Chapter 18
Sa bahay kami nila Mark dumiretso, wala akong ideya sa mga nangyayari ngayon pero ang alam ko lang ay gusto ko pa siyang makasama ng mas matagal. Pinaupo niya muna ako dito sa sofa at iniipit sa likod ng tainga ko ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko, pinahid niya na rin ang mga luha ko at muli akong hinalikan sa noo.
“Sandali lang, ikukuha kita ng tubig.” Lumakad na siya papunta sa kusina at sinundan ko nalang siya ng tingin.
“Bakit nandito ka?” napalingon ako kay Nathan, kagagaling lang niya sa taas at nakapangbahay pa. Anong ginagawa niya rito?
"Ano–"
"Lady, mauna ka na sa kwarto." Bigla namang nagsalita si Mark, may hawak siyang isang baso ng tubig habang matalim ang tingin kay Nathan.
"Anong ginagawa niya rito?" tanong ni Nathan kay Mark.
“Bisita ko siya kaya wala kang pakilam, Nathan.” Mark smirked, mukhang naasar naman si Nathan doon. Parang kaunti nalang ay magsisimula na silang magsuntukan sa harapan ko.
I faked my cough to break the tension between these two. “Mark, tara na. Sabay nalang tayong umakyat.”
Nang marating namin ang kuwarto niya ay ni-lock kaagad ni Mark iyon at nabot niya sa akin 'yong baso ng tubig.
“Anong gingawa ni Nathan sa bahay niyo?” tanong ko matapos uminom.
Tahimik lang siyang nag-alis ng uniporme habang magkasalubong ang kilay niya at umigting ang mga panga.
“Hey, Mark!” pagkuha ko sa atensyon niya.
“Inampon siya ng tatay ko.”
“Talaga? Bakit?”
“Hindi ko alam. Puwede bang magpahinga nalang muna tayo?” Hindi na niya ako binalingan ng tingin.
Parang mayroon siyang malalim na iniisip, it seems like there's something wrong. Tumango nalang ako at pinagmasdan siyang pumasok sa banyo, dahan-dahan akong umupo sa kama at tumitig na lang sa pinto kung saan siya pumasok.
Magkatabi ulit kaming natulog sa kama niya and I felt super safe. He sang a song for me and played with my hair until I fell asleep. Ang sarap talaga sa pakiramdam sa tuwing ginagawa niya 'yon.
Nauna akong nagising kay Mark, nang magmulat ako ng mata ay bumungad agad sa akin ang napakagwapo niyang mukha na mahimbing na natutulog. Pinagmasdan ko ang kilay niya na tama lang ang kapal, pababa sa pilik mata niyang nakakainggit dahil sa natural na kulot at haba no'n. I also adored his beautiful pointed nose, soft-looking rosy lips and that sharp jaw that he would clench whenever he's thinking or is mad about something.
Pagkatapos noon ay hinalikan ko siya sa pisngi at dahan-dahang umalis sa tabi niya para hindi ko siya maistorbo sa pagtulog. Lumabas ako sa kuwarto at maingat na naglakad papunta sa may hagdanan, at doon ko nakasalubong si Nathan na kalalabas lang rin sa sarili niyang bedroom.
“Mira,” tawag niya.
Lumingon ako sa kaniya at ngumiti lang ng maikli, pagkatapos noon ay bumaba na agad ako sa hagdan. Naramdaman ko rin naman na sumunod niya sa akin and it felt kind of awkward.
Dumuretdo ako sa kusina at napagpasyahan ko nalang na magbake ng cookies para sa boyfriend ko, may mga ingredients naman kasi dito at madali lang naman.
"Anong ginagawa mo diyan?" Pumasok si Nathaniel sa kusina.
"I'm just going to bake some cookies."
"Masarap ba yan?"
Bahagyang napahilig ang ulo ko at nagsalubong ang aking mga kilay. Hindi kasi ako sanay na makipag-usap ng ganito sa mga ex ko, 'yon bang parang acquaintance lang?
I cleared my throat, "S-Syempre naman."
Then I heared his chuckle na bahagyang nakapag-patindig ng balahibo ko. Kinabahan rin ako pinapanood niya ako habang naghahalo ako ng ingredients, hindi ako sanay na may audience ako! Lalo pa't si Nathan ito na ex ko.
Umupo siya doon sa stool sa may kitchen counter at nangalumbaba pa habang patuloy sa panonood niya.
“Wala ka bang ibang gagawin?” tanong ko sa kaniya.
“Meron,” agaran naman niyang sagot.
“Edi gawin–“
“Pero mas gusto kong panoorin 'to.” Nathan smirked.
Nag-iwas ako ng tingin at medyo padabog na inilagay sa lababo 'yong mga ginamit ko. Inilagay ko na rin sa oven 'yong dough at kumuha ng tubig sa ref para uminom. Pero hindi pa rin talaga naalis itong si Nathan.
After a few minutes, tumunog na 'yong timer sa oven kaya naman bibuksan ko na iyon. Lumapit si Nathan at balak niya pa 'ata akong tulungan, nataranta tuloy ako at napaso sa braso.
“Ouch!”
“Ayos ka lang, Mira?” Lumuhod siya sa tabi ko and he checked my arm.
“It hurts!” sabi ko pa.
“Ano ba kasing nangyari?”
“Miracle?” Natigilan ako dahil narinig ko ang boses ni Mark, pati ang mga yapak ng paa niya.
Nasa harap na siya ng counter, habang kami naman ni Nathan ay magkasama rito sa kabilang side, na parang nagtatago. Tumayo ako at sumunod naman si Nathan.
At tama nga ang kutob ko na naroon na si Mark. Magkasalubong ang kilay niya at naglipat ang mga tingin niya sa aming dalawa ni Nathan.
“M-Mark...” hindi ko alam kung bakit hindi ako makapag-salita ng tuwid. Napatingin ako sa mga kamao ni Mark, parang may hawak siyang maliit na box doon pero itinago na niya kaagad 'yon sa loob ng bulsa ng shorts niya.
“Aakyat lang ulit ako,” aniya at tinalikuran kami.
Ilang segundo akong natulala bago siya sundan, tinatawag ko pa siya habang naglalakad kami sa hagdan pero parang wala siyang naririnig. Hanggang sa makarating kami sa kwarto niya'y hindi pa rin niya ako pinansin, inilagay niya sa isang drawer sa loob ng closet niya 'yung box na nakita kong hawak niya tapos sinara kaagad 'yon.
“Mark, I baked some cookies–”
Nagulat ako nang lumingon siya sa akin at ngumiti, “Sige, titikman ko mamaya.”
Akala ko ba'y nagalit siya?
“You're not mad?”
“Bakit naman ako magagalit?”
“Kasi you saw me with Nathan,” halos pabulong na sabi ko.
“Huwag kang mag-alala, hindi ako galit.” Napatingin siya sa braso kong napaso kanina.
“Masakit?” he asked.
I nodded, pagkatapos non ay hinila niya ako sa banyo. Binuksan niya 'yong tap water sa malamig at itinapat doon ang napaso kong kamay. He even used a damp towel to help me ease the pain, may kinuha rin siya sa cabinet doon na lotion. He dried my arm then he applied some lotion into it.
“Mag-iingat ka kasi sa susunod.” Medyo pagalit na sabi niya at nagtuloy sa sermon. “Tingnan mo kitang-kita tuloy sa balat mo 'yang paso mo. May mitten naman do'n, bakit napaso ka pa rin? Ano ba kasi ang ginagawa mo?
Napangiti ako sa inaasta niya, he acts really concerned. Nakakataba ng puso na pahalagahan ng ganito.
“Thank you,” saad ko.
“Ano?”
“Thank you for taking care of me.”
He just smiled then pinched my cheeks. Pagkatapos noon ay sabay na kaming bumaba papunta sa kusina. He was holding my waist habang ako naman ay nakahawak sa gabay ng hagdan.
“Good morning.”
Natigilan kami dahil sa biglang pagbati ni Clarisse, nandoon siya sa may sala. She's wearing a peach dress that compliments her skin complexion.
“Clarisse, ba't ka nandito?” Mark asked, bumitaw na rin siya sa beywang ko.
“I'm just visiting you, my boy, best friend.” Hinawi pa niya ang buhok niya at mapang-akit na tumitig kay Mark. Natahimik naman itong isa at napansin ko ang paglunok na ginawa niya.
Maybe he really like this girl, hindi lang niya maamin sa sarili niya dahil nandito ako ngayon sa tabi niya.
This thought hurts me.
“Do you want me to leave you two?” I asked after I cleared ny throat.
Nagbaling silang dalawa ng tingin sa akin, tapos si Mark naman ay biglang hinawakan ulit ang beywang ko.
“Dito ka lang.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top