Chapter 43

Nagmamadali akong lumakad palayo sa kaniya, kahit magkandatalisod pa ako ay wala na akong pakialam. I just want to get away from him as soon as possible. Kailangan kong lumayo habang kaya ko pang kontrolin ang mga emosyon ko.

Parang ganito rin ang naging tagpo noong malaman ko na pinaglalaruan niya lang ako. Napakatagal na noon pero sariwa pa rin sa alaala ko ang bawat scenario.

"Chrishelle, kinakausap pa kita!" He kept on following me.

"Go away! I don't want to fucking talk about it!" Naalala ko kung paano humandusay sa kalsada ang katawan niya dahil sa pagsunod niya sa akin.

"Crishelle, please!"

Natigilan ako dahil hinawakan niya ang pala-pulsuhan ko. Saglit akong nagbaba ng matalim na tingin doon at inangat rin agad upang salubungin ang mga titig niya.

"Huwag mo na akong susundan, huwag mo na akong pipigilan!"

He still had that confused look on his eyes. "Bakit?"

"Bitawan mo ang kamay ko, maraming nakatingin sa atin!" angal ko.

Narito na kasi kami sa tapat ng building at kitang-kita ko kung paano naglabas ng kani-kanilang phones ang mga nakiki-usyoso upang makuhanan ang mga nangyayari.

Mas humigpit ang hawak ni Mark, "Wala akong pakialam sa kanila."

"Mira!" hiyaw naman ni Nathan.

Kinalas ko ang kapit ni Mark sa akin at nilingon si Nathaniel, palapit na ito sa amin at matalim rin ang titig niya kay Mark.

When Nathan got near us, he pushed then punched his brother in the face. Kung hindi ko pa siya inawat ay hindi niya talaga 'yon ititigil.

"Nathan, stop it!"

"Hayaan mo akong kausapin siya!" Sabi ni Mark habang iniinda ang gilid ng kaniyang labi dahil dumudugo iyon.

Mahigpit ang kapit ko sa braso ni Nathan at hindi ako makatingin kay Mark nang diretso.

"Chrishelle, let's talk."

"Para ano? Para saktan ulit siya at paglaruan?" Nathan shouted.

Napapikit ako at humugot ng hininga.

He didn't have to tell him that...

"You broke her heart into pieces years ago! Chrishelle trusted you but you crushed her! Kaya wala kang karapatan na bumalik pa sa buhay niya!"

"Sinaktan kita?"

Binitawan ko si Nathan at hinarap si Mark. I wiped the tears on my cheeks then nodded. Nagtama ang mga mata namin at para kaming nag-uusap gamit lang ang mga iyon. Umiling siya na para bang hindi pa rin makapaniwala, ang pagkalito na nakaguhit sa mga mata niya noon ay napalitan na.

Dahan-dahang bumagsak sa sahig ang tingin niya kasabay nu'n ang pagtama ng mga tuhod niya doon. He broke down infront of the agency's building and I heared the crowd gasps.

"Let's go, Mira." Nathan held my wrist.

Tinalikuran namin si Mark at nakahakbang na kami palayo pero parang biglang may nagsabi sa akin na balikan ko si Mark. Lumingon ako doon at nakita kong gano'n pa rin ang posisyon nito.

Tumigil ako sa paglalakad at napansin 'yon ni Nathan. "Mira, huwag mong sabihin na..."

Lumunok ako inisip ang sunod kong hakbang habang nakatanaw pa rin kay Mark.

"Let's go, he doesn't deserve you."

"Let me go."

"Ano babalik sa sa gagong 'yan?"

Nainis ako at sinagot si Nathan, "You don't deserve me either, pareho lang kayong manloloko."

Dahil sa sinabi ko ay lumuwag ang kapit niya, natulala si Nathan sa akin at nang bitawan niya ako ay iniwan ko na rin siya doon.

Pagkatapos nang lahat ng iyon ay nagpasya akong magbakasyon sa private beach resort namin. I filed a resignation letter and a leave for one whole week.

Today is a really sunny day and the skies are blue as the ocean. This beach has pure white sands around and there were tiny sea shells, pebbles, and rocks scattered. I can hear the ruffling of the waves and the touch of the warm air on my skin.

Sumandal ako sa beach chair at ipinatong ang strawberry juice sa maliit na lamesa. I heaved a sigh while watching the calm waves going back and forth.

Pabalik-balik. Paulit-ulit.

Kumalat ang issue sa buong social media at tumagal iyon ng tatlong araw. Nalaman na ng mga tao ang totoong kuwento namin ni Mark simula noong high school pa kami.

Kahit naka-deactivate ako sa lahat ng socmed ko ay nalaman ko ang lahat ng 'yon dahil ina-update ako ni Sabrina sa mga pangyayari. Siya at si Mama lang ang nakakaalam ngayon ng cellphone number ko.

Nilaro ko ang paa ko sa buhangin at nag-isip ulit. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kasi kung anong susunod na gagawin ko. Parang sinasabi ng puso ko na kausapin ko pa si Mark, pero pumipigil agad ang isip ko.

Habang nagmumuni-muni ako ay may tumawag sa akin na unknown number, sinagot ko ito.

"Puwede ba tayong magkita?"

"Paano-" Nanginginig ang mga kamay ko.

"Hanggang ngayon ay wala akong maalala na kahit ano tungkol sa nakaraan natin pero gusto kong humingi nang kapatawaran kung totoo ngang nasaktan kita noon." His voice was a bit muffled.

"Tama na, Mark."

"Papunta na ako diyan, malapit na ako."

Bigla akong kinabahan dahil parang may iba sa kaniya ngayon, lalo pa nang sabihin niya na papunta na siya.

"Lasing ka ba?" Sa tingin ko kasi ay hindi malabong nakainom siya.

Hindi umimik si Mark at dahil doon ay natataranta akong bumalik sa loob ng villa upang magbihis. Kung talagang papunta na nga siya ay sasalubungin ko siya sa may entrance nitong resort.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko makita ang sasakyan niya, pinabuksan ko sa mga caretakers ang malaking gate upang makapasok siya. Kaagad niyang ipinarada ang sasakyan niya at bumaba doon, tumakbo siya palapit sa akin.

"What the fuck, Mark?" Iyon ang kauna-unahang reaksyon ko nang yakapin niya ako. Amoy na amoy ko kasi ang alak sa sistema niya.

"Kumusta?"

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko pero inalis ko rin kaagad 'yon dahil sa inis sa kaniya.

"Two hour drive ang papunta dito pagkatapos nagmaneho ka nang nakainom ka? Anong pumasok sa kokote mo? Akala mo ba nakakatuwa 'yon? Baka maraming gumaya sa katangahan mo, sikat ka pa naman!"

Nanggigigil talaga ako hanggang ngayon dahil parang wala naman siyang pakialam sa mga pangsesermon ko. He even smirked.

"Hindi ko na uulitin," kalmadong sagot niya at mukhang natutuwa pa na napapainit niya ang ulo ko.

"Talagang hindi! Second life mo na pagkatapos kung anu-anong ginagawa mo na katangahan!"

He chuckled. "Hindi ko alam kung bakit pero gustong-gusto ko talaga kapag nag-aalala ka para sa akin."

"Magtigil ka nga d'yan!"

"Ginawa ko lang naman 'yon dahil-"

"Dahil sa akin ba? Did I fucking ask you to do that?"

"Ginawa ko dahil gusto ko. Gusto kong makita ka. Gusto kong humingi ng patawad sa lahat kung nasaktan man kita noon."

"'Yon lang?"

"Gusto ko lang hingiin ang kapatawaran mo dahil hindi ako matatahimik. Pangako, pagkatapos nito ay hindi na kita guguluhin. Ako na ang lalayo kahit mahirap at hindi mo hinihingi ay gagawin ko para sa'yo."

"Totoo ba 'yan?"

Bakit parang gusto ko siyang pigilan na lumayo?

"Oo," aniya.

"Kung ganu'n, pinapatawad na kita."

Umaasa ako ng kaunti na huwag na lang siyang lumayo pero desisyon naman niya 'yon at wala akong magagawa.

Hahakbang na sana ako paalis pero bigla siyang nagsalita.

"Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit nagawa kong saktan ka noon."

"Ako rin e," sabat ko sa sinabi niya.

"Naguguluhan ako... kasi ngayon pa nga lang na wala akong malala na ay ayaw na kitang mawala. Paano pa kaya noong mga panahon na naaalala pa kita?"

I remember the things that Clarisse told me. Ang sinabi niya, pinili naman daw talaga ako ni Mark kaysa sa pagiging vocalist niya sa banda. Balak pa nga raw niyang umalis sa brotherhood na Silent Zone Zero para sa akin.

Pero paano ko naman malalaman kung totoo ang mga 'yon?

"Alalahanin mo at sabihin mo sa akin kung bakit." Tinapik ko ang braso niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top