Chapter 20: Departmental Exam
Amaranthe's POV
Nang makauwi na ako, I saw lola outside our house doing something. Hindi na muna ako kumibo dahil alam kong sermon ang aabutin ko kapag nakita na niya ako. Bago pa man ako makapasok, I sensed na napansin ako ni lola.
"Amaranthe," sabi niya. Linapitan niya ako habang hinubad ang marumi niyang gloves sa kamay. Hinintay ko nalang kung anong sasabihin niya.
"Nandito na ako 'la," tugon ko. Pero nagtataka ako kung bakit wala man lang siyang reaksyon sa akin, sa halip ay inilapat niya ang likod ng kamay niya para ipamano sa akin.
"May inihanda akong pananghalian sa mesa, hintayin mo nalang ako sa loob tatapusin ko lang ginagawa ko rito," dagdag niya. My expectations failed. Walang sermon o sigawan na nangyari.
Pagpasok ko, nakita ko ang isang strawberry cake at isang bowl ng fried chicken sa mesa. This is so unlike her. Ano kayang klaseng multo ang sumapi sa kaniya ngayon?
Kinalaunan, sabay na kaming kumain. Sobrang tahimik ng hapagkainan kaya nagsalita na ako. Clears throat. "Lola, may departmentals nga pala kami bukas, kaya magkukulong na po muna ako sa kwarto ah?"
Tiningnan niya ako. "Himala, nagrereview ka na sa studies mo ngayon."
Naninibago talaga ako. Kahapon lang sobrang sungit niya ta's ngayon ang bait-bait. Hindi ko na 'to matitiis kaya tinanong ko siya. "Lola, may problema ba? Bakit parang nag-iba po kayo? Inaasahan ko pa naman na papagalitan ninyo 'ko pag-uwi ko."
"I heard from Stephanie na muntik ka na raw masagasaan, at si Rowss ang nagligtas sa'yo," tugon niya.
"Eh ano naman ngayon?" Napakunot ang noo ko. Gusto ko lang talaga malaman, hindi ako satisfied sa sagot niya. Nararamdaman kong may iba pang dahilan.
"I'm just grateful that he saved you, ayoko lang na napapahamak ka," tugon niya ulit.
"Lola, huwag naman kayong ganiyan, may ibang tao na pong nadamay, hindi ko nga ginusto yung nangyari eh sana ako nalang yung nasagasaan," tugon ko rin.
"Alam kong nag-aalala ka rin sa boyfriend mo, Amaranthe. Pero alalahanin mo rin ang kaligtasan mo," huminto siya sa pagkain. "Responsibilidad pa rin kita ngayon, I don't want you getting hurt out there, anak ka pa rin ng Del Fiorre and you should always remember that. Kapag mauulit pa ang ganito, I will really hire bodyguards for you."
"Lola naman, wala namang makakaalam na anak ako ng totoong Del Fiorre kaya nga nagtitiis ako ng private life hindi ba?" react ko.
Nag-slice na siya ng cake at inilapag sa plato ko. May ibinigay din siyang calling card sa akin.
"Para saan 'to?" tinanong ko siya tungkol sa calling card.
"Location iyan sa rest house natin dito sa South," tugon niya. Rest house? Iyon bang rest house na tinuluyan namin nina lolo at Anarson dati?
"Ah naalala ko nga, nakapunta na ako rito nung maliit pa lang ako," tugon ko.
"I'm going to give it to you," agad na dagdag niya.
Nabulunan ako sa cake. "B-bakit naman?"
"Para sa'yo naman talaga 'yon, pinagawa namin 'yon ng lolo mo para ibigay sa'yo sa pagsapit ng iyong ika 23ng kaarawan," Lola.
Not bad. If magiging akin 'yong rest house edi pwede na akong manirahan dito sa South. And I will have my own rights as the owner. Hanep.
"Okay, but you haven't told me any of this for 8 years simula nung namatay si lolo, bakit ngayon lang?" Ako.
"I have no idea, it was your lolo's plan in the first place," lola.
KINAGABIHAN. Imbis na magrereview ako, nag-surf ako sa internet pagkatapos ng isang taong pananahimik. I deleted all my personal social media accounts kaya wala akong updates sa world these days, I feel so outdated, marami ng nagbabago sa online.
When I checked my email, may sinend si Mr. Sua sa akin. Invitation Card copy na ibinahagi ng kompanya para sa kaarawan ng dalawang kapatid ko na sina Alkerson at Anarson.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakalagay sa venue ng party ay dito sa Southern Sector sa isang magarang na hotel. For sure maraming bisita ang dadalo sa araw na iyon dahil mas marami kaming shareholders na nandito sa South. So this means na magiging anak na naman ako ng dalawang presidente (Chairman si dad) sa loob ng isang araw. Well, I shouldn't miss my big bros' party, should I?
DUMATING na ang Departmentals Exam Day namin, sobrang tahimik ng classroom pagpasok ko, at nag-iba rin ang setting sa loob, napakalawak ng area at tig-dadalawa ang gap ng upuan. May mga estudyante ring nagrereview, ganito talaga kapag first year.
Bigla namang umingay nang pumasok si Rowss sa classroom. He looks fine now, at mukha na rin siyang typical na Rowss na kilala ko. He's giving me a wide smile.
Ay shet. Naalala ko na naman ang deal namin. Sumang-ayon ako and for sure narinig talaga iyon ni Rowss. I should do it at hindi ko rin namang gawain na umatras sa usapan. Tss. Bahala na si batman.
"Hi babe," bati niya.
Tumabi na muna siya sa akin bago pa magsimula ang exam. Wala ng bandage ang ulo pero nag-aalala pa rin ako. "Okay na ba ang ulo mo?" Naalala ko rin ang gabi na naaksidente siya, buti nga naka-survive pa 'to.
Tumango siya. "May gift nga pala ako sa'yo kaso nasa papel pa nga lang," wika niya. Ipinakita niya sa akin ang isang Sketch ng kwentas. May tatlong layers ito at isang bilog na pendant sa gitna.
"Para saan ito?" Ako.
"Ipapagawa ko talaga ito, tatawagin ko ang kwentas na ito bilang Amaranthe, cool diba? Kaso hindi ko pa alam kung anong ikukulay ko sa bilog, anong paborito mong kulay?" Rowss.
"White," sagot ko.
"This necklace holds a very important meaning, ang tatlong layers niya ay nagkakahulugan sa ugali ni Amaranthe, iyon ay ang pagiging suplada, pagiging misteryosa, at pagiging feisty char HAHA, tapos ang pendant naman ay sumisimbolo ng--." Hindi siya natapos sa pagpapaliwanag dahil bigla ko siyang hinalikan sa pisngi.
He looks shocked, at ako rin. Hindi ko alam ba't ko ginawa iyon. Susundan ko na sana ng sapak sa ulo niya pero naalala ko na galing pa siya sa hospital.
"Magsiupuan na kayo dahil magsisimula na ang exam," bungad ni prof.
Sobrang laki na ng ngiti ni Rowss ngayon at pati ako ay nahawaan rin. In all my life, I've never been this weird to a guy before. He's changing me too.
"Next week namin i-popost ang resulta, at sa makakaabot ng top 10 ay bibigyan ng certificate na mula sa department head, kaya good luck students," Prof.
Nagsimula na ang exam. Halos lahat ay seryoso sa pagsagot ng mga katanungan. Ako rin seryoso, pero hindi ko maiwasang maalala ang pagrereview namin ni Rowss.
Pooota. He's distracting me. Lessons dapat iniisip ko, hindi mukha niya.
Pagkatapos ng exam, nasa labas na ako ng gate habang hinihintay si Stephanie. Magkapareho kasi kami ng sched ngayon kaya sabay kaming uuwi.
"Ame, sorry may date pa kasi kami ni Lenz ngayon," pagpapaumanhin niya. She's giving me a sad face. But I don't want to ruin her moment.
"Sige okay lang," ako.
Umalis na siya. Tamang-tama naman ang pagsulpot ni Rowss sa harapan ko, nakasakay sa kaniyang usual na sasakyan.
"Can I take you home? Gusto ko lang masigurado ang safety mo," Rowss offered.
And for the first time, pinayagan ko siya. "Sige fine."
END OF CHAPTER 20.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top