Chapter 14: Rowss' Smile


Amaranthe's POV

Nakalimutan kong may Departmental Exam kami next week. Pero mabuti naman walang masyadong gagawin para sa minor subjects. Sa Departmental lang ako dapat magiging seryoso dahil may ranking system pagkatapos ng exams eh.





"Babe, how about we make a deal? Kung malalamangan kita sa Departmental, magiging totoo na tayong magjowa, kapag mas lamang ka naman, hihinto na ako sa pangungulit sa'yo," wika ni Rowss.





Tiningnan ko siya nang nakakunot ang noo, "anong akala mo sa relasyon? Nakukuha lang sa hangin? Manalo ka man o matalo wala akong pakialam," tugon ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero sinusundan pa rin niya ako, as usual.





"I heard Stephanie Conzuelo and Lenz Madrijal are dating at the cafeteria," dinig kong chismis ng mga babae.






Lenz and Pinsan are dating na? I think it worked real quick. Sana man lang na satisfy ka na ngayon pinsan, pero I hope hindi ito mapunta sa hindi maganda.





Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, "tara na may klase pa tayo, at gusto ko rin hawakan ang kamay ng girlfriend ko." Ayun, hinatak na naman ako.




SA CLASSROOM.





Marahan lang na nagdidiscuss ang guro namin para sa darating na departmental next week sa sabado. Sumandal nalang muna ako para marefresh ang isipan ko sa nga bagay-bagay.






Kamusta na kaya si Stephanie ngayon, sana nga hindi ito makakaapekto sa pag-aaral niya.





"Hindi mo pa sinasagot akong deal ko, game ka o hindi," Rowss.




"Diba sinabi ko na sa'yo na wala akong pakialam, kung nabobored ka, sa iba ka makipagpustahan, huwag sa akin," tugon ko.





"Talaga? Pwede ako sa iba makipagpustahan? Pero dapat ikaw ang premyo," tugon din niya.





Napailing nalang talaga ako sa taong 'to, ang tigas talaga ng ulo. "Ewan ko ba sa'yo, bahala ka na sa buhay mo."





Sa halip ay ngumiti lang siya sa reaction ko.




Busy sila sa pagrereview. Halos lahat ng mga kaklase namin ay nag take down notes tapos kaming dalawa, parang wala lang, walang pakialam kung may darating na exam.




LUNCH BREAK.




Pinuntahan ako ni Stephanie sa cafeteria kung saan kami sabay na kumain ni Rowss.





"Hi guys," bati niya.




"Oh, kamusta araw mo?" tanong ko.





"Super great! Ame thank you talaga, kung hindi dahil sa'yo hindi sana mangyayari ito," sagot niya.





Umepal na naman si Rowss sa usapan namin. "Bakit? Ano bang ginawa ni Babe sa'yo para maging blooming ka ngayon?"




"Siya kasi pumili ng mga damit ko," sagot ni Steph.





"Really? Mabuti naman hindi Rainbow colors pinasuot sa'yo," pang-aasar niya kaya nabulunan ako sa iniinom kong tubig.






Agad ko siyang sinapak. "Last ka nalang talaga Rowss."





"By the way Ame may hihingin sana akong pabor sa'yo," biglang iniba ni Steph ang topic.





"Ano 'yon?"






"May pinapapunta kasi ang leader ng grupo namin mamaya tapos hindi ko magawa dahil inanyayahan ako ni Lenz ng date pagkatapos ng klase, pwede ba ikaw ang pumunta Ame?" Steph.




"Huh? Saan naman?" Ako.






"Interview lang sa isang shell vendor sa address na ito." May ibinigay siyang booklet sa akin. "Nariyan na lahat ng questions, yun lang naman."




"Okay, anong prize ko nito?" tanong ko.





"Surprise nalang muna, pero sure ako na magugustuhan mo ang prize," Steph.





"Sama ako," epal ni Rowss.





"No, I don't need a chaperone, umuwi ka nalang sa inyo okay?" Para talaga akong ate na pinagsabihan ang nakakabatang kapatid.





"As you wish babe," Rowss. At ngumiti na naman siya. Palangiti siya ngayong araw ah.





"Thank you talaga Ame, sobra," huling sabi ni Steph saka yumakap sa akin.






Mabuti naman naging maganda na ang samahan ng pinsan ko at ang crush niya. Kapag sasaktan ni Lenz si Stephanie, babalian ko talaga siya ng buto. I swear.





KINAHAPUNAN after dismissal.





"Where are you going babe?" habol na naman ni Rowss sa akin.





Ang malas, bakit nagkita na naman kami? Dapat kasi hindi ko na siya madadatnan sa school sa mga oras na ito dahil magkaiba ang schedule namin sa last subject.




Nagpaalam siya sa mga kasamahan niyang lalaki para lumapit sa akin. Kasama din nila si Kade na binigyan ako ng malaking ngiti. At nabaling ulit ang atensyon ko kay Rowss.





"I'm going to the library, why?" Ako.




"Sama ako," Rowss.




Sa totoo lang pinapatrigger niya talaga ang pasensya ko, parang sinadya talaga ito ng panahon na may mangulit sa akin para sukatan ang pasensya ko. Kalma lang Ame, nasa South ka, hindi mo teritoryo ito baka mahighblood si lola sa'yo.





"Bahala ka, hindi ko na kasalanan kung mabobored ka doon," ako.





Sinabayan niya ako papunta sa library, pero bago pa man kami makapasok, nakita ko si Stephanie na kasama ngayon si Lenz, tuwang-tuwa pa siya.





"Will your cousin going to be okay?" biglang tanong ni Rowss sa akin.






"I don't know, but I hope it will turn out well," kalmadong tugon ko.






"WOW, may ganitong side ka rin pala babe, bakit ang sungit sungit mo sa akin? I want to see more of this cuteness in the future," ngiti niyang sambit.





Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.





Habang busy akong nagbabasa ng libro, panay ngiti naman siyang nakatingin sa akin. I admit, he's distracting me. Hindi ko masyado naiintindihan mga binabasa ko dahil sa mukha niya.






"Hindi ka pa ba uuwi?" inis na tanong ko. Gabi na rin kasi pero hindi pa rin siya umalis sa pwesto niya.





"Sabay na tayong lumabas," tugon niya.





Hinayaan ko na naman siya. Bahala na siya. Hindi rin naman 'to nakikinig sakin eh. Wala na akong pakialam kung anong mga desisyon niya sa buhay. Sawa na akong pagsabihan 'to, kagustuhan pa rin niya ang sinusunod niya. Ang tigas talaga ng ulo.





Bigla niya akong kinunan ng picture sa phone niya. "Ang ganda ng baby ko oh, ang cute 'pag nagbabasa ng libro."





"I-delete mo 'yan!" Sigaw ko. Napatingin lahat ng estudyante sa akin.





"Nope, ito ang kauna-unahang picture mo sa phone ko, kaya whether you like it or not hindi ko ito buburahin." tapos sinundan na naman niya ito ng panibagong picture na mayroon na ang mukha niya.





Tumayo na ako't dinala ang bag papalabas. Sumunod na naman siya sa akin. Pagkalabas ko ng gate, nadatnan na naman niya ako na nakasakay na siya ng kaniyang sasakyan. Ang bilis naman yata niyang nakasakay.




"Take care ka ah? I'll see you off from here, bye babe," huling sambit niya at tuluyan ng umalis.





Mabuti naman natapos na rin ang pangungulit niya, kanina pa kasi nakakunot ang noo ko nang dahil sa kaniya. Nasayang pa ang oras ko.






Kaya ayun, pinuntahan ko na ang address na binigay ni Stephanie sa akin para gawin ang pabor niya. At sa wakas nakarating na rin ako sa tindahan ng shell vendor. Mabuti ring mabait ang nainterview ko. Madali lang natapos ang gawain.





Kinalaunan, lumagpas na ako ng kanto nang tamang-tama naman na pagkatingin ko ay may isang malaking sasakyan ang papunta sa direksyon ko. Mukhang nawalan ng preno kaya sobrang bilis ng takbo. Ilang segundo nalang talaga, tatamaan na ako.





Pero ang sunod na namalayan ko ay may biglang tumulak sa akin palayo kaya nagulong ako sa kabilang parte ng kalsada.





Sobrang gulat ko nalang nang masaksihan ko mismo sa nga mata ko na nasagasaan na si Rowss kapalit sa akin.





"ROWSS!" sigaw ko.





Sobrang lakas ng pagkakatama niya at ang sasakyan naman ay nabangga sa poste. Dali-dali ko siyang nilapitan at halos luluwal na ang mga mata ko nang makita kong wala ng malay si Rowss at ang daming dugo na dumanak mula sa ulo niya.




"OH MY GOD, ROWSS!"





Agad kong kinuha ang phone ko at nagdial ng 911. Naaalala ko na may malapit na hospital dito. Jusko, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag mamamatay si Rowss.




END OF CHAPTER 14.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top