pinambili mo sa akin dati, sarili mong pera iyon?" tanong ni Stephanie. Nakarating nalang kami ng unibersidad, hindi pa rin siya tumigil sa pagsasalita. Halos isang buwan siyang ganito, hindi pa rin siya naka-move on sa pagkatao ko.
"Oo nga pala, speaking of Mr. Sua, kaya niya talagang manghack ng mga gadgets and everything? Ang cool naman nun pinsan, paano ka naman niya palaging namomonitor dito sa South eh hindi ba nasa North siya?"
Itinaas ko ang phone ko para mapansin niya. Sumagot ako na walang gana sa kaniya. "It's my phone, may tracker sa loob nito at nakikita niya lahat ng ginagawa ko rito sa South, siya ang pumoprotekta sa akin kapag nasa peligro ang buhay ko. Kontrolado kaming lahat sa sistema ng kompanya namin. Kaya nga minsan hindi ako gumagamit ng phone ko."
"Wow, hindi ko inexpect na relative pala namin ang may-ari ng DF, ang pinakamayaman sa bansa," dagdag niya.
Hindi ko maabsorb lahat ng pinagsasabi ni Stephanie dahil na-bother ako kay Rowss. "Pinsan, sa tingin mo nagbago ang pakikitungo ni Rowss sa akin?" tanong ko.
"Rowss? Speaking of.. he really did, hindi ko na napansin na magkasama kayo lately, may nangyari kaya?" Stephanie.
Naghiwalay na kami ng landas pagpasok namin sa loob ng school. Pagpasok ko sa classroom, wala pa si Rowss at sa tingin ko wala na naman siya ngayon. So I decided to look for Mr. Carter, ang prof na tumulong kay Rowss regarding his shortening of classes.
"Sir, nakausap niyo po ba si Rowss nung mga nakaraang araw? Hindi na kasi siya masyadong pumapasok sa school, could it be nagsimula na ang shortening of classes niya?" tanong ko.
Busy siya sa pagpipirma ng mga dokumento pero pinansin niya pa rin ako. "Actually Rowss canceled his shortening of classes due to personal reason daw, and I think he also said na hindi na siya mag-aaral simula next sem. Balita ko kasi malapit na ang succession day niya sa kompanya nila, and Rowss, I think Rowss doesn't need to study anymore since napansin naman natin na he was naturally intelligent talaga."
"What? Hindi na siya papasok next sem?" gulat na kompirma ko.
Bakit ganoon? Parang mas mauna pang mawawala si Rowss kaysa sa akin. What is really going on? Tawagan ko nalang kaya siya.
It took 10 minutes and 5 missed calls before he answered my call.
"Hello? Babe?" sagot niya.
Damn, I feel so happy hearing his voice. Narealize ko na namimiss ko lang siya kaya para akong praning kakahanap sa kaniya.
"Bakit hindi ka na pumapasok?" agad na tanong ko.
"Aaah---busy lang kasi ako sa trabaho babe, I need to prepare for the Ambassador's Party kasi," tugon niya.
"Where are you right now?" Ako.
"I'm at Twistolar, why?" Rowss.
"Pupuntahan nalang kita," tugon ko.
Natahimik siya bigla, "Umm--aah--huwag na babe, pupuntahan nalang kita sa bahay niyo later tonight to make it up to you."
"Oh, okay." Ako. Siya ang nagbaba ng call. My intuition hit me, something is really going on and Rowss won't tell me what it is.
Natapos na ang araw, pero pakiramdam ko sampung taon na ang lumipas dahil wala nang nagungulit sa akin. I'm back to being on my own again. Ang saklap talaga kapag nasanay ka na sa isang bagay, kapag nawala na ito sa'yo siguradong hahanap-hanapin mo.
Pagkarating ko sa bahay namin, inilagay ko nalang ang bag ko sa kwarto at sabay kaming naghapunan ni lola. Kinalaunan, pinuntahan ko si Stephanie. Nagmukmok daw siya sa kwarto niya sabi ni Tito David. Pagpasok ko, busy siya sa laptop niya.
Umupo ako sa sahig, thinking about things that bothered me.
"Ano bang ginagawa mo diyan Ame, dito ka sa higaan oh, baka mamaya susunugin na ang bahay namin ng mga agents ninyo dahil hindi kita inaalagaan nang maayos," biro pa niya.
"He's supposed to be here pero hindi pa siya dumating o tumawag man lang," ako.
"Ame, how about we watch horror movie while waiting for him?" Stephanie.
Nag-aalas 9 na ng gabi pero wala pa si Rowss. Kinalaunan, tumawag siya. "Hi babe, I'm sorry I lost track of time, hindi pa rin kasi ako tapos rito eh, pwede bukas nalang?"
It broke my heart,
but I chose to understand.
"Okay lang, take your time," tugon ko. End call.
"Pinsan, gumawa ka na kasi ng social media," suhestiyon ni Stephanie.
At ayun gumawa ako ng panibagong social media, ini-add ako ni Stephanie sa school gc's and starting to investigate things. Sabi nila, mas discreet ang mga girlfriend sa pag-iimbistiga sa kanilang boyfriend kompara sa mga NBI. Lez see.
"Ame, pinag-uusapan nila si Rowss si GC, basahin mo," wika ni Stephanie.
Binasa ko nga at gumuho ang mundo ko sa chismis.
"Did Rowss and Amaranthe broke up?"
-Sender 1.
"Maybe cause nakita ko si Rowss kanina na may kasamang ibang babae eh tapos ang sweet pa nila."
-Sender 2.
"Mas mabuti na nga 'yon, hindi naman bagay si Rowss sa Amaranthe na 'yon, mas bagay si Rowss sa bago niya dahil sobrang ganda."
-Sender 3.
"May pic ka ba nila?"
-Sender 2.
"Oh yeah, alam niyo naman si ateng diba, always ready."
-Sender 1.
"Gaga, nandito si Stephanie baka magsumbong iyon kay Amaranthe, alam niyo naman na parang takas ng mental yung babaeng 'yon."
-Sender 4.
"Huy, huwag nga kayong ganiyan, mabuting tao si Amaranthe."
-Sender 5.
"Edi magsama kayo."
-Sender 4.
Sender 1 sent a photo.
SOBRANG NANLAKI ang mga mata ko nang malaman kung sino ang babaeng kasama ni Rowss, si Anastacia. Muntik ko nang mabitawan ang phone ko.
"Ame, naghiwalay na ba talaga kayo ni Rowss? Kailan lang?" tanong ni Stephanie.
Hindi ko siya sinagot. Nakatulala lang ako sa phone screen ko.
"Hoy, hindi naman naghiwalay sina Pinsan ko at Rowss, stop spreading nonsense rumors."
-Chat ni Steph sa GC.
"Oh tingnan mo, nagsalita na ang aso ni Lenz."
-Sender 3.
"Hi, Stephanie."
-Sender 6.
"How was the lodge girl?"
-Sender 7.
"Shut the fuck up biatches!"
-reply ko sa mga nangalalait kay Steph.
"Oh sino 'tong Bunny Bbit na account?"
-Sender 1.
"New user yata, mutual si Stephanie."
-Sender 2.
"Is that Amaranthe?"
-Sender 4.
"Oh sh**t."
-Sender 1.
Sender 1 has logged out.
Sender 2 has logged out.
Sender 6 has logged out.
Sender 4 has logged out.
Bunny Bbit has logged out.
Bumalik na ako sa kwarto ko at humiga sa higaan, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pic na sinend ng estudyante.
Grabe iyong taong pinagseselosan ko pa ang kasama niya. Lola's right, they will really end up together.
Biglang tumulo ang luha ko.
END OF CHAPTER 34.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top