Chapter 24: Not Typical Sunday


Amaranthe's POV





IT'S SUNDAY pero feeling ko hindi ito chill day para sa akin. I'm wide awake so early in the morning. And just like last week, pumasok na naman si Stephanie sa kwarto ko bigla.






"Hoy babae, huwag mo sanang hintayin na i-lolock ko na ang kwarto ko ah, huwag kang sugod nang sugod sa kwarto ko nang napaka-aga." Singhag ko habang nakacross arm sa kaniya.






"You look wide awake though, anyway damayan mo nalang ako sa pagiging malungkot," tugon niya.






Tumabi siya sa akin sa paghiga at nagsimulang umiyak. "Ang sakit naman, iniiwasan na ako ni Lenz ngayon. Kapag nagkasalubong kami sa hallway, he just acts like we're strangers," wika niya.





"Stephanie, kung ganoon na ang lalaki sa'yo edi bitawan mo na, sayang lang ang ganda mo sa walang kwentang lalaking 'yon," ako.





Yumakap siya sa akin at nagpatuloy sa pag-iyak. "Tinatawanan na ako ng ibang tao dahil dito."





"Kaya nga," ako.





"Ano bang gagawin ko Ame?" Tanong niya.





"Hindi ka ba nakikinig sa akin? Sabi ko ngang i-let go mo na siya, don't hurt yourself too much," ako.





Bigla ding pumasok si lola sa kwarto ko na nakasuot ng whole dress na pambahay. "Babaita, may bisita ka sa baba."





Nanlaki naman ang mga mata ko. "Huh? Sino namang pupunta dito nang ganito kaaga? Papa-rehab ko talaga," react ko.





"Si Rowss," lola.





"Mas ipapa-rehab ko kung siya talaga," ako.






Bumaba na kami ni Stephanie at nandoon nga sa living room nakaupo ang lalaking my so-called boyfriend.






"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko habang humihikab.






"To ask you out, with lola's approval." Rowss.





"Sana all." Stephanie.





"Huwag kang pumayag 'la," sabi ko kay lola pero she just gave me a grin. Aba naman?






"Lola already agreed," Rowss.






Sinamaan ko ng tingin ang lahat, wala na akong kakampi sa bahay na'to. Umagang-umaga pa at Sunday sana pero hindi ako makakapag relax?






"Umalis na kayo," wika ni lola.






Napakunot ang noo ko kay lola, hindi ba pagbabawalan niya ako sa mga ganito pero ngayon parang itinatakwil na niya ako ah. At si Rowss naman inaabuso ang kabaitan ni lola. Ewan ko nalang kung anong mangyayari sa lowkey life ko.






Kinalaunan ay umalis na kami ng bahay habang ako naman ay nakasuot ng black mask.






"Bakit ka ba nakasuot ng black mask?" Rowss.





"Pake mo ba? Dahil gusto ko, isipin mo nalang na may ubo ako at ayokong mahawaan ka," ako.






Tapos dinala niya ako sa isang sikat na mall ng Central Zone dito sa south. Sa Central Zone kadalasang makikita ang mga kompanya na naging shareholders namin, mostly ay mga sikat na kompanya, at nandito rin ang isa sa paborito ko, ang building ng Twistolar Company.





Pumasok na kami sa isang cute na ice cream store, halos walang masyadong tao ngayon dito at ang daming balloons sa loob.






"Welcome to our store, please let me guide you to your table," bungad ng isang crew sa amin. Mas malaki pa pala sa loob ang tindahan.




Doon kami inihinto sa gitnang mesa.




"Bakit parang tayo lang ang tao ngayon dito?" Ako.





"Because today is a special day," Rowss.





"Ha?"





"May kwentas ka na pero sana magustuhan mo ang kwentas na ibibigay ko sa'yo," wika niya.





He looks suspicious today, parang may binabalak itong masama ah, napakunot na naman ang noo ko.





"Here's your ice cream," wika ng lumapit na crew habang inilapag ang dalawang bowl ng ice cream sa mesa namin.





"My mom used to bring me to an ice cream store whenever I'm sad," wika ni Rowss.






"Bakit? Sad ka ba ngayon?" Ako.






"Hindi, I am beyond happy, I just want to make another memory sa ice cream at kapag ikaw lang mag-isa tapos namimiss mo ako, kumain ka lang ng ice cream, I'll also do the same," tugon niya.





"Just jump Rowss, what's this all about?" Ako. Hindi na ako mapakali sa kaweirdohan niya.





May inilapag siyang isang pulang box sa mesa. At nung binuksan niya, ang nakapaloob nito ay isang kwentas kagaya ng kwentas na iginuhit niya noong araw ng departmental exams. Sinabi niyang ipapagawa niya ito at talagang pinagawa niya. Ang ganda rin.






"This necklace is called Amaranthe bilang the President's Girl, ang business kasi namin ay nasa hindi magandang kalagayan, at sa maniwala ka o hindi, ito ang sasagip sa amin, this will be my first gift to you, hindi ko pa ito mairelease sa karamihan dahil ito ang magiging Ace Card ko pagdating ng panahon. I just want to let you know that," Rowss.






Tiningnan ko ang kwentas, sobrang ganda talaga, parang estilo ko, ang ganda rin ng diamond pendant na kulay puti.






"Ano ba ang pangalan ng kompanya niyo?" tanong ko.






"Gusto mo bang malaman? It's Tw--."






"Nevermind, it doesn't matter to me, I am already fine with knowing your name," ako.






Bigla siyang lumuhod sa harap ko. "And I'd like to take this chance in front of you Amaranthe Del Fiorre to take your hand and accept me as your real boyfriend," dagdag niya.





Natigilan ako sa kaniya. I'm speechless. Nasubukan ko ng may nanligaw sa akin dati but this time is totally different, he's totally different with the guys in my past, he can take my breath away. I couldn't react nor speak, I just stared at his eyes.






"But of course continue ang relationship natin since day one, gusto lang kita gawan ng proper courtship, I know nakakatawa at mukha akong korni ngayon but I just want to hear your answer if you'll really accept me or not," dadag na naman niya.






Napangiti ako. "Yes."






"H--Ha? T--talaga?" Kompirma niya.





Tumango ako. I couldn't say no. There's a part me that doesn't want to let him go. He's already perfect as he is. I finally decided to take this risk kahit na natatakot ako noon. Oo, takot ako sa commitment, takot ako na maiwan, masaktan at paglaruan pero bakit iba si Rowss? Kahit na alam kong sasaktan niya ako pagdating ng panahon gusto ko pa rin siyang tanggapin sa buhay ko.






He kissed me and then he hugged me.





"Oh yes!" react niya.





"Oo na, just stop hugging me, you're making a scene sa harap ng crew dito," ako.






"Ano kayang unang gawin natin sa unang linggo as an official? How about next Sunday punta tayo sa Lunar Beach, just the two of us?" Rowss.






Tumawa ako. "Aysus, gusto lang ako masolo ng boyfriend ko eh." Tapos ginulo ko ang buhok niya.







Pareho kaming natigilan, I also became weird today. But he just smiled. "Ulitin mo nga sinabi mo babe?"






"A--anyway thanks nga pala sa kwentas ah, but I'll keep it muna, nangako kasi ako kay Stephanie na hindi ko tatanggalin ang kwentas na binigay niya," wika ko.






END OF CHAPTER 24.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top