Chapter 13

Naghihintay kaming pagbuksan ni Ate Rosa ng gate nitong bahay namin nang magkunwari akong naubo para makuha ang atensyon niya. Hindi kasi ako nakakuha ng tamang tiyempo noong kaninang nasa sasakyan pa kami.

      “Why me?” tanong ko, sa wakas.

He licked his lips then frowned at me, “Anong bakit ikaw?”

“Bakit ako ang napili mong... ligawan?” I paused a little. Kinakabahan rin kasi ako sa sarili kong tanong, natatakot ako sa mga posible niyang sagot.

 “Niligawan kita kasi gusto kita. Anong klaseng tanong ba 'yan, Miracle?”

Nang pagbuksan kami ni Ate Rosa ng gate ay pumasok na kaagad ako sa loob ng bahay, dala na rin siguro ng nerbiyos. I'm fucking nervous and afraid to get slapped by the truth.

   “Sa tingin ko kasi mas gusto mo naman si Clarisse kaysa sa 'kin,” diretsang sabi ko.

“Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kaibigan lang ang tingin ko doon?” may halong inis naman na sagot ni Mark.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kulay beige na sofa nang marating ko iyon. Pagkatapos ay umirap ako sa hangin at humalukipkip. Para akong batang nag-iinarte, and I hate why I'm acting like this. Ngayon ko lang naramdaman ang lahat 'to.

Siya lang rin ang may kakayahan na magparamdam sa akin noong kakaibang saya. Ayoko naman na mawala 'yon na parang bula. I've been craving this attention that he's giving, I've been craving for this kind of care for so long.

  Ipinatong niya 'yong box ng brownies sa coffee table at tumabi siya sa akin. He continued explaining pero nag-iiwas  pa rin ako ng tingin, pinagmasdan ko nalang ang mga wall decors namin.

    “Hindi kita liligawan kung hindi naman ikaw ang gusto ko.”

Nilingon ko na siya't pinaningkitan ng mata, “Eh ano 'yung sinasabi ni Nathan na itigil mo na? May nabanggit rin siya sa brotherhood niyo na SZZ!”

I needed an assurance.

   “That,” hindi agad siya nakasagot ng tuwid.

   I fucking knew it! “What?!”

Kaya pala biglang nagbago ang ihip ng hangin dahil pinaglalaruan niya talaga ako! Noong una kasi, naiinis siya sa akin tapos bigla na lang niya akong niligawan.

“Gago ka! How dare you play with my feelings?!” Sinampal ko siya at pinalo sa dibdib nang paulit-ulit para naman kahit papaano ay maramdaman niya itong sakit ng sa akin.

I feel betrayed! Minsan na nga lang ako magtiwala sa ibang tao, pagkatapos ganito pa ang kalalabasan. How dare he do this to me?

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko nang mahigpit, “Hindi kita pinaglalaruan, Miracle.”

   “Eh anong meaning noong sinabi ni Nathan, ha?” I argued.

“Tungkol 'yon sa banda, gusto nila akong tanggalin.”

Unti-unting nawawala ang bigat na nararamdaman ko habang pinakikinggan siya. Mukhang napansin niya 'yon kaya binitawan niya na rin ang kapit niya.

“B-Bakit ka nila gustong tanggalin?”

  “Kasi maraming fans ang nagalit noong maging girlfriend kita.”

Napalunok ako at nag-kunot nang noo. “May mga nagiging girlfriend ka na naman talaga ah? Anong kaibahan ko?”

  “Miracle, marami nga akong naging girlfriend pero ikaw lang ang ipinakilala ko sa stage. Kung tutuusin nga, hindi pa tayo noon nang ginawa ko 'yon.” Nag-iwas siya ng tingin at sumandal sa sofa.

Pagkatapos binasa niya ang mga labi niya at hinilot ang kaniyang sentido. “Gusto ng SZZ at ni Nathan na itigil ko na ang pakikipagrelasyon sa'yo, syempre ayaw ko namang gawin 'yon.”

      “Ano?” That's unfair!

Ikaw, gusto mo bang itigil 'to?” balik na tanong niya.

Awtomatiko akong napailing, “A-Ayoko.”

Bago pa lang itong relasyon namin para ma-attached ako sa kaniya ng ganito pero kasi, Mark was the first man to be brave enough na intindihin ako.

“S-So, mas pinipili mo ako kaysa sa pagiging miyembro ng band nyo?”

   “Pinag-uusapan pa naman nila kung talagang aalisin na ako, pero para sagutin 'yang tanong mo. Oo, mas pipiliin kita kaysa sa banda.” He grinned.

   He's really willing to give it up just to be with me?

Parang may kumurot sa puso ko and then I feel my eyes well up. Pakiramdam ko espesyal ako, pakiramdam ko ang swerte ko. Ah basta! No amount of words could ever describe the pure happiness I am feeling right now.

    “Thank you, Mark.”

“I love you,” aniya.

Pagkatapos noon ay umuwi na rin naman kaagad siya. But kahit wala na siya'y parang lumilipad pa rin ako sa langit dahil sa kilig. Ganito pala ang pakiramdam kapag napunta ka sa taong kaya kang intindihin?

Mark's a year older than me pero he understands me, he acts really mature. He knows kapag nagtatampo ako o nagagalit ako, he knows how to admit his mistakes– he knows how to make my heart flutter.

   “Baby, too much sweet is bad for you.”

Natigil ako sa pagsubo ng brownies na iniwan ni Mark dahil biglang nagsalita si Mama. Kadarating lang niya and she's clutching her expensive bag on her right shoulder. Mama was in her usual outfit, a black coat and a formal dress underneath.

Tumayo ako at nagbeso sa kaniya, “Good evening, Mama.”

Matipid siyang ngumiti at tumitig sa coffee table kung nasaan ang kahon nitong kinakain ko. “Stop eating that.”

    “Minsan lang naman, Mama.”

“It's bad for your heart. Hindi naman kita pagbabawalan kung puwede 'di ba? Huwag ka nang makulit, anak.”

Tumango ako at ibinalik 'yong isang hawak ko doon sa kahon, “Ibibigay ko nalang 'to kay Ate Rosa.”

Tumango siya at sinundan nalang ako ng tingin habang papunta sa kusina kung nasaan ang maid namin.

   “Ate, sa'yo nalang 'to,” labag sa loob na sabi ko at ipinatong 'yon sa kitchen counter.

“Ha, Bakit? Hindi ba masarap?” lumapit kaagad siya doon and she took a bite. “Masarap naman ah?”

   “Yeah, it's masarap but bawal siya for me.” I bit my lips because my heart feels heavy.

“Oo nga pala, sige! Kakainin nalang namin ni Marie doon sa kwarto para hindi masayang.”

Napanguso ako dahil sa inggit at guilt. Ibinigay pa naman para sa akin ni Mark iyon pero sa iba ko ipapakain, ano nalang ang iisipin niya? Na hindi ko pinahahalagahan ang efforts niya?

Paborito ko pa man din ang sweets, too bad can't I enjoy the things that I love because I have a weak heart.

I have a congenital heart disease. Alam 'yon ng mga tao dito sa bahay at ni Sabrina, pero hindi ko sinasabi iyon sa iba dahil gusto ko rin naman mamuhay ng normal. 'Yong iingatan nila ako bilang tao, 'di iyong iingatan nila ako dahil may sakit ako.

'Yong pagsama ko noon kay Mark sa theme park? Maari ko sanang ikapahamak 'yon. I felt my heart almost burst every ride na sinakyan namin pero inisip ko nalang na kung huling araw ko na iyon ay atleast masaya ako. I know that was stupid of me to think, pero ayoko kasi na masira ang araw na iyon.

That day was so perfect because I felt free.

Kinabukasan ay masigla akong pumasok sa eskwelahan. It's because I am so excited to see him again, I miss his voice na kaagad kahit ilang oras pa lang naman ang lumilipas.

Huminga ako ng malalim habang pasimpleng hinahaplos ang dibdib ko, may kaunting kirot lang naman kasi akong nararamdaman but it's bearable. Luminga-linga ako sakaling makita ko siya agad, para hindi na ako pumupunta sa studio.

    And there he was!

Nandoon siya sa may pinto ng isang classroom at may kausap siyang babaeng estudyante, sa tantya ko ay edad fifteen or sixteen dahil sa kaniyang height.

I clenched my teeth while watching these two flirt with each other. A smile was plastered on Mark's face at 'yong babae ay pinagmamasdan siya with a twinkle in her eyes! Pagkatapos– hinalikan pa siya nito sa pisngi!

What the actual fuck?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top