Chapter 26

Tumigil kami at huminga, pagkatapos ay tumitig sa mga mata ng isa't-isa. We giggled, not looking away at each other.

"Ano?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Tita, 'yong anak mo po ang landi." Nag-iinit ang pisngi ko.

Bumaling nalang ako sa picture frame na katabi noong urn, masyadong nakakapanlambot kasi ng tuhod ang mga titig ni Mark at pagkatapos dumagdag pa 'yung aftermath ng halik kanina.

He chuckled and pulled me closer. "Ako malandi?"

"Tita, baka nakikita niyo na naman siguro diyan sa langit kung gaano karaming babae na ang nilandi nitong anak niyo." I chuckled too and leaned to Mark's shoulder.

"Grabe ka sa akin, a? Ikwento mo nalang kay Mommy kung anong mga nagustuhan mo sa akin, dali. "

"Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ko sa'yo, e?"

"Kunwari ka pa, pinagkakalat mo nga na boyfriend mo ako kahit hindi kita kilala."

"Bakit? Ganoon rin naman ang mga fangirls mo, a? Pero ako lang ang inaway mo dahil lang sinabi ko sa iba na boyfriend kita! Kasi ayon pala ay gusto mo lang pumorma sa'kin." I fired back.

Ngumuso ako at habang inaalala lahat ng iyon. I could say that out first meeting was not great, and my first impression too. Akala ko puro papogi lang ang alam niya at hindi siya marunong makunteto sa isang babae.

Pero bumawi naman siya doon sa casual date namin sa theme park, at ngayon mas nakilala ko na talaga ang totoong siya.

"Ang kulit-kulit mo rin naman kasi."

"A, basta ikaw talaga may kasalanan kung bakit tayo nandito ngayon. Malandi ka kasi!"

Kumunot ang noo niya. "Hindi naman kasalanan 'tong relasyon natin. Mali ba 'to sa paningin mo?"

Natigilan ako dahil doon at tumikhim. "Ha? Hindi naman."

Tumawa naman si Mark doon at pinisil ang pisngi ko gaya ng nakasanayan niyang gawin.

"Malalamog pisngi ko sa'yo, e!" Inis na sabi ko ngunit natatawa-tawa.

Pero natigil ako at tumitig nalang sa mukha niya, may narealize kasi ako. Heto na naman ako at masaya na ulit na para bang hindi ako naubusan ng luha kagabi!

Being a relationship with this guy is like riding a roller coaster... and guess what? I am not allowed to ride those because I have a weak heart. Pero gaya nga ng pagsakay sa ride na iyon, kahit nakakaba at kahit may kaunting takot sa umpisa ay nakakalimutan ko na lahat 'yon kapag napalitan na ng saya at adrenaline rush.

Nababaon lahat ng takot at kaba kapag umandar na ito- gaya nalang ng kapag kasama ko na siya, nakakalimutan ko na puwede akong mapahamak o masaktan.


Napalunok ako at bumalik ang tingin sa letrato ng Mommy niya.

Nangako na naman siya sa akin at magtitiwala na talaga ako, may promise ring na rin kaming suot ngayon. So I guess this will help me to conquer my trust issues.

"Akong bahala sa anak mo, Tita."

Pinagsaklop niya ang mga kamay namin at pagkatapos ay tumingin ulit sa mata ng isa't-isa. He gave me a comforting smile then kissed my forehead.

Our relationship went smoothly, but the gossips around us didn't stop. Maraming fans ang sinisisi ako dahil tuluyan na ngang umalis sa dating banda niya si Mark bilang vocalist. May kumakalat na tsismis na ako raw ang nagpumilit na paalisin siya sa dahil lang sa nagseselos ako sa mga fangirls niya.

Aba buti pa sila alam na iyon ang dahilan ng boyfriend ko?

"Ayos ka lang?" tanong niya bigla.

"Yeah," sagot ko habang nakakunot ang noong nanonood sa stage.

Nakahalo kami ngayon dito sa crowd ng gymnasium. Tutugtog kasi ngayon ang Zone Zero at gaya nang ginagawa nila noong mga nakaraan ay ang kakanta muna ay si Nathaniel.

   "Kanina pa kasi nakakunot ang noo mo, may iniisip ka ba?"

Lumambot ang ekspresyon ko at bumaling sa kaniya, "I was just wondering kung anong dahilan ng pag-alis mo sa banda."

Tumikhim siya at tumingin sa entablado. "Pinaalis ako muna ako ng brotherhood..."

"What?"

Hinawakan niya ako sa braso at hinila paalis sa crowd, hindi na yata kami manonood dahil dinala na niya ako hanggang sa labas ng building ng school.

   "Pinaalis ka ng Silent Zone Zero sa banda? Bakit? Hindi ka na ba kasali do'n?" naguguluhang tanong ko. Narito kami ngayon sa loob ng sasakyan niya.

"Kasali pa rin ako sa brotherhood, pansamantala lang nila akong pinaalis na banda dahil..." Bumuntong hininga siya.

    "Dahil ano?"

Pinagsiklop niya ang mga palad namin at hinalikan niya likod ng kamay ko. Namamawis at nanginginig naman iyong kaniya.

"May ipinapagawa sila sa akin." Parang napilitan pa siyang sagutin iyon.

So it is about their dares?

"Anong dare sa'yo?"

Tumitig siya sandali sa akin, tapos sa labas ulit sa windshield. Kita ko ang ginawa niyang paglunok at mukha siyang kinakabahan.

    "H-Hindi na mahalaga 'yon."

"Sana magawa mo na kung ano man iyong pinagagawa nila para makabalik ka na sa banda."

    "B-Bakit naman?"

"Kasi I've noticed that singing was really your passion, you look so passionate whenever I see you perform to that stage. Ayokong sukuan mo ang passion mo, gusto kong ipagpatuloy mong gawin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa'yo."

He let out a deep breath again. "Masaya na naman ako sa'yo."

"Siyempre iba pa rin iyong satisfaction kapag nagagawa mo ang mga bagay gusto mo. Nakakainggit ka nga e, you already found your craft. Ako hanggang ngayon, hindi pa. Kaya sana makabalik ka na sa banda, I can't wait to see you perform again and give your best."

A ghost of smile appeared on his face.

"Teka, saan nga pala tayo pupunta?" Pang-iiba ko sa usapan.

   "Date tayo, matagal-tagal na rin kitang hindi nailalabas."

"Syempre busy sa studies."

     "Kaya nga." He chuckled.

Nanood kami ng sine at napaiyak ako do'n, kasi 'yung mga main characters ay hindi nagkatuluyan sa huli. Hindi sang-ayon ang panahon sa pagmamahalan nila noon, pagkatapos nang magkita ulit sila in the present ay hindi pa rin umayon ang panahon. They loved each other but they are not destined.

I get that stories like that are based on reality pero ayoko ng mga ganoon kasi masyadong masakit sa puso. Hindi ko yata kakayanin 'yon kung sa akin mangyayari. I can't imagine my love being in someone else's company.

   "Kung ako do'n sa lalaki, I will wait faithfully for the girl." sabi ni Mark at umakbay pa sa akin habang palabas kami sa cinema.

"He was hurt, ang dami na niyang nasakripisyo..."

"Gano'n naman talaga kapag nagmamahal ka? Marami kang isasakripisyo, dapat talaga hinintay niya 'yong babae." Nanindigan pa rin siya doon sa sinasabi niya.

May point naman si Mark, pero iba-iba naman kasi ang takbo ng utak ng mga tao. Siguro kung si Mark kaya niyang maghintay para sa babaeng mahal niya kahit gaano pa kahirap, may mga tao rin naman na pinipili na lang magpaubaya at hayaan ang tadhana.

"Nagsakripisyo ka na rin naman. Ano pa ba 'yung ilang taon na paghihintay 'di ba? Love is patient." pahayag niya pa.

Wow, this Man is something else!

I snorted, "Hindi bagay sa'yo, Mark."

"Syempre, tayo ang bagay."

Lalo akong natawa dahil ayan na naman siya sa mga cheesy and korni banat niya. Hindi yata talaga nauubusan 'to at palaging may baon?

    "So you'll wait for me kapag nagkahiwalay tayo?" I asked.

Mayabang siyang tumawa at bumaba ang kamay niya sa beywang ko. "Sinong may sabi na pakakawalan pa kita? Sasapakin ko 'yun."

"Gago ka..." hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top