Chapter 6

I was busy listening to music here in our classroom. Isa-isang dumating ang mga kaibigan ko at pumalibot sila sa akin, pinatay ko ang music but hindi ko pa rin tinanggal ang earphones ko.

    “Ang lakas ng chemistry niyo sa stage kahapon!” bati ni Sam.

“Thank you,” sagot ko at patamad na sumandal sa sandalan nitong armchair.

   “I'm so excited on where is this going,” sabi naman ni Margaux while scrolling through her cellphone.

Napakunot ang noo ko.

    “Anong ibig mong sabihin Marge?” inosenteng tanong naman ni Lovie.

   “That Mark Dan Reyes is a playboy, wala pang nakakapagpaseryoso sa kaniya. I think our girl right here, is planning for something na pasabog. Why else is she playing with him?” tumingin sa akin si Margaux.

Akala naman niya'y may pinaplano na talaga ako? I am well aware that Mark is a player. Kaya nga natatakot rin ako, hindi naman sa hindi ako sanay makipag-date sa players pero kasi iba nga ang nararamdaman ko doon.

Kung sa iba, alam kong laro-laro lang? Sa lalaking iyon, hindi ko alam kung saan ba talaga kami patungo. At kung patungo naman kami sa isang "serious relationship", how will that go?

I'm a really jealous type of person, kahit hindi iyon halata. Pagkatapos si Mark naman, marami siyang babaeng fans, marami ang humahanga sa kaniya, marami siyang exes and mga naging flings. Kaya naman... nagdadalawang isip talaga akong mag-risk sa kaniya.

Paano pa kung madiskubre ko in the future na cheater pala siya katulad ng ama ko? Paano kung lokohin niya ako kung kailang nahulog na ako?

   “Oh, goodluck playing with the playboy.”

“I'm not playing with him–“

     “Oh, there he is!” tili naman ni Lovie.

Nakahilig si Mark doon sa may pintuan at seryoso siyang nakatitig sa amin. He looks mad. Narinig niya kaya ang pinagsasabi ng mga 'to?

    “Uhm, excuse me girls.”

Tumayo ako't lumapit sa kaniya, hinawakan ko ang braso ni Mark at inilayo siya doon sa classroom. Nagpadala naman siya sa akin, hanggang makarating kami sa may cafetetia.

“Nakikipaglaro ka pala sa'kin?” malamig na tanong niya.

Parang napipi ako. What should I answer? Kapag sinabi kong 'Oo' he will hate me, kapag sinabi ko namang hindi ay para ko na ring ibinaba ang pride ko.

  “Mark.”

He raised his brow and waited for my explanation, “Hmm?”

     “I-I'm not playing,” halos pabulong na sabi ko.

“Naniniwala ako sa ‘yo.” He leaned closer at itinapat ang bibig niya sa may tainga ko para ibulong iyon.

Gumaan ang pakiramdam ko dahil doon. Akala ko naman kasi ay pag-aawayan pa namin 'to. I'm kinda thankful that he's this understanding.

Inaya ako ni Mark na pumunta sa cafe malapit dito sa school noong vacant time. We talked about his favorite songs and his unforgettable moments while performing. I also told him some of my childhood 'katangahan' too.

I feel so happy, I have never opened up to someone this far. Kadalasan kasi ay pinipigilan ko ang sarili ko na mag-kwento sa iba. I don't want to get too attached because they might leave me.

Hindi ko alam kung anong ginawa niya't nagkakaganito ako ngayon sa kaniya. Bago pa lang naman kaming magkakilala pero parang ang tagal na.

   “So how did it go?” si Lovie.

Siya nalang ang kasama ko ngayon rito sa may gate ng school dahil nakauwi na 'yong dalawa. Kanina pa nila ako tinatanong kung anong nangyari sa pag-uusap namin ni Mark pero hindi ko sila sinasagot. Kaya siguro ngayon ay sinubukan niya ng itanong 'yan.

     “It was great.”

“Ano ba talagang plano mo?” curious na tanong niya.

       “Wala akong plano, I'm just dating him.”

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko, tapos dinala niya 'yong kamay niya sa bibig niyang nakanganga. “Oh? So seryoso ka talaga sa kaniya?”

    Nagkibit balikat ako at tumingin sa kalsada, “Well.”

“Hala! May kasama siyang babae.”

I immediately frowned and looked at the direction where Lovi was pointing her fingers at. Biglang dumaloy ang kakaibang lamig sa buong katawan ko nang makita ko ang ginagawa ni Mark sa kabilang kalsada. It felt like my soul just left my body.

I was gritting my teeth and clenching my fist habang pinapanood sila. Hawak ni Mark ang likod ng beywang noong babae habang nakikipagtawanan sila, kasama ang buong banda niya.

This shits! Kinunsinti pa talaga ang pagiging cheater ng kaibigan nila.

   “Wait lang!”

Tumawid ako sa kalsada upang makalapit sa kanila, wala na akong pakialam sa mga sasakyan nagdaraanan.

“Mark!”

Napalingon sila sa akin, bigla siyang lumayo doon sa babae at nawala rin ang mga ngiti nila sa labi.

   “Who is she?” tanong noong babae sa kaniya.

“She's Miracle–“

   “Oh? Hi! I'm Clarisse, Mark's girlfriend.” Inilahad niya ang kamay niya ngunit tinitigan ko lang iyon. Bumaling ang tingin ko kay Mark na nakaawang ang bibig ngayon.

“Girlfriend?” Really?

Maarte siyang tumawa, “Yeah, girl space  friend. I heard so much about you! 'Di ba nililigawan ka nitong si Mark?”

Parang biglang nabuhusan ng malamig na tubig ang nagbabaga kong galit, napaawang na rin ang bibig ko at naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko. Girl friend, kaibigang babae! Ano pa nga ba?!

Tinalikuran ko kaagad sila at hinila palayo doon si Lovie. Narinig ko pang tinawag ako ni Mark pero hindi ko na sila nilingon. Akala ko kasi I caught him cheating!

Bakit naman kasi nakahawak siya sa beywang noong babae? Baka naman pinagtakpan lang siya noong babae? Baka naman they're playing with my feelings?

  “Napaka paranoid mo naman kasi. Hayan pahiya ka tuloy ngayon,” sabi iyon ni Lovie noong makabalik na kami sa kabilang kalsada kung saan kami naghihintay kanina.

“Ikaw kasi!” sisi ko sa kaniya.

     “Bakit ako? Sinabi ko lang naman na may kasama siyang babae, tapos g na g kang sumugod agad doon.”

I saw in my peripheral vision na patawid na si Mark papunta rito sa amin. Hinigpitan ko ang pagkakaangkla ng kamay ko sa braso ni Lovie at hindi talaga lumingon kay Mark.

  “Uy, nandito na 'yung sundo ko. Bye!” Kinalas niya 'yong kapit ko tsaka dali-dali siyang sumakay sa itim nilang van. Napalunok na lamang ako habang pinanonood kong umandar palayo iyon. Iniwan ako sa ere ng bruha!

     “Hey.”

Hindi ko siya pinansin, humalukipkip ako pagkayapos kong tumingin sa kulay silver kong wrist watch. Bakit ba kasi napakatagal dumating ni Manong Fred?

  “Hindi mo ba ako kakausapin?”

Ano naman kasing sasabihin ko? Na sorry kasi, tamang hinala ako?

       “Sorry.”

Bakit siya ang nag-sorry sa akin?

  “Hindi ko girlfriend 'yon, ikaw ang gusto kong maging girlfriend 'no. Huwag ka nang magseselos ulit ha? Nakakatakot ka palang magalit, hindi ka namamansin.”

“Hindi ako nagselos ah!” baling ko sa kaniya. Kasi hindi naman talaga. Nainis lang ako kasi may kasama siyang iba while he's pursuing me!

  Kinurot niya ang pisngi ko, “Uy, hindi ka na galit!”

“And how do you know that?” mataray kong tanong at tinaasan siya ng kilay.

      “Kasi kinakausap mo na ulit ako, my lady.”

     “I told you to fucking stop–” Bigla niya akong hinalikan kaya natahimik ako nanlaki ang mga mata.

“Binalaan na kita.”

Inakbayan niya ako and because of that ay lalong lumakas ang paghuhurumentado nitong puso ko. Natulala ako sa kalsada at hindi pa ako matatauhan kung hindi lang biglang may tumigil na sasakyan sa harapan namin.

    “Good–” Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil biglang tumunog ang ringtone ng cellphone niya. Agad niyang sinagot iyon at parang nakalimutan pa nga niya na kasama niya ako.

      “Clarisse? Oo, susunod ako.– Yes, mahal na reyna.”

Tumatawa-tawa pa siya habang kausap 'yong Clarisse na iyon. Dahil sa inis ko ay iniwan ko nalang siya doon at sumakay na sa sasakyan namin. Malakas kong isinara 'yong pinto, tsaka lang siya napatingin dito sa van at ibinaba 'yong cellphone niya.

     “Umalis na tayo rito, manong.”

“Boyfriend mo, Ma'am?”

       “No, not yet.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top