Chapter 2
Kasama ko ang mga kaibigan ko rito sa field ng ONU. Nakaupo kami rito sa bench sa ilalim ng isang malaking puno. Nakaharap ito sa pathway na papasok sa building ng senior high school. Malawak na eskwelahan itong Old Nation University at maraming buildings, kumpleto rin sa facilities kaya may kamahalan ang tuition fee.
Suot ko ulit ang earphones ko, because I prefer listening to music than talking to these three na walang ginawa kundi magtanong ng tungkol kay Mark Daniel at sa banda niya.
Sina Margaux, Sammie at Lovie ay ibang-iba kay Sabrina. Kasi buti pa si Sab, hindi ganito kasipsip. That Beast is my only true friend, and sister. Asan na nga kaya 'yon ngayon?
Tumayo ako at sumunod naman 'yong tatlo, humilera sila sa gilid at pinaggitnaan kami ni Margaux. Lahat ng makakasalubong namin ay kusang tumatabi. I don't know why though? Hindi naman kami mean girls!
“Hey! Let go off me!” pagpupumiglas ko.
Hinila na naman kasi ako ng lalaking ito sa braso palayo sa mga kaibigan ko. Maraming napatingin sa amin na estudyante at pagkatapos may nabulungan pa. Nakakahiya dahil parang kinakaladkad lang ako nito. The nerve!
Tinanggal ko ang earphones ko at lumingon-lingon sa pinagdalhan niya sa akin. Narito kami sa likod ng building na wala masyadong students, puro basura lang at may mga graffiti pa sa dirty and flaky na dingding. Dito pa talaga niya napili? Ang dugyot!
“Ano na naman ba Mister Black E–”
“Tumigil ka na nga!” Pagalit na sabi niya.
He pinned me against the wall tapos tinampal niya ng malakas 'yong palad niya sa dingding. Napapikit ako ng kaunti dahil doon, because I thought that he's going to hit me.
“Miss...” Namumula na ang mukha niya. Parang napapaso na ako sa mga tingin niya kahit may suot siyang shades.
“I-I'm not doing anything!” I pushed him tapos tinuhod ko ang pag-aari niya.
“Ahh!!”
Dali-dali akong umalis doon at iniwan siyang iniinda ang sakit. I never looked back. Tatawa-tawa pa akong naglakad sa hallway.
“Beast!” I shouted when I saw her.
Wala akong pakialam kung lalo pang mapatingin sa akin ang lahat. Pakialam ko ba? Mag-isa lang ang best friend ko doon sa may mga locker at may inaayos ito. Lumapit naman kaagad ako sa kaniya at niyakap siya while a smile was plastered in my face.
“Why are you absent yesterday?” I asked.
Sinarado niya ang kaniyang locker bago bumaling sa akin. Nanginginig niyang inayos ang makapal niyang salamin at napalabi.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin, Chrishelle?”
Nangunot ang noo ko dahil sa ikinikilos niya. “What are you talking about?”
“Sana sinabi mo na gusto mo si Mark.” she sounded like she's in the verge of crying and that hurt me. I don't really want to see anyone crying, especially if that person is dear to me. Masyadong malambot ang puso ko para sa mga ganito.
“No, Beast.” How can I explain?
“Pinahiya ako ng mga ka banda niya Issa! Binigyan ko si Mark ng love letter at umamin ako doon. Pagkatapos tsaka nila ako pinagtawanan at sinabing magpaganda raw muna ako katulad mo.”
“Ginawa nila 'yon?” Unti-unti ng nag-init ang dugo ko.
“Isinigaw nila sa buong field na mukha mo raw akong alalay! Mukha akong alalay ng bestfriend kong dyosa!”
Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at maigi siyang iniharap sa akin.
“You're pretty, Sabrina. Don't listen to their bullshits.”
“Sawa na akong magtago sa anino mo Chrishelle. Siguro hindi talaga ako bagay na maging kaibigan mo.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay iniwan niya ako rito.
Mga walanghiya talaga ang buong banda na 'yon. Ngayon naman itong pagkakaibigan namin ni Sabrina ang sisirain nila?
Pagkatapos ng klase ko ay pumunta ako sa room na ginawang studio ng mga basurang iyon. Malayo pa lang ako ay naririnig ko na ang pagtugtog ng mga instrumento nila, lalo na 'yong boses ng Mark Daniel na 'yon na mas nakapagpainis sa akin.
“You are, the only exception–”
“Fuck you!”
“What the hell?!” sigaw niya doon sa mikropono nang makita ako.
Ang mga kabanda naman niya ay natigil rin sa pagtugtog at natulala sa ginawa kong bigla at malakas na pagbukas ng pinto. Mabilis akong lumapit sa kaniya at tinanggal ang shades na suot niya. Pagkatapos noon ay buong lakas kong sinapak ang kaliwa niyang mata.
“Anong problema mo?!”
“Tangina ninyong lahat!” Dinuro ko isa-isa ang mga ka banda niya.
'Yong drummer, 'yong bassist pati na rin itong gitarista nila na si Nathaniel.
“Ano bang problema mo?!” si Mark ulit iyon. Tinanggal niya 'yong pagkakasabit sa kaniya noong gitara niya at lumapit siya sa akin sabay hawak sa braso ko.
“Kayo ang problema ko!” Iwinasiwas ko ang kamay ko para mabitawan siya then I stormed out the room.
Gaya ng inaasahan ko, kinabukasan ay lalong naging laman ng tsismisan ng mga estudyante ang pangalan ko. Siguro ipinakalat na ng mga 'yon na ginawa ko lang namang panda ang ang vocalist na idol nilang lahat. Pinantay ko lang naman ang black eye niya!
“Omg, I'm so kilig!” si Margaux iyon.
Akala kasi nila ay ipakikilala ko sila sa mga kabanda ni Mark. Why would I do that?Hindi ko naman talaga totong boyfriend iyon at lalong ayaw ko namang makilala ang mga basura na iyon!
“Do I look pretty?” Lovie asked Sam.
“Yeah, pero mas pretty ako kaya sigurado akong ako ang mapapansin ni Xian!”
Ang daldal talaga ng mga ito, I miss Sabrina! Sana kausapin niya na ulit ako. Alam ko namang hindi ako matitiis noon. Sobrang babaw namn kasi kung hindi niya man lang pakikinggan ang side ko.
Napatili ako nang bigla na naman niya akong ilayo kina Margaux. I was looking at his hands holding my wrist tight, I tried to remove it but his fingers are too strong. Nang makarating kami sa labas ng building ay tumigil kami sa tapat noong sasakyan niya. It's a dark blue, sports car.
“Sakay na,” aniya pagkatapos niyang buksan ang pinto noong passenger seat ng corvette.
Sinamaan ko siya ng tingin at pinilit ulit na alisin ang kamay niya, pero mas humigpit lang ang kapit niya.
“Ouch! This is kidnapping!”
“Is it?” mapanuyang tanong niya.
“I'll shout,” pananakot ko.
Mukhang wala naman iyong epekto sa kaniya. “Sige nga parinig? Huwag mong kalimutang isigaw ang pangalan ko ha?”
“What the fuck do you want from me?”
“Bunganga mo, Miss. Huwag kang mag-alala, may itatanong lang ako sa'yo. Hindi kita sasaktan kaya sumakay ka na.”
Napalunok ako at tumingin sa loob ng kotse, “E, bakit sa loob pa ng sasakyan mo?”
“It's a private matter. Dali na, mag-uusap lang naman tayo.”
Sumakay na lang ako sa loob para matapos na ito, kasi parang hindi naman talaga siya titigil.
“Ready? Seatbelts on?”
“Akala ko ba usap lang?!”
Ngumisi siya at pinaandar 'yong sasakyan niya nang mabilis. Wala akong nagawa at napatingin lang sa labas. I don't even know kung saan kami pupunta!
“We're here!”
“Ano 'to?” patamad akong tumingin sa labas ng bintana nitong sasakyan niya. I scoffed then crossed my arms over my chest. Naiinis ako, he drives too fast! Akala ko nga masusuka na ako kanina!
“Amusement park 'to, hindi mo alam kung ano 'to?” manghang tanong niya.
Ginawa pa nga daw akong mangmang ng isang 'to!
“Of course, alam ko kung ano 'to! What I mean is, bakit mo ako dinala rito?!”
“Hindi ba obvious? This is a date.” He smiled at me and then I felt my heart skip a beat.
Fuck what is this? Napalanunok ako at napaawang ang bibig, gusto kong barahin siya or pikunin but I suddenly couldn't think of words. Napatitig lang ako sa kaniya.
I felt something new with this stranger. May suot siyang shades pero hindi maipagkakaila ang kagwapuhan nito. He looks so gorgeous with that perfectly sculptured jaw of his, his pointed nose and that soft looking mouth, with its natural pink lips. Kaya siguro marami ang nababaliw sa kaniya?
Well... not me.
Nang makababa kami sa sasakyan ay pumila na kaagad siya sa booth para bumili ng tickets. Niyakap ko ang sarili ko at luminga-linga sa paligid, napansin kong walang masyadong tao rito ngayon. Siguro dahil na rin weekdays kami pumunta.
Hinila niya ako ulit pero mas maluwang na 'yong kapit niya, 'di katulad kanina na ayaw akong bitawan. I sighed at hinayaan nalang siya dalhin ako kung saan-saang parte ng park na ito.
“Pagkain lang pala ang kailangan para matigil ka sa pagsusungit.” Kantiyaw niya hang pinapanood akong kumain ng pink heart shaped cotton candy na binili niya.
“Ang ganda talaga dito. I hope there's a way para malibot ko ang park ng isang minuto lang.”
Kinukuhanan niya rin ako ng letrato sa iba't-ibang parte nitong lugar kanina. And infairness magaling siyang mag-picture! I could post these on my IG! Sanay siguro ang isang ito na makipag-date kaya ganito?
“Edi tara do'n.” Itinuro niya 'yong malaking ferris wheel.
Lumunok ako habang nakatingala at nakahawak sa dibdib ko. My heart is already pounding by just looking how high it is.
“A-Ayoko nga, dito nalang ako."
“Masaya do'n sa taas, makikita mo ang buong park.”
“Ayoko nang makita!” pagtanggi ko ulit.
“Come on.” But he insisted.
"Idilat mo ang mata mo, tingnan mo ang ganda!" pang-uuto niya.
Naramdaman kong tumigil na ang pag-ikot nitong ferris wheel. Meaning... nasa tuktok na kami! I pinched his tigh noong sinubukan kong imulat ang isa kong mata. Malaming rito sa itaas at mas lalo pang lumalamig dahil sa kabang nararamdaman ko.
I'm really scared, lalo na kapag umuuga ng kaunti ito.
“Ang ganda talaga,” sabi niya at itinapat sa mukha ko 'yong screen ng cellphone niya. “Ginawa kong wallpaper ang picture mo, maganda 'di ba?”
“Fuck you,” singhal ko.
Sunod-sunod ang mga sinakyan namin, pakiramdam ko nga bumaliktad na ang sikmura ko.
“I'm not riding on anything na!”
“Last na 'to,” he laughed.
Nanlalambot ang tuhod ko noong makababa kami sa extreme na roller coaster. Kung hindi siguro niya inaalalayan ang beywang ko'y baka humandusay na ako sa sahig.
“Ayoko na talaga!” hinihimas ko ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko.
“Hindi pa pala natin nasakyan lahat,” masiglang sabi niya na nakapagpabuga sa akin ng tubig na iniinom ko mula sa bottled water.
“Are you trying to kill me?” nanghihinang tanong ko.
“Hindi ah, sinusubukan kong mapasakin ka.”
Nangunot ang noo ko dahil sa pagbanat niya ng mga katagang iyon. Seriously, what the fuck happened to this guy? Something is up. I can feel it, hindi ko lang alam kung ano iyon.
“Hey, alam kong gwapo ako pero tama na kakatitig.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top