Chapter 12
I groaned because I can't fucking sleep. Ilang beses na yata akong dumapa, tumagilid at tumihaya dito sa kama pero hindi pa rin ako makahanap ng kumportableng puwesto para makatulog.
“Ang likot mo,” he said with his raspy voice then yawned.
“Sorry, I can't sleep kasi.”
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mark at ang paglapit niya sa akin ng kaunti.
“Dito ka sa tabi ko,” he instructed.
Sinunod ko naman siya at umusog rin papunta sa gitna, inunan ko ang braso niya at naramdaman kong sinuklay niya ang buhok ko gamit ang mga kamay niya. He hummed a song and pulled me closer. I actually felt comfortable when he did that.
I yawned and embraced him too. “Can you please sing the words for me?”
He started singing quietly while caressing my hair. “So you leave tommorow, just sleep the night. I promise I will make things right.”
I felt the familliar chill down my spine as I gently close my eyes while listening to his beautiful voice. Hinding-hindi na yata talaga ako magsasawa na pakinggan 'to.
“Stay here and lay here, right in my arms.”
Unti-unti na akong dinadalaw ng antok habang kinakantahan niya ako. Sigurado na akong magiging maganda na ang araw ko bukas. I mean, kasi gigising ako na siya ang una kong makikita. That would be so great.
“Just act like you love me, so I can go on.”
Noong mag umaga na ay nagising akong nakaunan pa rin ang ulo ko sa mga braso niya. Mahimbing na natutulog si Mark and he looked so angelic.
Bahagya akong lumayo at pinagmasdan ang maamo niyang mukha. I traced the bridge of his nose then his thick eyebrows, I stopped when he slightly opened his eyes.
“Good morning, Lady.”
Napatitig lang ako sa linya sa gilid ng mga labi niya noong ngumiti siya sa'kin. Even that little things looks so attractive on him.
Hinalikan niya ako sa noo bago siya bumangon at nag-inat. “Ang sakit ng braso ko.”
“Sorry.”
“Ayos lang, nakatulog ka ba ng maayos?” Dumiretso siya sa banyo pagkatapos sabihin iyon.
“I actually feel really great, pati nga paggising ko ay maganda rin.”
Sumulip siya sa may pinto ng c.r habang may toothbrush sa bibig. “Same.”
Pagkatapos niyang maligo ay sumunod na rin ako, I used his mouth wash and body wash tapos isinuot ko nalang 'yong uniform na ginamit ko kahapon.
Pagbaba ko ay itinuro ni Manang Belen kung nasaan 'yong dining area at kusina. Nagpasalamat naman ako at pumunta kaagad doon. Tumayo ako sa tabi ni Mark at pinanood ang kaniyang ginagawa.
Mark was humming while he was cooking some eggs ang bacon, he was wearing a black longsleeves tshirt and his hair was down.
“You cook ba palagi?”
Lumingon siya sa akin at ngumisi, “Ngayon lang kasi nandito ka. Gusto kitang pagsilbihan, binibini ko.”
“Fu– nny!” Fuck, I've almost cuss infront of him.
“Sayang naman.” Iiling-iling siya at kumindat pa sa akin.
Inihanda niya 'yong niluto niya sa harapan ko tapos nilagyan niya ng maraming fried rice 'yong plato ko. Pinigilan ko naman siya pero tuloy pa ron ito. Durog-durog 'yung niluto niya pero hindi ako nagreklamo kasi sabi nga niya ay ngayon lang siya nagluto.
“I'm on a diet!”
“Diet? Ang payat-payat mo na nga.”
“Whatever, you don't get it.”
Kinuha niya sa kamay ko 'yong ponytail ko na black at siya na mismo ang nagpuyod ng buhok ko. He is treating me like a fucking child and I'm not used to this.
Somehow, I'm liking it.
“Thank you.” I said after he poured some milk on my glass. Umupo siya sa tabi ko, he prayed, tapos nagsimula na kaming kumain.
“Nasaan nga pala ang parents mo?” I asked.
Lumunok muna siya at uminom ng tubig bago sumagot, “Nasa business trip si Dad, tapos 'yong nanay ko patay na.”
“Oh, I'm sorry.”
“Wala 'yon, hindi ko na rin naman naabutang buhay si mommy.”
So his mother died while he's still a baby? That must be hard for him to accept, ako nga na iniwan lang ni Daddy para sa iba. “Pareho pala tayong lumaki sa hindi buong pamilya.”
“At least ikaw, mahal ka ng Mama mo.”
I heard bitternes in his tone. “Sigurado naman akong mahal ka rin ng Dad mo. Do you have any siblings?”
“Walang pakialam sa'kin 'yon, oras nga para sa akin wala siya.”
Kung ganoon hindi ba maganda ang relasyon nila ng father niya? Napakalungkot naman pala ng buhay niya. He's having all that attention from his fans and our schoolmates, samantalang sariling ama niya'y walang time sa kaniya.
“Ako, I care for you.”
“Salamat.” His smile did not look convincing to me.
Sabay ulit kaming pumasok sa school at hinatid niya ako sa classroom. Nagkasalubong sila ni Clarisse pero himalang hindi nagpansinan 'yong dalawa, para silang hindi magkakakilala.
Pati ako'y hindi na rin pinapansin ni Clarisse. She didn't join us noong lunch, tinatanong naman ni Sam si Margaux kung anong nangyari sa pinsan niya pero hindi rin daw niya alam.
Nagpaalam muna akong magbabanyo, sumama naman sa akin si Lovie. Habang naglalakad kami papunta sa comfort room ay siniko niya ako.
“I know kung nasaan si Clarisse.”
“Nasaan?” Tanong ko kahit wala naman talaga akong pakialam. Paki ko ba kung anong ginagawa niya ngayon? I'm fine as long as hindi sila magkasama ni Mark.
“She's with Sabrina and mukhang friends na sila.”
Tinaasan ko siya ng kilay, “Really?”
“Yeah.”
So magkasama na pala sila ngayon. Ano 'to? Samahan ng mga taong galit sa akin dahil kay Mark? I wonder who's going to be the running president of that club.
“Baka galit na rin si Clarisse sa akin,” sabi ko.
“Ano ba kasi talagang namamagitan kay Mark and Clarisse?” Pabulong na tanong ni Lovie sa akin upang walang iba na makarinig noon.
“I don't know too. Ang sabi lang ni Mark sa akin ay magkaibigan sila.” Nagkibit balikat ako.
“But we both saw his reaction at the infirmary, alalang-alala siya noon. And come to think of it? Dalawang araw na kayong mag-on noon ni Mark nang araw na 'yon. Baka nalaman 'yon ni Clarisse kaya siya nagkagano'n.” Makahulugang sabi ni Lovie.
May point siya. Una palang naman kasi ay naramdaman ko na sa presensiya ni Clarisse na may hidden desire pa rin siya para kay Mark.
“Baka siya na-stress kasi nalaman niyang kayo na ni Mark, maybe she likes him that much.”
“I don't know, pero iniisip ko rin 'yan.”
Ikinuwento ko kay Lovie 'yong nangyari sa rooftop na pagsapak ni Mark kay Nathan. Pati 'yong pinag-uusapan nilang "thingy" na itigil na daw at kausapin nalang ang buong brotherhood.
“Sa tingin mo? Ano kaya 'yong pinapatigil ni Nathan kay Mark na konektado sa SZZ?”
“Hindi ko rin alam, kinakabahan na nga ako para sa 'yo! Diba alam naman natin na kilala sa panggagancho at kabulastugan 'yang brotherhood na iyan?”
Sandali rin ako nag-isip dahil sa sinabi ni Lovie. Posible nga kaya iyon? Pero ano namang koneksyon ko sa kanila? Anong mapapala ni Mark kung totoong ngang pinaglalaruan niya ako?
“Hay ewan, baka we're being paranoid lang.” Humalukipkip si Lovie at lumingon-lingon sa paligid.
Hanggang sa bumalik kami ay lumilipad pa rin ang utak ko. I confused and a little bit scared. Paano kung pinaglalaruan nga lang talaga ako ni Mark dahil sa isang dare na pakana ng brotherhood nila?
'Yung reaction niya noong nahimatay si Clarisse at 'yong galit niya noong makita niya kaming magkausap ni Nathan, it all interconnect.
“Oh my gosh, twelve lang ang nasagot ko sa twenty items na quiz ni Ms. Webb.” ani Sam na halos paluha na.
“Mabuti ka nga may nasagot pa!” sabi naman ni Lovie iyon.
Margaux got the highest score among us, she got 16 while I got 15. Quiz kasi namin 'yon sa Entrepreneurship and maraming enumeration. Ayoko ng ganun kasi hindi matalas ang memory ko.
“Miracle, kanina pa kita hinihintay.” Hinarang ako ni Mark, malaki ang ngiti niya at may hawak siyang kulay pulang kahon na hugis puso. Mukhang brownies ang laman noon.
“Why?”
“Ihahatid kita sa inyo, sasabihin ko na rin kay Tita na sa amin ka natulog kagabi.”
“Sa kanila ka natulog?” halos pasigaw na sabi ni Lovie.
I hushed her then smiled at Mark, “S-Sige.”
Well, maybe this is the right time to for me to ask?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top