Chapter 14
Napatingin siya sa direksyon ko matapos siyang halikan noong babaeng estudyante sa pisngi. I smirked at him then mouthed 'gago ka', kinabig niya sa gilid 'yong babae noong humakbang ako palapit sa kanila.
“Miracle–“
Ihinahigis ko sa pagmumukha niya 'yong bag ko na puno ng makapal na libro, dahil doon ay napaatras siya at tumama pa ang likod niya sa hamba ng pintuan. Nagtilian 'yong ibang mga nakakita noon.
To the rescue naman itong bata at itinulak ako, napahiga ako sa sahig dahil do'n. Pero hindi ako nagpatalo at hinila ko ang paa nito para matumba rin siya. Narinig kong umaawat si Mark sa amin but my goal is to get even with this girl.
Dadaganan ko na sana siya para sabunutan pero ikinulong ako ni Mark sa mga bisig niya. “Crishelle, ano ba?!”
“Bitawan mo ako, 'di pa ako nakakaganti!” Nagpumiglas ako sa yakap niya, kinalmot-kalmot ko pa nga 'yong mga braso niya pero masyado siyang mas malakas kumpara sa akin.
“Lumayo ka na! Go!” utos niya do'n sa babae, tumayo naman kaagad iyon at tumakbo nga palayo sa amin. Tsaka niya lang ako binitawan.
Dahil sa galit ko at dinampot ko ulit ang bag ko at inihampas 'yon sa kaniya. I heared the murmuring of the students na nakakawitness sa amin.
“Chrishelle tama na! Nakakahiya ka!” Pilit siyang umiilag sa akin at sinusubukang hulihin ang kamay ko.
“Ikaw ang nakakahiya! You fucking cheater!” I screamed.
“Ano bang sinasabi mo diyan?!”
“Huling-huli ko na kayo! She fucking kissed you!”
“Chrishelle Miracle, that was a fan!”
Natigilan ako sa ginawa niyang pagsigaw, tsaka lang ako natauhan sa mga pinaggagawa ko. Natulala ako at napalunok. I saw the judging look of every students here.
Ang tanga ko.
“Sorry nasigawan kita, ayos ka lang ba?” Hinila niya ako palapit sa kaniya at inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga.
“Pumunta na kayo sa mga sari-sarili niyong klase!” Biglang nagsalita 'yong Guidance councelor na si Ms. Paige. “At kayo, sumunod kayong dalawa sa akin sa guidance office.”
“Opo,” sagot ni Mark at pinagpupulot 'yong mga libro at notebook ko na naglalagan na sa sahig.
Isinakbit ni Mark sa balikat niya 'yong bag ko at pinagsiklop nga ang mga kamay namin.
“Huwag ka nang magalit,” aniya pa.
Lalong napuno ng konsensiya ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. Dapat kasi ako ang humihingi ng pasensiya sa kaniya dahil ako naman talaga ang nagsimula ng gulo.
Ako naman kasi talaga ang sumugod sa kanila ng hindi nag-iisip.
“Ano na naman ba ito Ms. Alvarez? Pangatlong beses mo na nasangkot sa ganitong gulo, hindi ka naman ganiyan dati.”
Nanatili akong nakayuko dito sa upuan sa harap ng desk ng guidance councelor. Magkaharap ang upuan namin ni Mark at sinubukan niyang hawakan ang kamay ko upang pagaanin siguro ang loob ko.
“I'm sorry, Ms. Alvarez pero naka tatlong offense ka na kaya kailangan mo ng mapatawan ng disciplinary suspension.”
Napanganga ako at nag-angat ng tingin kay Mark at Ms. Paige, “N-No!”
Great, just great! I am suspended for three days tapos sa detention pa ako ngayong araw.
"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Mark.
"Oo, ikaw?"
Hinawakan ko ang pasa sa mukha niya at napahiyaw siya. "Aray."
"S-Sorry, ikaw kasi."
“Nasisi pa.” Umiling-iling siya at sinapo ang sarili niyang pasa sa ilalim ng labi.
"Para namang ginusto ko 'yun?" Inunahan lang naman kasi ako ng selos at pagka-paranoid ko kaya ko nagawa 'yon. Nagsisisi na naman talaga ako. Hindi ko na talaga uulitin 'tong ginawa ko. I'll try harder to control my emotions.
“I apologize.”
He chuckled then pinched my cheeks, “Oo na, apology accepted. Mamaya magalit ka na naman diyan."
“Hindi na, I promise.” Itinaas ko ang kanang kamay ko sa ere tanda ng pangangako. But imbes na seryosohin 'yon, he high-fived me.
“Uwi na tayo,” sabi ni Mark at binuhat ako ng parang sakong nakasabit sa balikat niya.
Hindi na ako pumalag at dinala niya na naman ako sa bahay nila. Kumuha ako ng ice cubes at ibinalot ito sa isang tela, kawawa kasi si Mark punong-puno ng pasa sa mukha. I know it's my fault, but still.
"Aw lady, dahan-dahan lang."
Dapat kasi talaga nag-iisip muna ako bago kumilos, ito tuloy ang nangyari sa kaniya. Baka ma-turn off na siya sa akin dahil dito sa ugali ko. “Pasensiya ka na talaga.”
Ngumiti siya, “Chrishelle, anong gagawin mo kapag naghiwalay tayo?"
Nabigla ako sa tanong niya kaya muntik ko ng mabitawan yung tela. "Ha? A-Ano?"
Ano nga ba ang gagawin ko kapag naghiwalay kaming dalawa?
"Iiyak ka ba?" tanong muli ni Mark, “Lilipat ka ng School?”
Pinagkatitigan ko ang mga mata niya at hinanap ang kung ano doon. "S-Syempre."
Bakit ba niya tinatanong ang mga ganitong bagay sa akin? Makikipag-hiwalay na ba siya sa akin? Nagsasawa na ba talaga siya kaagad sa ugali ko?
Tumaas ang dalawa niyang kilay habang naghihintay sa isasagot ko, "Syempre ano?"
"Syempre hindi."
Nag-iwas ako ng tingin at pumunta muli sa kitchen, kunwaring papalitan ko ang yelo. Pero ang totoo'y kumuha ako ng isang baso ng tubig, bigla kasing nanikip ang dibdib ko dahil sa mga tanongan niya.
Bakit ba siya ganiyan?
Bumalik ako sa sala at muling umupo sa sofa, sa tabi niya.
"Bakit hindi? Hindi mo ba ako mahal?" tanong niya ulit.
Mahal... "Sino bang may sabing mahal kita?" Pilit akong ngumiti sa harapan niya.
"Hindi mo nga ako mahal? Kung gano'n bakit mo ako sinagot? Nakikipaglaro ka lang ba talaga sa akin?"
"Ewan ko ba,” I shrugged my shoulders, at nilapatan ng yelo ang mukha niya.
“Bakit hindi mo alam?” kunot-noong tanong ni Mark. Hinawakan niya 'yong pulso ko para pigilan ang ginagawa kong paglapat ng yelo sa mga pasa niya.
Hinuli niya ang mga titig ko. I licked my lips then avoided his gaze. “Nakakatakot kasi, Mark. Ilang beses na akong binigo ng mga kalahi mo.”
“Hindi naman kami pare-pareho.”
“'Yung tatay ko iniwan kami para sa ibang babae, tapos 'yong mga naging ex ko may nilalanding iba behind my back. Paulit-ulit kong ibinibigay 'yong tiwala ko kahit mahirap, pero paulit-ulit din nilang sinisira.”
Ilang beses na akong naloko... Hindi ko alam kung may nakapaskil bang karatula sa noo ko na "Sige, lokohin niyo lang ako."
Nakakasawa na.
Akala ng iba swerte ako kasi halos nasa akin na raw ang lahat. Kung totoo nga 'yon? Then why is no one taking me seriously?
I hissed, “Kaya masisisi mo ba ako kung ganoon nalang ang reaksyon ko sa tuwing nakikita kitang may kasamang iba?”
“Patawarin mo ako,” bulong niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top