Chapter 27
“Kaya mo 'yan, Lovie! Ikaw pa ba?”
Pinalalakas ko ang loob ni Lovie ngayon dahil siya na ang magrereport ng bagong business proposal na ginawa namin. Katatapos ko lang at mas confident naman ako kumpara noong nakaraan, napag-aralan ko kasi ito ng mabuti at wala ng masyadong gumugulo sa isip ko.
I am the leader of the team so I figured that I should be more organized and have time management. Dapat hindi ko hinahayaan na pangunahan ako ng mga emosyon ko kasi makakasira lang iyon sa mga projects ko, susubukan kong itabi ang mga personal na problema ko sa susunod kasi pati ang mga ka-grupo ko ay maapektuhan pa.
“Kinakabahan talaga ako, mahina ako sa question and answer!”
“Binasa mo naman 'yung sinend ko sa'yo 'di ba? You should be good.” Paninigurado ko.
“Oonga, binasa ko lang 'yong sinend niya kaya nasagot ko ang mga tanong tungkol sa proposal natin.” Sabi naman noong isa kong ka-grupo.
I felt proud, lalo na noong sumabak na nga si Lovie. Maayos rin niyang nagawa iyon at napuri pa ang grupo namin, nag-thank you sila sa akin at kakaibang satisfaction ang naramdaman ko.
“Ang galing mo manager!” biro nang isa sa mga ka-grupo ko, 'yon kasi ang nilagay na position ko doon sa proposal.
“It's because of our team work and effort kaya napuri tayo.” Tugon ko naman.
“And that is because you're a great leader! Magaling ka mag-lead ng mga members mo.”
Ngumiti na lamang ako.
“Celebrate tayo after class? KKB naman.” Si Vicky, kagrupo rin namin.
Napagkasunduan nalang namin na kumain sa isang fastfood chain, kasma rin naman si Lovie kaya pumayag na ako. Anim kaming lahat, tatlong lalaki at tatlong babae.We are now having fun while waiting for the orders, palabiro rin kasi si Joseph at maraming baon na kuwento.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtawa nang biglang nag-vibrate ang phone ko na nakalagay sa bulsa ng palda ko, inilabas ko iyon at binasa kaagad ang text message. Galing ito sa boyfriend ko.
Mark:
Nasaan ka? Akala ko sabay tayong mag-luch ngayon?
Napawi ang ngiti ko at halos masapo ang noo ko. Nakalimutan ko na nangako nga pala ako sa kaniya na sabay kami!
Ako:
Sorry, nagkayayaan kasi kami ng mga kagrupo ko sa business proposal. Napuri kasi ang team namin and we had the highest score.
Mark:
Ah, ganon ba? Saan ba kayo? Pupunta nalang ako diyan.
Ayos lang ba na pumunta siya dito? Baka kasi nakakahiya sa mga kagrupo ko. I mean... kami-kami kasi ang nagkayayaan dito. Maiintindihan naman siguro niya iyon?
Ako:
Huwag na Mark, may gagawin pa rin naman yata kami. Sige na, eatwell. I love you. Babawi ako.
Pagkatapos naman naming kumain ay naghiwa-hiwalay na rin kami, si Lovie nalang ang kasama ko ngayon pabalik sa school. Kikitain na rin namin sila Sam at Margaux.
“Ka-text mo si Mark kanina?” tanong ni Lovie.
“Oo, bakit?”
“Pinicturan ka na naman ng mga tsismosa kanina.” Ipinakita niya sa akin ang isang picture sa cellphone niya.
The post was one hour ago pero marami na agad ang reactions. Tingin ko kanina lang ito kuha noong kumakain kami sa fastfood.
The photo was cropped para magmukhang isang lalaki lang ang kasama ko habang kumakain, tapos 'yong pangalawang picture naman ay si Mark habang kumakain nang mag-isa sa cafeteria.
The caption says, “Nahuli ko ang girlfriend ni Mark Dan Reyes na may kasamang ibang lalaki, pagkatapos si Mark mag-isa lang. The girl does not deserve him.”
“Hindi talaga sila titigil 'no?” ani Lovie.
Suminghap ako at pinindot ang comment section noong post.
“Ang kapal ng mukha!”
“Parang hindi babae!”
“Kawawa naman si Mark, niloloko niya lang!”
“Umalis pa ng banda 'yong isa para sa kaniya tapos lolokohin niya lang?!!”
“So cheap!”
“Chrishelle Miracle Alvarez, 'yan guys minention ko na 'yong malandi!”
Nanginginig ang mga kamay ko nang ibalik ko kay Lovie ang phone niya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon... actually wala naman akong pakialam sa tingin ng mga ito sa akin. Nag-aalala lang ako kay Mark, mag-isa pala siyang kumain kanina. Bakit hindi niya nalang sinabi sa akin? I feel guilty.
Nagmamadali ako sa paglalakad while I try to call Mark, luckily ay sinagot naman niya kaagad iyon.
“Nasaan ka?” Tanong ko.
“Nandito sa field– bakit?”
“Wait for me there,” saad ko at ibinaba na ang tawag.
Medyo kinakabahan ako ngayon dahil iniisip ko na baka naniwala siya sa mga 'yon. Ayaw ko na pagmulan na naman ito ng misunderstanding naming dalawa.
Halos mabali ang leeg ng ibang mga estudyante kapag nakikita ako dahil sunod sila ng sunod ng tingin. Sinabihan naman ako ni Lovie na huwag nalang silang pagtuuanan ng pansin.
I nodded and walked faster, hinahapo ako nang makarating na sa field. Nakita ko rin agad si Mark sa may ilalim ng puno, he was patiently waiting there like what I have asked him to do.
Naglalakad pa lamang ako papunta sa kaniya ay may nauna nang lumapit sa kaniya.
“Si Sabrina 'yon 'di ba?” ani Lovie.
Tumango ako at pinagkunutan ng noo ang nakikita ko. Naiinis ako pero lumapit pa rin ako kila Mark at Sabrina, bakas naman sa mukha ng kapatid ko ang gulat nang makita niya ako. Tumigil siya sa kung ano man ang sinasabi niya kay Mark kanina.
“Sabrina...” banggit ko.
“So Mark, nakita mo na ba?” Nagsalita ulit siya. She did not pay attention to me.
“Ang alin ba?” Patamad na sagot nito.
Pigil hininga naman ako habang naghihintay sa mga susunod na ikikilos ni Sabrina. Bakit ba kasi ang daming tsismosa na nagpapakalat ng mga maling impormasyon?
Inilabas nito ang phone niya at ipinakita 'yong post. Wala namang reaksyon si Mark, parang hindi man lang siya nagulat.
“Nakita mo na?”
“Oo, kanina pa.” Nagkibit balikat siya at tumitig sa akin.
“She is cheating on you, sabi ko naman sa'yo pinaglalaruan ka lang ni Chrishelle. Kilala ko yan–“
“Tsismis lang 'yan, marami silang kasama kanina. Kasama ni Miracle ang mga kagrupo niyang mag-lunch. Halata naman sa picture na pinamukhang silang dalawa lang ang magkasama.”
Natahimik si Sabrina dahil sa sinabi ni Mark at ibinaba na ang phone niya.
“Hindi ako lolokohin ng kapatid mo, alam mo dapat 'yan. Hindi niya gagawin ang ginawa ng tatay niyo sa kanila ni Tita Francisca.” Hinapit ako ni Mark sa tabi niya at hinarap kami ni Sabrina sa isa't-isa.
Nanggigilid na ang mga luha ko ngayon at mukhang ganoon rin si Sabrina, wala siyang sinabi sa akin pero parang pinagsalitaan na niya ako ng mga masasakit na salita dahil sa mga titig niya.
“Humingi ka ng tawad kay Miracle.” Si Mark.
Sabrina gritted her teeth and turned her back. Noon na ako nawalan ng lakas sa pagpigil ng luha ko, pinunasan naman kaagad ni Mark iyon at lumapit na rin si Lovie para hagurin ang likod ko.
I have mixed emotions right now. Masaya ako kasi naiintindihan ako ni Mark at malaki ang tiwalang ibinibigay niya sa akin, pero nalulungkot rin ako dahil hanggang ngayon ay punong-puno pa rin ng galit ang puso ni Sabrina para sa akin.
“Irereport ko sa head ng school 'yung nagpost noong mga picture. Paghihingin ko rin siya ng tawad sa'yo.” Niyakap ako ni Mark habang umiiyak pa rin ako. Hindi na rin kasi ako makapagsalita.
Madali namang naipatawag 'yong babaeng nag-post noong maling tsismis sa social media. Pinagpost na rin siya ng public apology at deleted na 'yong nauna. She even gave me a halfhearted apology in person.
“Huwag mo nalang uulitin iyon, kahit kanino pa.” Payo ko sa nakayukong estudyante.
“Sorry na talaga, naawa lang naman ako kay Mark.”
“Kahit na, you should be responsible sa mga pinopost mo sa social media. Isipin mo muna 'yong puwedeng consequences noon. I understand that you are still young and can be easily driven by your emotions, ganoon rin naman ako minsan. Kaya sana maging lesson 'to para sa ating lahat.”
I chose to be the bigger person and forgive. Hindi na ako nakipag-argue pa at binigyan na lamang siya ng payo, bata pa kasi ang isang ito at Grade nine pa lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top