Chapter 13: New Look?
Stephanie's POV
It's me, Stephanie.
KINABUKASAN.
Napagpasyahan kong maging maaga sa school, dahil maaga si Ame, at maaga rin ngayon si Lenz. Plinantsa ko na ang buhok ko gamit ang hair straightener na binili ko last month at naglagay ng kaunting make-up. I look so blooming today. Hindi ko alam na may taste of fashion din pala 'tong pinsan ko.
"Wow, parang nag-iba ang ikot ng mundo ah, napakablooming ng anak ko," bungad ni papa sa akin.
Sa aming university kasi, ang maritime at criminology department lang ang may uniporme, the rest of us ay malayang makakapagsuot ng damit na gusto namin. And today I am wearing one of Ame's gift.
Lumabas na kami ni papa at nakasalubong namin si Ame na as usual simple lang ang pananamit. Hindi kami mahatid papa ngayon dahil nasira ang sasakyan niya, kailangan pang ipaayos. Kaya magcocommute lang kami ni Ame.
"See? You look different today, I like it," compliment din ni Ame.
I smiled and remained gentle. I just want to feel beautiful today.
Paglabas namin sa gate ay may nakaparadang magandang sasakyan para kay Ame, sasakyan ni Rowss.
Minsan naiinggit ako sa pinsan ko, effortless lang ang ganda niya pero nakahuli na siya ng malaking isda, samantalang ako sobrang trying hard ko pa para lang mahuli ko ang isdang gusto ko.
"You look good today Stephanie," compliment din ni Rowss.
"T-thank you," tugon ko.
"Ano na naman bang ginawa mo dito ha?" singhag ni Ame.
"Why? Bawal ba sunduin ang jowa ko?"
Napatawa ako sa dalawang 'to, palaging sinasabi ni Ame na hindi totoong magjowa sila pero para sa akin mukha na nga silang mag-asawa. I really hope they will end up together, as in.
"Tara na hatid ko na kayo, sayang naman ang porma ngayon ni Stephanie kung magcocommute lang kayo," Rowss. Tumingin ako kay Ame na mukhang mapipilitan na ngang papayag sa offer ni Rowss.
"Okay fine, sakay na Stephanie," Ame.
Pagkarating namin sa entrance ng paaralan kung saan kami inihinto ni Rowss. Parang nag-froze ang mga binti ko sa kaba.
"Anong problema pinsan?" tanong ni Ame.
"O-okay lang ba talaga ang hitsura ko?" conscious na tanong ko.
"Oo, sobra pa sa okay," Ame.
"K-kinakabahan lang kasi ako baka kung anong isipin ng ibang tao," tugon ko.
Hinawakan ni Ame ang kamay ko. "Diba sabi ko sa'yo heads up? Nakalimutan mo na ba na nag-dress up ka para kay Lenz? And not because of those stupid people out there na walang ibang magawa kundi magchichismis? Tsk tsk."
"T-tama ka nga," ako.
"Stephanie, maganda ka ngayon okay? kaya wala kang dapat na ikaka-conscious sa sarili mo," Ame.
Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Pagkapasok namin ng school naghiwalay na kami ng landas ni Ame. Papunta ako sa library kung saan ko parati nakikita si Lenz.
Pero bago ako pumasok sa library, pumunta muna ako ng rest room para tingnan ang sarili. I still look the same, but I have to do this. I have to. Smile self. Ang laki ng isinakripisyo ni Ame dito kaya gagawin ko 'to.
Pero, paano ko naman magagawa? Sana nga may kaunting confidence ako sa sarili ko kagaya ng mga sikat na estudyante rito. I have no guts, mahinhin pa, tapos torpe pa.
"Heads up Stephanie," Ame.
Dapat susundin ko si Ame. Hindi dapat ako magpapadala. I can do this.
Lumabas ako ng CR at tamang-tama naman ang pagkakabangga ng nagmamadaling lalaki sa akin.
"S-sorry, nasaktan ka ba?" tanong niya.
"Okay lang, sorry din kasi hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko," tugon ko.
"Pretty," bigla niyang compliment with an Awe.
Nagulat ako.
He smiled. "Alis na ako ah, nagmamadali kasi ako."
At ayun umalis siya. Pagkatalikod ko naman ay tamang-tama ang paglabas ni Lenz sa men's rest room. Our eyes met for the first time.
"H-hi Lenz," bati ko.
Oh shet. Dapat hindi ako ang unang pumansin, ah pambihira, tanga ko. Makaalis na nga.
"How are you?" bigla niyang tanong.
Biglang namanhid ang mga tuhod ko. Parang ayaw ng umalis sa harap niya. At pati ang bibig ko ay nakasara, hindi makapagsalita.
"Stephanie I am so sorry for everything I've done to you, can we start over?" He said. And then he offered his hands to me.
Woah? Is this real? Effective nga talaga ang plano ni Ame, gosh, times two na ang utang ko sa babaeng 'yon. Kinausap na ako ni Lenz, ah sarap sa feelings.
"O-of course, s-sure," tugon ko.
"I'm so stupid not to notice you since the beginning, you're really beautiful," compliment niya.
My heart beats faster than normal. Grabe super blank ng isipan ko, ang dami ko pa naman sanang banat na inihanda para sa kaniya. But bahala na 'yong banat, nandito na siya eh. He's staring at me, for the first time ibinigay niya ang atensyon niya sa akin.
"May class ka ba? Pwede mo ba ako samahan sa cafeteria?" anyaya niya.
Hindi ko mapigilang mapangisi hanggang tenga. I just can't believe na nangyari na ito. Nawala lahat ng pananakit na ginawa niya sa akin sa simpleng pagngiti lang niya. Parang nahulog ako sa love spell niya.
"Wala akong klase sa mga oras na ito," tugon ko.
Sabay kaming pumunta sa cafeteria, medyo awkward din, one foot ang layo namin sa isa't-isa pero parang magkadikit na ang mga balat namin.
"Omg, si Stephanie ba 'yan?"
"Oh girl, how can she dress like that?"
"Look at her clothes, they're from Ms. Thealine Gueverre designs right?"
"I like her style."
Wala na akong pakialam sa mga sinasabi ng iba. Wala na rin akong pakialam sa mga matang nakatuon sa amin ngayon, dahil para sa akin kami lang dalawa ang magkasama.
This is so enchanting, he made me so starstrucked.
Nasa cafeteria na kami kung saan walang masyadong tao. Bigla niya akong nilibre ng mga sweet foods like chocolates and candies. At bumili rin siya ng cup noodles para sa aming dalawa.
Hindi ako makatingin nang diretso sa kaniya. Tapos sobrang nanginginig ako ngayon. Ganito nga talaga siguro ang pakiramdam 'pag makuha mo na ang atensyon ng taong ginusto mo nang sobra.
END OF CHAPTER 13.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top