Chapter 41

Hindi kami bumalik sa unit ni Lovie, naglakad kami sa gilid ng kalsada. Like what we used to do on summer nights noong high school.

Napalabi ako habang na aalala ang mga iyon. Kung tutuusin maliit na bagay lang naman 'yong paglalakad namin noon kapag na trip-an, but I appreciate it more than now. Kasi ngayon hindi na kami nag-uusap, hindi na rin kami magkahawak ng mga kamay. Pilit niya lang sinasabayan ang mabagal na paglalakad ko.

He cleared his throat, "Umiiyak ka?"

"Tumatawa ako, tanga-tanga mo." Hinampas ko ang braso niya.

"Malay ko ba, baka napuwing ka lang."

Pinunas ko ang luha sa pisngi ko, nawala bigla ang lungkot ko at napalitan nang inis. Mark chuckled then put his arm on my shoulders, noong una ay pumapalag pa ako pero I found our position sort of comforting. Nakakamiss din kasi.

"Ano ka ba kasi talaga sa'kin noon?"

Tumigil kami sa paglalakad at yumuko siya ng kaunti para ilebel ang mukha niya sa akin. Napalunok ako at sinalubong ang titig niya. Umangat ng ang unahan ng mga kilay niya at lalong pumungay ang mga mata, parang kumikinang iyon dahil sa repleksyon ng mga ilaw sa paligid.

"H-ha?" Bakit parang kinakapos yata bigla ang hininga ko?

"Sino ka ba sa buhay ko noon?"

Nagsalubong ang kilay ko at nag-iwas nang tingin, pagkatapos ay naglakad na ulit.

"Hindi ako sigurado."

Ano nga ba ako sa kaniya noon?

'Yon rin kasi ang gusto kong itanong sa kaniya. Gusto kong malaman kung totoo ba lahat 'yon at alin doon ang peke? Ano ba talaga ako kay Mark noon? Totoo kayang pinaasa niya lang ako at pinaglaruan gaya nang sinasabi ni Nathan?

Tumindi ang pagtatanong ko ng mga iyon sa isip ko lalo na noong napakinggan ko ang sinabi ni Clarisse.

"Bakit hindi ka sigurado?" Inalis niya ang pagkakaakbay niya sa akin at humarang sa daanan.

"Mark, ano ba ako sa'yo ngayon?" Bakit ganoon ang tanong ko?

He didn't answer, he just looked at me with his passionate crystal eyes then claimed my lips. Napapikit ako at tumugon sa halik niyang iyon, nakalimutan kong nasa gilid lang kami ng kalsada dahil pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang tao sa mga oras na ito.

Noong umatras na siya ay hawak niya pa rin ang pisngi ko. Gumuhit ang maamong ngiti sa kaniyang labi, "Sana nalinawan ka."

"Fuck you, gago." Nag-iinit ang pisngi ko at paniguradong namumula na naman ang mga ito kaya nauna na akong lumakad. Tangina, bakit ako nagkakaganito? Ano kami high school?

"Manager, sandali lang!"

I spent the night to Mark's unit. Nahihiya kasi akong bumalik kay Lovie kagabi, tsaka napilit na rin kasi ako ng lalaking ito. Todo ang pag-aasikaso niya sa akin kagabi at sa sofa pa siya natulog, doon niya ako pinatulog sa kwarto niya.

Tapos ngayong umaga ay pinaghandaan pa niya ako ng umagahan. He tried his best siguro na gumawa ng sunny side up na egg pero pumutok 'yong gitna. Nagmukha tuloy iyon na semi-scrambled egg.

"Bakit ganiyan?" Hindi ko napigilang matawa.

Pikon ang ekspresyon niya pero 'di kalaunan ay napalitan rin 'yon nang kapilyuhan, "Ikaw ah, huwag mo ngang pagtawanan 'yang itlog ko. "

"Gago ka!" Halos mabulunan ako sa kinakain.

"Wag mo kasi akong sisimulan." Mayabang na sabi niya.

Tanghali na ako bumalik sa unit ni Lovie, kasama si Mark. Sinabi ko sa kaniya na hindi na muna ako mag-qquit hanggat hindi pa nangyayari 'yong collab na gusto niya. Tuwang-tuwa si gaga at niyakap pa ako nang mahigpit.

"Kung 'di lang talaga dahil sa collab na iyan..." Natigilan ako sa pagsasalita dahil napansin kong napahinto si Mark sa paglalakad.

Pasakay na kasi dapat kami sa kotse niya pero parang may nakita siya sa phone niya na kung ano.

"Anong meron?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Wala." He shrugged it off immediately, kaya hindi ako naniwala.

Lumapit ako sa kaniya at sinubukang agawin 'yong phone sa kamay niya, "Ano 'yan Mark?"

"Wala nga." Iniwas niya sa akin iyon kaya biglabg nag-init ang ulo ko.

"Babae mo ba 'yan?!"

"Hindi!"

"Just fucking show me your phone!" Napasigaw ako.

Sa pagkakataong iyon ay ibinigay niya na ito sa akin, nanginginig ako sa galit at kaba.

"Wow that's toxic." Napalingon ako doon sa foreigner na may kasamang kaibigan niya. Pasakay na rin ang mga iyon sa sarili nilang mga sasakyan.

Then it hit me. Here goes my toxic trait again, being a fucking jealous freak.

"I-I'm sorry, Mark."

"Tingnan mo na, sorry. Kung binigay ko naman sa'yo kaagad hindi ka magkakagano'n."

Pagbukas ko ng phone ay namanhid ang buong katawan ko. Bumungad kasi ang letrato namin ni Mark na magkahalikan, ito 'yong kagabi.

"What... How? " Hindi ako makapaniwala. Ganoon kabilis?

I scrolled through the comments and noticed that the people are bashing me and calling me names. Doon ko lang rin napansin na shared post ito ni Katrina.

Sinasabi niya sa lahat na inagaw ko si Mark sa kaniya habang sila pa. She made fake accusations that I befriended her just for the sole purpose of stealing Mark from her. The fucking nerve?!

"Kakausapin ko siya," wika ni Mark.

"Dapat lang! Ilang libo na ang napaniwala niya sa post na 'to?!" Padabog kong ibinalik ang phone sa kaniya.

Napasabunot pa ako sa sarili dahil bagong problema na naman. Bagong sakit sa ulo na naman ang dumating sa akin!

"Tara na sa agency," ani Mark at binuksan ang pinto ng kotse.

"I think you should go alone, masamang makita pa nila tayong magkasama dahil kung anu-ano na naman ang iisipin nila."

"Mas masama kung iiwan kitang mag-isa. Huwag mong alalahanin ang iisipin nila dahil alam natin kung ano ang totoo." He insisted on going with me but I still feel nervous.

Kung bakit naman kasi ganito?

Nagtaklob ako ng sweater sa ulo at naunang bumaba, hindi naman masyadong agaw pansin iyon dahil medyo mainit sa labas. May media sa tapat ng building pero nalampasan ko lang sila, sigurado akong si Mark ang hinihintay ng mga iyan.

Napahawak ako sa dibdib ko nang makapasok na ako sa building at naramdaman na sa balat ko ang pagdampi ng hangin na nagmumula sa air conditioner. Malalim ang ginawa kong pagbuntong-hininga to feel relief.

Kalmado akong naglakad papunta sana sa elevator pero biglang may pumalakpak sa may likuran ko. I turned to that someone and saw that it was katrina, her outfit was in all black. May headdress din siyang itim, pati lipstick itim.

Napatingin sa amin ang iilang staff kaya nagmamadali akong sumakay sa elevator, I thankfully ay walang tao sa loob noon. Sumunod siya sa akin at halos itulak pa ako.

"Anong feeling maging sikat?" She asked with a hint of arrogance in her tone.

Oh, I fucking know how it feels like. My mother is the CEO of one of the top make up brands in the country. Bata pa lang ako ay pinagpipiyestahan na ng madla ang buhay ko. Kaya nga mas pinili kong maging lowkey sa trabaho ko kaysa sundan ang yapak ng ina ko.

"Sayang nga lang, sumikat ka dahil nang-agaw ka ng boyfriend."

"Wala akong inaagaw," sumagot na ako.

"No, aminin mo na! Nilandi mo siya-"

"Hindi ko kasalanan kung ako pa rin ang mahal niya kahit hindi niya ako maalala!"

Nawala ang yabang niya at napaatras nang kaunti. "Ano?"

I smirked, "Yes, I'm the fucking ex."

Huwag niya akong aangasan dahil alam kong ginawa lang naman siyang girlfriend ni Mark kasi may pagkakahawig 'raw' kami.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top