Chapter 15: Accident


Amaranthe's POV




Mabuti nalang dumating agad ang ambulansya. Napahawak ako sa kamay ni Rowss dahil sa sobrang pag-aalala. Bakit naman nandito siya? Bakit siya ang tinamaan imbis na ako? Hindi ko pa maabsorb ang pangyayari, it all happened so fast.





Agad na dinala sa emergency room si Rowss habang ako naman ay luhang-luha na sa nangyari. Hindi ako mapakali at wala akong ibang iniisip kundi ang kalagayan niya.





Hindi ko din alam kung sino ang pwede kong tawagan, ang nasa phone book ko lang ay sina lola, Stephanie, Mr. Sua at ang pamilya ko.





Biglang lumabas ang doctor at nurse, "Hi ikaw ba ang guardian ng pasyente?" 





"A-ah, o-opo," tugon ko.





"Ka anu-ano n'yo po yung pasyente," tanong ng nurse.




"A-ano," hindi ko alam kung anong sasabihin ko.




"We have to perform an immediate surgery miss, pwede mo ba makontak ang mga magulang niya?" wika ng doctor.






"A-ah, s-sige po, just--just perform the surgery right away, I'll contact his family," ako.





"We need his family's approval first miss," doctor.





"F-Family niya ho ako, I'm--I'm his girlfriend, just--just perform the surgery please, I'll take responsibility for everything," natataranta na ako.





Grabe para na akong mahimatay sa kaba, hindi na ako makapag-isip nang matino. Paano ko naman makokontak ang pamilya ni Rowss, hindi ko naman siya talaga ka anu-ano.





Sinubukan kong tawagan si Stephanie pero naka-turn off ang phone niya. Paano ko ba ito masosolusyunan?





Pagkatapos ng mahigit isang oras. Lumabas ulit ang doctor. "Miss, successful po ang operasyon, he's fine now pero kailangan pa muna niyang magpahinga sa ngayon."





Agad akong nakahinga ng maluwag nang malaman kong okay na siya. "Salamat po doc, maraming salamat talaga."





"Please sign these papers," doctor.





"Uhh, request po ako ng VIP room para sa kaniya," ako.






Hay nako Rowss Blaze Sanchez, ewan ko na talaga sa'yo, ba't mo ba ginagawa sa akin ito ha? Nanggigigil na ako sa'yo, kapag magaling ka na humanda ka talaga sa akin.





Kinalaunan, dinala ako ng mga nurse sa kwarto ni Rowss. Naluha na naman akong makita siyang nakapikit ang mga mata at ang daming pasa sa katawan. Kanina lang nakangiti ka pa pero ngayon nandito ka na sa isang hospital. Aatakihin ako sa puso nang wala sa oras dahil sa'yong lalaki ka.





"Excuse me miss, mga gamit po niya," sabi ng nurse sa akin and gave me Rowss' things including his phone.





I should call for his parents, pero pag open ko sa phone niya ay may passcode.





"Ugh! Mababaliw na ako sa kakaisip!"




KINAUMAGAHAN.




Agad kong tinawagan si Stephanie, nagbabasakali akong gising na 'yon ngayon.





"Hello? Lenz?" bungad pa niya.




"Lenz ka diyan! Ganiyan ba kaganda ng araw mo kahapon ha na pati paggising mo siya na naman ang nasa isip mo?" sigaw ko.





"Oh Ame? ikaw pala hehe," tugon niya. Halatang kakagising lang, hindi pa kasi matinong kausap.





"Steph, puntahan mo 'ko sa hospital bilis, Rowss had an accident last night," ako.





"ANO?! Ame, seryoso ka ba?! T-text me the details" react niya. Sobrang lakas ng boses niya kaya napalayo ko nang konti ang phone ko sa tenga. We ended the call.





Umalis muna ako sa hospital para mag-almusal, pagkabalik ko sa room ni Rowss nag-vibrate ang phone ko. Tinawagan ako ni lola. Oo nga, nakalimutan kong magpaalam sa kaniya.




"Amaranthe! Nasaan ka bang babae ka? Bakit hindi ka umuwi ha?"





"L-lola, nasa hospital po ako," tugon ko.





"Ha?! Anong hospital? Anong nangyari sa'yo?!" Lola.




"Hindi po ako, si Rowss po, naaksidente kasi siya kagabi," ako.





"Ha? Alam ba ng mga magulang niya iyan?" Lola.




"H-hindi pa po, pero sasabihan ko mga magulang niya mamaya," ako.





"Ikaw Amaranthe ha, may nadamay na sa kakulitan mo," lola.




"Sige na po lola, bye na muna, siguro rin po hindi pa muna ako makakauwi dahil babantayan ko po--- ang boyfriend ko," tugon ko at nag-end call.





"Oh my gosh, totoo nga! Ame, are you okay?" bungad ng kakarating na si Stephanie.





Bigla akong napayakap sa kaniya. "Muntik na akong mamatay sa kaba talaga, mabuti nalang naging okay pa siya."





"What really happened? Dahil ba 'to sa akin?" Stephanie.





"Papauwi na kasi sana ako nun nang muntik na akong masagasaan ng sasakyan, nawalan kasi ng preno, tapos doon ko nalang namalayan na iniligtas na ako ni Rowss, hindi ko kasi alam na nakasunod pala siya sa akin," explain ko pa sa kaniya.





"Alam na ba ng parents niya?" 





"Hindi pa, hindi ko kasi ma-open ang phone niya, wala kasi akong numero at hindi ko rin kilala ang mga magulang niya," ako. Actually nabasa ko ang pangalan ng mga magulang niya dati pero nakalimutan ko dahil hindi naman ako ganoon ka interesado sa kaniya.





"I'll talk to Lenz, baka may contact siya sa parents niya," suhestiyon ni Steph.





Lenz? Oh no, not Lenz.





"Huwag Steph, huwag si Lenz, a-alam kong may tiwala ka sa kaniya pero I don't want to take any risk. Ayokong may makakaalam nito maliban sa atin, ako na ang hahanap ng paraan para makontak ang mga magulang niya," ako.





Tumango naman si Stephanie sa akin. "Paano mo naman gagawin iyon pinsan?"




"I have my ways, basta ipangako mo sa akin na wala kang pagsasabihan nito lalong-lalo na si Lenz," ako.





"Sige, by the way, maghanda ka na kasi may klase ka pa ngayon, ako na lang muna magbabantay kay Rowss, tanghali pa naman ang klase ko ngayon," boluntaryo ni Stephanie.





Masaya naman ako na karamay ko ngayon si Steph. Pero naaawa ako kay Rowss. Pota. Hindi sana mangyayari ito sa kaniya eh kung hindi lang ako doon dumaan pauwi.






But I'll still contact his parents no matter what, walang dapat na makakaalam nito, he's the only son of a rich family kasi eh, mabigat ang reputasyon nila at pati na rin sa career niya. Malaking kontrobersiya ito.





"Kukuha ako ng med cert para kay Rowss para ma excuse siya sa klase, at babalik ako bago mag tanghali," tugon ko.





Biglang hinawakan ni Steph ang braso ko at may bahid ng pag-aalala. "Are you really okay? You're still in shock aren't you? Mas mabuti ng magpahinga ka nalang muna."





"I'm fine, don't worry about me," ako.





Lumabas ako ng room at nagpatuloy sa plano ko, hindi ako nakatulog kagabi dahil todo bantay ako kay Rowss. He's never related to me pero sobra akong nag-aalala sa kaniya.





Sino ba ako Rowss para saluhin mo ang aksidenteng matatamo ko sana? Sino ba ako para buhatin mo ang problemang ito?





END OF CHAPTER 15.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top