Chapter 5
Punong-puno na naman ng ingay ang gymnasium. Kaya naman sigurado ako na magsisimula ng tumugtog ang banda nila Mark na Zone Zero. Lahat ng kasali sa banda na 'to ay kasali rin sa Silent Zone Zero. Brotherhood 'yon ng mga siraulo at trouble maker na feeling entitled porket maraming pera ang mga magulang nila.
"Good evening, we are Zone Zero."
Ayoko naman sana talagang manood pero parang may kunga nong puwersa na na humihila sa akin do'n at makinig kahit isang kanta lang.
Nagtilian ang lahat nang patayin na ang ilaw sa buong gymnasium, itinira nila 'yong sinet-up nila na kumikislap-kislap na neon lights at spotlights. Tapos narinig ko na ang pamilyar na boses mula doon sa malaking speaker. Napalunok ako and my heart started drumming wild.
"Mic check" lang naman ang sinabi niya pero parang mga bulate na binudburan ng asin ang mga kababaihan dito. Isinisigaw nila isa-isa ang mga pangalan ng miyembro ng banda, nagtutulakan pa nga sila at pati ako'y nadadamay na.
Nagpa-sample na ng guitar solo ang ex ko na si Nathaniel kaya napaismid ako, 'yung drummer naman na long hair at 'yong bassist na kulay blue ang buhok ay nagpasikat na rin.
"Miracle, my lady."
Nanlaki ang mata ko noong sabihin 'yon ni Mark, nakatapat pa ang bibig niya sa microphone kaya naman narinig iyon ng lahat. 'Yong mga babaeng katabi ko rito ay napatingin sa akin, nag-init ang mukha ko't yumuko.
Naturally, wala naman akong pakialam kung pagtinginan ako ng lahat, kaya hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako ngayon. Mark's really making me feel strange!
"Nandito ka ba? Puwede ka bang umakyat dito sa stage?" sabi ulit niya sa may mikropono.
No, I can't!
"SHE'S HERE!" Tili noong isang schoolmate ko at hinawakan ako sa braso, nakigaya naman 'yong iba at pilit akong iginiya papalapit sa stage.
"No, stop this!- Fuck you!- Let me go!"
Pero kahit anong gawin ko'y nadala nila ako sa tapat ng entablado. Napigtal ang paghinga ko nang makitang nakalahad na ang kamay ni Mark, nakangiti siya sa akin at titig na titig sa mga mata ko.
Wala na siyang suot na shades kaya naman lalong lumakas ang epekto nito, "Join us, my Lady."
Nang tanggapin ko ang kamay niya'y nagtilian ulit ang lahat. Tapos binigyan niya ako ng isang kulay purple na microphone.
"Alright guys!" ani Mark.
Pagkatapos noon ay nagsimula na ulit na tumugtog ng instrumento ang mga kabanda niya. I recall this song, it's title is "Demons" by Imagine Dragons.
He started singing a few lines at mas lalo niya akong napahanga. Ang lamig ng boses niya and he looks so passionate about his craft. Ngayon ay hindi na ako magtataka kung bakit marami talaga ang nahuhumaling sa kaniya.
This is a one of a lifetime experience. Imagine watching this very handsome man with a beautiful voice singing beside me, in this stage, together with his talented bandmates.
I started singing too at natahimik ang lahat. He stopped then stared at me with his passionate eyes. I was ecstatic watching his reaction, because I can tell that he looked proud. He almost looked like a proud boyfriend.
I am not the best singer pero nakakakanta naman ako sa tamang tono. Nagworkshop kasi ako noon sa isang music school, sa katunayan nga'y doon ko rin nakilala si Nathan.
"I wanna hide the truth, I wanna shelter you. But with the beast inside, there's no where we can hide."
He started singing again and he's still looking directly in my eyes. Dahil sa ginagawa niya'y hindi na ako kinakabahan. I was just feeling this fucking strange thing again.
"When you feel my heat, look into my eyes. It's where my demons hide... It's where my demons hide."
Mark was singing but it felt like as if he was talking to me. This whole experience felt so surreal.
Ngayon lang may nakapagparamdam sa akin ng ganito... and I'm scared.
"Don't get too close, it's dark inside. It's where my demons hide." Pagkanta ko at umiwas na ng tingin sa kaniya, itinuon ko ang mata ko sa dagat ng mga estudyanteng nanonood sa amin.
"It's where my demons hide."
After a few songs ay natapos na rin ang pagtugtog nila. They high-five ang bro fist eachother bago sila nagkaniya-kaniya. Ang ka banda niya ay nagpakilala rin sa akin, except Nathan.
The name of the bassist with blue hair was Xian Perez. Tapos 'yong drummer na may long hair ay Niccolo De leon.
"Magaling ka palang kumanta," sabi ni Mark, matapos niyang uminom sa isang maliit na bote ng tubig.
"Marunong lang," sagot ko at tumikhim.
"Aw, pa-humble ang lady ko." Lumapit siya sa akin at kinurot ang pisngi ko.
"Stop pinching my cheeks!"
Humalakhak siya at kinurot na naman ang pisngi ko. "Hindi ko mapigilan, e."
Nagprisinta siya na ihatid ako sa bahay namin. He still drives fast, parang hindi natatakot. Nasobrahan yata talaga sa tapang ang isang ito. Dapat na bang ako ang matakot?
"Hindi ka ba muna papasok sa loob?" I asked. I don't want him to get inside, I just asked him to sound polite.
"Hindi na, bibisita nalang ako sa susunod."
"Sige." Tumango-tango ako at tinalikuran siya, I was about to ring our doorbell when he called my name.
"Miracle?"
"Ano na naman 'yon? May nakalimutan ka na naman ba?" Hinarap ko siya't humalukipkip ako.
"Wala akong nakalimutan pero ikaw meron."
Nangunot ang noo ko at inisip kung anong bagay ang posible kong nakalimutan. But wala naman akong maalala or matandaan! "What is it?"
"Nakalimutan mo akong bigyan ng kiss." Itinuro niya 'yong pisngi niya.
"Fuck-"
"Bibig mo, Miracle my Lady. Kapag ako hindi nakapagtimpi patatahimikin kita gamit ang bibig ko."
My cheeks burned so I turned around before pa niya makita ang namumula kong mukha. I almost smashed our doorbell dahil sa tindi ng pagpindot ko roon. Buwisit talaga itong lalaking ito, ang daming alam!
"See you tomorrow, My Lady."
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. I was humming while combing my hair habang nakatingin sa salamin. Iba kasi talaga itong nararamdaman ko.
"Why is my daughter smiling like that?"
Yumuko ako at nag-iwas ng tingin kay Mama. Hindi ko alam na nakangiti pala ako dito sa hapag.
"I just remembered something funny."
Isa-isa ng hinahain ng maid namin 'yong mga foods namin for breakfast. Oatmeal lang itong akin with one banana.
"You're not good at lying. Who's making my baby smile like that, huh?" pangungulit ni mama bago sumimsim ng kape, nakataas pa ang hinliliit niya noong ginawa niya iyon.
"Ma, hindi ako sigurado."
Marahan niyang ibinaba ang cup niya at ngumiti sa akin, "Saan ka hindi sigurado?"
"Natatakot ako, he's different from the other guys I've dated. His stares makes me feel vurnerable, he makes me feel this strange feelings... I don't know If I can handle that."
"Baby, love is all about taking risks. Manalo o matalo, ang mahalaga'y naging masaya ka. Hindi ka makukulong sa what if's."
Ayoko ng tanungin ng tanungin ang sarili ko ng mga what if na 'yan. It only makes me feel miserable, it only makes my confidence shatter.
The last what if that I asked myself was- What if my father chose us?, What if I grew up with a father? And What if hindi na niya kami iniwan in the first place?
"I certainly don't want that."
"The real question here.... is he worth the risk?" she asked.
Is he?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top