Chapter 33: Blackmail
Amaranthe's POV
Aba, aba ang liit nga talaga ng mundo, nagkita na naman kami ng linta na'to.
"Is that really Amaranthe? The daughter of a rich fam? You've got to be kidding me," reaksyon naman ng isa.
Napasilip ako sa tabi ko kung saan nakatayo si Stephanie, mukhang nalilito siya sa pangyayari. Tinalikuran ko nalang si Merci at hinatak si Steph palayo.
"Aww look at that, ang dating malditang Amaranthe ay nag-walk out," boses ni Merci.
"Baka inabandon na siya ng pamilya niya HAHA!" wika naman ng isa niyang kasama.
"Look at her clothes, parang tindera sa kanto WAHAHA!" wika din ng isa.
"Hoy Amaranthe! Are you just going to ignore us?" sigaw ni Merci.
Bigla namang huminto si Stephanie. "Ame, pinagkakaisahan ka na ng tatlong 'yon oh, ano na? Upakan ba natin?" Nagmamatapang si Stephanie kahit na hindi niya kilala si Merci.
"Hindi ko alam na marunong na palang makipag-kaibigan ang anak ng DF!" sigaw din ng isa.
"Oh! of course sa South siya naghahanap ng mapaglibangan 'cause wala naman talaga siyang kaibigan sa North, pathetic level infinity," sigaw din ng isa pa.
Tumigil ako't napabuntong-hininga. Ginawa nila talagang i-expose ako sa harap ng maraming tao. Hinarap ko sila at sinamaan ng tingin.
"Anak ng DF? Anong pinagsasabi nila Ame?" tanong ni Stephanie. Hindi ko muna siya pinansin at itinuon ang atensyon ko sa tatlong bruha.
"Are you done? Wala naman sana akong balak na sayangin ang oras ko sa inyo, but you gave me no choice," ani ko. Nag-unat unat na ako at handang makipagrambolan sa kanila nang may nakapansin agad na isang guard.
"Anong kaguluhan ito?" tanong ng guard.
"Merci, pinagtitinginan na tayo ng mga tao, ayoko ng masangkot sa gulo baka ma-grounded ako ni dad nito," sabi ng isa niyang kasamahan.
Nag-smirk ako. "Security, huwag ka munang mangialam dito, pinapainit nila ang ulo ko kaya hindi ko papalampasin ito."
Biglang umatras si Merci. "Damn! You're right, let's go. Hindi natin teritoryo ito kaya huwag na tayong sumugal."
Umalis sila, at napatingin ako sa guard tapos kumindat. Nice one guard. Ayaw ko na ng gulo, pero effective pa rin ang strategy kong manakot ng tao.
Bigla akong hinila ni Stephanie hanggang sa labas ng mall. Mukha na siyang curious ngayon, fine.. hindi ko na itatago ang pagkatao ko sa kaniya and besides three months nalang ang tagal ko rito sa South.
"Ame, astig mo kanina ah, as usual admirable ka talaga," Steph.
"Parati naman akong astig Steph, para namang just now mo lang narealize," biro ko pa.
"Ang tatanga ng mga iyon no? Napagkamalan ka pang anak ng DF HAHA!" dagdag niya.
Tiningnan ko lang siya habang tumatawa. Hindi pa rin ba niya nakuha na totoong anak ako ng DF? Psh, so typical Stephanie talaga. Minsan mapapakamot nalang ako ng ulo sa ka-slow ng babaeng ito.
"Oo nga pala, anong gagawin natin sa mga nakuhang videos ng mga audience kanina, sigurado akong todo post na ang mga iyon sa social media," Stephanie.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Mr. Sua. "Hello Mr. Sua, kindly delete all those videos sa phone nila, you already know what I mean."
Natigil sa kakatawa si Stephanie habang nakatingin sa akin. "Sino si Mr. Sua?"
"Siya ang Executive Secretary ng kompanya namin," tapat ko pa.
"Executive Secretary? Nagbibiro ka lang no?" dagdag niya pero itinaas ko lang ang dalawang kilay ko sa kaniya. "E-Executive Secretary? No way, a-are you really--?" Stephanie.
"Yes Steph, ako ang nag-iisang babaeng anak ng DF Company sa North, Amaranthe Del Fiorre," Ako.
Bigla siyang napaupo sa sahig dahil sa pagkakagulat. As in sobrang gulat ang ekspresyon niya.
"T---T----Talaga?!" tugon niya.
Rowss POV
"May balita na ba sa confirmation ng DF sa imbitasyon natin?" tanong ni dad sa mga empleyado namin.
"Wala pa sir."
"Dad, let's give them time, malaki ang kutob ko na darating talaga sila sa party natin, everything will go back to the way it was," encourage ko kay Dad.
"Mabuti nalang at nandito ka sa tabi ko Rowss," Dad.
Kinalaunan, biglang tumawag si Anastacia sa phone ko pero hindi ko na muna siya pinapansin.
TODAY IS ALREADY TIRING AS IT IS. Doble ang effort ko sa paghahanda ng mga dokumento na kakailanganin ko sa proposal.
Tumawag din si lola sa akin. "Hello, Rowss apo, good news dahil babalik na ako riyan sa South sa darating na Disyembre, diyaan ako mag-papasko't bagong taon."
"Talaga lola? Magandang balita nga iyan," tugon ko.
"Oo nga pala Rowss, kailangan may jowa kang ipapakilala sa akin pagbalik ko diyan," dagdag niya.
"Opo, opo, lola. Sige po bye na muna kasi may gagawin pa ako ngayon eh, alam mo na, work is work," tugon ko.
"Sige iho, mag-ingat ka palagi ah," Lola.
"Opo 'la, ikaw din," ako.
Kinagabihan, may tumawag sa phone ko na unknown caller kaya sinagot ko. "Hello?"
Narinig kong humahagulhol ang nasa kabilang linya, "R-Rowss."
Boses ni Anastacia iyon. Andami kong missed call galing sa kaniya, hindi ko kasi siya pinansin buong araw. Pero bakit ganito ang boses niya?
"Anastacia? Anong nangyari sa'yo?" tanong ko.
"H-hindi ko na alam kung anong gagawin ko Rowss, please puntahan mo ako sa bahay namin ngayon kahit saglit lang, please I'm begging you," tugon niya.
Bigla niyang binaba ang call at hindi ko na siya matawagan pa ulit. Hindi ko alam kung prank lang niya ba ito o totoo pero pinuntahan ko talaga siya sa bahay nila. Ang bumungad naman sa akin ay mga kasambahay nilang mukhang nagriritual.
What am I doing here? What am I thinking?
Why did I come here?
"Sir Rowss, hinihintay ka po ni ma'am Anastacia, nasa kwarto po siya," wika ng isang kasambahay.
"Bakit? Anong nangyari sa kaniya?" tanong ko.
"H--Hindi po namin alam, pero may doctor na pong umaasikaso sa kaniya," tugon niya.
Nang nakapasok na ako sa kwarto ni Anastacia ay tamang-tama na nakasalubong ko ang papalabas na doctor. "Doc, anong problema niya?"
"Humingi si Ms. Taylor na siya lang daw ang magsabi sa'yo tungkol dito, samahan niyo po siya sa loob," malumanay na sagot ng doctor.
Tiningnan ko si Anastacia na sobrang namumutla na nakahiga sa higaan niya. Pero ngumiti siya nang makita ako.
"Rowss, dumating ka," saya ang ibinungad niya sa akin.
"What happened?" Ako.
"My mom and dad are not here, but if they will find out, sigurado akong itatakwil na nila ako," tugon niya.
"Bakit? Ano ba talagang nangyari sa'yo?" Ako.
She looked at me like she's hesitating to tell me what it is. "Ikaw lang ang makakatulong sa akin Rowss."
"Anastacia, stop playing this mind game and tell me directly what it is," tugon ko.
"Rowss I'm pregnant," diretsahang tugon niya.
END OF CHAPTER 33.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top