Chapter 4
“Kabit pala ng Daddy mo ang Mommy ni Sabrina?” si Margaux ang nagsabi no'n.
Narito kami ngayon sa cafeteria at nagbabasa sila ng posts tungkol sa pamilya namin. Kumalat na naman kasi iyon sa social media at ilang news outlets.
“Kaya pala nakikipagkaibigan ka pa rin sa kaniya kahit ang baduy niyang pumorma dati.”
Hindi ko talaga alam kung bakit kumalat na naman ang balitang 'yan. Ang alam ko lang ay wala kong pakialam, sanay na naman kasi ako na pagpiyestahan nila ang buhay ko. Wala nang bago dito. Nag-aalala lang ako para sa kapatid ko. Hindi kasi iyon sanay sa ganito.
“Are you okay, Issa?” tanong ni Sam sa akin kaya napatango ako.
“Of course she's fine! Mas mayaman naman ang Mom niya sa Dad niya kaya they don't need him! FYI, her Mama Francisca Romero Alvarez, is the owner of M Axis' Beauty Line.” sabi naman ni Lovie.
She's right, my mother's family is wealthy. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay masaya na kami. Money can't buy genuine happiness, our riches can't even lure my father back to our family.
“Sino ba kasi ang nagpakalat ulit niyan?” iritadong tanong ko at uminom juice. I looked around at isa-isa namang nag-iwas ng tingin 'yong mga estudyante na nanonood sa amin dito sa cafeteria. They pretended to eat and mind their own business.
“I don't know, anonymous siya.”
Seventeen na kami ngayon ni Sab. Sa pagkakatanda ko ay huling pumutok ang issue na 'yan ay noong mga bata pa kami. Eleven years old to be exact? Akala ko nga tapos na ang mga tao diyan.
“O-Oh, here goes the snake.” bulong sa akin ni Sam at inginuso ang papalapit na si Sabrina.
“Dont call her that,” saway ko.
Ngumiti ako kay Sab at tumayo upang salubungin sana siya ng yakap. Iniisip ko kasi na baka natauhan na siya at payag na siyang makipag-ayos sa akin. “Sab–”
Nanlaki ang mga mata ko noong maramdaman ko ang malamig na juice sa dibdib ko. She fucking threw her grape juice on me!
“Para mahimasmasan ka naman, sis,” aniya.
“Why did you do that?!” si Lovie 'yon. Tumayo sa gilid ko ang mga kaibigan ko at dinuro-duro si Sabrina.
“Oh my gosh! You're disrespectful!” ani naman ni Sam.
“Gusto niyo rin bang magaya sa amo niyo?” palabang tanong ni Sabrina sa kanila.
“How dare you?” papatol na sana si Lovie pero pinigilan ko siya.
Dahil sa kaguluhan ay napatawag kami sa guidance office. Sinuspinde si Sabrina ng tatlong araw dahil sa ginawa niya, malinaw naman kasi na siya ang nagsimula at marami akong witness.
I really wanted to talk to her but I chose not too. Kung ayaw niya, edi wag. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin, 'yon ang isang bagay na natutunan ko kay Mama.
“Ayos ka lang ba?”
Siya agad ang bumungad sa akin paglabas ko sa locker room ng girls. Nagpalit kasi ako ng P.E. uniform dito dahil nga soaked ng grape juice 'yong puti kong uniporme. Pinauna ko na ang tatlo sa classroom.
“Wala ka bang klase? Wala ka bang practice? Wala ka bang gagawin?” sunud-sunod na tanong ko sa kaniya dahil wala lang. Hindi naman sa may pakialam ako, gusto ko lang talaga siyang itaboy.
“Narinig ko 'yong nangyari. Ayos ka lang ba?” he asked.
“Chismoso ka talaga 'no?”
Sinubukan pa niyang sapuin ang noo ko pero tinampal ko 'yong kamay niya. Tumingala ako ng kaunti dahil matangkad siya, bago'y binigyan ko siya ng isang plastic pa sa plastic na ngiti.
“I'm fine Mister Blacke eye, there, I answered your question. Puwede ka na bang umalis sa daanan ko?”
Imbis na gawin niya ang sinabi ko'y mas iniharang pa niya ang katawan niya.
“Ang sungit mo na naman,” wika ni Mark.
Well, yeah? Maybe this is my defense mechanism acting up. Maybe it can sense that I'm feeling something strange for this Mark Dan Reyes.
“Padaanin mo na ako!”
“What's the password?” parang tangang tanong niya.
I crossed my arms then rolled my eyes. He's really getting into my nerves! This past few days, ay galit siya sa akin dahil dinawit ko ang pangalan niya sa gulo. Ngayon naman ay napaka-clingy niya na!
“Bobo ka?” I asked frowning.
“Oo, ang bobo-o ng masayang pamilya mo,” ani Mark at pinisil ang pisngi ko. “Ito naman galit kaagad! Pinapatawa lang kita.”
“Ha. Ha. Ha.”
Iniwan ko siya do'n at naglakad habang itinatali ko ang buhok ko. Sumunod naman kaagad siya at humarang pa sa daraanan ko. Bale umaatras siya dito sa hallway habang naglalakad naman ako paabante.
“Bagay rin pala sa'yo ang nakapuyod 'no? Lalo kang gumaganda.”
“Thanks.”
“Kaso lang...” he paused at kunwari pang nag-isip. “Mas bagay tayo.”
Dahil doon ay natigil rin ako sa paglakad. Napairap nalang ako at 'di napigilan ang ngiti na sumilay sa mga labi ko. I feel my cheeks burning and my insides screaming.
“B-Bahala ka nga d'yan!”
Sinamahan niya ako hanggang sa makarating ako sa classroom. I thanked him and waved goodbye, ganoon rin naman siya. Papasok na sana ako sa room nang tawagin niya ako sa aking buong pangalan.
“Crishelle Miracle Alvarez!”
“What?”
Lumapit kaagad siya sa akin, natataranta pa siya habang kinakapa-kapa ang bulsa ng polo at pants niya. Parang may hinahanap talaga siya, kaya naman nataranta na rin ako. Baka kasi nawala ang wallet or cellphone niya or kung ano pa.
“Anong nawawala sa'yo?”
He smirked, “Wala sa akin 'yong phone– number mo.”
“Fuck you,” singhal ko.
Pinag-alala niya pa ako! Sana sinabi nalang niya na gusto niyang hingiin ang number ko. Ibibigay ko naman kasi! 'Yon nga lang ay kung meron akong sim card.
“Sorry, I don't have a sim. Gusto mo ba ibigay ko sa'yo iyong kay Mama?”
Nalukot ang mukha niya, sayang at nakashades pa rin siya. Bagay sana kung kita 'yong dalawang black eye niya. Gusto ko pa naman makakita ng malungkot na panda.
“Seryoso?”
“Maraming trolls kasi na interesado sa buhay ko, so I stopped using it last year.”
“Sayang naman pala.”
Parang may kumurot sa puso ko dahil sa naging reaksyon niya, “But I can use it again.”
Hindi ko na hinintay kung anong magiging reaksyon ni Mark, tinalikuran ko na kaagad siya't pumasok na ako sa classroom.
That guy... Fuck him for making me feel this way.
Nang mag-uwian na ay isa-isa ng nagpaalam ang mga kaibigan ko sa'kin. I was standing near the gate of our school, waiting for our car to pick me up.
Oo nga pala, napagalitan ako ni Mama noong isang gabi na sumama ako kay Mark. Hindi kasi ako nakapag-chat sa driver at naghintay daw 'yon ng pagkatagal.
Anong magagawa ko? Mark and I was enjoying that day and we almost forgot about almost anything.
“Baby.”
I rolled my eyes when he called me that, “Huwag mo nga akong tawaging baby, hanggang kailan ko ba sasabihin sa'yo na I'm not your Baby, huh?”
He chuckled, “Alright, my Lady.”
Halos mag-isang linya na siguro ang kilay ko, “Seriously?”
“Why, my Lady?” he raised his brows innocently.
Talagang pagangatawanan niya 'yang "My Lady" niya na iyan?
Natigilan ako sa pagtingin ng masama sa kaniya nang tumigil sa harapan namin ang isang sasakyan at bumusina na iyon. It was our car. Nagmamadali akong sumakay doon. I didn't even wave or said goodbye to this man.
“Goodbye, Mi Lady.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top