Chapter 26: Ame's Devilish Attitude
Amaranthe's POV
Pagdaan ng ilang araw. Napansin kong matamlay na naman si Stephanie. Papunta na ako ng paaralan pero nakapambahay pa rin siya, wala yata siyang balak na pumasok nang maaga ngayon. Ah oo nga, pumapasok lang siya nang maaga dahil kay Lenz.
"Ame," wika ni Steph.
"Kung tungkol na naman 'yan kay Lenz, huwag na, huwag mo na siyang banggitin, nakakairita na ang gagong 'yon," tugon ko.
Nakasimangot pa rin siya. "Ameee."
"At isa pa, huwag ka ng makipag-usap sa lalaking iyon ah? Okay?" dagdag ko.
Hindi lang siya kumibo pero sana nakuha niya ang punto ko. I've never been concerned to anyone kaya sobra ako kung mag-alala. Para rin naman ito sa kapakanan niya and besides I already treated her as my sister.
Paglabas ko sa gate, nakita ko si Rowss na nakasandal lang sa kaniyang sasakyan. Pinagbuksan na niya ako ng pinto ng sasakyan niya at umalis na kami.
"It's already month of September babe," wika niya.
"Eh ano naman ngayon?" taray ko.
"Wala lang, I just want September to be exciting for us," nakangiti niyang tugon. Nang makarating na kami sa paaralan, hindi niya ako pinababa sa entrance, pinasama na niya ako sa basement parking lot kung saan niya palaging pinaparada ang sasakyan niya at sabay kaming pumasok. Bumungad naman sa amin ang chismisan ng mga kaklase namin.
"Crystal really rose up higher no? They beated Twistolar," wika ng isang estudyante.
"Pinakamayaman ngayon ang Crystal dito sa South."
"I feel bad for Twistolar eh."
"Yeah, I heard kinokopya raw ng Crystal ang products ng Twistolar?"
"Naniniwala pa rin akong magiging okay ulit ang Twistolar."
"Plan daw ngayon ng Crystal ay magiging number 1 sa bansa."
"Eh imposible naman, hindi madaling lagpasan ang Destiny Fond diba?"
"Oo, pinakamayaman ang DF sa bansa."
Nanindig balahibo ko nang marinig ko ang tungkol sa Destiny Fond. DF Company is now popularly known as Destiny Fond but back in lolo's time tinawag itong Del Fiorre, and for me it still stands for Del Fiorre.
Naging tahimik si Rowss ngayon.
Tanghalian, nasa cafeteria kami nang makita kong malungkot na naglalakad si Stephanie sa labas, mukha siyang losyang ngayon at pati buhok niya ay buhaghag. Nawala ang pagiging blooming niya.
"Is Stephanie okay?" Tanong ni Rowss.
"I--I'll catch up with her later after class." Nagpatuloy ako sa pagkain. I act like it doesn't bother me pero naaawa na ako sa pinsan ko.
Kinahapunan, bago ako makalabas ng gate ng school narinig kong may mga babaeng pinag-uusapan ngayon si Stephanie. Hindi ba talaga sila titigil sa sakit nila?
"Stephanie really looks so pitiful today," wika ng isang babae.
"I know right, she's too assuming kasi eh, ayan tuloy she's being dumped by Lenz." Tugon ng kasama niya.
"Oh really? But I heard na magkasama sila ngayon?"
"Talaga? Saan daw?"
"I don't know where but I heard it was called a Goddess Lodge?"
"OMG is that real? Is she really that stupid to go with Lenz in there? It's so obvious kung anong mangyayari."
Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong nilapitan ang dalawang babae at kinompirma ang narinig ko. "What did you say?"
"Excuse you girl, who the hell are you?"
"I asked you a damn question bitch!" I clenched her top clothing.
"What a sicko maniac?" Sabi naman ng nagulat na kasama niya. I clenched both their top clothing.
Pinagtitinginan kami ng mga tao but I don't care. All I want right now is the information I need. Mas piniga ko pa ang damit nila, kapag hindi pa rin sila magsasalita sasakalin ko na ang mga ito.
"Where is Stephanie?" Tanong ko ulit.
"I--in a lodge with Lenz, Goddess Lodge daw," tugon ng isa. Binitawan ko na tapos lumabas sa paaralan na nakaseryosong expression ang mukha. Isa lang ang nasa isipan ko ngayon, ang pagmumukha ng tanga kong pinsan. I am extremely ultimately beyond angry right now.
I called Mr. Sua. "Mr. Sua I need you to locate wherever the hell this Goddess Lodge right now."
"Y-yes miss."
Fuck. I stayed at the library for more than two hours dahil hinintay ko siya para sabay na kaming umuwi, malapit ng mag-aalas 6 ng gabi. What the hell are you thinking Stephanie?
"Miss, may malapit na Goddess Lodge sa location mo ngayon, it's at Apollo Street near South Board Internet Cafe." Report ni Mr. Sua.
South Board Internet Cafe? I know that place.
Pagdating ko sa entrance ng Lodge, hinarangan ako ng isang naka-itim na lalaki. "Naliligaw ka ba miss?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Do not fucking stand in my way!!" Sinigawan ko siya sa mukha niya. I grabbed his shirt and pushed him to the side. Nakatuon ang mga mata ko ngayon sa hallway.
"Saang room ngayon ang tang-inang Lenz Madrijal na iyan?" Tanong ko sa receptionist ng lodge na malapit sa entrance.
"K--kasama ka ba niya? Nasa room 213 sila."
Nagsimula na naman akong maglakad at wala ng sinayang na oras. Nang nasa labas na ako ng 213, hindi ko mabuksan ang pinto dahil naka-lock. Pero dinig ko ang boses ni Lenz sa loob.
"Mahal mo naman ako hindi ba? Kaya ibigay mo na ang gusto ko," wika niya.
"L-Lenz sinabi ko naman na kaya kong gawin lahat para sa iyo pero huwag lang ito," tugon ni Stephanie na sa tingin ko'y may nakabara sa bibig niya.
I already confirmed that he's with Stephanie kaya sinipa ko ang doorknob para masira ang lock. Nang bumukas ang pintuan, nakita kong nakatali na sa higaan si Stephanie habang nakapatong ngayon ang nakahubad ng pang-itaas na si Lenz sa umiiyak kong pinsan.
"You fucking bastard!!" Sigaw ko at agad na sinunggaban siya kasama ang isang napakalakas na suntok sa mukha. Nahulog si Lenz sa higaan.
Nagulat siya nang makita ako pero nag-iba bigla ang ekspresyon nang makatayo na siya. He grinned. "Well, well, hindi ba ito ang kinikilala ng karamihan na si Amaranthe?" Yabang na pananalita niya.
"Ame," Stephanie.
"Ang lakas ng loob mong gawin ito sa kaniya, ang kapal talaga ng pagmumukha mo," tugon ko kay Lenz.
He laughed. "Unang-una, siya ang pumayag na dalhin ko siya rito. Pangalawa, wala ka ng paki-alam dun."
Aba, sinabihan niya talaga akong hindi mangialam ha? Tiningnan ko si Stephanie na pulang-pula na ngayon ang ilong dahil sa kakaiyak. Kaya sinamaan ko ng tingin si Lenz. "Wala kang karapatang gawin sa kaniya ito, hayop ka!"
"Pinansin ko lang naman ang pinsan mo para makuha ko ang atensyon mo, ikaw sana ang nagustuhan ko kaso ang hirap mong lapitan at palagi ding nakabuntot sa'yo ang aso mong si Rowss. Stephanie here, on the other hand, can be easily manipulated, so I took the chance," Lenz. Lumapit siya sa akin.
"Maybe, I can have you now, since wala naman si Rowss dito." He added.
Agad ko siyang hinampasan ng flower vase na nakuha ko malapit sa akin. Tinamaan ko ang ulo niya kaya natumba siya at dumudugo ito. "I am not that naive you mother fucker."
Hindi pa rin ako satisfied sa sugat niya kaya sinuntok ko siya ulit. "This is for manipulating my cousin."
Sinuntok ko siya ulit. "This is for hurting her."
Sinuntok ko siya ulit. "This is for making me angry."
Ang dami na ngayong pasa sa mukha niya. Susuntukin ko pa sana ulit siya nang biglang may pumasok na mga pulis.
"Dakpin siya!" They quickly handcuffed Lenz.
Tinanggal ko na rin ang tali kay Stephanie. "Let's go."
"Miss, pwede mo ba kaming samahan sa prisinto?" ani ng isang pulis.
"Magpapadala nalang ako ng abogado ngayon para rito at sisiguraduhin kong makukulong ang hayop na iyan," tugon ko.
Alam kong si Mr. Sua ang tumawag sa mga pulis. Kaya siya na rin ang naghanap ng abogado para kay Stephanie.
Nang makauwi na kami. Nasa kwarto kaming dalawa ni Stephanie, hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak.
"You-you! How could you do that Stephanie?" Galit na sermon ko sa kaniya.
"Ame, I'm sorry," tugon niya habang humahagulhol.
"Do not ever mention that bastard's name ever again!" Ako. Napasuntok ako sa pader ng kwarto niya.
"H-hindi ko na talaga alam ang pinaggagawa ko, ang tanga ko sa kaniya," sagot niya.
"Ano nalang kayang mangyayari kung hindi ko nalaman 'yon ha?! Iniisip mo ba 'yon? Gago, kung hindi ko lang sana narinig sa mga chismosang estudyante sa school edi sana hindi kita nahanap at narape ka na ng putang-inang 'yon!" Sigaw ko.
"A--Ame I'm so sorryyy!" Hagulhol na naman niya.
I hugged her to calm myself, just like Rowss did at the beach. Ang importante ligtas si Stephanie.
END OF CHAPTER 26.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top