Chapter 15
Napatitig na lang ako sa kaniya habang nakaawang ang bibig. I felt a shiver down my spine. Parang pinaghalo iyong kaba at gulat sa katawan ko. Kung hindi siguro biglang may nagsalita sa likuran ay hindi pa mababalik sa reyalidad ang isip ko.
"Mark, bakit napaaga ka yata ng uwi?" tanong noong lalaki na mukhang nasa late forties na ang edad. Malamang ito ang ama niya because they have some similarities on their appearance.
Tumikhim siya bago sumagot, "Mahabang kwento."
"Gano'n ba? Hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo?"
Ngumiti ito sa akin kaya ganoon rin ako, si Mark naman ay nanatiling naka-frown.
"Girlfriend ko siya."
"Nice to meet you hija. I'm Danilo Chu Reyes, VP of G&M Motors.”
“Chrishelle Alvarez–“
“Ihahatid ko na siya sa kanila,” Mark held my wrist and pulled me closer to him.
“Mag meryenda muna kayo."
“Hindi na,” tanggi kaagad niya.
“Ah— sige po Mr. Reyes, it's nice meeting you."
“Tito nalang, hija.”
Lalo akong napangiti dahil sa sinabi niya. Kulang nalang nga siguro ay mapunit itong mga pisngi ko. Mabait naman pala ang Daddy ni Mark, akala ko naman sobrang nakakatakot nito.
“Tayo na, Miracle.” Hinila niya ako palayo kay Tito, hindi na tuloy ako naka wave sa kaniya para magpaalam.
Nanahimik ulit ako noong kami nalang ni Mark ang magkasama. Masyado kasi akong nasaktan doon sa mga pinagtatanong niya at tsaka parang ang bastos kasi kausap ko pa 'yong tatay niya'y hinila niya na ako.
Nang tuluyan niya na akong maihatid sa bahay namin ay humingi ulit siya ng patawad at hinalikan ako sa noo bago umalis. Hindi pa rin ako nagsalita noon, tumango nalang ako at ngumiti.
I curled up like a ball in our sofa while watching netflix in our living room. Timatamad pa kasi akong umakyat sa kuwarto dahil alam kong magmumuni-muni lang ako doon.
Narinig ko ang malambing at magaan na boses ni Mama, “I heard you're suspended.”
“Yeah.”
“Chrishelle Miracle Alvarez, hindi mabuti sa iyo ang pakikipag-away.”
Itinutok ko ang tainga at mga mata ko sa pinapanood kaysa sa sermon niya. I'm sure kasi na hindi siya titigil hanggang mamaya.
“Is it because of Mark kaya ka nagkakaganiyan?”
Tumingin kaagad ako sa kaniya, “Of course not, Mama.”
Mukhang hindi siya kumbinsido doon, her left brow twitched. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. “Wala akong pakialam kung sino pang i-date mo, basta alam kong hindi ka niya ipapahamak. Kaya kung–“
“Mama, hindi ako ipapahamak ni Mark. He is a great guy.”
Umismid si Mama at nakita ko ang pasimple niyang pag-irap, “Siguraduhin niya lang anak.”
Ano pa kayang magiging reaksyon ni Mama kapag nalaman niyang sumama ako kay Mark sa amusement park at pinasakay pa ako nito sa roller coaster? Muntik na akong mamatay no'n.
“Akyat na ako, Ma.”
Hindi ko na tinapos ang panonood, pumanhik na lang ako sa kuwarto. Kumportable naman ang kama ko rito pero pahirapan pa rin ang makatulog.
Hindi ako dinadalaw ng antok, 'di rin kasi mapanatag ang loob ko dahil sa nangyari. Paano nga kung nagsawa na talaga si Mark na intindihin ang ugali ko?
Paano kung gaya ng ginawa ni Daddy kay Mama ay iwan rin ako ni Mark because of my attitude? Everyone says na I got this attitude from my Mama, pero hindi ko naman nakikita 'yon.
I don't think I'm bossy or frank, isa pa'y hindi naman mahilig sa gulo o eskandalo ang Mama ko. Noong iniwan nga raw kami ni ng ama ko para sa ibang pamilya ay she kept quiet kahit maraming gustong kumuha ng pahayag niya.
Maraming bachelors ang nag-aagawan na kaniya, pero napunta lang siya sa isang walang kwentang lalaki na manloloko. Sa ama ko.
Now, I'm fucking ashamed kung bakit apilyedo pa nito ang gamit ko.
Dumapa ako at hinayaan ang mga luha na tumulo mula sa mga mata ko kasabay ng impit na paghikbi. Alone in this dark, cold room. Walang nakakapansin pero... I feel emotionally drained.
Maaga akong nagising pero tanghali na akong bumangon dahil suspended naman ako sa school. Nag-ayos ako ng sarili dahil balak kong pumunta nalang sa mall para magpalipas ng oras. I wore a peach sweater dress and a white ankle boots.
“Si Manong Fred?”
“Ay! Ma'am, kasama si Rosa. Namamalengke. Kaalis lang nila,” sagot ni Marie.
Napairap nalang ako at inilabas ang phone ko. I'm just gonna call a cab nalang, may sim card na rin naman ako. Pinabili ko ito kanina kay Ate Rosa.
“Sige, I'll be going.”
Lumabas na ako sa bahay at tumayo sa harapan ng gate namin habang hawak ang phone ko. Ready na sana akong magbook ng cab nang biglang tumigil sa harapan ko ang sasakyan ni Mark Dan Reyes.
“Saan ka pupunta?” tanong niya matapos na bumaba doon.
I rolled my eyes and still chose to not speak to him. Itinuon ko ulit ang atensiyon ko sa aking cellphone at kunwaring may ginagawa doon.
“Galit ka pa rin?”
“I'm not galit.”
Pinatinis niya ng sadya 'yong boses niya, “Bakit you're not talking to me kung you're not galit?”
“Are you mocking me?” tinaasan ko siya ng kilay.
“I'm just asking lang kaya.” Lumapit siya sa akin at pinisil na naman ang pisngi ko.
“Not fucking funny.” Sinapak ko ang nguso niya bago pa man iyon lumapat sa akin. “No, you're not getting a kiss from me, dumb ass.”
He chuckled then snaked his arms around my waist, “Why so serious my lady?”
“Stop pissing me off.”
“Look, pasensiya na talaga kung may nasabi man ako o nagawa para mainis ka sa akin ng ganiyan.”
Binuksan niya 'yong pinto ng kotse niya para sa akin. Napalunok ako at inilagay ko sa shoulder bag ko 'yung phone ko at pumasok sa sasakyan niya.
I wanted to slap myself for being so marupok.
“So, saan ka nga pupunta?” pangungulit niya muli.
Inilubog ko ang sarili ko sa upuan at nag crossed arms. “I don't really know, gusto ko lang magpalipas ng oras kasi naman I'm suspended! Wala akong magawa sa bahay.”
Tumawa siya, “Alam ko na, sigurado akong mag-eenjoy ka sa pagdadalhan ko sa'yo.”
“Saan mo na naman ako dadalhin?” I groaned.
Sana naman hindi na masyadong physical ang gagawin naming activity ngayon. Baka kasi mamaya'y matuluyan na talaga ako.
“Surprise nalang ulit.” Nakangisi siya at expertong pinaaandar itong kotse niya.
Halos umikot na ang mata ko papunta sa likod ng bungo ko dahil sa paulit-ulit na pag-irap. Dinala niya ako sa isang skate park.
Akala ko ba ako ang mag-eenjoy?
Eh siya itong hindi maawat sa pagyayabang niya ng tricks! Pumapalakpak pa 'yong iba lalo na kapag nagla-land siya mula sa ramp pagkatapos i-flip sa ere 'yung skate board.
Mark was skating sa railings ng hagdan na may kataasan. Wala man lang siyang suot na helmet o kung ano mang protective gear! Kapag ito talaga napahamak dahil sa kayabangan niya, nako.
“Fuck! Shit!” Napatili ako at kaagad na lumapit sa kaniya.
Mark failed to land perfectly and he fell to the ground! Wala namang pakialam 'yong ibang skaters! Akala mo'y walang naaksidente sa harapan nila! Seriously?!
Ang bilis ng tibok ng puso ko nang lumapit ako sa kaniya, pagkatapos ay naluluha pa itong mga mata ko kasabay ng panginginig ng mga kamay. Nang hawakan ko ang mukha niya ay dumaing pa siya, “Nahulog ako...“
“Should I call an ambulance? Don't close your eyes, baby!” natatarantang sabi ko at inilabas ang phone ko.
Natigilan ako lang ako nang bigla siyang tumawa at bumangon mula sa sahig,
“Nahulog ako sa'yo.”
Hinampas ko siya then I massaged my chest to relieve the slight tightness that I felt, “Fuck you! Akala ko talaga na injure ka!”
“Sa tagal ko ng nag-i-skate, syempre natuto na akong mahulog ng tama para hindi masaktan.” Tinulungan niya akong tumayo.
“Huwag mo ng uulitin 'yon, aatakihin ako sa puso sa'yo e!”
He laughed then pinched my cheeks like what he always do, “Uy, nag-aalala siya.”
“Syempre, girlfriend mo ako,” bulong ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top