Chapter 1: Ame at Southern Sector
Amaranthe's POV
ONE YEAR LATER after Amaranthe arrived at her grandma's doorstep.
At Lola Emeralda Del Fiorre's Subdivision.
"Pinsan, why didn't you tell me na you enrolled in the same university as I am? Sana sabay na tayo," bungad ng distant pinsan ko na si Stephanie.
Everything's changed since dumating ako rito sa Southern Sector where my grandma lived. The environment is totally different in here than in Northern Sector. I suddenly acted as an average young lady in front of grandma's people. Portrayed a lowly life.
After a year, hindi man lang ako kinakamusta ng pamilya ko sa Northern Sector, they must be super happy na wala na silang pinoproblema roon.
Stephanie was the first cousin I got myself close to.
"We're in the same age but you're a sophomore while I am a freshman," ako.
"Suus okay lang 'yon, ang importante malaya ka na sa hawla ni lola. Isipin mo, isang taon kang paikot-ikot sa subdivision natin na hindi lumalabas sa gate, ang boring kaya nun," tugon niya.
She doesn't know anything about me. Back in Del Fiorre's property, halos alas singko na ako ng umaga umuuwi galing sa bar o kaya naman palaging wala sa bahay, hindi ako sanay na isang lugar lang ang pasyalan ko sa isang linggo kaya achievement unlocked ito para sa akin. And I am trying so hard na hindi mahighblood si lola sa akin. Tinitiis ko lahat ng ito para mabawi ko ang kalayaan na dapat sa akin.
"Wala naman sa akin 'yon Steph, wala rin naman akong alam na lugar dito na pwedeng pasyalan at wala rin akong kakilala," ako.
"Don't worry, makakapagpasyal ka na once official college student ka na, you can go wherever you want, attend college parties, hang out with your college barkadas--"
"I am not into those type of things," sapaw na sagot ko.
Just like Kuya An suggested to start over, and I'm living the freaking opposite of my true self. And because why not?
"Oh, really? Sorry, ganoon lang kasi kami. But since karamay mo na ako. Dadalhin kita sa kung saan. So kapag aanyayahan kitang gumimik, dapat sama ka ah," Stephanie.
"Only, if nasa mood ako," Ako.
Dumaan ang mga araw, pasukan na ng unang klase sa kolehiyo.
Nahuli akong bumaba dahil inayos ko pa ang gamit ko, nakita ko naman si lola na nag-almusal sa dining room. Of all relatives na naninirahan sa subdivision ni lola, ako lang ang pinapatira sa kaniyang bahay. Isang taon na kaming nagsama kaya nasanay na akong magpaka-low key sa sarili, kagustuhan kasi niya at wala rin akong balak na lumabag sa kaniya-- for the mean time.
"Maaga raw pupunta si Stephanie ngayon sa unibersidad Ame, sabay nalang kayo," bungad ni lola.
"Okay."
Tumingin siya sa akin. "I am reminding you na ayokong dalhin mo ang ugaling meron ka sa Northern Sector ha, be good under my terms or else ibabalik kita sa pamilya mo, and you know what that means right?"
Tahimik lang akong umupo. I am starting to realize na mag-ina nga talaga sina lola at daddy, magkapareho ng ugali eh.
Kinalaunan, sinabayan ako ni lola tungo sa bahay nina Stephanie, tamang-tama naman ang eksenang pinapakita ng mga pinsan ko sa labas ng bahay nila. Bahay katabi sa bahay nina Steph.
"Mama! Kaya nga eh dapat kukuha nalang tayo ng maid!" sigaw ng middle schooler na lalaki na si Warren.
"Anong maid? Walang dapat kukuha ng maid dito. Do your own responsibilities, hindi yung ipapasa ninyo sa ibang tao," sumbat ni lola. Napangisi ako nang konti sa kanila.
"Ma-magandang umaga po lola," bati ni Warren. Nagpapacute ang loko dahil humihingi kasi ito ng gaming pc ni lola noong nakaraang buwan, pang dagdag apo points.
Lumabas naman sina Tito David at Stephanie sa kabilang bahay. "Ma, anong meron dito?" tanong ni Tito.
"Hay nako mga batang 'to talaga. By the way David, ihatid mo nalang din si Ame sa SBU para sabay na sila ni Stephanie," lola.
"Oh sure, no prob, halika Ame," tito.
Tiningnan ko si Stephanie, I am just slightly impressed sa attire niya ngayon. Naka wavy hair with hair clips on one side of the head, naka cute fitted white-powder color top siya at carnation pink na skirt at light pink dollshoes. Iba pala siya tingnan kung aayusan niya nang maigi ang sarili niya mukha siyang koreana, pero this type of style is medyo pambata.
Ha-ha, nagsalita pa ako, eh naka simple red t-shirt at blue pants lang naman ako tapos naka sneakers lang, magulo pa buhok ko.
"Let's go!" excited na wika ni Steph at bigla akong hinila papasok sa sasakyan.
Pagkarating namin sa paaralan, bumungad sa amin ang mga estudyante na may white cardboard sa braso nila at nagbibigay ng flyers sa mga pumapasok sa school.
I can also see my mother's campaign poster all over the place. Well, she is our country's president after all. Ang weird naman, ba't di pa nila tinatanggal 'yan? Matagal ng nanalo si mommy.
"Welcome to South Board University!"
"Kailangan mo pang kunin ang ID mo Ame, registrar is on that way, hindi na kita masasamahan kasi may aasikasuhin pa ako ngayon eh," wika ni Steph.
"It's fine, I can go there myself," confident na tugon ko. Ngumiti siya't umalis.
At ngayon nasa harap na ako ng registrar's office, pinakaayoko talaga ay yung papahintayin ako, pero nandito ako nasa pinakahuling pumipila sa registrar para lang makuha ang ID. If this was North, I can quickly get my ID without hassle sana eh. Hays, tsk.
"Kalma lang Ame, matatapos din 'to," bulong ko sa sarili.
Second last na ako nang may sumunod sa akin na isang lalaking may katawag sa phone. "No, I still have to get my ID, I'll talk to you later."
"Next please!"
Sobrang ingay talaga ng paligid, tapos ang init pa, sana hindi nalang ako nag-T-shirt, pinagpawisan na tuloy ako.
"Next please!"
Hindi bale na, I'll get used to it.
"Excuse me miss, ikaw na susunod," wika ng lalaking nakasunod sa akin.
At last! Lumapit na ako sa window glass ng staff at binigay ang enrollment form ko.
"Here's your study load miss, kunin mo na rin ang ID mo sa library with this ID number," ani niya.
At ang matagal nang nanahimik kong bulkan ay sumabog na. "What the heck?! Bakit sa library pa kukunin ang ID?! Pumila lang kami para makuha ang ID number and not the ID itself? What are you even doing?? Are you doing your petty job right?! Are you fucking kidding me?!" sigaw na responde ko sa staff.
"Excuse me?" She shockingly reacted.
"Hey. Kumalma ka lang miss. Jeez. You're scaring the other students here," react ng lalaking nakasunod sa akin kaya napatingin ako sa kaniya with a furrowed forehead.
Napatabi ako nang umabante siya para ibigay sa staff ang enrollment form niya. "Here's mine."
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. He's wearing a fuschia polo lose top, white fitted pants, black leather shoes, at naka black shades. But even if he looks like a model, how dare he interrupt me?
Dahil naiinis na ako, nagsimula akong maglakad papalayo. But he called me, "Hey! Wait! Hintayin mo nalang ako, sabay nalang tayo!"
What did he say?
Kapal ng mukha. Whatever. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Pero naabutan niya ako. I stopped and seriously looked at him. "Hoy, alam mo ba kung saan ang library?" taray na tanong ko.
"I do," nakangisi niyang tugon.
Nasa hallway na kami tungo sa library pero halos lahat ng mga mata ng babae nasa lalaking katabi ko, naiilang ako sa kaniya.
"Don't mind them," wika niya.
Scoffs. "Like hell I would."
Bigla niya akong inakbayan kaya nanlaki ang mga mata ko. Mas lalong uminit ang mga tingin ng mga babae sa aming dalawa.
"What the heck are you doing?" react ko.
"Just play along with me, wala ka namang jowa hindi ba?" tugon niya.
Mas nanlaki ang mga mata ko, "Excuse me? Sino ka ba para utusan ako?"
"Don't worry, I'll pay you later," tugon niya.
"HUWAW! You got some nerve jerk!" Inalis ko ang akbay niya at itinulak siya. Malakas ang pagkakatulak ko sa kaniya kaya tumama ang pwet niya sa sahig, sabayan naman ng pagkakatanggal ng black glasses niya. He has thick eyebrows and dark brown eyes.
"Hoy!" inis niya.
"I'm not a beggar, dumbass!" sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. Grabe, kapal talaga ng pagmumukha.
Nakarating na ako sa library, kinuha ko na ang ID ko at akmang papalabas nang makita ko si Stephanie na nakaupo malapit sa bintana.
"Hi Lenz," bati niya sa kakapasok na lalaki.
She's smiling to a guy, parang half british ang beauty ng lalaki, pero hanggang ngiti lang din si boy, after nun dedma na si pinsan. Umupo ulit si Steph looking so disappointed to herself. Kaya siguro ganiyan ang pananamit niya dahil sa taong gusto niya. Pathetic, trying so hard to impress her crush.
Napadaan sa gilid ko yung Lenz na yun at may tinanong sa counter.
"Hi, I'm a second year student, are there still available for any Maritime Slot in this school?" tanong niya.
May Maritime pala sa school na ito? Siguro nga, this school is so big to begin with naman.
"Yes sir, late enrollee ka po?"
"Yes, huminto lang ako ng isang semester pero sana maicontinue ko ang course ko rito," tugon niya.
"What course po?"
"Marine Transpo," ikli niyang sagot.
"Yes sir, fortunately you can still catch up."
Lumapit ako kay Stephanie. "Steph, do you like that guy?" diretsahang tanong ko sa kaniya.
"Wha--? Wh--? A-ah, sino? Si Lenz?" tugon niya.
"Do you really like those type of guys?" dagdag ko. Well, if you'd ask me he just look like any average guy na walang ibang gawain kundi ang papaasahin ang mga babae. Not really a good catch.
"Yeah, he's not just beautiful on the outside Ame, but he's also beautiful on the inside," bloomy pa niya na pagkakasabi.
Scoffs. "Bakit? Nakikita mo ba internal organs niya?"
Tumawa siya. "Hay nako sa'yo Ame"
"As a cousin, advise ko sa'yo is find a guy who only has eyes for you, if that's him then go, but if not, I suggest you break his jaw," sagot ko.
"Naranasan mo na bang ma-inlove?" tanong niya.
I stopped for a sec. Well, no. Hindi ko pa 'yon nararanasan. But back in North Sector, I have lots and lots of guys. But I've never been in love.
"Anyway I gotta go, may klase pa ako, bye," ako.
Nang makarating na ako sa ground floor ng Commerce Building, bumungad agad ang dalawang estudyante sa akin.
"Hello freshman, do you need any help?" tanong ng babae, nakasuot siya ng sash na may nakalagay Secretary.
"Yeah, I need to go to this room, late na kasi ako ng 15 minutes." Ako.
Tiningnan ako ng kasama niyang bakla na may sash din ng Auditor, from head to toe ang glare niya.
"We are your Department Officer miss and we will surely help you," tugon ng secretary.
Non-stop silang nagsasalita pati sa elevator, sumasakit ang ulo ko sa kaingayan nila pero hinayaan ko nalang sila.
"Here you go miss Del Fiorre," wika ng secretary na nakatingin sa ID ko.
"The same surname with our country's President huh," wika ng auditor.
"It's a common surname," sabay ngisi ko sa dalawa.
Sa wakas papasok na ako ng classroom, peace at last, pero unang bumungad sa akin ang tahimik na klase at nagdidiscuss na prof.
"Are you in this class miss?" tanong ni prof.
Tumango lang ako.
"Perfect timing, may activity kasi tayo ngayong umaga, and since dalawa kayong na late sa klase, both of you will be automatically paired." Prof.
Napatingin ako sa terraces chairs at mga estudyante, may dalawang upuan na bakante kaya umupo ako roon.
Nagpatuloy sa pagsasalita si prof.
"Sino ang pair ko?" tanong ko sa katabi kong babae.
"Hindi ko kilala pero ang swerte mo dahil gwapo siya" tugon niya. Napakunot naman ang noo ko, ano naman kung gwapo? Biglang may tumabi sa akin na lalaking naka fuschia pink at tumayo ang sungay ko pagkatingin ko sa mukha niya.
Unti unti din siyang napatingin sa akin and really gave me a shocked reaction. "You're in this class?!"
"That's my line," inis na tugon ko.
END OF CHAPTER 1.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top