Chapter 36
I turned to my phone when it vibrated in my pocket. Bigla akong kinabahan na masaya na ewan nang mabasa ko ang text message dito. It was from Nathan and he was asking if we could meet, I agreed.
Wala namang masama, wala namang magagalit. So I texted him back and told him the address of the management's building.
“Sino 'yan?” tanong ng tismosong si Mark pero hindi ko na siya pinansin pa.
Nang makarating kami sa building ng Star Ganger management agency ay pinauuna ko na siya doon sa conference room.
"Sigurado ka? Puwede namang sabay na lang tayo.” tanong na naman ni Mark.
Akala niya naman ay tatakasan ko siya! "I'm going to meet someone, okay? Umakyat ka na do'n kasi late na tayo."
"Late na nga tayo tapos may kikitain ka pa?" pangangatwiran nito.
Hinawakan niya ako sa braso kaya sinamaan ko siya ng tingin. Noong marealize niya ang ginagawa niya ay binitawan naman kaagad ako.
"Sorry,” he cleared his throat.
"Pumunta ka na do'n sa meeting at susunod naman kaagad ako."
"Sino ba kasi 'yang kikitain mo? Hindi ba siya puwedeng makapaghintay? Sabihin mo nagtatrabaho ka."
"It's none of your business Mark Dan Reyes, just go! Saglit lang naman 'to."
Labag sa loob na lumakad palayo si Mark. Malalim ang ginawa kong pagbuntung-hininga dahil sobrang na stressed ako sa pakikipagtalo sa lalaking ito. I feel like a mother handling a stubborn kid.
"Mira!"
Napalingon kaagad ako kay Nathan noong marinig kong banggitin niya ang nickname ko na 'yon. Kumaway siya na may kasamang malawak na ngiti sa labi.
Nangiti na rin ako ng bahagya dahil nakakahawa ang saya ng mata niya. Nathan looked good in his office suit.
Sa pagkakaalam ko ay nagtatrabaho siya ngayon para sa kompanya nila, 'di katulad ni Mark na ini-pursue at ginawang priority ang music industry.
Pero alam ko naman kasi noon pa na passion talaga ni Mark ang pagkanta, sa tuwing kumakanta siya nakikita ko sa mga mata niya kung gaano niya kamahal iyon.
At hindi lang siya basta kumakanta, he's telling a story, he's delivering a message to the audience. And it's like he was meant for that role, he was born for that. 'Yon ang isa sa mga rason kung bakit ako humahanga sa kaniya noon.
'Yon rin ang rason kung bakit siya pumayag sa brotherhood na patalsikin ako sa school. Ang agreement kasi nila ay makakabalik siya bilang vocalist sa banda once magtagumpay siya. Fuck him.
“Mira! Natulala ka yata sa akin.” biro ni Nathan nang makalapit siya.
“Sorry.” Bigla kasing lumipad ang isip ko.
“Uhm... Nathan, mahihintay mo ba ako? May meeting pa kasi kami and late na kami dahil sa kapatid mong pasaway." Tumingin ako sa wrist watch ko bago nag-angat ulit ng tingin sa kaniya.
"Kapatid ko?" He tilted his head.
"Later, I'll explain." Tipid akong ngumiti.
"Okay, sige hihintayin kita... matagal ko na namang ginagawa 'yun."
"Bye!"
Nakipagbeso ako kay Nathan bago mabilis na naglakad patungo sa direksyon ng elevator. Natigilan ako nang iharang ni Mark ang sarili niya, pero nanatili lang akong nakatingin sa cross na necklace sa dibdib niya.
Ayoko siyang titigan sa mukha kasi alam kong maiinis lang ulit ako kapag ginawa ko iyon.
"Boyfriend mo ba si Nathan?" kaswal na tanong niya at inayos ang pagkakasuot ng black na leather jacket niya.
"Again Mark, it's none of your fucking business." Kanina pa kasi tanong ng tanong ang isang ito.
Nilagpasan ko siya at naunang pumasok sa elevator, pipindutin ko na sana 'yung floor number pero inunahan niya ako kaya napairap nalang ako.
"Nagtatanong lang naman ako."
"Sinagot ko lang rin naman ang tanong mo."
"Na may kasamang mura? Ganiyan ka rin ba makipag-usap sa ibang tao o sa akin lang?"
Hindi pa rin talaga siya tumigil sa pang-uusisa niya, kaya sa pagkakataong ito ay tumingin na ako sa kaniya. Nakita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya. He then flashed a smirk but I noticed his lips trembling.
"Do you really want to know why I act like this to you?" It's because I hate you so much, that's the fucking reason. Thank you!"
Nag-iwas siya ng tingin at napansin kong namula ang tainga niya, nang magbukas ang elevetor ay nauna na tuloy siyang lumabas.
Hindi na kami nag-imikan ni Mark sa conference room. Mahaba-habang diskusyon ang nangyari tungkol sa concert tour ni Mark. Mabuti nalang planado na ni Ryan ang budget dahil nga matagal na nilang minamatahan ang paglipat ni Mark ng Management Agency.
Pero next year na siguro mangyayari ang concert tour na ito dahil kailangan pang mag prepare ng mga venue at mag finalize ng dates ng concerts na magaganap sa iba't-ibang parte ng Pilipinas.
Siguradong mapapagod ako nito, idagdag pa ang promotions at tv guestings na sure na sunod-sunod rin. Bakit ko ba kasi naisipang mag manage ng artist eh?
"Ah Mr. Arkin, hiwalay na raw kayo ni Ms. Katrina?" Tanong ni Ryan habang nag-aayos ng gamit niya sa mahabang lamesa.
"Paano niyo nalaman?" binalik lang ni Mark ang tanong. Pagkatapos ay tumitig siya sa akin na parang ako pa ang nagkalat no'n. Aba, pakealam ko diyan sa relasyon nila? 'Di ko na para ikwento 'yon sa iba.
Umiling ako at sinumangutan siya, kaya nagbalik ang titig niya kay Ryan.
"Laman na kasi ng news articles online na inun-follow ka ni Katrina sa social media. She deleted your photos and was posting cryptic things. Tingin ko hindi maganda 'yon para sa darating na tour mo... 'di ba, Chrishelle?"
I am now scrolling through my phone at oonga. Kung anu-anong nalabas na balita tungkol sa past relationship nila, meron pa nga doon na nagc-claim na third party raw ang dahilan. Desperado pa raw si Mark na humingi ng tawad kasi hindi pa nag-uunfollow sa mga social media ni Katrina.
Meron din namang nagsasabi na gago daw talaga si Mark at hindi na magbabago. Broken hearted pa ang mga fans ng "loveteam" kuno nila, 'yung iba naman ay si Katrina ang inaatake. Kesyo nasakal lang daw si Mark kaya kumawala.
Ewan sa kanila at ang daming alam!
"I think you should also manage your social media." ani Ryan kay Mark.
Tumango si Mark at inilabas ang phone niya, pagkatapos ibinigay niya 'yon sa akin.
"TLIMD ang password ko sa lahat." Bulong niya sa tainga ko para hindi marinig ni Ryan.
"Bakit mo s-sinasabi sa akin? Wala akong pakialam!" Bahagya ko siyang naitulak dahil sa gulat at ibang naramdaman ko paglapat ng mainit niyang hininga sa may side ng ulo ko.
"Ikaw nalang ang magdelete ng lahat." aniya.
“Wala ka bang utak?!”
“Please, Manager?” Pagpapaawa niya.
Nagpaalam na ang team at si Ryan, naiwan kami ni Mark dito sa loob ng conference room dahil nagdedelete pa ako ng mga post niya tungkol kay Katrina. I even unfollowed her na, nakakaguilty nga dahil parang wala naman akong karapatan na gawin 'yon.
"Hindi pa tapos?" Sumilip siya sa phone.
"Wait nga!" Inilayo ko naman iyon sa kaniya.
Tapos bigla namang nag-vibrate ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa, bago ko pa makuha 'yon ay nadampot na ni Mark. Malakas niyang binasa kung sino ang nag-text at kung ano 'yong text message.
“Galing kay Nathan, sabi niya, ‘Nandito ako sa may parking lot ng building. Let's meet here tapos kumain tayo sa labas.’ Boyfriend mo nga ba si Nathan?”
“Ano ba Mark?! Wag ka ngang pakialamero!” Hinablot ko ang phone ko, tapos ibinalik ko na 'yong sa kaniya.
“Sama ako.” Medyo pabulong na sabi niya.
“Bakit ka sasama? Anak ba kita?”
“Kakain lang naman ako.”
Napairap ako at hinayaan nalang siya, bumaba na kami at naglakad papunta sa parking lot. Nakasunod lang siya sa akin hanggang makita ko si Nathan doon.
Nauna pa nga si Mark na bumati sa kapatid niya. “Nathan, kasama ako sa inyo.”
Nawala saglit ang ngiti sa labi ni Nathan ngang banggitin 'yon ni Mark. “Ah, sige...”
Gusto ko sanang mag-sorry kaso baka lalong maging awkward kapag ginawa ko iyon. Kaya naman nanahimik nalang ako.
“Saan ba tayo kakain? Susundan ko nalang ang kotse mo.” Si Mark na naman.
“Sige.” 'Yon nalang ulit ang tanging nabanggit ni Nathan. Tingin ko may sasabihin pa sana siya pero naunahan na naman siya ni Mark na umimik.
“Tara na manager, sa kotse ko.”
Mark held my wrist ang pulled me. I felt a familiar feeling in my stomach and a chill down my spine.
I removed his hands and turned to Nathan, “Sa kotse nalang ako ni Nathan.”
Nagliwanag ang mukha ni Nathan, samantalang si Mark naman ay natigilan. Tumango na lamang siya at naglakad siya patungo sa sasakyan niya.
“I'm glad you've picked me,” ani Nathan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top