Chapter 11: Identity is Scary

Amaranthe's POV




TWO MONTHS HAVE PASSED.





Ang dali lang ng panahon, magmimidterm na kami. Since wala kaming pasok ngayon dahil holiday, magkasama kami ngayon ni Stephanie sa kwarto niya. Nagriritual na naman ang isang 'to.






"Ame, have you ever loved someone with all you heart and soul?" tanong niya habang nakatitig sa lover's painting na nakadikit sa pader ng kwarto niya.





"Ha? No, in my 22 years of existence, never," tugon ko.






Tumingin siya sa akin. "Really? You've never been in love?"






"Well, I did love someone but he broke my heart, iyon na sana ang kauna-unahang pagmamahal na matatanggap ko sa buong buhay ko. He can give me everything I want but the only thing na hindi niya maibigay sa akin ay ang bagay na hinahangad ko nang sobra, iyon ay pagmamahal mula sa kaniya," tugon ko ulit.





"That's sounds sad, sino iyan?" Steph.




"My dad," ako.




Noong maliit pa lang ako, 4 or 5 years old, at ang mga kuya ko nun ay 11 years old. Parati kami pinapasyal ni mom sa amusement park as our family bonding time, pero wala parati si dad sa tabi namin. He was always busy at walang time sa amin.





Pinakapaborito ni dad ay si Alkerson, dahil matalino iyon, palaging top sa klase at sobrang galing sa lahat ng bagay. At si Anarson naman ang palagi kong kasama noon kahit saan magpunta, siya ang nagturo sa akin kung paano uminom at siya rin ang kasama ko noong una akong nakipag-away dahil sa kalasingan. Dad was really disappointed of Anarson dahil naging bad influence raw siya sa akin.






Yun ang problema ni dad, pagkakamali lang ang palaging nakikita mula sa amin. Hindi niya nakikita ang achievements ni Anarson kahit na sa maliliit na bagay.





"You never mentioned anything about your family Ame, pwede mo ba akong kwentuhan?" request ni Steph.





Nanlaki ang mga mata ko. Oops. Clears throat. "Well, simple lang naman ang family ko talaga, si mama ang pinakamalapit sa akin, palaban din iyon at mapag-alala, si papa ko naman ay masungit at parating galit sa mundo."





"Lola already told me about those things, sinabi din niya na hindi ganoon ka intriga ang story ng family mo, pero hindi binanggit ni lola na hindi pala kayo close ng papa mo, that's why I'm asking," react niya.





"Oo nga naman, wala ngang special sa family ko, mas interesado pa nga ako sa istorya ng iba," ako.





"Alam mo Ame, noong una mong dating dito sa subdivision, akala ko talaga masungit ka, napakapoker face mo lang kasi ta's parang ang laki ng galit mo sa lahat ng tao," Steph.





"Ganito lang talaga ang mukha ko, sanay na akong sabihan niyan," ako.






Pumunta na kami sa kusina para mag-bake ng cupcakes. Ibibigay niya raw ang iba kay Lenz. Swerte talaga nung hayop na 'yon.






"You really like that guy no?" ako.





"Yes Ame, I will do whatever it takes for him to love me," tugon niya.




"Ayoko lang talagang sabihin ito but since you're really pushing yourself into it, I will help you, and that also mean you should start changing your style," ako.





"Huh? Anong meron sa style ko?"





"Wala namang problema sa style mo actually, but since we are talking about Lenz here, I suggest na ibahin mo talaga ang style mo," ako.





"Wow, hindi ko naisipan iyon, ngayon ko lang narealize na mas malaki ang impact ng panlabas na anyo to get someone's attention," nagagalak na reaction ni Steph.




"How about we go shopping today? I volunteer myself as your mentor."





"Mentor?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, nakasuot lang kasi ako ng loose plain white t-shirt at grey jagger pants.





"Gaga, huwag ka sa akin tumingin, trust me may sense of fashion din naman akong nalalaman, at isa pa mas mabuti ng i-critic ka ng ibang tao para malaman mo kung saan mo kailangan mag-improve diba," ako.





Bigla niya akong niyakap. "Thank you! Thank you! Ame! You're the best!"





Pagkatapos naming mananghalian, nagpaalam kami kay lola na mamasyal kami ni Stephanie sa syudad.





"Oo basta huwag magpagabi," lola.





Nasa mall na kami ni Stephanie, at dinala ko siya sa napakasikat na boutique ng bansa. Maaasahan ang fashion nila, pang 100% recommended.





"Hoy Ame hibang ka ba? Ang mahal kaya diyan," react ni Stephanie.




"Ay, ilan ba dala mong pera?" tanong ko.





"Kung diyan tayo bibili, siguro isa lang o dalawa ang mabibili ko sa dalang pera ko ngayon," tugon niya.





"Edi ililibre kita may savings naman ako," ako.





"Ayoko," Stephanie.





Umiling ako. "Ako dapat ang masusunod dito, tara na. Pasooook."






Pagkapasok namin, todo tingin sa amin ang mga nagbabantay ng tindahan, niwala man lang bumati sa amin, unlike sa North. Kaunting tao lang ang nandito ngayon kaya mas pabor, at kung ako ang tatanungin ito na yata ang pinakamahal na tindahan sa loob ng mall.





"Ame, bakit ba tayo nandito, tingnan mo ang mga mukha ng saleslady sa atin, parang iniisip nila na hindi natin maaafford ang paninda nila," bulong ni Stephanie.






Tiningnan ko ang mga saleslady. Uso pa rin ba ngayon ang mang-judge ng tao batay sa physical appearance nila? Tsk.





"Sige na Steph pumili ka na," sabi ko. Umupo ako sa bench habang nagbabasa ng kanilang magazines.





Nilapitan naman ako ng isang saleslady. "Excuse me miss, may kailangan po kayo?"





Napakunot ang noo ko, ay malamang no? Nandito kami dahil bibili kami. Anong klaseng tanong iyan?





"Gusto ko lang bigyan ng magandang araw ang pinsan ko kaya pwede mo ba sabihan ang mga kasama mo na huwag siyang bigyan ng kakaibang ekspresyon? Nakakailang kasi," tugon ko.




"A-ano po?"





Binaba ko ang magazine at tiningnan siya. "May I speak to who's in charge, please?"





At totoo ngang tinawag niya ang manager nila. Akala ko pa naman ma-sesettle lang namin ito na kami kami lang, but it's fine.





"Yes miss," bungad ng babaeng manager nila.





"Hi, hindi lang kasi ako sanay na tratuhin ng ganito sa mga saleslady, and I'm sure ganito rin ang trato nila sa ibang customers, based on the company's contract dapat maging welcoming sila hindi ba?" Malumanay na reklamo ko sa manager.





"Ah, sorry po kung ganoon ang nangyari," tugon niya at tiningnan din ako mula ulo hanggang paa. Pambihira! Pati rin pala siya.





"May stock ba kayo rito galing sa Twistolar Company?" tanong ko.





Nanlaki ang mga mata niya. "P-paano niyo po nalaman na nagtitinda rin kami ng designs mula sa Twistolar Company? Mga first class families lang ang may alam tungkol doon," react niya.





"Aba, importante pa ba 'yon? At kung oo, hindi ba ibig sabihin nun na kabilang ako sa tinutukoy mong 'first class'?" I answered. Pinakita ko siya sa black card ko at nanlaki nang husto ang mga mata niya.





"A-ah p-pasensya na po miss A-ano po pangalan ninyo?" tugon niya. Nihindi na siya ngayon makatingin sa akin nang diretso, at pati ang mga saleslady ay nagulat sa naging reaksyon ng manager nila na halos mabalian na ng spinal cord sa kakayuko.




"Just call me Ame, and for the last time, ayoko na manglookdown kayo ng mga customer base lang sa hitsura nila ha? Nagkaintindihan ba tayo? Dahil sa oras na malalaman kong ginawa ninyo ulit ang ganito, hindi ako magdadalawang isip na ipatanggal kayo sa trabaho, and I am friends with Ms. Thealine Gueverre, ang may-ari ng boutique na ito," tugon ko.






"O-opo," tugon niya din at halos luluhod na siya sa harap ko.




Am I too harsh? Tsk tsk hindi ko alam na being in a first class family is this scary. Damn.





END OF CHAPTER 11.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top