Chapter 24
Halos nakalabas ang kalahati ng katawan ko sa bukas na bintana ng kotse, dinadama ko ang hangin na sumasalubong sa amin. Malaming ang temperatura dito because we're going to the upper part of the city and it's already six a.m.
“Hmmm!”
“Mag-ingat ka nga diyan.” Hindi nagkulang sa pagpapaalala si Mark habang natatawa-tawang nagmamaneho.
Umayos rin naman ako ng upo kalaunan at sumabay sa malakas na music na nanggagaling sa stereo, may kaunting sayaw pa nga iyong kasama. Kahit si Mark ay nadadamay na rin sa kalikutan ko at napapaindak na.
I chuckled with him. This feels so right, it feels so delightful that I don't ever want this to end. Kung puwede lang na dito nalang kami sa byaheng 'to habang buhay.
“Tayo na.”
We reached our destination after an hour of driving, he parked his car on the mini parking lot. Dito kami sa isang kilalang coffee shop located in Tagaytay, medyo tago ito mula sa highway at hindi masyadong pansin sa una.
Pinagkiskis ko ang mga palad ko dahil sa lamig na yumayakap sa akin, napansin naman ni Mark 'yon kaya may kinuha siyang jacket mula sa loob ng kotse at isinabit 'yon sa balikat ko.
“Thanks," saad ko.
Ngumiti lang siya at hinapit ako sa beywang.
Nang makapasok kami doon ay dumiretso kami sa may labas na part para mas ma-enjoy namin ang magandang tamawin. Parang typical lang kasi na coffee shop ang itsura ng loob nito, except sa magandang view na mayroon ito sa labas.
Unti-unti nang sumisilay na ang araw-araw kaya medyo nakikita na rin ang magandang lanscape view ng taal volcano. It almost looked like a painting because of its perfection. The sky was turning blue and the green leaves of trees are still moist from the fog.
Wala pang masyadong tao rito kaya naman tahimik pa ang paligid. Tanging paghampas lang ng sariwang hangin sa mga dahon ang naririnig, at ang sariwang hangin na iyon ay hinaluan pa ng amoy ng kape na bumabalot sa paligid nitong cafe.
This place is perfect if for relaxation... to temporarily escape from the stressful and cruel world out there.
“Order lang ako, anong gusto mo?”
“Frappe, charamel macchiato.” tugon ko.
Tumango naman siya at kaagad na umalis.
Inilabas ko ang phone ko to check some notifications then I snapped a few pics then posted it on my stories. Habang tinitingnan 'yong mga pictures ay naalala ko ang kapatid kong si Sabrina.
Matagal na niya kasing gusto na pumunta rito kasama ako... Uh, I miss talking to her. Kumusta na kaya iyon? Kahit naman nagalit ako sa mga sinabi niya noon ay mahal ko pa rin siya, kasi kapatid ko siya at kaibigan.
We were inseparable back then kaya hindi ko ganoon kadali mabibitawan ang pagsasamahan namin. Sanggang dikit kami, siya lang ang kakampi ko minsan at ako lang rin ang kakampi niya madalas. Kaya hindi ko alam kung bakit umabot kami sa ganito.
Dahil pa talaga sa lalaki, huh? The irony.
Bumalik lang ako sa ulirat nang umupo na si Mark sa may tapat ko. Tumikhim siya at tinanaw rin ang taal volcano, inilabas niya rin ang phone niya para i-video ang lugar.
“Ang ganda...”
“Oo nga eh.” Tumango ako habang nakangiti. I closed my eyes then enhaled some fresh air.
“Ang ganda mo,” ani Mark.
Napatingin ako sa kaniya, 'yong phone pala niya ay nakatutok na sa akin. Ang lalaking 'to talaga napakagaling mambola!
“Stop!” Tinakpan ko ang camera noon.
Tumawa naman siya at ibinaba na rin iyong phone niya. “Ang swerte ko naman?”
Nag-iinit ang pisngi ko at hinampas ko siya sa braso. “Shut the fuck up, Mark.”
“Gusto mo lang yatang halikan kita?”
“Fuck–look, I didn't mean to cuss okay?” Humalukipkip ako at inirapan siya.
“Sige na nga, sabi mo.” He smirked.
Nagbaba nalang ako ng tingin at uminom do'n sa charamel macchiato na in-order niya para sa'kin. Frappe ito at pinili pa rin talaga namin kahit malamig.
“Paborito kong puntahan ang lugar na 'to,” saad niya.
“Siguro marami ka nang babae na dinala rito?”
“Hindi, 'no. Sobrang espesyal ng lugar na 'to para sa akin. Ayokong maraming may makaalam na dito ako nagpupunta kapag may problema.” He smirked tapos uminom na rin do'n sa frappe.
Nagtaas ako ng kilay nang magsalubong ang mga tingin namin, “May problema ka ba ngayon?”
“Marami lang gumugulo sa isip ko.” Isang malalim na pagbuntong-hininga ang ginawa niya.
“Am I one of it? Naguguluhan ka na ba sa nararamdaman mo para sa akin?” diretsang tanong ko.
Tumitig siya sa akin na parang natumbok ko nga ang iniisip niya.
I smirked. “Mark, kung naguguluhan ka sa aming dalawa... You should choose her, maiintindihan ko naman.”
Alam kong hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya sa amin ni Clarisse. I know that I am just an option, at naiintindihan ko naman talaga kahit masakit. At least kung iiwan niya ako ng mas maaga maaga ay baka mas maaga ko rin siyang makalimutan. Isa pa, ayoko namang ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin.
“Hindi iyon 'yun, Miracle.” Inabot niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa at bahagyang pinisil iyon.
Napatingin ako doon bago sa kaniya. “E, ano pala? Bakit ka naguguluhan sa akin?”
Natahimik siya at yumuko, mukhang hindi na talaga niya alam ang sasabihin niya kaya tumigil na rin ako sa pang-uusisa sa kaniya. Malinaw na rin naman ang sagot kahit hindi pa niya sabihin.
Oo nga't kaya niyang maging sweet sa akin. Kaya niyang magpaka-gentleman at pakiligin ako... but he can't fake his feelings.
“H-Hindi iyon 'yun. S-Shit... I'm sorry...” utal na sabi niya at naiyak nalang bigla.
He cried infront of me. Inilagay niya ang dalawang palad sa mukha niya at inihilamos iyon. Bahagya akong nagulat at nalito.
Is he crying because of so much guilt?
“Please, don't cry.”
“Sorry...” Lalong humigpit ang kapit niya sa kamay ko.
“Okay lang sa akin, Mark.”
“K-Kung kaya ko lang... Kung kaya ko lang ayusin lahat 'to... Pangako hindi kita hahayang mapahamak pa ulit.”
“I understand.”
Ilang minuto rin kaming hindi nag-imikan hanggang sa nagpasya na akong mag-aya umuwi. Kahit sa byahe ay hindi pa rin kami nakapag-usap nang matino.
Noong papunta kami doon ang saya-saya ko, ngayon naman... Ang laking bawi naman nito?
“Thank you, Mark.” I smiled, kahit masakit.
Narito na kami ngayon sa tapat ng gate ng bahay namin, bumaba rin siya sa sasakyan niya at hindi ko alam kung para saan pa.
“Sana maging masaya ka–“ Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap nang mahigpit.
Naririnig ko ngayon ang pagtibok ng puso niya dahil lumapat ang ulo ko sa dibdib niya.
“Naguguluhan ako– naguhuluhan ako dahil nahuhulog na talaga ako...” bulong niya sa tapat ng tainga ko.
I pushed him hard. Parang nabingi ako nang marinig ko nanaman ang 'naguguluhan' na salita mula sa kaniya.
“Umuwi ka na, magpahinga ka.”
Tinalikuran ko na siya at pumasok sa loob nang mabuksan na ang gate. Ako na rin mismong ang nagsara noon para hindi na siya magtangka pang sundan ako rito sa loob. Gaya niya ay gulong-gulo na rin ako sa relasyon naming dalawa at hindi ko na kaya pang mag-isip ng maayos.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top