Chapter 28: Twins' Birthday
Stephanie's POV
FRIDAY NGAYON. Kaya maaga kaming makakauwi sa hapon. I've been avoiding Lenz's peers for a couple of days na dahil ayaw ko na ng gulo. Lumalayo na rin ako sa chismis at nangako rin ako kay Ame na hindi na ako magpapakatanga pa ulit sa kaniya. I've already learned my lesson --the hard way.
Hinanap ko si Ame sa campus kaso wala siya. Sabay na sana kami ngayon pauwi. Mabuti naman at nakita ko si Rowss.
"Rowss, kasama mo ba si Ame ngayon?" Tanong ko.
"We already parted ways Stephanie dahil may importante lang akong aasikasuhin ngayon, sa tingin ko papasakay na iyon pauwi baka maabutan mo pa sa bus stop," tugon niya.
"Ah sige Rowss, maraming salamat," ako.
Dali-dali akong pumunta sa bus stop para hanapin si Amaranthe, pero noong nasa malayo pa ako, nakita ko siyang busy sa kaniyang cellphone habang nakikinig sa airpods niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang biglang may humintong puting van sa harap niya at pinapapasok siya sa loob ng dalawang naka-itim na manong.
OMG! AME'S BEING KIDNAPPED!
Agad akong tumakbo papalapit sa kanila at tinatawag si Ame kaso hindi nila ako narinig at umalis na ang van. Ang malas naman dahil walang ibang tao sa bus stop na pwede ko mahingian ng tulong.
OH NO? ANONG GAGAWIN KO?!
Sinagip ako ni Ame sa kamay ni Lenz kaya ako dapat ang gagawa ng paraan para sagipin siya ngayon. Ame, please be safe! I'll come and save you!
Agad akong tumawag ng taxi at naisipang sundan sila pero na-realize ko na empty-handed lang ako ngayon kaya umuwi nalang muna ako para sabihin kay lola ang nangyari, hindi ko rin nakuha ang plate number na dapat iyon ang importante kapag may kidnapping eh. Gaga, ang tanga ko talaga!
Pagkarating ko sa subdivision namin. Agad akong bumaba ng taxi.
"Miss! Pamasahe mo?" Tawag ng driver sa akin.
"Ah, oo nga, sorry manong driver kailangan ko lang kasi magmadali dahil nakidnap po yung pinsan ko," tugon ko at nag-abot sa kaniya ng pera. "Keep the change nalang po!"
Agad akong pumunta sa loob ng bahay ni lola. "LOLA! LOLA! TULONG! SI-SI-SI AME, SI AME, SI AME---!" Nagsisigaw ako nang makita ko si lola.
"Ano bang problema mo Pinsan? Anong tungkol sa akin?" Tanong ng papalapit na si Ame sa akin na may dala-dalang isang pitsel ng orange juice.
"AME?! OH THANK GOODNESS! YOU'RE SAFE!" react ko at hindi napigilang yakapin siya. Pero nag abot ang dalawang kilay ko sa pagtataka. Akala ko ba nakidnap siya?
"Ame? Sino yung sumundo sa'yo kanina na puting van? Akala ko tuloy nakidnap ka na," ako.
Tumingin siya kay lola na parang naguguluhan sa sinabi ko. But I am not wrong, sigurado akong si Ame talaga yung nakita ko kanina. May kamukha ba siya?
Amaranthe's POV
Inalis ko ang pagkakayap ni Stephanie sa akin at tiningnan si Lola. Ngeok, nakita pala niya ako kanina na sumakay sa private van namin. Private van kasi namin iyon na inutusan ni mom na sumundo sa akin para raw safe ako sa pag-uwi.
"Mga kamag-anak lang 'yon ni Ame, Stephanie. Napabisita lang kasi sila rito kanina," tugon ni lola.
"Salamat sa pag-aalala Steph, pero okay lang naman ako, kumalma ka lang," ako. Tinapik ko nalang ang balikat niya.
Tumabi ako kay lola habang umiinom ng juice. Lumabas siya kaya naiwan kami ni lola na nagsisitahan sa isa't-isa.
"Bakit ba naman kasi sinundo pa ako kanina sa school," wika ko.
"Huwag nang maraming satsat Ame, kailangan mo ng maging si Amaranthe Del Fiorre ngayon. We will leave tonight before midnight," tugon ni lola.
Anong mangyayari bukas? It's my twin brothers' birthday. Balita ko nakarating na sila rito sa South and they are now staying at La Diorre Hotel kung saan mangyayari ang engrandeng party.
KINAGABIHAN around 10PM. Nag text sa akin si Rowss.
"You up?"
-Rowss
"Bakit?"
-reply ko.
"Sleep ka na, para hindi magka-eyebags"
-Rowss
"Bakit gising ka pa din?"
-ako.
"I'm preparing for a huddle meeting tomorrow kasi, it's a business matter."
-Rowss
"Okay take your time, good night"
-ako
"Good night babe, love you"
-Rowss
Love you. Napatulala ako sa "love you" niya, hindi ko siya mareplyan. But deep in my heart I really want to say "love you too".
Pshh. Nakakatawa. Am I starting to have an affection for him? Tch. Well, of course, why not? He's my boyfriend anyway. Maybe, it's just, I'm scared to be committed to someone, natatakot talaga akong masaktan at maiwan.
"Ame, let's go, nasa labas na ang van," wika ni lola.
Lumabas kami ng subdivision at sumakay sa private van namin. Sobrang tahimik ng paligid kaya hindi ko maiwasang mapatulala habang iniisip si Rowss. Ngeok, iniisip si Rowss haha, eh totoo naman.
"Don't cause any trouble Ame, lalong-lalo na sa harap ng dad mo," paalala ni lola. Hindi lang ako kumibo hanggang sa nakarating na kami sa hotel.
Unang bumungad sa amin ay sina Mr. Sua at ang kapatid kong si Anarson. Sabay na kaming umakyat tungo sa room na para sa amin. Nang nakapasok na ako sa room ko, nakita kong ang daming dress na nakalapag sa higaan ko.
"Nagustuhan mo ba? Inihanda ko na sa'yo ang mga paborito mong designs at kulay, you often like light colors diba?" wika ng kakasunod na pumasok na si kuya An.
"You're right, gusto ko nga ang ganito. Matagal na rin akong hindi nakapag-suot ng ganito--ISANG TAON," seryosong tugon ko.
"Must be nice to be back again?" Kuya.
"Psh!" React ko.
Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko at nakita naming pumasok si mommy kasama ang kaniyang dalawang bodyguard. "Anak, kamusta ka na?" Niyakap niya ako.
Naalala ko naman ang pagtataksil ni dad kay mom. Naaawa ako sa mommy ko but I know palaban siya. I missed her. I missed her hug.
"Mom, I'm fine. I want to sleep na so pwede bang mamaya nalang tayo mag-usap?" Ako.
"Sige magpahinga ka muna, it's almost dawn na rin," tugon niya.
SATURDAY. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Sabay kaming nag-almusal at nag-tanghalian magpamilya. Kinahapunan, nagbihis na ako't nakasuot na ng white medium dress and silver heels, naka S wave na rin ang buhok ko with the DF Elegant hairclip na ako mismo ang nagdesign, and a light touch of make-up. Matagal na rin akong hindi nakapag-ayos ng ganito so this feels refreshing. I am back to being the only daughter of Del Fiorre.
"Anak, are you done?" Bungad ni mommy na nakasuot ng brown formal attire. She gave me an amused reaction nang makita ulit akong naka-bihis ng ganito. I heard she's going to leave early today dahil presidente pa rin naman siya ng bayan. She's always busy.
"I want to see Anarson first before ako pupunta sa rooftop," hingi ko. Sa rooftop kasi gaganapin ang party.
"Okay let's go, you look so pretty anak," hinawakan niya ang balikat ko. "You must always remember na isa kang Del Fiorre ha and you also have a mother na pwede mong masandalan kapag may problema ka."
Pagkalabas namin ng kwarto, papunta kami sa dressing room ng mga kapatid ko. Nakasalubong ko naman ang pangalawang kapatid ko na si Alkerson.
He grinned. Nagkatagpo ang aming mga mata and we both staring coldly at each other. Nilagpasan niya ako pero nagsalita siya.
"Anarson will never get what he want," wika niya at nagpatuloy sa paglalakad. Nakakatawa, dati lang sobrang close ng mga kapatid ko pero ngayon naglaban-laban sila sa isa't-isa just to get the throne they wished to own.
Pumasok na ako sa room at napansin kong hindi na nakasunod sa akin si mom, tinangay siya ni Alkerson malamang. Tamang-tama naman nang masaksihan kong inihagis ni Anarson ang mga gamit niya sa pader.
"That Damn Alkerson," galit niya.
Napangisi ako. "Masisisi mo ba kung namana nating lahat ang ugali ng Del Fiorre?" Itinaas ko ang dalawa kong kilay sa kaniya.
"May binabalak siya," Kuya An.
"Pareho naman tayong may binabalak. Ang tanong, kung magwawagi ba siya?" tugon ko.
At doon ko naman napansin na may isang invitation card sa kabilang mesa ng room. Card na galing sa Twistolar Company.
"What's this?" Ako.
END OF CHAPTER 28.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top