Chapter 33
"Oh, Good morning?" Sarcastic ang ngiti ni Lovie.
Nakapamewang pa siya at nakataas ang isang kilay. Narito kami ngayon sa kuwarto at nakahiga ako rito sa kama.
Mayroon pang cold compress sa tabi ko na tunaw na ang laman.
"Uh- What happened?" Napadaing ako dahil medyo pumipintig pa ang ulo ko dahil sa hangover.
"May gana ka pang itanong 'yan?"
I furrowed my brows trying to remember what happened last night, and when I did...I face palmed. Na aalala ko kasi na pagkatapos kong umiyak noon sa comfort room ay bumalik ako sa bar.
Tapos nagsasayaw ako roon na para bang walang nangyari.
I ordered drinks hanggang sa hindi ko na kinaya. Hilong-hilo na ako noon at nagsusuka na rin, pagkatapos ay sila Lovie ang nag asikaso sa akin.
"Sinabihan na kasi kita! Alam ko naman na nagulat kang makita 'yong si Mark pero hindi mo naman kailangang magpakalunod sa alak. You were like a wild animal last night!" Pinitik niya ang noo ko.
"Hindi ako nasasaktan na makita siya!" Medyo napataas pa ang boses ko dahil sa inis.
"Oh, bakit galit ka? Sinabi kong nasaktan ka? Sabi ko lang na nagulat ka." Natatawang sabi niya.
Parang pinagtatawanan ako.
"I'm mad kasi masakit ang pitik mo!" Nako, gusto ko tuloy siyang kurutin!
"Liar!"
Inirapan ko siya bago humiga ulit at nagtalukbong ng kumot. I'm just gonna sleep for five more minutes.
Nang magising ulit ako ay nanlaki ang mata ko pagtingin ko sa oras sa cellphone, may meeting kasi ako ng 9:00 am and it's already nine thirty. Kaya naman dali-dali akong nagbihis at nagcommute nalang papunta sa Management Agency na pagmamay-ari ng kaibigan ko.
I applied there and nakakahiya dahil parang pa VIP ako! I arrived at the agency on 10:30.
“Hey Ryan! I'm really sorry, something just came up today...” saad ko nang makapasok ako sa office na tinuro noong sekretarya. Kanina pa nga raw ako hinihintay ni Ryan. He is my close friend and I met him in the states.
“No worries, kararating lang rin naman ni Mr. Arkin Gomez.”
“Arkin Gomez?” Tumaas ang isang kilay ko at napatingin sa lalaking ngayon ko lang napansin.
Nasa harapan pala siya ng desk ni Ryan, he was wearing a suit and tie. Ayos na ayos rin ang buhok niya at maganda ang posture.
Ngumiti ako ng malaki at lumakad papunta sa harapan niya, nang mag-angat siya ng tingin ay parang nawalan ako ng balanse. I suddenly didn't know how to balance myself in this three inches stiletto shoes.
“Ikaw?”
Si Mark itong lalaking ito. Bakit ganito na naman?
“I know right? He's really popular right now and he wants us to manage his career. Especially you–“
“No!” Napailing ako kay Ryan.
“What do you mean, no?” takang tanong niya.
“I-I mean, hindi pa kasi siguro ako ready.” pagdadahilan ko. Pilit kong iniiwas ang mata ko kay Mark, kahit kitang-kita ko sa peripheral vision ko amg pagtitig niya sa akin.
“Don't worry, tutulungan ka naman namin. Team tayo rito at isa pa ay mukhang malaki naman ang tiwala sa'yo ni Mr. Arkin. Siya nga mismo ang pumili sa'yo.” Masiglang sabi pa ni Ryan.
Dumagundong ang pagtibok ng puso ko, parang kulang nalang nga ay marinig nila iyon. Tumingin ako kay Mark tapos ngumiti siya sa akin at may konting pait na gumuhit sa lalamunan ko noong makita ko iyon.
“It's nice meeting you again, Ms. Alvarez.”
Fuck! Nananadya yata talaga ito.
Wala na akong nagawa kun'di ang pirmahan na lang ang mga kontrata, then hope for the best. Nakakahiya naman kasi kay Ryan kapag umatras pa ako, dahil nangako ako sa kanya noon na kapag bumalik ako sa Pilipinas ay magtatrabaho ako sa agency niya.
And I'm not a kind of person who breaks promises. Kapag ibinigay ng isang tao ang tiwala niya sa akin ay pahahalagahan ko iyon.
Hindi naman kasi ako katulad ng iba d'yan na pangangakuan ka at paaasahin ka, pagkatapos sa huli ay manloloko lang. I'm not like those people. I'm not like my father, I am not like Mark.
Pagkatapos ng contract signing ay sabay-sabay kaming pumunta nila Ryan sa isang restaurant kasama ang iba pa niyang mga epleyado. Libre na raw niya ang lahat dahil masaya siya.
Kaka-end lang kasi ng kontrata ni Mark sa ibang management agency at agency ni Ryan ang napili ni Mark.
Medyo swerte nga dahil ito ang pinli kahit maraming naghahabol.
Kasama namin si Mark ngayon at tahimik lang siya, kanina pa nga siya kinukuhan ng pictures nitong mga kasama namin kaya hindi siya makasubo ng maayos. Na aala ko noong high school kami ay parang ganito rin, sobrang dami niyang fangirls.
'Yong iba pa nga ay pinagdidiskitahan na ako.
“I'm sorry.” saad ko dahil napalakas ang pagtama ng kubyertos ko sa plato.
Naiirita na kasi ako dahil ang plastic niya, ngingiti-ngiti pa siya sa mga fans niya eh naiistorbo na nga siya. Kung ako iyan ay baka pinagbabatukan ko na iyan isa-isa.
“Kamukha mo si Katrina.” sabi noong isang kasalo namin dito sa table na may suot pang I.D., may lace iyon na maroon.
“Oonga, akala ko nga kanina si Katrina siya.” Nag-agree naman iyong isa kaya lalo akong nairita.
Hindi ko kahawig ang babaeng iyon! Napakalayo! Mas maganda kaya ako sa kaniya at lamang ng hundred times na paligo!
“Sino si Katrina?” tanong noong isang walang muwang, mukhang newbie rin siya team.
“Girlfriend ni Arkin! 'Di ba Arkin kamukha niya?”
Nagkatinginan kami ni Mark at napalunok ako. Tumango siya habang nakatitig pa rin sa akin, parang may gusto siyang sabihin pero hindi ko rim alam kung ano.
Nauna akong nag-iwas ng tingin pero kita ko ulit sa side ko na nakatitig pa rin siya.
Fuck! Ano bang kailangan nito?
“Hawig nga sila sa unang tingin, pero mas maganda naman 'tong si Ms. Alvarez para sa akin. Mas malakas ang appeal niya at grabe talaga ang dating. Sorry Arkin, no offense kasi iba-iba naman tayo ng taste.” sabi noong lalaking empleyado ni Ryan at kinindatan ako.
Medyo nahiya ako doon at nag-init ang mukha ko kaya naman napayuko ako sa pagkain ko. Nakakahiya kahit totoo naman ang sinabi niya.
“Nako! Nalandi ka na naman Jack!” biro naman nitong isa pa.
“Selos ka lang, eh!” si Jack.
“Ah, excuse me.” Biglang tumayo si Mark kaya sabay-sabay natahimik ang lahat ng nasa table at napatingin sa kaniya.
“May problema ba?” nag-aalalang tanong ni Ryan.
Halatang kinabahan na rin ang lahat dahil natataranta na ang boss nila.
“Nakalimutan ko may lakad pa pala ako ngayon. Thank you for the food and the company. See you again next time.” Pagpapaalam niya at umalis na, hindi na rin siya nagbaling ng tingin sa akin.
Anong problema ng isang iyon?
“Na-offend 'ata tungkol kay Katrina, ikaw kasi Jack!”
“Aba bakit ako? Totoo namang mas maganda si Ms. Alvarez.”
Buwisit na Mark iyon. Anong pakialam niya kung mas nagagandahan sa akin si Jack kaysa si girlfriend niya? Kasalanan ko ba iyon?
Ano 'yon na offend niya para kay Katrina? Mahal na mahal? E 'di sila na!
“Sorry ulit.”
Napalakas kasi ulit ang pagtama nitong tinidor ko dito sa babasaging plato. Bakit ba naman kasi napakakunat nitong karne?! Nanggigigil tuloy ako!
Huwag ko nalang kayang galingan para siya na mismo ang umayaw sa akin sa pagiging manager niya?
Buwisit siya! Buwisit sila!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top