Chapter 8
Sobrang higpit ng pagkakayakap ni Clarisse kay Mark, akala mo'y hindi sila nagkita sa loob ng ilang taon samantalang magkasama lang naman sila kahapon. Tsaka lang siya tumigil noong tumikhim na ako.
“I know him, Sam!” Clarisse said almost as joyful like kid na nabigyan ng magandang laruan. “He's my best friend!”
“Talaga?” 'di makapaniwalang tanong naman nito.
“Yeah, we're super close! He even confessed that he likes me.”
“He likes you?”
“Mark wanted to date me but we both have partners at that time,” pagpapaliwanag pa ni Clarisse.
Sinabi talaga iyon ni Mark sa kaniya? Kung gano'n, ano pala ang ginagawa nitong pag-aalala kuno? Is this all just for show?
Nag-iinit ang ulo ko.
I suddenly feet an urge to hurt someone again. Good thing narito kami ngayon at may nurse na nakaantabay. Should I start now?
“Matagal na 'yon,” biglang sabi ni Mark. Magkasalubong ang kilay niya na tumitig sa akin.
Inirapan ko naman siya then I looked at Clarisse. Napansin ko na nawala ng sandali ang ngiti niya pero bumalik naman kaagad iyon.
“Yeah, that was before. Before he met you, Miracle.”
Teka bakit parang kasalanan ko?
It kinda felt awkward dahil wala ng nagsalita sa amin pagkatapos noon. Tumabi nalang rin si Lovie sa akin at pasimpleng hinagod ang likod ko. Maybe she thought na susugurin ko ang Clarisse na 'yan in any minute now.
Minutes passed ay nagpaalam na rin sila para pumasok sa susunod na klase. Hindi na ako nakaattend sa mga 'yon dahil nagpahinga nalang ako rito. Nagbasa-bsa nalang ako ng ilang magazines at umidlip sandali.
Pabor din naman sa akin kasi ang pangit magturo noong teacher namin sa Empowerment Technology. But it's getting boring na kasi two hours na ang ginugol ko dito. Pagkatapos natutulog pa iyong nurse doon sa may desk niya kaya wala rin akong makausap.
Umalis ako sa kama at dahan-dahang humakbang papunta sa may pintuan, hawak ko na ang door knob at bubuksan na sana itong pinto pero biglang narinig ko ang boses ni Clarrise at Mark.
“Clarisse huwag ka ngang sumigaw, baka marinig ka ni Miracle!”
“Totoo naman 'yon ah? Sinabi mong mahal mo ako! Bakit ka nagagalit na parang nagsisinungaling ako?”
Idinikit ko ang tainga ko sa likod ng pinto upang mas marinig pa ang pinagtatalunan nilang dalawa.
“Oo, mahal nga kita!” mahinahong sabi ni Mark.
Nagsalubong ang kilay ko at napamura sa hangin. I fucking knew it! Hindi lang pala talaga ako nagpapaka-paranoid rito, kasi totoong may namamagitan sa dalawang 'to.
“See!”
“Mahal kita bilang kaibigan, Clarisse. Kaya please, tigilan mo ang pagsasabi ng kung anu-ano sa harapan ni Miracle dahil ayokong pag-awayan pa namin 'yon.”
My heart melted upon hearing those words coming from Mark. Hindi ko napigilang mapangiti ng mag-isa habang nakalapat pa rin ang tainga dito sa likod ng pinto. Fuck, mukha na siguro akong baliw dito!
“Mark, I love you!” singhal ni Clarisse.
“Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo, Clarisse. Sige na, mauna na ako.”
Noong marinig ko ang yapak niyang palapit rito ay nagmamadali akong bumalik sa kama at humiga doon. Kinuha ko 'yong isang magazine para kunwari ay nagbabasa ako at wala akong narinig na kahit ano sa pinag-uusapan nila.
He cleared his throat pagkapasok niya pero hindi agad ako tumingin sa kaniya. Nag-iinit kasi itong mga pisngi ko ngayon, baka mamaya'y sobrang namumula ako.
Naghila siya ng upuan sa may tapat ng kama tapos umupo siya do'n. Lalo kong tinabunan ng magazine ang mukha ko dahil pilit niya itong sinisilip. Fuck this man, ang kulit!
“Galit ka ba sa akin?”
“N-No,” napiyok ako.
“Huwag mong intindihin 'yong sinabi ni Clarisse kanina. Matagal na 'yon, tsaka mga bata pa kami no'n.”
Ibinaba ko ang magazine at pinagkatitigan ang nagsusumamo niyang mga mata. “O-Okay.”
“Tangina, galit ka nga talaga sa akin.” Inihilamos niya 'yong dalawang palad niya sa kaniyang mukha at hinagod ang buhok niya bago nag-angat uli ng tingin. “I'm so sorry, Miracle.”
“H-Hindi naman ako galit, ah?”
“Bakit ka namumula?” naguguluhang tanong niya.
Lalo tuloy nag-init ang mukha ko!
“Maybe k-kasi... bagong gising lang ako?” Pagpapalusot ko, pero mukhang hindi naman siya kumbinsido doon.
Sa mga sumunod na araw ay wala na namang nagtangka na bumato o mambuhos sa akin na kung ano, kahit mas napadalas ang paglabas-labas namin ni Mark together.
Siguro dahil na rin sa palagi na akong may kasama sa tuwing maglalakad sa corridor o magpupunta sa comfort room. Wala ng makuhang tamang tiyempo ang mga obsessed na fans para saktan ako. Ngayon narealize ko na may mabuti rin palang maidudulot ang pakikipagkaibigan sa mga 'to.
Ang bilis ng araw, parang kahapon lang ay Monday pa, now it's Friday night and the girls have decided to go clubbing. Para welcome party na rin daw kay Clarisse, and since wala naman akong gagawin ay pumayag na ako.
I chose to wear a silver mini dress then I tied my hair into a lose ponytail, I let some strands fall to frame my face. Hindi ako sanay ng nakatali ang buhok, I usually curl or straighten it.
Sinubukan ko lang para maiba naman, tsaka maganda naman ang kinalabasan so tinuloy ko na. For makeup naman ay I chose a nude color of lipstick then put on a subtle blush to go with my brown smokey eye.
“Take care baby,” pagpapaalala ni mama nang makita niya akong pababa sa hagdan.
Lumapit kaagad ako sa kaniya at nagbeso, “Yes Ma, I'll be home by midnight.”
“Susunduin ka ba nila Lovie?”
Tumango ako at tumungo na sa labas, sasakyan raw nila Margaux ang gagamitin namin papunta roon sa club.
“Sis!” Tili ni Lovie, ibinaba niya ang bintana at inilabas ang ulo niya sa color pink na kotseng minamaneho ni Margaux.
“Hop in!” si Sam.
Sumakay na ako at nakitang naroon na si Clarisse, nakaupo siya sa tabi noong kabilang bintana. She curled her hair and kulay pula ang kaniyang lipstick. Clarisse looked so hot wearing that black mini dress with a plunging necline.
Pasimple tuloy akong napatingin sa dibdib ko at napahiling ng sana lahat. 'Yong suot rin ng tatlo ay halos kapareha ng dress niya, si Lovie lang itong naiba kasi she wore a cream colored one with a halter top.
Habang nasa byahe kame ay sumasabay sa pagkanta si Lovie doon sa music sa stereo. She's full of energy kahit wala pang alak. Siya kasi talaga ang pinaka maingay sa aming magkakaibigan.
Pumapangalawa naman doon itong si Samantha na mahilig mag-tsismis. Si Margaux naman ang pinaka mean sa lahat, pinaka prangka rin siya and chismosa just like Samantha.
And si Clarisse? I don't know her yet. Ang alam ko lang ay bestfriend raw siya ni Mark. She is his bestfriend na may pagtingin sa kaniya.
“Nandito na tayo girls!”
“I'm so excited na!” tili ni Sam at inilabas 'yong compact powder niya at nag-retouch.
“I going to twerk all night!” Lovie jumped excitedly.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top