Chapter 3: Risk to Gamble

Rowss' POV

FLASHBACK


FOURTH DAY OF SCHOOL.


"Please find me a person named Amaranthe Del Fiorre, I want to have the information within an hour," urgent utos ko sa mga empleyado namin.


"Yes sir, masusunod."


Amaranthe, mas lalo akong nagkakainteresado sa'yo araw-araw.



"Sir, may limang resulta sa ibinigay niyong pangalan, ibibigay ko nalang po sa inyo ang record," report ng isang employee.

Nakita ko ang personal infos niya batay sa nakalap ng empleyado namin. "Walang masyadong impormasyon? Wala bang record kung sino ang mga magulang niya at kung saan siya nag-aral dati?"


"Pasensya na po sir, iyan lang po talaga ang lumabas sa database, mukhang itinago ang record niya for some reason."


Even in smallest details Amaranthe, you're so mysterious. Address lang niya rito ay may malaking tulong sa akin. Current address niya ay sa Emeralda Del Fiorre's subdivision.


Kinabukasan. Pinuntahan ko ang address niya. SA EMERALDA'S SUBDIVISION.

Napatanaw ako mula sa labas, she lived in just an average home.

It's so funny that I actually ended up here. Ang babaeng nagngangalang Amaranthe Del Fiorre, tinamaan niya ang pride ko nang sobra. At first, ginawa ko lang pang playtime si Amaranthe but everything goes the way I never expected. She's a kind of girl I can't ever predict. Perhaps she's the one who can help me in my problem. Pakiramdam ko lang talaga na matutulungan niya ako.


I have to gain her trust so she could help me something in the near future.

"Excuse me sir may appointment ka ba sa mga nakatira rito ngayon?" tanong ng guard sa akin.

I took off my black sunglasses and gave the guard a smile. "Yes, I would like to speak with Amaranthe Del Fiorre."

"Wo-woah? Diba ikaw si Rowss Sanchez? Idol na idol ka nga pala ng anak ko pwede ko ba makuha autograph mo?" tugon niya.

"Sure," ako. And as simple as that, pinapapasok niya ako without hassle. Ang ganda ng interior ng subdivision, well-planned, at ang mga kabahayan ay may kaniya-kaniyang style at space.

"Hala si Rowss Blaze!" react ng bata na papalapit sa akin.

"Hello there," bati ko sa kaniya.


"Ako po si Warren Conzuelo. Idol na idol kita Kuya Rowss, mahilig din kasi ako sa mga cars at ikaw ang inspirasyon ko," masiglang wika niya.


"Mabuti naman may nadatnan akong fan dito, ipagpatuloy mo ang pagkakagusto sa mga sasakyan little one," tugon ko sa kaniya sabay ginulo ang kaniyang buhok.

"Kuya saan nga po pala kayo papunta, may bibisitahin po ba kayo rito?" tanong niya.

"Yes, hinahanap ko si Amaranthe Del Fiorre?" tanong ko.

"Ah, sa pinakadulo siya nakatira kuya, doon sa may nakalagay na Emeralda, pangalan ng lola namin," tugon niya.

Nice one boy.

Pagkalapit ko sa harap ng bahay nila, may sumalubong sa akin na isang matandang babae. At parang nagulat siya. "May kailangan ka iho?"

"Magandang gabi ho, ako ho si Rowss Blaze Sanchez, hinahanap ko lang po si Amaranthe Del Fiorre," malumanay na wika ko.

"Anong kailangan mo sa apo ko?" tugon niya.

"Ah lola? HAHA lola, boyfriend niya po ako."

Tumahimik muna siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, mukhang inabot ng 30 segundo ang dead air namin. Sobrang awkward. "Magalak akong makilala ka Rowss, ngunit wala ngayon dito si Amaranthe sa bahay, may pinuntahan sila ng pinsan niya sa syudad, hindi rin ako sigurado kung anong oras sila babalik," tugon ni lola.


"Ah ganun po? Sige po hindi na rin lang naman ako magtatagal, gusto ko lang masigurado na okay ang girlfriend ko," lakas-loob na sagot ko.

"Let's have a tea some time Rowss," lola.


"Sure po, --at may huli rin po sana akong hihilingin sa inyo lola since nandito naman po kayo, magpapaalam lang po ako, pwede ko ba mahatid-sundo si Amaranthe sa paaralan at rito?" pamamaalam ko.


"Hindi ba ikaw ang anak ng may-ari ng Twistolar Company? Anong nakita mo sa apo ko para magustuhan mo siya? Sa pagkakaalam ko, lahat ng lalaki takot makipaghalubilo sa apo ko."



END OF FLASHBACK.
PRESENT DAY.




Maganda ang naging kwentuhan namin ng lola ni Amaranthe noong nakaraang araw. Alam kong wala pa rin siyang tiwala sa akin ngunit binigyan niya ako ng permiso na makasama ang apo niya. Good news hindi ba?


Umuwi na ako, at bumungad naman sa akin ang inaasahan kong makita sa araw na ito, si Anastacia.


"Kakabalik ko lang galing Amerika pero ito ang bubungad sa akin? Rowss how could you?" Anastacia.


"Good to see you again, Anastacia," ako.


"What's with this controversy? How could you be in a relationship with another female when you and I will be engaged sooner? Nababaliw ka na ba Rowss?" she replied.



"Anastacia, she's the girl I want to marry someday," tugon ko. Hindi ko alam bakit ko iyon nasabi.


She smirked. "Rowss you know this better than anyone, whether you like it or not I will become your fiancee, at wala ka ng magagawa roon."


"I love her," pagsisinungaling ko pa.


"With who? Yung babae mo? Anong meron sa kaniya? Sino ba siya para palitan ako? I can make your business even bigger Rowss, you know that, and no one else can do that for you kundi ako lang. Hindi ba iyan din ang gusto mo? To merge our companies?" react niya.



She took a step forward while giving me an evil grin. Typical Anastacia. "I heard Twistolar is not in good shape these days. You might wanna think that carefully, Rowss."


Kahit pa gaano magdrama sa harap ko si Anastacia, hindi na ako madadala. Alam ko na ang totoong pakay niya sa akin pero nagmamaangmaangan lang ako. She said this marriage will save me and my family's company but in reality it will destroy me.



"Tell me her name, I will be glad to meet the president's girl," dagdag niya.


"Alam ko na ang binabalak mo, but you cannot touch her Anastacia," tugon ko.



Nakikita ko ang galit na expression ng mukha niya sa sinabi ko, halos napakuyom na siya sa galit. Lumapit sa amin ang maid kong may dalang dalawang baso ng wine. Kinuha ni Anastacia ang isang baso at ininom niya, at ang isa naman ay ibinuhos sa mukha ko.



"No Rowss, the battle isn't over yet, dragging that girl in this can only make everything worse, hindi ko pa rin isusuko ang engagement, she's just your girlfriend but I will be your fiancee," sagot niya. Umalis na siya sa harap ko pero hindi ko na siya nilingon. This is the risk I have to take, mahirap na kalaban ang Pamilya Taylor. Am I selfish to say that I will use Amaranthe as an excuse para hindi matuloy ang engagement?




END OF CHAPTER 3.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top