Chapter 7

Naglalakad kami ngayon dito sa corridor at kasama namin si Clarisse kahit hindi pa ako ganoon ka comfortable sa kaniya. Pinsan pala kasi siya ni Margaux and she just transferred here in our school.

Galing raw siya sa California at napagpasyahan niyang dito mag-aral ng Grade 12. Like, how dumb is that reason? Baka naman kasi may gusto lang siyang makasama kaya siya pumunta dito.

   “Si Sabrina.” Nagtawanan 'yong tatlo nang makita nila ang kapatid ko na mag-isa. Simula noong lumayo siya sa amin ay hindi ko pa siya nakikitang may mga bagong kaibigan.

“She's alone again,” anas ni Lovie.

   “Duh? Who will want to befriend a snake?” si Sam naman iyon.

Binilisan ni Sabrina ang lakad niya para makalayo sa amin. Siguro nasasaktan na rin siya sa mga pinagsasabi nitong mga 'to. Wala kasing preno ang mga bunganga nila, they're kinda mean.

“Tumigil na nga kayo kakaparinig kay Sabrina.”

   “Your evil sis deserves it,” sagot naman ni Margaux at hinawi ang maikli niyang buhok.

     “Sino ba iyon?”

“Clarisse that's Sabrina. Ang babaeng 'yon ay may lahing ahas kaya lumayo-layo ka sa kaniya if I were you. Half sister siya nitong si Issa, nagalit siya kasi hindi siya ang gusto ni Mark.” Tumawa si Margaux matapos magpaliwanag.

“Mark is Zone Zero's vocalist!” Sabat naman ni Sam na parang hindi pa alam ng lahat iyon.

No, Sabrina is not mad at me because of Mark. Galit siya kasi tingin niya'y nalalamangan ko siya, galit siya sa akin kasi pagod na raw siyang maging anino ko. Pagod na siyang maliitin ng iba.

“Maganda siya ha? Pero baka naman kasi hindi mga ganoon ang tipo ni Mark.” parang may laman ang tinuran ni Clarisse.

Nag-agree 'yong tatlo tapos ako'y napatingin lang sa kaniya. Kilalang-kilala pala talaga niya si Mark, huh?

Pasimple kong sinuri ang kabuuan niya.
I envy her skin color because I am pale just like my sister Sabrina. Clarisse is pretty, morena, balingkinitan ang katawan at medyo matangkad lang sa akin ng kaunti.

I wonder, ano kaya ang ideal type ni Mark?

    “Mauna na kayo sa classroom.”

“Are you sure, Issa?” tanong ni Lovie.

Tumango ako at lumayo na sa kanila. “Yeah.”

   “Okay, bye! See you later!” pagpapaalam naman ni Sam.

I was planning na pumunta roon sa studio room nila Mark. Wala lang. Gusto ko lang siyang makita, gusto ko muna siyang makausap bago simulan itong araw ko sa school. I don't want to admit it, pero parang hinahanap-hanap ko na ang presensiya niya.

“Fuck!”

May bumato ng kung ano sa may likod ng ulo ko, pagkatapos ay napuno ang katawan ko ng kulay puting pulbos. Someone just threw a flour on me!

Napalingon ako nang biglang may sumigaw ng "takbo", nadapa 'yong isa na nakasuot ng surgical mask kaya naman sinunggaban ko siya.

Hindi nila ako puwedeng takasan ng gano'n lang!

Dinaganan ko ang babae at sinubukan kong tanggaling ang mask niya, pero nahawakan niya 'yong buhok kong at sinabunutan iyon. Naglaglagan ang mga harina sa buhok ko kaya napapikit ako at napaubo.

Nagkapalit tuloy kami ng puwesto at siya na ang dumadagan sa akin ngayon. Hinawakan ko na rin ang buhok niya at hinila iyon ng malakas. I tried to kick her too pero hindi ko siya maabot dahil sa may tiyan ko siya nakadagan.

      “Malandi!”

“Who the fuck are you?!” Hinigit ko pa lalo ang buhok niya at ganoon rin naman siya sa akin.

Nagsimula ng magkumpulan ang mga tao sa paligid namin, they started taking videos and photos. Ang iba pa nga ay nakikipag-pustahan pa imbes na umawat sa amin!

    “Miracle!”

Natigilan 'yong babae sa pagsabunot sa akin, kusa siyang tumayo at lumayo nang mapagtanto niyang palapit na sa amin si Mark. Hawak ko ang dibdib ko at humihingal na bumangon mula sa pagkakahiga ko sa sahig.

Great! I look like a fucking mess right now! Sabukot ang buhok ko at puno pa ng harina itong suot ko. Thanks to this fucking girl na bigla nalang akong binato ng harina!

   “Ayos ka lang?” Lumuhod si Mark sa tabi ko at hinawi niya ang buhok ko na tumatakip sa aking mukha.

I coughed a little then frowned at him, “Do I look like I'm okay?!”

Napailing siya at bumaling doon sa babaeng sumugod sa akin, parang naestatwa na iyon doon sa kinatatayuan niya. “Heidi, bakit mo ginawa 'to?”

“I'm sorry.”

May dumating ng mga professors at tinaboy nila 'yong mga estydyanteng nagkumpulan. Pinabura pa nga nila 'yong mga videos sa cellphone ng mga ito, dahil alam nilang magiging malaking kahihiyan iyon sa eskwelahan kapag kumalat ito sa internet.

Dinala kami sa guidance office at kinuhanan ng statements. Napag-alaman kong kasali sa fans club ni Mark si Heidi, ang babaeng walanghiya na pinaliguan ako ng harina. Pinag-uusapan pa kung anong dapat na sanctions ang ibigay sa kaniya.

Panay ang paghingi niya ng tawad kay Mark, samantalang ako itong inagrabyado niya!

    “Nasugatan ka ba? May masakit pa ba sayo?” Hinawakan niya ako sa baba at sinuri ang magkabila kong pisngi.

Narito kami ngayon sa infirmary, nakapagpalit na rin ako at nakapagsuklay. Sinamahan ako dito ni Mark dahil baka raw may natamo akong injury kanina. Mukhang wala naman, bukod rito sa napakasakit kong anit at konting kalmot sa mga braso.

“Mark, hindi ikaw ang nurse dito.” Tumingin ako doon sa nurse na nakatayo sa may likod niya. May dala iyong na first aid kit pero hindi makalapit sa akin kasi nakaharang itong lalaking ito.

“Alam ko, pero nag-aalala ako.” Kinuha niya ang ang first aid kit sa nurse. “Ako nalang po ang mag gagamot.”

“This was your fault.”

          “Bakit ako?”

“Heidi was your fan, she's obsessed about you kaya niya ako inatake. So technically, kasalanan mo.” Napalabi ako at pinanood siya habang inilalabas 'yong bulak at Betadine sa kahon.

Totoo naman na kasalanam niya! Baka nga hindi pa huli iyon. Sa dami ba naman ng mga fans ng banda nila dito sa eskwelahan?

Palagi nalang akong napagdidiskitahan ng mga babaeng may gusto sa kaniya! Noong una si Sabrina ay binuhusan ako ng grape juice, ngayon naman itong Heidi ay binato ako ng harina. What's next?

  Nag-angat siya ng tingin, “I'm sorry.”

Napalunok ako at kinabahan na naman dahil sa titig niya.

“H-Hindi mo naman kasalanan e.”

Natawa siya ng maikli dahil sa sinabi ko kaya pinamulahan ako ng pisngi.

“Kasalanan mo pala.” Fuck! Ano ba talaga? I couldn't make up my mind.

  “Kaya nga humihingi ako ng patawad 'di ba? Pinapatawad mo na ba ako, my lady?” Tanong niya at inilapat 'yong bulak sa galos ko dito sa braso.

    “Ouch, be gentle.” Inilayo ko ang braso ko at kinabig ang kamay niya nang maramdaman ko ang hapdi sa sugat ko.

“Sorry,” aniya.

I licked my lips and bit it, pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha. Bakit ang dali lang sa kaniyang sabihin ang salitang iyon? I admire how he admits his mistake that easy, he's really brave. “I forgive you, Mark.”

Napatitig kami sa mga mata ng isa't-isa, ipinikit ko ang akin nang mapansin kong palapit na ng palapit ang mukha niya. He's leaning for a kiss–

     “Issa!” Tili ni Lovie.

Napamulat ako at ninenerbiyos na ngumiti sa kanila na kapapasok lang rito sa infirmary.

     “Narinig namin 'yong nangyari!” Umupo si Sam sa tabi ko.

“Ang crazy talaga ng mga fans!” ani Margaux, parang sadya niya talagang ipinarinig iyon kay Mark.

    “Ay Clarisse! This is Mark, 'yung vocalist ng Zone Zero na sinasabi ko!” saad ni Sam.

Nagkatitigan si Mark at Clarisse. She smiled gracefully and hugged him, natigilan kaming lahat at napanganga si Sam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top