Chapter 17: Rowss' Parents
Amaranthe's POV
KINABUKASAN
Nakatulog pala ako sa tabi ni Rowss. Mabuti naman nakapagpahinga ako kahit konti. Kailangan ko munang kumain para may lakas ako, at dahil busy si Stephanie ngayong araw na ito, kami lang ang magkasama ngayon ni Rowss.
Naligo na ako't nagtoothbrush, papabantayan ko nalang muna ng nurse itong alaga ko dahil kailangan ko ring mabuhay sa mundo, HAHA.
Pero mga ilang minuto pagkatapos ng milyon-milyon kong plano ay biglang may dumating na pagkain sa akin. Mga masasarap na pagkain. Hindi ko matandaan kung may inorder ba akong ganito.
"Kuya? Sino umorder niyan?" tanong ko.
"Si Madam Sanchez po, para sa babae raw pong nagbabantay sa anak nila," tugon niya.
Huh? Ako ba tinutukoy niya?
Pero bahala na, gutom na rin ako kaya kakain na muna ako. Wala naman sigurong lason ito no? AHAHA.
Pagkatapos kong kumain ay nag meditate ako sa loob, nabobored kasi ako eh. Mas worse pa 'to sa isang taon na ikinulong ako sa subdivision. Tapos may bumukas ng pinto at pumasok na isang matandang babae at matandang lalaki. Ito na kaya ang mga magulang ni Rowss?
"Anak!" bungad ng ina.
"A-ah magandang umaga po," bati ko.
"Anong nangyari? Bakit nagkakaganito ang anak namin?" tanong naman ng ama.
Grabe para akong na fast talk ni boy abunda nito.
"Hindi ko po alam kung paano ko simulan--," tugon ko.
Hinawakan ng ina ang mga kamay ko. "Makikinig kami, sabihin mo lang ang totoo."
Tiningnan ko sila pareho na puno ng pag-aalala. "Hindi ko lang kasi alam na nakasunod pala sa akin si Rowss noong nakaraang gabi, pauwi na ako nun nang may malaking sasakyan na nawalan ng preno ang papunta sa direksiyon ko, sobrang bilis po ng pangyayari, tapos bigla kong naramdaman na may tumulak sa akin para hindi ako masagasaan, pagtingin ko ay si Rowss na pala ang sumalo sa aksidente na matatamo ko sana." Napaluha na naman ako nang maalala ko ang nangyari.
"Itong batang 'to talaga," react ng ama habang nakatingin sa nakahigang si Rowss.
"Pasensya na po, pinagsisisihan ko po talaga ang nangyari, sobrang guilty ko po, kasalanan ko po ang lahat," pagpapaumanhin ko at akma na sanang luluhod.
"Huwag mong gawin iyan iha," singit ng ina. Pinatayo niya ako. "Naiintindihan namin. Nangyari na ito, huwag mo sanang sisihin ang sarili mo, aksidente lang ang lahat."
"May malaking parte ka siguro sa puso ng anak namin kaya niya nagawa ito, hindi ganito ang anak namin sa pagkakakilala ko. --Anong pangalan mo iha?" tanong ng ama.
"Amaranthe po, kaklase po ako ni Rowss," tugon ko.
"Iha Amaranthe, maraming salamat sa pagdala ni Rowss sa hospital ah, kung hindi sana dahil sa'yo baka wala na ang anak namin," sabi ng ina.
Bakit parang ako pa ang naging hero ngayon? Kung ibang magulang pa ito, kanina pa sana nila ibinahid ang pagsisisi sa akin. Hindi ko inaasahan na mabubuting tao ang mga magulang ni Rowss.
"Iha hihingi sana kami ng pabor," ani ng ina.
"Ano ho iyon?"
"Papunta kasi kami ng Singapore bukas at mag-iisang linggo kami roon because of family business, maaari mo bang bantayan si Rowss hanggang doon?" request niya.
"Um, maaari naman po, malaki po ang utang na loob ko sa inyo," ako.
"Hindi iha, mas malaki ang utang na loob namin sa iyo, hindi mo iniwan ang anak namin, matapang mong inako ang lahat kahit na hindi mo gaano kilala ang anak namin, malakas lang ang kutob ko na mapagkakatiwalaan ka, maraming salamat talaga," bawi ng ina. Paano nilang nagawa na pagkakatiwalaan ako? Hindi rin naman nila ako gaanong kilala.
Pagkatapos ng araw na ito, nakakahinga na talaga ako nang maluwag. Akala ko naman na masungit ang pamilya ni Rowss pero hindi pala.
Dumaan na ang limang araw, hindi pa rin gumising si Rowss. Nag-aalala na naman ako.
Mabuti naman pumayag si Stephanie na makipagshift ng pagbabantay sa akin kay Rowss, kapag umaga ay siya, at ako naman sa tanghali hanggang gabi. Nakakapagreview pa ako sa lessons namin para sa darating na departmental exams.
"Papunta ako sa grocery store, may ipapadala ka ba?" Stephanie.
"Ah wala na, by the way musta nga pala si lola sa bahay?"
"Ayun, walang kibo lang, parang hinayaan ka lang talaga sa buhay mo," tugon ni Steph.
"Babawi ako kay lola kapag okay na ang lahat," tugon ko din.
Lumabas si Stephanie. At ako naman nagrereview sa tabi ni Rowss. Para na rin marinig niya ang mga lessons namin.
"Hoy Rowss! Gumising ka na oh! Hindi ba sabi mo na pustahan tayo? Oo na, papayag na ako, basta gumising ka lang at makakapag-take ka ng departmental," sabi ko kay Rowss.
Nagbabasa na naman ako sa lessons namin. Maglilimang-araw na pero wala ka pa ring malay. Okay ka lang ba talaga Rowss?
"Rowss, bakit mo ba ginawa iyon? Bakit mo sinalo ang aksidente na para sana sa akin? Why?"
Tumayo ako't nag-unat unat. Para akong ewan na nagsasalita sa taong tulog.
"Rowss Blaze Sanchez! Sobrang swerte mo naman dahil nakilala mo ako HAHA! Kung alam mo lang sana."
Umupo ako ulit para magbasa na naman ng notes. Halos nabasa ko na ang buong midterm coverage ng libro.
Tinitigan ko si Rowss. Naalala ko naman ang unang halik namin. Damn you're really clever Rowss. Naisahan mo ang babaeng never pa sana naisahan ng lalaki.
Pagkatapos ng ilang oras ay bumalik na si Stephanie na may dalang mga pagkain. Inilapag na niya iyon sa mesa.
"Pinsan, binilhan na lang din kita ng mga paborito mong pagkain, kahit na sinabi mong ayaw mo, alam kong gusto mo pa ring kumain," wika ni Steph.
"Oo nga pala, kamusta na kayo ni Lenz?" agad na sapaw kong tanong ko sa kaniya.
"Okay lang naman, halos araw-araw kaming nagvivideo call, nagdadate, at romantic talks," tugon niya.
"Nanligaw na ba sa iyo?" Ako.
"Hindi eh, baka kailangan pa niya ng oras, nirerespeto ko naman ang desisyon niya," Stephanie.
Bigla kong napansin na gumalaw ang kamay ni Rowss na malapit sa akin.
"OMG! Did you see that?" Gulat na tanong ko.
"Ang alin pinsan?"
"Yung kamay niya gumalaw, gising na ba siya?" Ako.
Lumapit si Stephanie kay Rowss at sabay kaming napatitig sa mukha niya. At unti-unti naman siyang namulat.
Sobrang saya ko nang gumalaw na ang mga mata niya. He's awake now.
"Rowss? Naririnig mo ba kami? Nakikita mo ba kami?" Sunod-sunod na tanong ko.
"S-si," bigla niyang pagsasalita.
"Ha?" Ako.
"Sino kayo?" tanong niya.
END OF CHAPTER 17.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top