Chapter 30: The Heart's Want
Rowss' POV
KINABUKASAN. Ang bigat ng pangangatawan ko at pati ang mga mata ko ay hindi halos maibuka. Pero nagulat ako nang ibang kwarto ang minulatan ko. Pagtingin ko sa window glass, namukhaan ko agad ang lugar, sa isang hotel malapit lang sa kompanya namin.
Kagabi kasi, naisipan kong uminom para pampatanggal ng stress sa trabaho pero hindi ko na alam kung anong pinaggagawa ko pagkatapos.
Napakunot ang noo ko nang naramdaman kong mabigat ang kaliwang braso ko, mukha ni Anastacia ang bumungad sa akin na ngayo'y mahimbing ang tulog sa tabi ko.
Why is she here?
Nag-vibrate ang phone ko. Si Amaranthe ang tumawag. Shit I overslept, it's already past 11 in the morning, may lakad kami ngayon.
"Hello baby? Good morning," sagot ko.
"Halatang kakagising mo lang, alam mo ba anong oras na ha? Edi sana hindi nalang ako gumising nang maaga," inis na tugon niya. Parang tinusok ang tenga ko sa boses niya. Grabe nakakatakot talaga magalit ang jowa ko.
Napahawak nalang ako sa aking ulo, hang-over pa ako kaya wala ako sa katinuan ngayon. How should I tell this to Amaranthe?
Biglang yumakap si Anastacia sa akin na malapit lang ang bibig niya sa phone ko. "Rowss baby, I love you," pagsasalita niya.
Agad na ibinaba ni Amaranthe ang tawag kaya nataranta na ako, agad akong bumangon tapos isinuot ang damit ko, mas nanlaki ang mga mata ko nang naka-boxer lang ako ta's naka undies nalang si Anastacia. What the, wala talaga akong maalala kung anong ginawa ko kagabi.
Iniwan ko siya sa kwarto at pinuntahan agad si Amaranthe. Wala pa akong ligo pero ayaw ko namang pahintayin siya roon. Wala na akong pakialam kung laitin niya ako.
Pagkarating ko sa meeting place namin, ang sama sama ng tingin niya sa akin, nakaboyish pa rin siya ng kasuotan pero ang cute niya.
"Ang saya saya mo siguro 'no?" bungad niya habang naka-cross arm.
"Baby, sorry na, na-over slept lang ako, I was drunk kasi," tugon ko naman.
Nauna na siyang maglakad na nakasimangot kaya todo comfort ako sa kaniya para bumalik ulit ang ngiti niya. Pero sanay naman rin akong masungit ang jowa ko, napaka-cute nga kaya lang nararamdaman kong may karapatan din siyang magalit sa akin dahil mukhang may nagawa akong kasalanan sa kaniya.
"Tsanga pala, sino yung kasama mong babae kanina?" biglang tanong niya.
"Ha? W---wala naman akong kasamang babae," pagsisinungaling ko pa. Argh, hindi ko masabi na si Anastacia iyon.
"Fine, I won't force you to tell the truth but I don't like you lying to me, I am your girlfriend now and you should respect that," prangka niya. Tumingkag ang tenga ko nang ako-in niya ako bilang jowa niya. Nakaka-flatter tang-ina. Pero mali pa rin dahil nagsinungaling ako sa kaniya.
The fuck, ang lutang ko!
FLASHBACK
Tumawag si lola sa akin noong nakaraang buwan, ang unang nagmamay-ari talaga ng Twistolar.
"Apo Rowss, nabalitaan kong may girlfriend ka na raw ngayon, hindi mo man lang ba ako kwentuhan tungkol niyan? Who is she anyway? Anak ba ng malaking kompanya? Is she pretty? Tell me her name at least," bungad ni lola nanpuno ng pagkakasabik ang pananalita niya.
Napangiti ako, "lola I think you'll like her when you see her in person, kailan ka po ba babalik dito?"
"Next year, ng succession day mo, at dapat talaga ipapakilala mo 'yon sa akin," lola.
"Opo 'la, she's just like you rin, marami kayong similarities ni Amaranthe," pagmamalaki ko.
"Amaranthe? Is that her name? Anong apilyedo niya?" Lola.
"Del Fiorre po, she's my classmate here in South," tugon ko.
"Del Fiorre?" Huminto siya saglit sa pagsasalita.
"Opo, I will let you meet her even before my succession day---," ako.
"No, I don't like her, find someone else, hiwalayan mo 'yan," nag-iba bigla ang kaniyang mood.
Napakunot ang noo ko sa pagtataka. "Lola, hindi niyo pa nga siya nakita sa personal."
"May nakaraan lang ako sa mga may apilyedo na Del Fiorre, kahit sino pa 'yan ayaw kong magkakaroon tayo ng koneksiyon sa pamilyang iyan," tugon niya.
END OF FLASHBACK
"HOY BA'T ANG BAGAL MONG MAGLAKAD HA?" Amaranthe.
"Mananghalian muna tayo, gutom kasi ako eh," iniba ko ang mood, masaya naman ako't pumayag siya.
Pumasok na kami sa pinakamalapit na fast food restaurant pero hindi na siya nagsalita simula kanina kaya tinanong ko siya kung okay lang ba siya.
"Pwede mo ba sabihin sa akin kung bakit mo naisipang ipa-shorten ang kolehiyo mo?" tanong niya.
"Ah dahil malapit na ang succession day ko sa kompanya, magiging presidente na ako full-time ta's I'll also quit on being a celebrity na rin, only child lang ako kaya hindi ko matatakasan ang responsibilidad na ito," tugon ko habang kumakain.
"Succession day? You will be the next CEO of your company?" kompirma niya.
"Uhuh, by the way, ngayon ko lang yata narinig na nagiging interesado ka sa personal life ko ah," nakangising tanong ko.
"Eh ano naman ngayon?" taray na naman niya.
"Wala lang, masaya lang ako," nakangiting tugon ko.
"Ano bang pangalan ng kompanya niyo?" tanong niya naman. I remember she asked the same question before pero hindi ko nasagutan.
"I'll take you there nalang, kailangan ko rin kasing pumunta sa opisina dahil may kukunin ako," tugon ko. Magugulat kaya siya kung malalaman niyang kami ang may-ari ng Twistolar?
Tahimik lang siyang umiinom ng coke float.
"Since napag-usapan natin ang tungkol sa succession day ko, magkakaroon kami ng party a month before nun, pwede ba kitang imbitahan na umattend?" dagdag ko.
"Kailan naman 'yon?"
"Next year," ako.
"Psh, malay mo hiwalay na tayo sa araw na 'yon," biro niya.
"Huwag naman, pero kahit na siguro maghiwalay tayo, gusto ko na pupunta ka pa rin," ako. Bigla niya akong tiningnan nang masama.
"Fine," nakangiti na siya.
Pero alam kong hindi kami maghihiwalay. Ayaw ko na kaya siyang pakawalan kahit na ayaw ni lola, naniniwala pa rin akong magugustuhan ni lola si Amaranthe balang araw.
PAGKATAPOS naming kumain ay pumunta na kami sa Central Zone kung saan ang aming main branch ng kompanya na-locate. Ang cute naman niyang nakatingin sa mga matataas na building sa paligid, sa pagkakaalam ko minsan lang siya makakapunta sa syudad eh.
"Nagustuhan mo ba ang lugar?" tanong ko kahit nakapunta na kaming dalawa rito dati.
"Syempre, nandito rin kasi ang paborito kong kompanya na-locate," tugon niya.
Tiningnan ko siya. "Talaga? Anong kompanya iyon?"
"Basta." Ikli niyang sagot.
Pumasok na kami sa entrance ng kompanya namin at dumiretso sa basement para iparada ang sasakyan.
"Let's go?" Agad kong hinawakan ang kamay niya.
Nang makarating na kami sa main office ko, hindi na siya umimik at parang nagulat sa buong paligid.
"Rowss, i-ikaw ang may-ari ng Twistolar?" Gulat na reaksyon niya.
END OF CHAPTER 30.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top