Chapter 22: Result of Exam
Amaranthe's POV
SOBRANG LATE na akong nagising ngayong araw na ito pero dahil tapos na ang midterm exams namin, inaasahan ko na hindi kami ganoon ka busy sa lectures ng klase ngayon.
Pero wala si lola sa bahay kaya papasok akong gutom, never pa rin kasi akong nagluto para sa sarili ko, but anyway nasaan kaya siya ngayon? Kaya pala walang gumigising sa akin, na dead batt kasi ang phone ko kagabi dahil tawag nang tawag sa akin si Rowss, ayun nakatulog ako nakalimutan ko tuloy i-charge.
Bigla namang sumalubong sa akin paglabas ko ang pagmumukha ng pinsan kong si Stephanie. May dala siyang malaking lunchbag kaya napangiti ako.
"Para sa akin ba 'yan?" Ako.
"Ah ito ba? Para kay Lenz ito, baka sakaling makikita ko siya sa library ngayong umaga, bakit? hindi ka pa ba nakapag-almusal?" Tugon niya.
Nasira ang ngiti ko kaya nilagpasan ko nalang siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero agad naman siyang sumunod sa akin.
"Tara na, mag-almusal tayo sa Mini-Store." Ibig sabihin niya ay sa isang sikat na tindahan at istambayan ng mga tao. Malapit ito sa subdivision namin pero wala ako sa mood pumunta sa kahit saan maliban sa school.
"Teyka? Ihahatid ka ba ng papa mo ngayon? Ba't wala ang sasakyan niya?" Ako. Umaasa pa naman ako na sasabay sa kaniya. Bad morning talaga.
"Ah, maagang umalis sina papa at lola kanina, kaya sasabay ako sa'yo ngayon," Stephanie. Dapat sana ako ang sasabay sa'yo eh.
"Saan daw sila pumunta?" Ako.
"I dunno, kakagising ko lang din nang malaman kong umalis sila," tugon niya.
Paglabas namin sa Gate, may isang pamilyar na naman na sasakyan ang nakaparada sa harap namin, kotse ni Rowss. Kanina pa ba siya naghihintay? Late kaya ako.
"Hi girls!" Bati ni Rowss.
Wala ng sinasabi si Stephanie at agad akong hinila papasok ng kotse, ang laki naman ng ngiti ngayon ni Rowss habang nagmamaneho, samantalang ako naman ay nakakunot ang noo.
"Mag three months na kayong magjowa--," open-up ni Stephanie kaya nantaas ang kilay ko sa kaniya.
Tumawa naman si Rowss.
"A-aah, magugustuhan kaya ni Lenz ang inihanda ko sa kaniya?" Ang dali niyang naka-change ng topic.
"Ang swerte naman ni Lenz, may nagluluto sa kaniya ng pagkain, kailan kaya ako gawan ng ganyan?" Nilakasan ni Rowss ang boses niya habang nakatingin sa salamin tungo sa direksyon ko. Sinadya talaga niyang magparinig.
Tumawa din si Stephanie. "Baka kinabukasan niyan Rowss hindi ka na makakalabas ng CR."
Aba, nanunukso talaga 'tong pinsan ko. Hindi ko naman kasalanan kung hindi ako marunong magluto dahil may personal kaming tagaluto sa bahay no. At isa pa, nagsimula na akong magpractice ng simpleng pagluluto, flip hair ka talaga sa akin 'pag natuto na ako.
"Bakit Steph? Hindi ba marunong magluto pinsan mo? Naku! Kailangan niyang matuto dahil ako ang aalagaan niya pagdating ng panahon," react din ni Rowss.
Binigyan ko lang ng death glare ang dalawa. "Who you para paglutuan kita?" Inis na tugon ko kay Rowss.
"Malamang, your future husband," sagot niya.
"Ayiieee," react naman ni Stephanie sa gilid ko.
"Sorry ah, walang makakatikim sa luto ko dahil hindi talaga ako marunong, maghihire nalang ako ng chef kung ganoon," tugon ko at inilapag ang siko ko sa bintana ng sasakyan.
"Huwag ka maghire ng chef pinsan, gagastos ka pa ng malaki, dapat maghanap ka nalang ng lalaking marunong magluto hihihi," tugon ni Stephanie.
Agad namang tumahimik si Rowss sa sinabi ni Stephanie kaya napangisi ako. It's payback time. HEHE.
"Oo nga Stephanie, mas gusto ko 'yong lalaking magaling magluto, hindi 'yong pampopogi lang ang alam ta's nagpapaimpress ng maganda niyang sasakyan," sabi ko habang nakatingin kay Rowss.
Naging hilaw ang tawa ni Stephanie. "He-he si Rowss ang ibig kong sabihin pinsan."
"H-ha?" Ako.
"Ganoon ka ba talaga ka outdated sa world? Gumawa ka na kasi ng social media eh," Stephanie.
"Ano bang ibig mong sabihin?" Tugon ko.
"Marunong magluto si Rowss, may variety show nga siya dati sa pagluluto, hindi mo ba talaga alam 'yon? Hindi mo rin alam na may movie si Rowss," seryoso na tanong ni Stephanie.
Ako naman ngayon ang natameme.
"It's fine Stephanie, it's truly fine with me, at isa pa iyon naman talaga ang nagustuhan ko sa kaniya," wika ni Rowss.
Hindi na ako kumibo sa kanilang dalawa sa loob ng sasakyan hanggang nakarating na kami sa paaralan. Tahimik akong lumabas nang inihinto na kami ni Rowss sa may entrance.
"Ihatid na muna kita sa classroom niyo ngayon," boluntaryo ni Stephanie, hinatak niya ako papasok.
Nang makarating na kami sa Commerce Building, nagtataka kami kung bakit maraming tao sa may bulletin board. Resulta pala ng departmentals ay pinost na.
"Tara na Ame, tingnan natin ang resulta," Stephanie.
Nanatili ako sa likuran dahil ayokong makipagsiksikan sa maraming tao. At si Stephanie na ang tumingin sa resulta.
"Omg, top 3 ka, top 3 ka!" wika ng kakabalik na si pinsan.
Top 3? Not bad, malamang naunahan ko si Rowss sa resulta. HAHA, so long Rowss Blaze Sanchez.
"Pinsan, pwede mo ba tingnan kung sino nasa top 4 to 10?" Ako.
Bumalik ulit si Stephanie roon at tiningnan. Tamang-tama naman ang pagdating ni Rowss at tumabi sa akin.
"Pinsan, ba't mo ba pinapatingin ang 4-10 eh wala naman akong kakilala na nakalista," tugon ng kakabalik ulit na si pinsan.
Wala siyang kilala? Ibig sabihin ba nun, na ako ang nanalo sa deal namin? HAHA yes!
"Ah tsanga pala, congrats din sa'yo Rowss," dagdag ni Stephanie.
Napakunot ang noo ko. "Bakit mo siya binati?"
"Eh boyfriend mo yung top 1," sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko, and this time ako na ang tumingin sa resulta kahit na nagsisiksikan ang mga tao, wala na akong pakialam. Pagkatingin ko sa lista ng first year Business Management students ranking, pinakauna ang pangalan ni Rowss na nakakuha ng 198 over 200 items, samantalanag ako naman nasa pangatlo na nakakuha ng 195 over 200 items.
"This is bullshit," react ko.
Sabay namang tumingin sa akin ang mga estudyanteng nakikisiksik din. I just rolled my eyes at them.
Nang bumalik na ako sa pwesto ko kanina. Nakapamulsa na sa harap ko si Rowss. In all my life, I've never been defeated to a guy before, not even once. Sobrang na challenge ako sa taong 'to.
"Hindi ko nakalimutan ang ating precious deal babe," nakangising wika ni Rowss.
Takte. Nanalo pa rin siya.
"Fine," ako.
END OF CHAPTER 22.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top