Chapter 27: Taylor's Move


Anastacia's POV





I couldn't stop thinking about Rowss' warning. He even dared to threat me in front of my friends. Seriously? Alam ko na naman na ginamit niya lang ang babaeng iyon to get away from our engagement.






FLASHBACK AT THE BEACH.





Someone said na nandito rin daw si Rowss sa Lunar Beach, inanyayahan ko iyon noong nakaraang linggo pero hindi siya pumayag tapos ngayon nandito siya kasama ang ibang babae. Hinahamon niya talaga ang pasensya ko.





"Anastacia, puntahan mo na si Rowss, siya lang mag-isa ngayon doon," wika ng kaibigan ko. Tiningnan ko ang nakatayong si Rowss malapit sa dagat.





"No, gusto ko siya ng lalapit dito, I'm still not in the mood to sweet talk him baka masabunutan ko pa ang babae niya," tugon ko.






Pero hindi ko inaasahan na lalapit siya sa area namin. As my welcome, I grabbed his arms and enclosed him with my arms. He still look handsome as always. Nakita ko rin ang babae niyang umupo sa isang beach bed.





"Is that the woman you talked about?" Diretsahang tanong ko kay Rowss. Napakunot-noo lang siya and he obviously knows who I mean.






"Pinapapunta mo ako rito para lang tanungin iyan?" Rowss. Napanguya nalang ako, I didn't asked him to come here, kusa siyang lumapit dito, FYI.





Tinaasan ko siya ng kilay. "Just dump her already. Iyon din ang kagustuhan ng lola mo Rowss, and I already know that you're only using her to feed on your fantasies and desires hangga't may kalayaan ka pang gawin ang mga 'yon, I just don't want her to cause any trouble in the future."





"Let's say you're right, so do not touch her until then, kung may mabalitaan man akong may masamang mangyari sa kaniya, wala akong ibang sisisihin kundi ikaw," tugon niya and he left.






I've been mortified again but this time in front of the crowd, parang may tumusok sa puso ko sa mga salita niya. I scoffs. "Of course I wouldn't, but once she crosses the line, I won't hesitate any longer."





END OF FLASHBACK.






Nag-iisa ako ngayong umiinom ng juice sa dining room. Thinking about the things na posibleng mangyari sa kamay ng pamilya ko.





I admit, we are truly powerful. My family does things that even me is not aware of. I was raised to be competitive. However, I cannot do things my way kapag hindi ko magagawa ang tungkulin ko.







Nasa malubhang sagupaan kami ngayon, kalaban namin ang dalawang kompanya, ang Twistolar at DF. Ang bala ay pera at ang target ay ang mga anak ng bawat pamilya. Bago namin masalakay ang kaharian ng pinakamalakas sa bansa, kailangan naming talunin ang mas mababang koponan muna. Koleksyon bago aksyon.





Walang bagay na hindi nakukuha ng pamilya namin. At iyon ang magandang parte ng pagiging anak ng Taylor. We get what we want, and we never failed.







PHONE VIBRATES.






Trevie suddenly texted me. "Anastacia, alam ko na ang address ng palaging umaaligid kay Rowss, anuna? Sunugin na ba natin?"





Address lang?





"No, huwag muna. I don't want Rowss to think na may binabalak ako," I texted back.






"Ok fine, I'll send you the details nalang,"  reply ni Trevie.





Binasa ko ang finorward niyang impormasyon tungkol sa babae. Ang pangalan niya ay Amaranthe, at ang address ay Emeralda's Subdivision. Wala naman siyang masyadong impormasyon na makaka-pahamak sa amin balang-araw, therefore she's harmless and as well as useless. Tss.






Ano bang nagustuhan ni Rowss sa babaeng 'to? She's like a medieval person, hindi ganoon ka-intriga ang buhay niya. Ginayuma ba niya ang fiancee ko? Of all the girls na pwedeng gamitin ni Rowss bakit sa isa pang palaka?






"Ma'am gusto niyo pa po ng juice?" Tanong ng kasambahay namin na may dalang isang pitsel ng juice.






Tiningnan ko ang baso kong walang laman. "Huwag na, nawawalan na ako ng gana."






"Okay po ma'am." Nag bow siya.





Biglang dumating ang kapatid ko na si Rosalia with her grand entrance. She's supposed to be in Italy today, but what is she doing here now? sa pagkakaalam ko next month pa sana 'to babalik. "Let's drink something else. Maganda lang ang mood ko ngayon."






Tumabi siya sa akin. She looks formal, wearing white inner, white blazers, and white pencil skirt, at kung tutuusin sinuot din niya ang itim na sapatos na sinusuot lang niya kapag may magandang okasyon.






"Akala ko ba nasa Italy ka na ngayon?" Tanong ko. Nakangisi lang siya habang nag-request sa kasambahay ng red wine.






"I heard na may plano ka rawng mag-aral next sem? At sa paaralan pa ni Rowss?" Rosalia.





I heard her pero hindi ako sumagot. Bumalik na naman ang kasambahay namin na nagdala ng isang bote ng red wine. Si Rosalia na ang nagbuhos ng inumin hanggang sa umabot kami ng panghuling patak ng wine.






"No, I won't allow you to study," dagdag niya. Tiningnan ko siya pero nakangiti lang siya sa akin habang binibigyan niya ako ng wine.






"Why would you decide that for me?" Tugon ko.






"Because I have another plan and I don't want you to ruin it," tugon din niya.







"You already know that I have no interest in all of your plans right? What made you think that I'll ruin your plan just by going to a university?" Ako.







"I need the biggest hook because I have to catch the biggest fish in the sea, and I don't want you to become the hindrance of it, so better stay put and don't do anything stupid. Okay ba? Little sis?" Rosalia. Ininom niya ang huling baso ng wine niya.






Ano na naman bang pinaplano ng babaeng ito?






"Well anyway, let's have a good night," dagdag niya't tumayo sa kaniyang inuupuan. "Little sis, just wait for the big announcement this coming Saturday." Ngumiti siya at lumabas habang tumatawa na parang ewan.







I guess I'll also have to make another move na hinding-hindi mapipigilan ni Rosalia. And I am sure this will be more exciting than her announcement this coming Saturday.






END OF CHAPTER 27.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top