Chapter 10: Young President
Rowss' POV
KINABUKASAN, gumising ako na sobrang sakit ng aking ulo. Marami nga ba talaga ang nainom ko kagabi? Bumababa na ba ang tolerance ko sa alcohol? Mojito lang naman yung ininom ko ah.
May kumatok sa pintuan. "Sir Rowss, pinapatawag ka po ni Madam." Malumanay na wika ng matandang boses. Si Manang Ema na yaya ko simula bata pa ako.
Dahan-dahan akong napamulat, sobrang bigat ng aking mga mata para maidilat ko nang husto. Ang huling naaalala ko lang ay nag-inuman kami nina Anastacia kagabi sa bar, wala naman sigurong nangyari pagkatapos nun hindi ba? Bumangon na ako't inayos ang sarili para sa almusal namin. Sinuot ko na ang asul na suit na inihanda sa akin ni Manang Ema kanina.
"Binatang binata ka na talaga Rowss, tingnan mo oh mukha kang isang ginoo na aakyat ng ligaw," wika ni Manang.
"Sa tingin mo ba manang kapag aakyat ako ng ligaw na ganito ang hitsura ko, sasagutin ba ako?" tukso kong tanong sa kaniya.
"Aba'y oo naman, sino ba namang dalaga na hindi magkakagusto sa'yo iho, nasa iyo na ang lahat," proud na proud pa siyang banggitin iyon.
"Si Manang talaga," ako.
"Sana nga makakahanap ka ng babaeng aalagaan ka't hindi ka iiwan Rowss, alam ko ang sitwasyon mo ngayon iho pero ang payo ko lang sa'yo ay piliin mo talaga ang taong sinisigaw ng puso mo, at maging masaya ka sa piling niya, isa lang ang buhay natin kaya huwag mo sanang itaya ang kaligayahan mo kapalit ng kaligayahan ng iba ha," Manang.
Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang balikat, so grateful to have someone like her. "Opooo manang, don't worry."
Pumunta na ako sa dining room namin kung saan nakaupo na si mama, ngumiti ako at bumati sa kaniya. "Magandang umaga ma."
"Rowss, you will be joining your father later sa Chairman's Meeting sa kompanya ha, have you read this month's report already?" Mom.
"Yes mom, nakakadismaya nga sa part ko na hindi ko man lang natutulungan si dad sa mga problema sa opisina dahil busy ako sa pag-aaral ko," tugon ko.
Natahimik kami nang dumating si dad. "Huwag mo muna akong alalahanin anak, binigyan kita ng kalayaan na gawin ang gusto mo hangga't hindi pa tuluyan na ibinigay sa iyo ang kompanya, kaya lubus lubusin mo na." Nakangiti siyang sinasabi iyon.
Sabay na kaming umupo at sabay na nag-almusal.
Sa gitna ng aming hapagkainan, bigla kong nabanggit ang tungkol sa ratings ng kompanya namin. I'm also curious. "Hindi ko lang inaasahan na babagsak ng ganoon ang sales ng kompanya, Dad, sabihin mo nga ang totoo sa'min kung ano ng kalagayan ng kompanya?"
Huminto sa pagkain si Dad at pati si Mom ay napatingin din sa akin.
"Anak, nasa hapagkainan tayo, mamaya na iyan," hinang sermon ni mama.
Pero pinigilan siya ni dad na parang sinabi niyang sasagutin niya ang katanungan ko. "Malapit ng mabankrupt ang kompanya Rowss, hindi na tayo ang pangatlong pinakamayaman sa bansa, iyan ang katotohanan," sagot ni Dad.
"A-ano?" Ako.
Umiwas na ng tingin si dad, I can't help but to jump over to conclusions.
"So does this mean that I have no choice but to be engaged with the Taylor's daughter, am I right?"
"Son, we will find another way okay? Alam kong wala kang balak na magkakaroon ng koneksyon sa mga Taylor, at lalo na rin ako, kaya hahanap tayo ng ibang paraan," Dad.
Halata sa mga mukha nila ang pag-aalala. Wala rin naman akong magagawa sa itinadhana sa akin dahil ako lang naman ang anak ng Sanchez.
KINALAUNAN, sa Twistolar Company.
Dumating na kami ni Dad sa conference room kung saan mangyayari ang Chairman's Meeting ng aming kompanya. Nagsitayuan ang mga members ng malalaking posisyon pagkapasok namin. Isang malawak na Oval Table ang nasa gitna na pinapalibutan ng kasali sa meeting. Ngayon lang ulit ako nakabalik dito kaya ang iba ay nagulat nang makita ako.
"Hindi kami na-orient Mr. Chairman na sasali pala sa atin ang Young President ng Twistolar," arroganteng wika ng isang opisyal.
Napatingin ako ni Dad na walang facial reaction sa nagsalita.
Nagsimula na ang meeting.
"Ang pag-uusapan natin ngayon ay ang mga alternatibong paraan upang masolusyonan ang problemang hinaharap ng ating kompanya ngayon," pagsisimula ng isa ring opisyal.
"Baka naman may paraan na naisip ang Presidente natin?" singit ng isang opisyal na nakaupo sa pinakahuling upuan.
Napatingin silang lahat sa akin.
I just gave them a grin. "Just continue your speech, I'll hear you out first before I'll give my opinion."
Nakita kong ngumiti nang konti si Dad sa akin at napatango. Nararamdaman ko ang pressure sa loob ng room, para bang kahit na ikaw ang namumuno ay kinikwestyon ka ng mga subordinates mo sa kakayahan mo.
"President, malapit na pong bumagsak ang Twistolar Company kaya ang maaari nalang po nating gawin ngayon ay gumawa ng bagong designs ng jewelry at ilabas nang sabay-sabay gaya ng ginawa natin sa Parallel Crust Necklace last year," report ng isang opisyal.
"Pero may posibilidad na babagsak nang husto ang kompanya dahil diyan, unang-una limitado nalang ang funds natin sa pagpalabas ng bagong designs, pangalawa kulang ang shareholders natin at ang hirap makahanap ng pandagdag na shareholders sa panahon ngayon," tugon ng isang opisyal.
"Much better if may mapersuade tayong panibagong shareholders na makakatulong sa atin sa pagtaas ng ating porsyento," isa ring opisyal.
Sumingit na ako. "May dahilan siguro kung bakit nangyayari ang problemang ito."
Nagtitinginan sila sa isa't-isa. Malamang naman kapag may problema, may dahilan talaga kung bakit iyon nangyari. If the plant starts to wither then you have to water its roots.
"Paano kaya kung makipag-ugnayan tayo sa Crystal Corp. Mas malaki ang advantage nun sa kompanya natin, sa tingin ko ay magagawa iyon ng ating Young President Rowss Blaze Sanchez," suhestiyon ng opisyal na nasa panghuling upuan.
"Pwede rin," sang-ayon naman ng iba.
Sabay silang napatingin sa akin. Si Dad naman ay para nang napakamot ng ulo dahil sa resulta ng meeting na ito.
"Wala na bang ibang kompanya na pwede nating manegosasyon?" tanong ni Dad.
"How about arrange marriage?" suhestiyon naman ng iba.
"I strongly disagree. I cannot be arranged to someone 'cause I already have a Girlfriend," pagtatapat ko. It's a lame excuse but that can't change my mind.
"But President, ang Crystal Corp po ay pangalawang pinakamayaman sa bansa kaya malaking advantage po iyon para sa kompanya natin," sagot ng isang opisyal.
"The President already has a girl."
"Who is this President's Girl?"
"That means he can't be arranged to someone right? Unless they broke up."
Tumingin si Dad sa akin pero ako umiinit na ang ulo ko. Bigla kong hinampas ang mesa kaya nagulat silang lahat.
"What do you take me for? I'm not a puppet na pwedeng pang-bargain sa iba para makuha lang ang gusto nila," reklamo ko.
Clears throat. "Excuse me Mr. Young President."
"DF Company!!" dagdag ko.
Naging maingay na ang mga tao sa loob ng conference room.
"Magkakaroon tayo ng Ambassador's Party this coming October. I WILL invite the DF Company at sisiguraduhin kong aattend sila sa araw na iyon, at doon makignegosasyon ako regarding this matter, end of discussion," sagot ko.
"WHAT? DF Company? Paano mo naman magagawa iyon Mr. President? Mahirap kausapin ang DF company lalo na nasa low state lamang ang kompanya natin," react ng opisyal.
"Kung mangyayari iyan, isa iyang himala," react din ng iba.
"It's very impossible anak," react din ni Dad.
"Well, nagbigay na ng opinion si Young President, hayaan natin siyang gawin iyon, at kapag mabigo siya, ibig sabihin hindi siya karapat-dapat na maging susunod na tagapamuno ng kompanya, wala siyang karapatang maging isang CEO," tugon ng nasa hulihang upuan.
Imposible nga sa ngayon, but I know I can, and I will.
END OF CHAPTER 10.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top