Chapter 19: Ame's Last Day At Hospital
Amaranthe's POV
Dalawang araw nalang Departmentals na namin. At ako naman todo review kay Rowss sa mga na skip niyang lessons, ito lang ang magagawa ko muna para sa kaniya.
"Paano nga ulit 'yon?" Tanong ni Rowss.
"Medyo nalilito rin ako sa part na ito pero may sariling paraan rin naman ako para mabalanse ang T account," wika ko.
Hindi ko namalayan na gabi na pala, mabuti naman may dalang pagkain si Stephanie, kakagaling lang din kasi niya sa paaralan. Bumili din siya ng pineapple fruit juice para kay Rowss. Ngayon ko lang nalaman na mahilig pala ito sa pinya.
"Subuan mo ako baby," pagpapacute na naman ni Rowss. Ewan ko, abusado na yata 'tong isang 'to eh, simula nung magising siya, palagi na siyang nagpapabebe sa akin. Kung hindi lang talaga ito pasyente malamang ma-oospital talaga ito sa ibang dahilan.
"Sabi ng doctor na next week ka pa daw madidischarge Rowss," wika ni Steph.
"Sasabihan ko nalang ang mga prof na bigyan ka ng special exam," ani ko naman.
Ngumiti lang si Rowss sa amin. "Thank you to the both of you, pero sasali ako sa departmental sa sabado."
"Pero hindi ka pa naman magaling talaga," insist ko.
"Magtiwala ka, makakaya ko na sa pagsapit ng sabado, at isa pa hindi yata pwede na mas mauna kang maka-take hindi ba? Nakalimutan mo na bang may deal tayo?" Rowss.
Nasira ang mood ko nung binanggit niya ang deal. Naalala ko kahapon bago siya nagising, sinabihan ko siya na pumapayag na ako sa kasunduan niya.
"Hindi ba sinabi ko sa'yo na ayaw kong makipagpustahan sa'yo?" Ako.
"I think I heard you na sumang-ayon ka o guni-guni ko lang 'yon? But anyway whether wala kang paki or nagpapacute ka lang, matutuloy pa rin ang deal natin," depensa niya.
Nagulat ako nung biglang nag-vibrate ang phone ko. Si lola tumawag.
"Hi lola?" Bati ko.
"Ame hanggang kailan ka ba diyan ha? Gusto mo ba diyan na manirahan?" Bungad ni lola.
Napatingin ako kay Stephanie at Rowss na nacurious sa pinag-uusapan namin ni lola. Napakagat-labi na ako dahil malamang mainit na ang ulo ni lola ngayon dahil dito.
"Lola, malapit na po madischarge si Rowss konting araw nalang--," ako.
"Hindi pwede! Last na gabi mo na ngayon diyan, kailangan makikita ko na ang pagmumukha mo simula bukas," galit ni lola.
Napapikit nalang ako. "Opo." End call.
"Galit na naman si lola sa'yo no?" Kompirma ni Stephanie.
"Oo eh, kailangan ko ng makauwi bukas, isang linggo na kasi ako rito," ako.
"Okay lang babe, papupuntahin ko nalang din ang manang ko rito bukas para magbantay sa akin, maraming salamat sa pag-aalaga sa akin ha, heart you!" Rowss. Tapos nag finger heart pa.
I scoffs. Ang cheezy niya ngayon, ugh nakakapanindig balahibo. Tapos si Stephanie naman ay kinikilig.
"O subuan mo na ang boyfriend mo Ame," tukso ni Steph sabay bigay ng prutas sa akin.
"Pati ba naman ikaw Stephanie?" Ako.
"Aysus, dinig kaya kita noong nakaraang linggo, hindi ba sinabi mo kay lola na babantayan mo ang-- boyfriend mo ?" Stephanie.
"Talaga? Sinabi niya 'yon?" React naman ni Rowss na ngayo'y malaki ang ngiti.
"Pinagkakaisahan niyo talaga ako no?" Inis na tugon ko.
Kinalaunan, nagpaalam na sa amin si Stephanie, hindi kasi siya pinapayagan na matulog dito sa hospital. "Uwi na ako guys ha, hinahanap na kasi ako ni papa, good night sa inyo."
Tiningnan naman ako ni Rowss. He smiled. "Magtutor ka ulit."
"Bukas na, gabing-gabi na kasi, magpahinga ka na," ako.
"Okay, as you wish," Rowss.
Uupo na sana ako sa katabing sofa ng higaan niya, nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla siyang tumabi at binigyan ako ng space sa higaan niya.
"Dito ka matutulog oh," alok niya.
"No way, ikaw lang ang pasyente rito at isa pa ayokong tumabi sa'yo," tugon ko.
"Diyan ka lang ba talaga matutulog? Palit nalang tayo, dito ka diyan ako," pilit niya.
"Huwag matigas ang ulo ngayon Rowss, matulog ka na diyan, kailangan mo ang malambot na higaan para ka makatulog nang maayos," ako.
Ngumisi naman siya. "Edi tabi nalang tayo, tutal nagkahalikan naman na tayo diba? Kaya maliit nalang ito na bagay," tugon niya.
Aba?!
Sasapakin ko na sana siya pero nag-acting siyang masakit ang ulo niya. "Aray, aray, ang sakit ng ulo ko."
"Matulog ka nalang diyan, huwag ng makulit, magrereview pa tayo bukas," utos ko.
"Yes mam," cute na sagot ni Rowss.
Humiga na ako sa sofa at nakaposisyon nang nakatalikod sa kaniya. Pero nagsalita na naman siya.
"Bago ko makalimutan, may phone ka pala Babe?" Tanong ni Rowss.
"Matulog ka na sabi eh," ako.
"Bigyan mo ako ng number mo," dagdag niya.
Naiinis na ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Oo na, oo na, matutulog na nga," tugon niya sabay pikit sa kaniyang mga mata.
KINABUKASAN
Tinawagan ni Rowss ang manang niya raw na si Manang Ema. Sa palagay ko siya ang kausap ko noon sa phone ni Rowss.
Wala naman kaming ibang ginawa ngayong umaga kundi ang magreview. Sabi niya na kakayanin na daw niyang maglakad bukas para lang sa departmental.
"Kapag darating na ang manang mo, uuwi na ako," sabi ko.
Ngumiti lang siya. "Okay, mag-iingat ka ha, tumingin ka palagi sa dinadaanan mo."
Napakunot na naman ang noo ko sa kaniya.
Kinalaunan ay dumating na ang manang niya. Agad niyang niyakap si Rowss nang magkita sila. Mahal na mahal nga siguro talaga nito ang alaga niyang may malaking katawan pero ang ugali parang bata. Sobra kasi kung mag-alala.
"Maraming salamat iha ha, binantayan mo ang baby boy namin," wika ng manang niya.
Napatawa naman ako sa naging reaction ni Rowss. Tinawag pa siyang baby HAHA pota.
Tapos non-stop na nagkukwento ang manang niya tungkol kay Rowss noong bata pa siya. Natawa naman ako sa kwento niya.
"Manang naman," react ni Rowss.
Biglang nag-vibrate ang phone ko, may tatlong messages. Una kong binasa ang message ni lola.
"Umuwi ka na, dapat nasa bahay ka na bago magtanghali."
-text message ni Lola.
At binasa ko na rin ang natirang messages, galing kay-- mommy?
"Ame, how are you?"
-text message from Mom.
"I miss you, umuwi ka na darling."
-text message from Mom.
Napatulala ako saglit dahil sa mensahe ni mommy, napaisip din ako kung kamusta ang kalagayan niya roon sa north. Pero mas sumagi sa isipan ko ang mensahe ni lola, bigla akong natakot sabay pag-aalala sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng pagkakatakot sa pag-uwi. I scoffs. Ang dami ng nagbago sa akin. Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagpaalam na sa kanila. Bago ko maisara ang pinto, narinig ko ang sinabi ni manang.
"Oo nga pala iho, papunta ngayon dito si Anastacia, dadalawin ka raw niya." Manang.
END OF CHAPTER 19.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top