Chapter 29: Announcement


Amaranthe's POV






BINUKSAN ko ang invitation card, sinabi nito na magkakaroon ng Ambassador's Party ang kompanya ng Twistolar.






"Kailan dumating ang imbitasyong ito?" tanong ko kay Kuya An.






Nakapamewang siya sa gilid habang nakasandal sa mesa ng salamin niya. Napabuntong hininga siya bago magsalita. "Who cares? It's just a low-level party, and besides wala tayong koneksyon sa Twistolar kaya it's just a waste of time."







"Of course, the both of you never been to a lowly party like this before pero ako oo," react ko.







"Then you go," tugon niya.







"May kutob din akong may kinalaman ito sa unti-unti pagkakabagsak ng kanilang kompanya, since kalaban din nila ang Crystal," Ako. Inilagay ko ang invitation card sa gray sling bag ko.






"Updated ka na yata sa mga nangyayari sa labas, you've never pay attention to something like this before," Kuya An.






Tiningnan ko lang siya habang napa-isip rin ako kung bakit nga ba ako nagsasayang ng oras sa issue nila eh kung tutuusin mas malaki pa ang problema namin sa pamilya namin. Twistolar is just a company I secretly admire but I have no connection with any of them. Just like Kuya An said, it's just a waste of time.






"Kung wala akong gagawin, ako na ang aattend sa party na ito," tugon ko.






"As you wish. Let's go outside, marami na ring mga bisitang dumating," tugon din niya.






Umakyat na kami tungong rooftop sakay ang elevator. Nang nakaapak na kami, iba't-ibang reaksyon ang bumungad sa amin. Nakita ko ring naka-grin lang si Alkerson katabi ni Dad at nakangiti naman si Mom.






"Ngayon ko lang nakita ang anak na babae ng DF, rinig ko hindi siya pinapalabas ng poder nila."






"She's beautiful."






"Mana siya sa mama niya."






"Akala ko mga lalaki lang ang anak ng DF."






"Ngayon lang yata siya nakapunta sa South no?"






Halos lahat ng mga mata nila ay nakatuon sa akin. Umupo na ako katabi ni mom at ang katabi ko naman sa kabila ay si Mr. Sua. Walang media ngayon dahil ginawa itong private event.





Rowss' POV




NASA GITNA kami ngayon ng pagpupulong. Sa halip na si dad ang uupo sa chairman's chair sa gitna ay ibinigay niya ito sa akin. I've made a lot of proposals na inihanda ko since last week and I've finally decided to move our Ambassador's Party next year instead of this coming October. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kalaki ang lacking ng kompanya namin in less than a year.







"Mr. Young President, kailangan niyo pong makipag negosasyon sa Crystal Corp. it's for the best," suhestiyon ng isang board member.






"Para na ring sumang-ayon tayong maging isang tuta sa kalaban natin, iyon ba ang gusto mong iparating?" tanong ko.






"Mr. Young President we also have to take a risk because that is what business is all about," suhestiyon din ng isa.







Naging maingay na naman ang buong opisina. Inilabas ko ang mga panibagong designs sa harap nila na hindi ko pa naipakita ng kahit na sino. Noong nakaraang linggo, nakipag-usap ako sa mga executive designers namin na gumawa ng panibagong designs para masali sa proposal, this is the only way to save our company.






"These are five new designs na kailangan nating i-release next season, next season ay sa araw ng Ambassador's Party natin," aniya ko. Napatango naman si Dad sa aking presentasyon.






"How about the invitation to DF Company?" tanong ni dad.






"Sir, we already sent the invitation yesterday, kompirmasyon nalang ang hinihintay natin baka sakaling sang-ayonan nila," sabi naman ng isa pang board member.







"Mr. Young President, how do you plan to release these designs where in fact hindi tayo sigurado kung magugustuhan ng DF ang mga ito?" tanong ng isa ring member.







"For now, pagplanuhan na muna natin ang mangyayari sa Ambassador's Party, I will always monitor the updates," tugon ko.







Biglang tumayo si Dad, "let's just give our best shot and I'm sure everything will go back to the way it was."






"Yes sir."





Amaranthe's POV






Tahimik lang akong nakaupo sa pwesto ko habang umiinom ng wine. Pasilip-silip ako sa direksyon ni dad pero mukhang wala siyang pakialam na nandito ako ngayon. Palagi namang humuhudyat si lola sa akin to behave kaya inienjoy ko nalang ang sarili ko sa pagkain.






Kinalaunan, nagsalita na si Dad sa harap ng bisita at bigla namang umeksena si Alkerson kaya nakatuon ang lahat ng atensyon sa kaniya.






"May importanteng announcement ako sa gabing ito, isa itong magiging makabuluhang gabi para sa pamilya ng DF Co.," wika niya.





I remained poker-faced samantalang napakuyom na sa galit si Anarson sa upuan niya. Ito ba ang kinatatakutan ni Anarson kay Alkerson? Itong announcement na tinutukoy niya?






"It is my honor to say this to all of you, that I, Alkerson Del Fiorre is currently engaged with the daughter of one of the top companies here in South," announce niya.






Napababa ako ng wine glass na kanina ko pa hinahawakan nang biglang may umeksenang isang babaeng nakasuot ng black long dress. Everything became slower in motion habang nakatitig ako sa kaniyang pag-rampa sa harap namin.





Nanlaki naman ang mga mata ng mga bisita namin nang makita ang babaeng tinutukoy ni Alkerson.





"Ladies and gentlemen, this is my fiancee, the daughter of Crystal Corporation, Rosalia Taylor," pagpakilala niya.






Proud pa siya. Nagsipalakpakan naman ang mga tanga naming bisita.






"Sorry I came late, but I just don't want to miss my fiancee's birthday," pagsasalita ng babae. Boses pa lang nakakairita na.






Hindi ko napigilang mapatawa nang malakas sa harap ng mga bisita namin. Tumawa talaga ako nang napakalakas na naging sanhi ng pagtingin nilang lahat sa akin.







"Amaranthe," pigil pa ni lola sa akin.






Tumawa pa rin ako na parang kinaaaliwan ko nang husto ang nangyari sabay palakpak, ito na yata ang pinakanakakatawa sa balat ng lupa.





"Anak," pigil din ni mom.






Nagpatuloy ako sa pagtawa. "Pasensya na, pasensya na HAHAHA! may naalala lang kasi akong nakakatawang palabas, graaaabe sobrang nakakatawa."






"Quiet Amaranthe," sermon ni dad sa akin.






Sinamaan ko siya ng tingin. "This. Is. The. Most. Iconic. Ever. In. Our. Family."






Tiningnan ko sina Alkerson at ang babae niya. I can't help but to roll my eyes on them. And gave them an evil grin. Tssss. Tumayo ako't umalis sa rooftop.






Nanatili ako sa comfort room ng mga ilang minuto, pagkalabas ko ay nadatnan ko ang so-called fiancee ni Alkerson, si Rosalia Taylor.






Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at nilagpasan pero bigla niyang hinawakan ang braso ko tapos piniga ito. "You dare humiliate me in front of the crowd?"






I scoffs. "FYI. Wala akong pakialam sa'yo." Hinarap ko siya. "Baka hindi mo kilala ang hinahawakan mo? Let's just get one thing straight shall we? Tandaan mo, YOU. WILL. NEVER. GET. WHAT. YOU. WANT." Inalis ko ang pagkakahawak niya't nagpatuloy sa paglalakad. Hindi yata niya alam kung anong pinasok niya.






END OF CHAPTER 29.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top