Chapter 21
"Iuuwi na kita sa inyo ha?" tanong niya habang nakatitig sa kalsada.
"Ayokong umuwi."
"Bakit naman? Nag-away ba kayo ni Tita?"
Napalabi ako bago sumandal sa seat at pumikit, "'Yung tatay ko, bumalik siya."
Sandali rin siyang natahimik noong narinig niya 'yon mula sa akin. I think, somehow, he understands me. Kasi alam niya kung anong hinanakit na meron ako sa ama ko. He knows that my father was the first man to break my heart.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya ulit.
Malalim ang ginawa kong pagbuntong hininga, "Kahit saan."
"Sige..."
He brought me to a karaoke lounge and he rented it for six hours. Nag-order na rin siya ng mga pagkain, like nachos and iced tea. Umupo ako sa sofa at pinagmasdan ang buong paligid na napupuno ng kulay blue na LED strip lights sa gilid.
Napatingin ako kay Mark nang umupo siya sa tabi ko. He smirked then brushed his hair, I stopped myself from smiling. Ang babaw ko naman kasi!
May hawak siyang mic at nakapili na rin pala siya ng kanta. Napalunok ako nang bigla rin siyang napatingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin kaya hindi agad siya nakakanta.
"S-Simula na, Mark." saad ko. Nag-init ang pisngi ko ngunit hindi parin nawala ang mga mata namin sa isa't-isa.
"Simula na ang?" tumaas ang kilay niya.
"'Yung kanta mo kako, simula na."
"A-Ah..." Nag-iwas siya ng tingin sa wakas at bumaling na doon sa malaking screen.
Ako naman ay napahawak sa dibdib ko dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. I fanned myself then drank from the glass of iced tea. Hindi nakatulong sa paghupa nitong nararamdaman ko ang ginagawa niyang pagkanta ngayon.
His singing voice is so beautiful to hear, parang pati kaluluwa ko ay nahahagod noon. Iba talaga ang epekto sa akin ng isang ito! Kahit boses niya ay nakakapag-panginig sa akin.
Parang nanonood ako ng isang special concert ngayon dahil sa galing niyang umawit, kahit chill lang ang pagkanta niya doon sa song.
“I don't know why...”
I enjoyed every minute that I'm alone with him. Kung minsan ay ako naman ang kumakanta. It was fun at nakalimutan ko ang sakit na dinadala ko kanina lang.
Isinandal ako ni Mark sa balikat niya habang umaawit siya na parang isang anghel. From that moment and then, I felt safe, I felt loved.
Nang matapos ang oras namin ay umuwi na kami sa bahay nila. Bitin pa nga kami doon sa kantahan dahil noong nasa sasakyan na kami ay nagjajamming pa rin kami at sumasabay doon sa kanta sa stereo.
Hindi ko mapigilan ang napangiti sa tuwing pumapasok 'yon sa isip ko. Ang saya-saya naming dalawa. We're so carefree that time...
“Good morning, lady,” bati kaagad niya.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Basa pa ang buhok ko ngayon at naka bathrobe lang dahil katatapos ko lang maligo.
“Ang bango naman,” aniya pa.
Pabiro kong hinampas siya sa braso at kumalas sa hawak niya. I dried my hair with a towel then checked the time on my phone.
May pasok kasi ako ngayon. I will just wear panglakad, may dala naman akong mga damit. Hindi naman kailangan sa school namin na laging naka uniform.
Pagkatapos kong magbihis ay naabutan kong nakatulog ulit si Mark. Natagalan yata ako kaya 'di niya kinaya. Hindi ko na siya ginising, sabi niya ihahatid niya ako pero naisip ko naman na huwag na lang kasi wala naman siyang pasok ngayon.
"Miracle? Sabay na tayo..." sabi kaagad ni Nathan, pagbaba ko ng hagdan.
"Ha?" Sagot ko habang inaayos ang pagkakasuot ng I.D ko.
"Sumabay ka na sa akin papuntang school."
Natigilan ako sa sinabi niya, "Ano kasi—"
Tama bang mag-sabay ang mag ex papuntang school?
"'Di ba magkaibigan na tayo? Sige na."
Tumingin muna ako sa may itaas."S-sige na nga."
Malelate na rin naman ako kaya siguro ayos lang naman na sumabay ako sa kaniya. Nagpaalam na kami kay Manang bait. Sabi ko siya nalang ang mag sabi kay Mark na pumasok na ako.
"Heto na tayo," wika ni Nathan.
Bumaba siya at binuksan ang pinto ng sasakyan para makababa ako, inalalayan niya pa nga ako.
"Salamat."
"Okay lang," he smirked.
Pumunta na agad ako sa classroom at nagpaalam sa kaniya.
"H-Hey!" bati ko kay Lovie.
Pinaningkitan niya ako ng mata at tumingin siya sa may pinanggalingan ko. Parang may hinahanap na kung ano. Nagkibit-balikat na lang ako at hindi pinansin ang ikinilos niya.
Maya-maya ay pumasok na yung prof. at nag lesson. Habang tumatagal ang lesson ay hindi ko narin mapigilan ang ihi ko.
Nagtaas ako ng kamay.
“Ms. Alvarez?”
"Sir, may I go out?" tanong ko habang nakatakas pa rin ang kanang kamay.
“Alright.”
“Thank you, Sir!”
Hay! Buti nalang pinayagan ako, hindi ko na kasi kayang pigilan ito. Nang makaihi na ako'y pumikit pa ako dahil kinilig ako sa pag-ihi.
I washed my hands then checked my apperance on the mirror before heading back to our classroom. Naglalakad na ako ngayon sa hallway para bumalik sa room.
"Hoy! Malanding pokpok!"
I clenched my teeth. Mag-isa nga pala ako ngayon! Nukhang gulo na naman ito ah.
"Ako ba ang kausap mo?" tanong ko du'n sa babae.
Hindi siya sumagot at bigla na lang niya akong dinakma, sinabunutan at dinaganan. Syempre lumalaban ako pero parang prepared 'tong babaeng 'to.
"You slut, pati magkapatid nilalandi mo! Pati si Nathan ha?"
Grabe naman 'tong babaeng 'to kung makapagsalita! Hindi ko naman alam na inampon pala si Nathan ng Daddy ni Mark! I didn't know that they're brothers!
"Bitawan mo siya!"
Bumitaw agad sa akin yung babae.
"Bagay lang talaga sa kanya yan!" turo sa akin habang nakahiga ako.
"Hindi kasalanan ni Miracle na mahulog ang loob naming magkapatid sa kanya!”
"Fine!” Inis na umalis yung babae pero maarte parin naglakad.
Fangirl naman ni Nathan ngayon ang aaway sa akin, huh? Linggo-linggo na lang ba akong makikipagsabong sa kanila?
"Pasensiya ka na.” Tinulungan niya akong makatayo.
I scoffed then rolled my eyes. “Buwisit ang mga fans niyo ha?”
“Pasensiya na talaga.” He looked sincere.
"Okay, bye!"
Nakapakinig na naman ako ng maayos sa prof. pagbalik ko, pero miss ko na agad si Mark.
"Hoy, kanina ka pa tulala diyan!" pumitik si Lovie sa harapan ko.
Nasa favorite place kami ngayon, isang milktea shop. We ordered chocolate mousse, kaming dalawa lang dahil may pinuntahan si Margaux at Sam ngayon at susunod na lang daw sila.
"Ah, wala akong iniisip."
"Hindi ko naman sinabing may iniisip ka." irap niya.
"Lovie, friends na kami ni Nathan..." wala sa sariling sabi ko.
"Talaga? Friends lang ba talaga?" Nagkatinginan kaming dalawa at nagtaas siya ng kilay sa akin.
"Oo naman."
"You know what?"
"What?" I asked while drinking my milktea.
"When ex lovers can remain friends–"
Tinaasan ko siya ng kilay at hinintay na tapusin kung ano man 'yong sasabihin niya.
"–It's either they were still inlove or never been." Pagkatapos sabihin yun ni Lovie ay parang tinakasan ako ng aking kaluluwa.
"A-Ano ka ba? Alam mo naman na si Mark na ang gusto ko ngayon."
Bigla siyang tumawa. "Oh, come on."
“Ano?”
Tumingin siya ng seryoso sa akin. "Hindi nawawala ang pagmamahal mo sa isang tao, nahihigitan, Oo."
Nasamid naman ako sa sinabi niya. “Teka, nasan na ba 'yong dalawa, ba't ang tagal?"
Pag-iiba ko sa usapan namin, baka kung saan pa kasi ito mapunta.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top