Chapter 42

Iniwan ko siyang nakanganga at naestatwa doon, kulang nalang ay tumawa ako na parang anak ng demonyo dahil sa sobrang satisfying noong reaksyon na gumuhit sa mukha ni Katrina.

Pagpasok ko naman sa opisina ni Ryan ay nagtuloy-tuloy na siya sa pagtatanong nito. Tinatamad na akong makipagtalo kayo hinayaan ko nalang siya, naibos na kasi ang energy ko kanina.

"Ano 'yon Chrishelle? May affair kayo ni Mr. Arkin?! Bakit kayo naghahalikan sa kalsada? "

Natigilan lamang siya noong lumitaw na ang mukha ni Mark sa T.V., live na iniinterview ito dito sa labas mismo ng building.

"Walang agawan na nangyari, hiwalay na kami ni Katrina." Paliwanag niya habang nakatingin sa isang reporter sa likod ng camera.

"Nasagot niya ba 'yong tanong mo, Ryan?" Humalukipkip ako at patuloy na nakinig sa mga sasabihin ni Mark. Subukan niya lang ilaglag ako sa media ay makikita niya ang hinahanap niya.

Nalukot ang gwapong mukha ni Mark at umigting ang panga habang nakikinig pa sa mga pang-uusisa noong mga reporter. "Hindi siya ganoong klaseng babae, ayusin mo mga tanong mo."

I'm curious kung anong tanong 'yon kasi hindi naman naririnig sa tv, sa hinuha ko ay pinagbibintangan akong mang-aawgaw noon kaya ganu'n ang naging reaksyon ni Mark.

Tunay naman na hindi ako mang-aagaw, naranasan na ni Mama na maagawan. Naranasan ko nang maagawan ng ama. Kaya alam ko kung gaano kasakit, I wouldn't want anyone to go through that pain- kahit kaaway ko pa.

"Kanina ka pa-" Hindi pa sana titigil si Mark sa pagsagot kung 'di lang siya in-escortan ng mga security guards papasok sa building.

Pinatay ni Ryan ang T.V. at umupo siya doon sa swivel chair niya, humawak ito sa sentido at nagpuluntong hininga. Akala mo naman ay luging-lugi siya sa itsura niya ngayon.

Umupo ako sa chair na nasa tapat ng table niya at pinagmasdan kung paano siya ma-stress. Ilang minuto rin siyang nanahimik kaya pinagpasyahan ko na namagsalita at basagin iyon.

"Ryan, this is just a misunderstanding."

"A huge one! Kung bakit ba naman kasi naghalikan kayo at doon pa talaga sa kalsada? Have you forgotten that you're Mr. Arkin's manager?"

Napairap ako sa sinabi niya. Ang totoo naman ay magreresign na naman dapat ako. "I-I'm sorry, okay? Nadala lang ako, so I forgot-we forgot. "

"Tingin mo magandang sagot 'yan sa media?" Inis pa rin siya.

"Titigil rin naman ang mga iyon Ryan, para namang hindi ka sanay sa industriya na 'to?" Sinimangutan ko rin siya.

Ngayon lang ba siya nakahawak ng artist na puro issue sa buhay?

"Pero may niluluto tayong project para kay Arkin, mas dumami tuloy ang bashers niya at nagsasabing babaero talaga siya."

Natawa ako, "Eh, wala pa man ako babaero na naman talaga 'yon ah? Kaya bakit parang kasalanan ko pa?"

"Hindi ako babaero," biglang pasok niya sa opisina.

"Womanizer lang?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi."

"A playboy! Right? Because you like playing with girls' hearts. Tingnan mo ang ginawa mo kay Katrina, kung anu-ano tuloy ang inimbento niya. "

Tingnan mo ang ginawa mo sa aming lahat! You fucking played Me, Clarisse, Katrina and many others!

Gusto ko sanang sabihin 'yon kaso mukhang sapul na siya kay Katrina palang.

"Hindi ko naman sinasadya."

Nanggilid ang luha ko at napapiyok, "'Yun nga e! Hindi mo sinasadya, pero paano kung sinasadya mong paglaruan 'yung tao? Paano kung pinagplanuhan mo pang mabuti? Edi halos mamatay-matay na siya pag nalaman niya 'di ba?"

Halos mamatay na ako noon tangina mo!

Kahit pa may sinabi sa akin si Clarisse ay hindi ko pa rin magawang maniwala. Kasi puwede naman sabihin sa akin ni Mark 'yon noon kung ganoon nga ang sitwasyon!

Kung sinabi niya 'yon sa akin baka nga tinulungan ko pa siya at kusa na lang umalis sa school na 'yon para lang makabalik lang siya sa banda. Hindi naman niya kailangang itago 'yon kung totoo ngang mahal niya ako. I know I'll fucking understand because I love him.

Pero hindi niya inamin, hindi niya ginawa.

"Chrishelle calm down," ani Ryan. Medyo kumalma na ako dahil wala namang nakakaintindi sa akin dito.

"I'm sorry."

Tahimik na nakatitig sa akin si Mark at parang may malalim na iniisip. Umupo siya sa sofa at lumipat ang tingin sa isang sulok, nanatili siyang ganoon at hinilot ang sentido. Maybe he's trying to remember the things that he had forgotten.

Aaminin ko minsan ay nakakalimutan ko rin ang lahat, pero biglang nagiging sariwang sugat ang lahat kapag naalala ko na naman. I fucking remember our promises to each other and I really thought na siya na talaga. Na kami na talaga sa huli, na sabay naming aabutin ang mga pangarap namin na magkasama.

Pero ito ang nangyayari ngayon, parang ginugulo lang namin ang isa't-isa. Partida isang mabilis na halik lang naman iyon tapos biglang naging sangay-sangay na problema.

"O, anong gagawin nating solusyon diyan ngayon?" Daing ni Ryan.

"Kakausapin ko si Katrina privately, pinapunta ko na siya dito."

"Umuwi na yata 'yon," sabat ko kay Mark.

"Hindi pa, nakasalubong ko siya kanina at nagpaalam lang na mag-cr. Ryan, puwede bang dito na lang namin gawin 'yung pag-uusap?" Si Mark.

"Mabuti pa nga." Ryan agreed.

Nang dumating si Katrina ay hindi niya ako pinansin, tahimik siyang lumapit kaagad kay Mark. Sumenyas naman sa akin si Ryan na iwanan na muna namin ang dalawa.

Doon kami mismo pumwesto sa labas ng office at isang malaking glass window lang ang pagitan, kaya kita silang dalawa pero hindi rinig ang pinag-uusapan.

Napairap ako nang hawakan ni Katrina ang mga kamay ni Mark, agad naman na binawi 'yon ni Mark at marahang tinapik ang braso ni Katrina. He is comforting the crying girl right now.

"It's not the right time to be jealous, Chrishelle."

"I ain't jealous."

Ngiting aso si Ryan at parang nang-aasar talaga iyon. Sa inis ko ay iniwan ko na lamang siya, padabog ako lumakad pa elevator at pinindot ang ground floor.

Pumunta na lamang ako sa canteen at nag-order ng shake upang lumamig kahit papaano ang ulo ko. Maraming tumititig sa akin ngayon pero I couldn't care less, sinabi na naman na ni Mark ang totoo sa national television. Bahala na sila kung ayaw nilang maniwala doon.

Mahigit kalahating oras akong tumambay doon sa canteen at naubos na rin ang shake ko. Wala kong ginawa dito kundi titigan ang mga naglalakad-lakad na empleyado dito sa agency. May ibang staff at artist na hindi pa gaanong sikat ang naririto kaya na aaliw ako sa pag-imagine kung kamusta na kaya ang career nila sa future.

"Chrishelle!"

Habang nakasandal at nakahalukipkip ay nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Mark iyon at mukhang galit siya, magmamadali siyang lumapit sa akin.

"What?" Tiningala ko siya at taasan ng kilay.

"Mag-usap tayo."

"We're already talking."

His jaw clenched, "Privately, in my car."

Bago pa ako makapagprotesta ay hinawakan niya ako sa braso at pilit na hinila palabas ng building. Wala na rin siyang pake kahit pagtinginan pa kami ng mga tao sa canteen at sa reception na dinaanan namin.

"Ano ba nasasaktan ako, Mark!"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tanong niya nang marating namin ang sasakyan niya.

"Na ano?"

"Na may relasyon tayong dalawa noon!"

Natigilan ako saglit at napakurap, "Dati na 'yon Mark! At tsaka wala na rin namang rason pa para ipaalala ko 'yon sa'yo!"

"Paulit-ulit kitang tinanong kung sino ka sa buhay ko-"

"Wala lang ako sa buhay mo kaya wag mo nang alalahanin pa!" Pinagdiinan ko iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top