Chapter 44
Inikom niya ang kaniyang mga labi at tumango bago ako talikuran, parang may gusto pa siyang sabihin dahil sa mga titig niya pero hindi niya na 'yon itinuloy.
“B-Bye.” Huminga ako ng malalim at pinanood ang mabagal na paghakbang niya.
Mukhang lasing pa rin siya. Pipigilan ko ba?
Tumikhim ako bago magsalita upang humugot ng lakas ng loob. “Don't go.”
Pinaningkitan niya ako ng mata nang humarap siya sa akin. “Ha?”
“I said, don't go,” mahinang sabi ko.
Nagtataka ang tingin niya habang nakakunot ang noo at nakakiling nang bahagya ang ulo.
“D-Don't go yet, nakainom ka kasi at baka kung ano pang mangyari sa'yo kapag tumuloy ka. Mabuti pa sigurong dito ka na lang muna.”
Kargo pa kasi ng konsensiya ko kapag may nangyaring masama sa kaniya habang pabalik siya. Kahit naman maliwanag pa ang paligid ay nakainom pa rin siya kaya mas mabuti nang mag-ingat.
Dito nalang muna siya, baka puwede naman siyang umuwi rin mamaya kapag nahulasan na siya. “Magkape ka muna sa loob.”
“Ayos lang?” Mukhang nagpipigil siyang ngumiti habang itinatanong iyon. He crossed his arms and I saw how his muscles flexed because of that movement.
Nakasimpleng v-neck shirt lang siya at maong pants pero ang lakas ng dating noon. Matangkad kasi siyang tao at malaki ang katawan, bumagay pa nga ang medyo magulo niyang buhok sa porma niya.
Napakurap ako ng ilang beses at napalunok bago sumagot. “A-Ayos lang ako.”
“Tinatanong ko kung ayos lang sa'yo.”
“Ayos lang sa akin, ako nga ang nag-alok.” Umirap ako upang pigilan na lumitaw sa expresyon ng mukha ko ang kaba sa aking dibdib.
“Sige na nga, hindi na ako aalis.” Umangat ang isang sulok ng kaniyang labi at dahil doon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Edi umalis ka kung gusto mo, hindi naman kita pinipilit.”
“Hindi na nga ako aalis, kasi ayaw mo.”
Nagmamagandang loob lang naman ako! “Huwag mo ngang bigyan ng meaning lahat!”
“Hindi naman ah? Anong meaning ba ang iniisip mo?”
Napasinghap na lamang ako at nauna na nang maglakad pabalik sa villa, narinig ko ang maikling paghalakhak niya bago tawagin ang pangalan ko.
I asked the caretaker to make some coffee for him. Naabutan ko siya roon sa sala na iniinom 'yong kape at inililibot ang mata sa villa.
This villa has a coastal interior and it basically feels like summer every month because of that. My mother went for mixed wood finishes and white walls, there is also a big window that shows the view of the beach outside.
Ang mga kagamitan dito ay local at handmade, mula sa basket at upuan na inukitan ng iba't-ibang detalye. Sa taas ay may malaking chandelier na maabot kapag nasa second floor nitong villa.
“Ang ganda,” aniya.
“Si Mama ang nagdesign nito.” Although may mga kaunti namang tulong sa mga interior designers ay halos lahat ng idea ay nanggaling sa kaniya.
“Ang ganda,” inulit niya lang ang sinabi niya kaya napatingin ako. He smirked at me before sipping coffee from his cup.
Umirap ako upang pagtakpan ang pangiti ko. Mukhang kahit nakalimot siya ay hindi pa rin siya gaanong nagbabago.
Iniwan ko nalang siya sa loob ng villa at bumalik na ako sa puwesto ko kanina, sinabihan ko siya na sa caretakers na lang siya magpaalam kapag aalis na siya.
Isinabit ko ang roba ko sa beach chair at nilantad nito ang katawan ko na naka two piece bikini. Pinahiran kong muli ng sunblock ang magkabilang braso ko dahil hanggang ngayon ay tirik pa rin ang araw kahit hapon na.
“Chrishelle.”
“'Di ba sinabi ko kila aling Hilda ka nalang magpaalam kung uuwi ka na?”
“Hindi pa ako uuwi, pinapaabot lang niya itong juice mo sa akin. ” Tumayo siya sa gilid ko at tinanaw rin ang beach, ipinatong niya 'yung juice sa ibabaw nitong beach table.
“Iniisip kong tumira nalang rin malapit sa dagat, malayo sa kanilang lahat. Gusto kong iwan ang magulong mundo na 'to.”
Napatitig ako sa kaniya at mukhang seryoso siya doon sa mga pinagsasabi niya.
“Pero hindi ba passion mo ang pagkanta?”
“Puwede pa rin naman akong kumanta doon, hindi ko naman habol ang kasikatan. Kahit isang tao nga lang ang makinig ay ayos na sa akin.”
Nagbaba siya ng tingin sa akin, “Kahit ikaw lang.”
“Ha?”
“Mas pipiliin kita kaysa sa ilang libong tao na humahanga sa akin. Just you.”
Kahit isang tao lang na makikinig, kahit isang tao lang na makakaintindi.
“Pina-terminate ko na ang kontrata ko sa agency, ipagdasal mo ako sa bagong daan na tatahakin ko.” Masaya pang saad niya.
“Edi, good luck.”
Kinumpirma ko kay Sabrina kung totoo nga ang lahat ng sinabi ni Mark, ganoon rin kay Ryan. Totoo nga raw ang lahat ng iyon at naibalita na rin sa T.V na tuluyan nang nag-quit si Mark sa music at entertainment industry.
Nagluluksa ang mga tagahanga niya at wala silang balita kung nasaan ito ngayon, kahit ako ay wala na ring balita kung nasaan man siyang lupalop. Simula kasi noong umalis siya rito sa beach resort ay wala na akong narinig mula sa kaniya.
“Hija.”
Mag-iisang linggo na ang nakalipas simula noon. Mukhang pinangangatawanan talaga niya 'yong pangako niya na hindi niya na ako guguluhin kahit kailan ah?
“Ma'am, maistorbo ka saglit.”
I should be glad with but I feel the opposite. Maybe it's because half of me hoped that he would still try to pursue me again?
“Ma'am!”
Kainis! Heto na naman ako sa asa-asa na iyan, kaya ako nasasaktan, e! We're just going circles! Tsaka paano naman ako makakasiguro kung 'di niya na ako sasaktan ulit? Teka, bakit ko ba iniisip na magiging kami ulit?
“Ma'am may naghahanap sa'yo!”
Napamura ako at napaigtad sa gulat dahil pumalakpak sa tapat ng mukha ko si aling Hilda.
“Ma'am pasensiya na, kanina pa kasi kita kinakausap pero parang naglalakbay ang isip mo.”
“Sorry rin, may naalala lang.”
“'Yung gwapong singer noong nakaraan.” Namula agad ang pisngi ko dahil nahulaan niya 'yon. Masyado ba akong obvious kapag iniisip siya?
“Ay hindi po, hindi siya 'yong naalala ko,” pagtanggi ko.
Napakunot ang noo ko dahil humagikhik siya na para bang nagbiro ako.
“Hindi naman talaga siya 'yung naalala ko.”
She giggled again, “Ma'am yong gwapong singer, hinahanap ka.”
Napabangon ako sa pool side recliner at isinuot kaagad ang roba ko, “Nasaan?”
“Nasa sala po, pinapasok ko na.”
“Uhmm... sabihin mo wala ako... natutulog!”
“Pero kitang-kita niya tayo rito.” Itinuro niya ang malaking bintana ng villa, nakatayo banda roon si Mark at nakahalukipkip. Nagtama pa nga ang mga mata namin at nginitian niya ako.
Nasapo ko ang aking noo, “Okay, just tell him to go here.”
Tumango si Aling Hilda at ginawa ang sinabi ko.
Nakangiti si Mark habang palapit siya, nagsuot siya ng shades at sinuklay ang buhok niya gamit ang mahahaba niyang daliri. Nakasuot siya ng bukas na polo shirt, at beach shorts kaya kitang-kita tuloy kung gaano kaganda ang katawan niya.
“Akala ko ba hindi mo na ako guguluhin?”
Isinuot ko rin ang shades ko para hindi niya mapansin kung saan man dumapo ang malikot kong mga mata.
“Hindi ko kinaya,” simpleng sagot niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top