Chapter 23

"Mabuti nalang naabutan ko sila, akala ko huli na ako. Miracle, sobrang nag alala ako." Mark fixed my hair and clipped some strands of it behind my ears.

Nandito na naman kami sa infirmary ngayon. Suking-suki na kami ng lugar na ito dahil sa sunud-sunod na gulo na kinasasangkutan ko.

Up until now is am still speechless, I feel traumatized. Ngayon ko lang naranasan ang bagay na iyon at ayoko ng maulit pa. Totoong muntik na ako paluin noong babae ng bakal na tubo, mabuti nalang talaga at dumating siya.

 "Ano ba kasing ginagawa mo sa lugar na 'yon?" He looked pissed. Medyo iniinda niya rin ngayon ang balikat niya na natamaan ng tubo.

"Bigla na lang akong hinablot nung isang babae, she had a bigger frame than me kaya naman hindi ako makapalag... Kilala mo naman ako 'di ba? I fight back!" Sumimangot ako at pilit na inalis sa isip ang scenario kanina, because I'm fucking sure that I'll have nightmares because of that.

He sighed. "I'm sorry, hindi na pala kita dapat hayaang mag-isa."

"Kaya ko naman talagang ipaglaban ang sarili ko–"

   He cut me off, "Kaya pala muntik ka ng mabasagan ng bungo kanina?"

May punto nga siya doon pero nagulat lang naman kasi ako. Oo, palagi akong nabibigla sa pagsugod sa akin ng mga babae linggo-linggo. Kaya hindi ako makalaban ng maayos.

Pero ayaw ko naman na maging pabigat pa! Hindi ako sanay na maging dependent sa iba, ayokong masanay na umaasa sa ibang tao. Kasi... paano kung bigla rin nila akong iwan? Eh 'di ako na naman ang kawawa.

   "Nabigla lang ako sa nangyari kanina. Ngayon magiging mas mapagmasid na ako para makapaghanda."

“Basta, hangga't kaya kong nasa tabi mo lang ako ay hindi kita iiwan mag-isa.” Mark sighed heavily. He looked like he was scared, worried or frustrated, there's too many emotions that I don't know anymore.

      “You don't need to worry about me, Mark. Promise...”

“Hayaan mo nalang akong protektahan ka. Boyfriend mo ako, tungkulin ko 'yon.” He insisted.

   My eyes slightly widened and his words made me smile. He really cares for me that much, huh? Nakakataba naman iyon ng puso.

     “Are you this sweet and caring ba talaga sa mga nagiging girlfriend mo?” I asked.

Wala sa sarili siyang tumango.

   “Kaya naman pala maraming patay na patay sa'yo,” dagdag ko pa.

Kung tutuusin, perfect boyfriend na sana siya. He's gentleman, caring and understanding. Bonus pa na gwapo siya at talented. Ang kaso nga lang mabilis siyang magpalit ng girlfriend at maraming babae ang patay na patay sa kaniya.

Handa pang manakit ng iba ang mga babaeng 'yon dahil bulag na bulag sila mula sa attraction nila sa lalaking ito.

"Ah... Miracle siya nga pala, sa Sabado," bigla niyang sabi kaya naguluhan ako.

"Ano 'yun?" I asked.

     "Birthday ko."

Lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Bakit hindi ko alam iyon? Bakit iba naman ang nakalagay sa social media accounts niya? 

"Really?"

    "Oo."

"Iba kasi ang nakalagay sa social media pages mo." Hindi pa rin ako makapaniwala.

    "Iniba ko talaga para kaunti lang ang totoong may alam. 'Yong mga taong malalapit lang talaga sa akin."

Napangiti ako dahil sa pagpapaliwanag niyang iyon. I feel special... "A-Anong ganap?"

   "Sa bahay lang, barbeque and pool party. Puwede ka bang pumunta?" Namumula ang tainga niya at nag-iwas ng tingin sa akin. He looked so fucking cute.

"Ilang taon ka na no'n?" I asked smiling while watching his face turn red even more. He's slowly turning into a tomato and I chuckled lighlty because of that.

    "I'm turning nineteen."

"Sure, I'll go!"

Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti ng malawak, pagkatapos ay niyakap niya ako ng sobrang higpit. "Thank you, lady!"

Hinatid ako ni Mark sa dito sa bahay at kausap niya na ngayon si Mama para ipagpaalam ako sa darating na Sabado. Nalaman na rin nito ang nangyari kanina, nainis siya at inisip na dahil na naman 'yon kay Mark. Sa huli ay napaliwanagan na naman namin siya.

I don't want her to think na pahamak lang ang dala sa akin ni Mark.

   "Kita tayo sa birthday ko ha?" aniya bago ako halikan sa noo at naglakad patungo sa corvette.

Nakatayo ako rito sa may tapat ng gate namin at hinihintay nalang siyang umalis. I waved my hands and crouch a little to say goodbye noong makasakay na siya.

Mabilis na dumaan ang mga araw at dumating na nga ang kaarawan niya. I baked a chocolate cake for him at iyon na lang rin ang regalo ko sa kaniya, sabi naman kasi niya he loves my cooking.

     “Happy Birthday to you!

Happy birthday. Happy birthday Mark Dan!

Pagkanta ng mga kaibigan niya at ibang ka-brotherhood, kami-kami lang rin ang nandito dahil sabi nga ni Mark ay mas maganda kung kaunti lang kami.

Narito ako ngayon sa isang gilid ng pool at pinagmamasdan silang lahat na magsaya. It's already two in the morning, pero hindi pa sila tumitigil. They are drinking and dancing around, they're really having fun.

Wala rin naman kasing naiistorbong kapitbahay dahil medyo layo-layo ang bahay dito sa village nila. Kumpleto ang mga kabanda niya, even Clarisse is here. Ang sweet pa nga nilang dalawa pa minsan at inaasar sila.

Sa tuwing na aalala ko tuloy na gusto niya si Clarisse dati ay parang nadudurog ang puso ko. I still couldn't trust Mark's words kahit pilitin ko ang sarili ko. Ang hirap ng tanggalin nitong trust issues ko sa mga taong nakapaligid sa akin...

   "Hey." Umupo si Mark sa tabi ko at ibinabad rin ang kalahati ng mga paa niya sa swimming pool.

   "Oh? Bakit ayaw mo magpakasaya do'n?"

"Paano ako magpapakasaya kung ang araw ng kaarawan ko, 'yong araw rin kung kailan namatay si Mommy?"

   "I'm sorry," sabi ko. Ilang minuto rin kaming nanahimik at nakatingin lang sa mga bituin sa taas. Kung ganoon nawala pala ang Mommy niya sa araw ng kaarawan niya? That sucks big time...

"Tsaka mas masaya akong kasama ka." He smirked.

    "Fuck you, nambobola ka na naman!"

He claimed my lips. "O, bad mouth kasi!"

Tinampal ko naman ang nguso niya tapos pasimple akong ngumiti para mailabas mula sa biglaan niyang paghalik sa akin.

    Ngumuso siya, "Teka, hindi mo pa pala ako binabati."

"Happy birthday!" mabilis na sabi ko.

       "Parang hindi naman sincere!"

Napangiti ulit ako dahil sa pangungulit na ginagawa niya. "I'm sincere kaya! Paano ba dapat kita batiin?" I smirked inward.

“Gusto mong gumala?” tanong niya.

     Nagkunot noo ako pero hindi ko maalis ang ngiting sumisilay sa labi ko. Lumingon ako sandali sa mga bisita niya na nagsasaya sa kabilang side ng pool at binalik ang tingin sa kaniya. “Gagala? May party ka at 'yong mga bisita mo iiwan mo? Are you trolling?”

    “Sumagot ka lang ng 'Oo', iiwanan ko silang lahat dito,” hamon niya. “Gusto mo ba, Miracle?”

    Inimbitahan niya 'yong mga tao dito tapos bigla siyang mawawala sa sarili niyang party. “Wait, Mark that's rude–“

    “Lady... gusto mo ba?” He looked directly in my eyes while having that playful smirk of his.

  I kneaded my chest because my heart started beating so fast again. “Oo...”

His grin grew wider at tumayo kaagad siya sa pool, hinwakan niya ako sa pulso at maingat na pinatayo rin.

      “Tara, Lady.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top