Chapter 29
Gumuhit sa ekspresyon ng mukha ni Mark ang pagkabigla nang makita niya akong nakatayo sa gilid ng sasakyan niya na nakaparada rito sa parking lot ng school.
Ka aawas lang nila galing sa klase at sinadya ko talaga siyang hintayin rito. I just had the urge to see him after what happened earlier, I wanted to feel better.
Kapag nakikita ko kasi siya, nagiging okay na ako. Nakakampante ako dahil pinaparamdam ng presensiya niya na kahit papaano ay suwerte pa rin ako.
Patakbo siyang lumapit sa akin habang nakakunot ang noo dahil siguro sa pagtataka. Nang makalapit na siya ay sinunggaban ko kaagad siya ng yakap, ipinatong ko ang ulo ko sa may dibdib niya at hinigpitan kapit sa kaniyang polo.
Yumakap siya pabalik at dahil doon ay hindi ko na napigilan na maluha ulit.
“Ano bang nangyari?” he asked full of concern. Para akong batang inaway na nagsusumbong sa magulang dahil sa tono niya.
“Mark... huwag mo akong sasaktan ha? Don't leave me.” I said in between my sobs.
Dama ko ang pagsinghap niya, hinaplos niya ang ulo ko at hinalikan ako sa tuktok noon.
“H-Hindi, dito lang ako.”
Napangiti ako because of his assurance, 'yon lang ang gusto kong marinig para maging ayos na ang pakiramdam ko. I don't know why but I feel safe with Mark, at this moment I could believe everything that he would say. He is my home, my safe space.
“Thank you, Mark.”
Dinala ako ni Mark sa isang cafe na malapit sa school at in-order niya ako ng shake at donut. I even told him what happened at the mall noong medyo kumalma na ako.
“Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pareho lang kasi tayong hindi maganda ang relasyon sa mga ama natin.” He laughed without humor.
“E, pasalamat ka nga nakasama mo ang Daddy mo while you were growing up.” I sipped on my shake.
“E'di thank you.”
I snorted. “Seryoso, bakit ba kasi 'di kayo close? Mukha namang mabait siya–“
“Mukha lang.” He shrugged. Ayaw niya siguro talagang pag-usapan ang ama niya.
“Si Nathan, paano mo siya naging kapatid?”
Tumaas ang isang kilay niya bago pinaningkitan ako ng mata, parang may hinahanap siyang kung ano sa mukha ko. Tinampal ko ang pisngi niya dahil medyo nakakailang na iyon.
“Bakit mo ba kasi tinatanong?” mapaglarong tinig niya.
“I was just curious.”
“Ayokong binabanggit mo ang pangalan nu'n, nagseselos ako.” Walang prenong sabi niya, medyo malakas pa iyon kaya naman narinig ng ibang mga customers dito sa cafe at napatingin sila sa direksyon namin.
'Yong dalawang babaeng estudyante naman sa may likod niya ay mukha pang kinikilig, pinamulahan tuloy ako ng pisngi.
“Para kang tanga,” I whispered but enough for him to hear.
“Bad word 'yan.” He chuckled.
Lalo tuloy nag-init ang pisngi ko at hindi na mapakali dito sa kinauupuan ko. I tried to sip sa shake ko pero nasamid lang ako doon. Naalala ko kasi na every bad word is equivalent to a kiss.
"Mark? Mark it is really you!"
Natigilan ako nang may babaeng tumawag kay Mark, mukhang kapapasok lang nito sa cafe dahil nasa may entrance palang ito. Maganda ang hubog ng katawan nitong babae at kitang kita iyon dahil sa maong na mini skirt at red halter top na suot niya.
"Beverly?"
Parang narinig ko na ang pangalan na 'yon ah?
"You ghosted me, what happened huh? Nagpapalambing lang naman kasi ako noon kaya inaway kita.”
Tumabi ito sa kaniya at kumapit pa sa kaniyang braso. Humalukipkip ako at pinaningkitan ko silang dalawa, lalo na 'yong magkalingkis nilang mga braso.
“I'm sorry Beverly, pero 'di ba malinaw n tapos na tayo? K-Kasama ko ngayon ang girlfriend ko–“ He was struggling to remove her arms around his.
“Oooh, sorry 'di ko napansin.” Ngumiti siya sa akin.
“Kasi hindi naman ako papansin.” I smiled at her too.
Inangat ko 'yong ube shake ko at hinalo 'yon gamit ang straw, napatingin naman si Beverly dito at napalunok. Siguro napakikiramdaman na niya ang susunod kong gagawin kapag hindi pa siya umalis.
“Oh, I need to go. Guys, lipat tayo.” Nagmamadali silang lumabas ng cafe noong mga kasama niya, huling-huli ko pa ang pag-irap nila sa akin.
Nagkatinginan kami ni Mark pagkatapos ay inirapan ko siya. Naiirita ako dahil naalala ko na kung sino 'yong babaeng 'yon. That girl was his supposed to be girlfriend before me!
“Galit ka ba?”
“Ano sa tingin mo?” Tumayo ako at iiwanan sana siya doon pero hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo ulit ako.
“Wag kang mag-walk out kapag nagseselos ka.” He chuckled.
“Gago ka, I'm not jealous. I'm just...” Actually, I'm really jealous but I don't want to admit it.
“Sorry na,” paghingi kaagad niya ng tawad. “Ayokong nagagalit ka sa akin, nalulungkot ako kapag nakikita kong hindi kita napapasaya. I'm sorry, okay?”
Shit. How can I stay mad at him? Mata pa lang niya'y malambot na nga ang puso ko.
“Sige na nga.”
Lumawak ang ngiti niya at parang mga tanga kaming ngumiti sa isa't-isa. Hindi pa siguro kami titigil kung hindi biglang nag-ring ang phone ko at tumawag si Lovie.
Binalikan namin siya doon sa mall at pagdating namin doon ay kasama na niya si Xian, 'yong bassist ng dating banda ni Mark. Kasama rin nila si Nathan at Niccolo. Nakasalubong raw sila habang namimili ng damit si Lovie.
Nagkayayaan naman kaming kumain sa isang fastfood chain. Medyo okay naman though there was a slight awkwardness between me, Mark and Nathan.
Umuwi na rin ang lahat kaso medyo nahuli ako dahil dumaan pa ako dito sa wash room, sinabi ko nalang kay Mark na hintayin ako doon sa may exit.
Lalabas na sana ako sa wash room nang bigla kong marinig ang isang pamilyar na boses.
“Alam mo ba ang plano ni Mark?" si Nathan iyon sa mahinang boses. Mukhang sinadya niya iyon para walang ibang makarinig.
Sumilip ako sa maliit na awang nitong pintuan ng washroom para makita kung sinong kausap niya sa hallway. Babae iyon pero nakatalikod siya kaya hindi ko makilala kaagad.
"What plan are you talking about and why do you want to meet me here?”
Nanlaki ang mga mata ko at lalong itinuon ang tainga para makinig, kasi kung hindi ako nagkakamali ay si Clarisse 'yon!
“Plano ni Mark na paalisin si Mira sa school dahil 'yon ang napagkasunduan nila ng Silent Zone Zero.”
Nanginig ang tuhod ko, kung 'di siguro ako nakakapit sa pinto ay natumba na ako. Anong deal ang sinasabi niya? Bakit parang hindi naman nababanggit ni Mark sa akin iyon?
“What?”
“Galit na galit si Leo kay Miracle at gusto niyang maparusahan 'to ng grupo.”
Si Leo?
“Ano namang kinalaman ni Mark sa Leo at Miracle na 'yan?” tanong ni Clarisse, medyo napataas ang boses niya pero pinahinahon siya ni Nathan.
“Nakipag deal si Mark sa banda dahil nadamay ang pangalan niya noong sinabi ni Miracle na siya ang boyfriend nito. Nagalit rin si Mark at gusto niya rin na gumanti, pati ako gusto niyang paglaruan dahil alam niya na ex ko si Mira. Kapalit ng pagiging vocalist niya sa banda ang itinaya niya. Kapag napaalis niya si Crishelle sa eskwelahan ay makakabalik na rin siya sa pagkanta.”
Napahawak ako sa dibdib kong naninikip at patuloy pa rin na nakinig sa usapan nila. Umiiling ako sa sarili dahil hindi ako makapaniwala.
“At kapag hindi niya nagawa?”
“Hindi na siya makakabalik sa banda at may nakahandang parusa na sa kaniya ang SZZ.”
“Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin 'to?” may pag-aalalang tanong ni Clarisse.
“Dahil hindi na kaya ng konsensiya ko ang ginagawang pagpapaikot ni Mark kay Mira, mahal na mahal ko si Miracle at hindi ko kayang makita siyang masaktan ng husto sa huli.”
Hindi ko namalayan na pumatak na ang luha sa pisngi ko. Hindi magawang maproseso ng utak lahat ng narinig kong rebelasyon ni Nathan ngayon. Ayaw kong maniwala!
Kasi nangako siya sa akin, nangako si Mark na hindi niya ako sasaktan at alam niya kung gaano kahirap para sa akin ibigay ang pagtitiwala ko.
Sana nga hindi 'to totoo... kasi hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top